DUMIRETSO SIYA sa area kung saan marami pang bakanteng mga table at malapit na sa dagat. Naupo siya sa harap ng isa sa mga mesa at nakasimangot na itinuon ang tingin sa mga along humahampas sa baybayin.
Mahigit limang minuto siyang nakaupo roon nang marinig ang tinig ni Cayson sa kaniyang likuran.
“What’s that drama all about, Rosenda Marie?” Nasa tinig nito ang inis. “You don’t just walk out on me like that?”
“You don’t disrespect me by saying you’re bringing your woman here,” sagot niya nang hindi man lang nag-aabalang lingunin ito.
 
“ANO ‘YAN?” Nahinto siya sa paghakbang palabas ng banyo nang makita kung ano ang inaayos ni Cayson sa loob ng silid nila. “An extra bed. The hotel has one so I asked for it.” Ibinalik niya ang tingin sa makapal na spring bed na inilatag nito sa carpet malapit sa pader, dalawang metro ang layo sa kama. May kung anong tinig siyang naririnig sa likod ng kaniyang tenga na tila bumubulong at nag-uutos na sabihin kay Cayson na kalimutan na ang tungkol sa extra bed at malaki naman ang kama para sa kanilang dalawa. “Naisip kong i-book na lang ang katabing silid pero fully booked na ang lahat ng kwarto sa
IN THE next few days, she and Cayson did their best to make each day worth.Sa umaga ay bababa sila sa hotel restaurant para kumain ng breakfast habang pinapanood ang mga surfer na maaga pa lang ay nasa baybayin na. Sa unang mga minuto’y pareho lang silang tahimik, hanggang sa ang isa sa kanila ay magbubukas ng topiko, at ang topiko na iyon ay mauuwi sa mahabang pag-uusap. They’d talk about casual stuff, like her family and her experience growing up. Nilaktawan na niya ang ibang detalye tulad na lang ng kung papaanong sinira nito ang kabataan niya, at kung papaanong ini-sisi niya rito ang lahat. She would also ask him about his life back in the US, and Cayson would tell her everything she wanted to know. T
NAGISING si Rome na sobrang masama ang pakiramdam. Tila hinahalukay ang sikmura niya at kay hapdi ng kaniyang lalamunan. Iminulat niya ang mga mata saka bumangon bago pa man siya magkalat doon sa kama. Hindi na niya nagawang magdahan-dahan sa kaniyang mga kilos. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang banyo, pabalya iyong inisara, binuksan ang cover ng toilet bowl, lumuhod sa harap niyon, saka niya pinakawalan ang masamang espiritong nagdadala ng sama ng pakiramdam sa buong sistema niya. She threw up; letting out of everything she had in her stomach. Sinuka niya ang lahat ng mga nakain niya simula marahil noong dumating sila sa Bali! &nbs
SHE ONLY ate two slices of mango, a piece of cheese bread, and a glass of orange juice that morning.She had no apetite, kahit pa kasama niyang kumain si Cayson. Wala siyang planong pilitin ang sariling kumain kung ganoong wala rin siyang gana. Pagkatapos ng almusal ay muli siyang nahiga sa kama at wala sa loob na pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan mula sa nakabukas na veranda. She and Cayson had big plans for the day, pero mukhang hindi mangyayari ang mga plano nila dahi
HAPON na nang magising si Rome, at sa paglingon niya ay wala na sa tabi si Cayson. Wala ito sa buong silid, at mukhang tinotoo nito ang sinabing lalabas. Oh well, hindi siya magre-reklamo. At least nagpaalam ito at at least ay pinagbigyan siya nito sa hiling niyang tabihan siya. Matapos siya nitong tabihan ay tila siya idinuyan sa langit at kaagad na nakatulog. Ang init na nagmula sa katawan nito ay tila nagbibigay kalma sa nag-aalburoto niyang sistema. Bumangon siyang magaan ang pakiramdam, nagpasalamat na wala na ang hilo at sakit sa sikmura. Nasayang ang isang araw niya nang dahil sa sama ng pakiramdam, now she only got two days left to stroll around Bali. Hiling niy
“WHAT the hell is going on? Bakit ayaw mo akong kausapin?” kalmado lang ang tinig ni Cayson subalit may diin. Nakasunod ito sa likuran niya; hinahabaan ang pasensya. Simula nang umalis sila sa beach ay hindi na siya muling nagsalita pa. Noong nasa taxi sila ay may sinasabi ito pero hindi siya nakikinig. Her mind was on another dimension—hinahanap niya ang kasagutan kung bakit ganoon ang naramdaman kanina sa beach. Kung bakit kay bigat ng loob niyang makita itong may kasama at kausap na ibang babae. Kung bakit pikon na pikon siya sa pakikipagharutan niya sa mga ito. Dati naman ay hindi siya ganoon—kaya parte pa rin kaya iyon ng paglilihi niya?
