MARAMI ang nagulat at namangha sa nangyaring kasalan nina Rome at Cayson isang linggo matapos mag-usap ang dalawang pamilya. Kabilang na roon ang ilang mga teachers at staff ng MIC, pati na rin ang ilang empleyado ng Montemayor Travellers. Kilala ng mga ito ang boss na si Cayson Montemayor, at alam ng mga itong wala itong katiting na plano na lumagay sa tahimik. Sa dami ng tsiks nito ay namangha ang lahat nang malamang si Rome ang nakatuluyan nito.
Not only because some of these people knew her from past events, but because they knew she wasn’t Cayson Montemayor’s cup of tea. Socialites ang mga ex-girlfriends ni Cayson, someone liberated and very, very attractive.
Not someone like Rosenda Marie Cinco na maliban sa simple lang ang ganda
NATAPOS ang tatlong araw na ‘honeymoon’ nina Rome at Cayson na hindi nagkita ang dalawa. Si Jiggy ay nanatili kasama ang kaibigan sa hotel sa loob ng mga araw na iyon, at si Connie ay dumadalaw rin. Gustuhin man ni Connie na pauwiin na lang ang kapatid ay hindi nito magawa dahil ayaw nilang patuloy na magsinungaling sa mga magulang. Siguradong magtatanong ang mga ito, at baka wala silang maisagot. At kapag nangyari iyon ay mabubunyag ang sekreto nila. Sa ikatlong gabi ay naka-schedule na silang magcheck out, at sa gabing iyon ay hinihintay ni Rome ang magaling na asawa. Habang naliligo sa banyo ay nakarinig siya ng kaluskos
“WHY are you wearing your uniform?” Napa-igtad siya sabay hawak sa dibdib nang marinig ang boses ni Cayson sa gilid ng pinto ng banyo. Marahas niya itong nilingon at nakitang nakahalukipkip na sinusuyod siya ng tingin. “Pwede bang sa susunod ay tumikhim ka muna bago magsalita? Papatayin mo pa ako sa gulat, eh.” Itinuloy niya ang paglalakad patungo sa vanity table na bagong bili ng lola ni Cayson para sa kaniya. Naupo siya sa harap niyon saka nagsuklay ng buhok. At habang ginagawa iyon ay sinulyapan niya si Cayson. Nakabihis na ito ng pang-opisina, mukhang handa na itong umalis. Gumising siya nang umagang iyon na wala na ito sa
PAG-UWI ni Rome sa mansion nang gabing iyon ay muntikan na siyang mapa-tili nang sa pagpasok niya sa silid ay may nakitang lalaking nakahubad sa loob. It was Cayson, holding a towel in his hand as he stood in the middle of the room. Napalingon ito nang marinig ang impit niyang tili. “Why are you always so jumpy?” salubong ang mga kilay na tanong nito, nasa mukha ang iritasyon. Siya pa ang may ganang mainis samantalang ako itong muntik nang takasan ng espirito sa gulat, bubulung-bulong niya sa isip.Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon dahil tila walang balak si Cayson na magtakip ng hubad na katawan. “Pwede mo bang takpan ‘yang—” “What happened to the bedsheet?” Oh. Naitakip niya ang isang kamay sa bibig. Kaninang hapon bago siya lumabas ay pinalitan niya ang bedsheet na bagong bili niya. Nasa mall siya kahapon kasama sina Connie at Jiggy nang mapadaan sila sa homedepot station. Doon ay may nakit
MATAPOS ang maganang hapunan ay lumabas muna si Rome sa frontyard at doon ay nagpahangin. Magpapatunaw muna siya ng mga kinain bago umakyat at magpahinga. Oh geez, natapos lang ang hapunan nila nang hindi napag-uusapan ang tungkol sa pagpapaalam nila sa buong pamilya at kay Granny Althea ng tungkol sa kondisyon niya. Nawala sa isip niyang kausapin si Cayson tungkol sa bagay na iyon, dapat ay sa Lunes din, makausap na nila ang lahat. At kapag alam na ng lahat ang kondisyon niya ay maaari na siyang mag-apply ng resignation sa Montesorri.
HANGGANG sa makauwi sa mansion ay hindi pa rin maalis-alis ang galak sa mukha ni Althea tungkol sa pagbubuntis niya. Ang mukha nitong batang tingnan ay tila lalo pang bumata, at kahit noon pa man ay malambing na ito, lalo pang lumambing. Panay ito pagmando kay Cayson; alalayan siya, lambingin siya, sundin ang mga nais niya. Nais niyang sabihin na okay lang siya, dahil ayaw rin naman niyang lagi silang magkalapit ng lalaki. Ayaw din niyang kinakausap ito, ayaw niyang pinapakealaman nito o pinanghihimasukan ang mga kilos at galaw niya. Pero nang ibuka na niya ang bibig upang sabihin iyon sa ginang ay anong inis niya nang ibang salita ang lumabas mula roon.
PAG-GISING niya kinabukasan ay tila kay bigat ng pakiramdam niya.Wala na si Cayson sa higaan at kung pagbabasehan niya ang mga nagkalat na tuwalya at ang hinubad nitong sleeping pants sa sahig ay siguradong nakaalis na ito. Martes ang araw na iyon ay naka-schedule siyang magtungo sa Montessori upang ipasa ang resignation letter at upang ipaalam na rin sa mga ito ang kalagayan niya. Pero mukhang hindi niya kayang bumangon sa umagang iyon, tulad ng nangyayari sa nakaraang mga araw. Simula nang umapak sa ikalawang buwan ang pagbubuntis niya ay kay hirap na ng bawat umaga sa kaniya. Ayaw niyang bumangon, kung maaari ay matulog na lang siya buong araw. Ayaw niyang kumilos, kung maaari ay nakahilata lang siya at
“AHH, SHIT,” Cayson murmured when the rain started to pour. Saktong narating niya ang gate ng mansion nang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa Palawan pa lamang siya ay masama na ang panahon. Pero ang buong akala niya ay doon lang may bagyo, hindi niya akalaing umabot hanggang sa Maynila. Yes, he was in Palawan with one of his women. But he didn’t go there for the sole purpose of spending time with his girl, but to do business. May investor na dumating galing Hongkong at doon niya dinala sa isang magandang resort sa Palawan dahil kasama rin nitong dumating sa Pilipinas ang misis nito. The Chinese guy wanted to invest in Montemayor Travellers; pinaka-unang dayuhan na mag-i-invest sa negosyo niya. They sealed the deal and spent
Kanina pa nakatayo si Cayson sa paanan ng kama at tahimik na pinagmamasdan ang himbing nang natutulog na si Rome. She was sleeping on her side as she hugged his pillow. Ang kumot na katulad ng sapin ng kama ay may naka-imprenta ring hugis puso, at nakatakip hanggang sa bewang nito. His eyes went down to her stomach. Dahil nakatagilid ito at nakasuot ng maluwag na pajama pair ay hindi gaanong halatado ang tiyan nito. Ni hindi niya alam kung lumalaki iyon—she looked the same. Oh well, he never really had a good loo