“Good morning, Cayson.” Ang mga mata ni Cayson ay awtomatikong dumapo sa maliit na mesa sa hotel room nila kung saan nakapatong ang Continental breakfast na ni-order niya sa hotel restaurant. Halos napuno ang mesa sa dami niyon, at hawak-hawak niya sa kamay ang pitcher ng fresh orange juice. She waited for him to wake up, and the moment he opened his eyes, she greeted him. Maaga siyang nagising para ayusin ang sarili at mag-order ng almusal. Bumaba pa siya para personal na puntahan ang restaurant para hindi niya ito magising. Ugh, she didn’t have a good night. Maya’t maya ay nagigising siya dahil hindi siya komportable sa higaan. Pakiramdam niya ay parang may kulang&
“HIMALA, hindi mo suot ang tracksuit mo ngayon,”puna ni Cayson matapos niyang magbihis sa powder room ng restaurant katapat ng beach kung saan sila madalas na pumupunta para sa surfing training nito. Nauna lang itong nagtungo sa dagat upang kumuha ng pwesto para sa kaniya, at sumunod siya matapos magbihis. She was wearing one of the bikini’s he bought the other day, pero dahil hindi siya sanay magsuot ng ganoon ay nagpatong siya ng malong na ini-tali niya sa bewang at hinayaang lumaylay hanggang sa kaniyang talampakan. She knew she didn’t look sexy with the way she attached the fabric around her body, but she didn’t care. Hindi siya sanay magpakita ng laman sa harap ng maraming tao kay mas mainam na ang ganoon. &nbs
DALAWANG BUWAN MAKALIPAS ay muling nagpakasal sina Rome at Cayson, but this time, it was held in the church. Natupad ang pangarap ni Rome na makasal sa simbahan at makapaglakad sa aisle. She was a happy bride, dahil naroon lahat sa simbahan ang mga mahal niya sa buhay, kabilang na ang lahat ng kaniyang mga kaibigan. Including Jiggy—na noo’y tanggap na tanggap na ng buong pamilya niya. Her parents realized that Jiggy was more than just a friend to her. She was like a family. Kaya naman simula nang magkita ang mga ito noong mga panahong nasa ospital siya ay hindi na naging iba ang pagturing ng kaniyang mga magulang rito. Lalo at maliban kay Cayson ay isa ito sa mga nagpuyat noon sa ospital upang bantayan siya. She had learned that she was unconscious for three days aft
“IPINALIWANAG KO NA sa buong pamilya ang tungkol kay Precilla, at nakahanda akong muling magpaliwanag sa harap mo ngayon. So, I need you to listen, okay?” Para siyang batang tumango. Handa siyang pakinggan ang lahat ng paliwanag nito at patawarin ito kahit hindi pa man ito humihingi ng patawad. Dahil bakit hindi? Hindi pa ba sapat ang pag-alalang nakita niya sa anyo nito? Ang pangingitim ng paligid ng mga mata nito, ang maputla nitong mukha? Hindi pa ba sapat na pinabayaan nito ang sarili para sa kaniya? At hindi pa ba sapat ang pangongompisal nito? Cayson just
HINDI MAINTINDIHAN NI ROME ANG NARARAMDAMAN. She was trying to open up her eyes, but she had no strength no matter how hard she tried. Kapag nabubuksan naman niya ang mga mata’y kaagad ding sasakupin ng dilim ang kaniyang paningin. At kung may nakikita man siya ay hindi malinaw. Hindi malinaw na imahe ni Cayson. Wait… Cayson? Oh. Right… Ang huling naalala niya ay nakita pa niya ito sa bahay nila Baron. And then, she c
“SA TINGIN ko ay kailangan na natin siyang dalhin sa ospital, Connie,”suhestiyon ni Selena nang lumabas ito sa guest room na okupado ni Rome sa bahay ng mga ito. Inisara muna ni Selena ang pinto at hinarap si Connie na nag-aalala na rin. “Nilalagnat na naman siya, at wala tayong gamot na pwedeng ipainom sa kaniya.” Sinulyapan ni Connie ang oras sa relos. It was only 7PM. Napabuntonghininga ito. “Kanina ko pa sinasabi ‘yan sa kaniya nang makipagkita siya sa amin ni Jiggy matapos lumayas sa bahay ng asawa. Ilang araw nang masama ang pakiramdam niya at kaninang umaga pa lang ay nilalagnat na siya. Pero ayaw niyang magpahatid sa ospital.” “We can’t take risks, Connie. Bun
“MAKE SURE na ang dokumentong ipadadala mo sa akin ay kompleto na, Mitch. Ayaw kong pa-istorbo sa buong linggong pahinga ko.” “Yes, sir. Naayos ko na po ang folder. Ako po ang personal na magdadala sa mansion.” “Good. See you tomorrow—oh, and please come around lunchtime. Ayaw kong gumising nang maaga.” Tinapos na niya ang tawag at akmang i-iitsa ang cellphone sa front seat nang makitang 1% na lang ang battery niyon. He looked for the charger while his eyes still focused on the road, subalit hindi niya iyon makapa sa kahit saan. Tahimik siyang nagmura saka itinuloy na lang ang pagmamaneho. I
HINDI NAWALA ang sama ng pakiramdam niya sa buong araw. Umabot ang gabi na patuloy ang pananakit ng lower back niya at ng kaniyang ulo. Sa tulong ni Jen ay nakaligo siya, at inalalayan siya nito hanggang sa pagbihis. Naka-ilang balik na rin ito sa silid niya upang dalhan siya ng pagkain at maiinom. Sa buong araw din na iyon ay hindi na tumawag si Cayson, which was normal dahil sa gabi ito madalas na tumawag sa kaniya.
“SALAMAT sa paghahatid, Baron. Sa susunod talaga ay magpapahatid na ako sa driver ni Granny Althea para hindi na kita naaabala sa tuwing dadalaw ako sa inyo,” aniya matapos siya nitong ihatid sa mansion. Si Connie ay nagpababa sa isang mall dahil kailangan pa raw nitong mag-grocery, habang siya ay ini-diretso si Baron sa subdivision. “Nah, that’s alright, Rome. Maliit na bagay lang naman ito.” Muli siyang nagpasalamat at bumaba na sa kotse. Ang kasambahay na si Jen na nasa hardin at nagdidilig ay naka-antabay sa kaniya kaya nakabukas na ang gate. Nagpasalamat siya rito at tumuluy-tuloy na sa
PINILIT ni Rome na maging normal sa sumunod na mga araw. Kahit na sa tuwing aalis si Cayson para pumasok sa opisina ay pinag-iisipan niya ng masama. Alam niyang magta-trabaho ito pero hindi niya mapigilang isipin na makikipagkita lang ito kay Precilla. Oh, that woman! Ilang beses siyang niyaya ni Connie na lumabas kasama ang babaeng iyon pero mas pinili niyang magkulong sa mansion at gawin ang araw-araw niyang gawain doon. She would rather die with boredom than meet with that sneaky snake! And Cayson? Oh, nagagalit din siya pero kailangan niyang umaktong hindi dahil alam niyang wala siyang karapatang magalit. May pinirmahan silang terms. May us
MATAPOS ang araw na iyon ay muling bumalik si Cayson sa Laguna. Nakahinga siya nang maluwag dahil alam niyang hindi magkakaroon ng pagkakataon sina Cayson at Precilla na magkita dahil alam niyang magiging abala ang asawa sa itinatayong bagong terminal. Nang makauwi sila sa mansion matapos ang dinner party na iyon ay ginawa ni Rome ang madalas na ginagawa ng mga praning na maybahay. She checked Cayson’s phone for Precy’s number. Walang password ang cellphone nito kaya nagawa niyang buksan iyon. She typed in Precy’s number, at tila siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang ma-kompirmang wala roon ang numero ng dalaga. Marahil ay naging OA lang siya sa pag-iisip. Nawala na rin ang inggit niya para kay Precy