NATULOY umalis ng Hawaii at Bumalik ng New York si Xander. Gayon pa man hindi naging madali ang lahat para sa lalaki. Mula sa airport ay naka convoy na ang security force sa sinasakyan ni Xander. Dobleng pag-iingat pa rin ang ginagawa ni Xander simula nang nakabalik na siya rito. Alam niyang kahit anong oras, makalingat lang siya ng saglit pwedeng goodbye world at hello to San Pedro na siya. Ayaw niya naman mangyari iyon. Gusto niya pang iharap sa dambana si Dianna. Napapangiti siya ng maalala ang babaeng tanging laman ng kanyang puso’t isipan ang babaeng hinayaan niyang makapasok sa puso niya at nag-iisang babaeng inalalayan niya ng totoong pagmamahal. Napabalik lamang siya sa kasalukuyan ng tumikhim si Dan ang naka-assigned na head security force. Kanina pa ba ito? Bakit hindi niya kaagad napansin ang presinsiya nito? “Boss, kape?” alok nito sabay taas ng tasa ng kape na hawak nito. Umuusok pa iyon sa sobrang init. “Kung ipagtimpla mo ako, sure pero kung hindi okay la
TUMIGAS ang anyo ni Bryan. “Talagang gusto mong malaman ang katotohanan tungkol kay Andrie?” naghahamon tanong nito. Napaupo ng tuwid si Dianna mula sa pang-isahan upuan na inuupuan niya. Napatingala siya kay Bryan na nakatayo sa di kalayuan. Matigas ang anyo nito habang nakatitig sa kanya ngunit hindi siya nagpasindak dito. “Tell me, what about Andrie?” namamaos ang boses na tanong ni Dianna, dala ng paghikbi. Lumapit si Bryan sa center table, nakalapag doon ang laptop computer. Maniobra nito at ilang sandali lang ang lumipas ay may naririnig si Dianna na mga boses ng tao na nag-uusap. Saka pinaharap nito ang screen monitor sa direksyon ni Dianna. “Watch what is happening right now,” utos nito kay Dianna. Hindi pa rin nagbabago ang matigas na nakalarawan sa anyo ni Bryan.Gan'on nga rin ang ginawa ni Dianna, pinanood niya ang mga pangyayari mula roon sa screen monitor. Natuptop niya ang sariling bibig ng makita niya si Andrie na nakatayo at sa paligid ng nobyo ay may mga
NAGISING si Dianna ng maramdaman niya ang pananakit at kirot sa buong katawan niya. Partikular na ang kanyang mga binti. Paunti-unti niya minulat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanyang paningin ang apat na sulok ng kuwarto na kulay puti at kulay asul na kurtina. Ginalaw niya ang kanang binti ngunit napangiwi lamang siya ng maramdaman niya ang sobrang kirot at pinaghalong sakit doon. Nang maalala niya ang nangyaring aksidente sa kanya na buong akala niya ay katapusan ng buhay niya. Well she's still alive and kicking. Naihimas ng palad niya ang di pa gaanong maumbok niyang tiyan. “Baby, sorry kung naging careless si Mommy,” mahinang usal niya sa sarili. Pinakiramdaman ang kanyang sarili, ngunit wala naman siyang kakaibang naramdaman maliban lang sa buong katawan niyang nakaramdam siya ng pananakit. Lumipad ang tingin ni Dianna roon sa pintuan ng lumikha iyon ng ingay. Sumungaw mula sa labas si Carlo. “God, thanks. Your awake, Dianna.” Tila alalang-alala ito para kay
TEN YEARS AFTERSAMPUNG-TAON ang matulin lumipas simula nangyari ang masamang bangongot sa buhay ni Dianna, ngunit sa paglipas ng mga panahon ay hindi naging madali para kay Dianna ang mga pangyayaring iyon.Habang pinapanood niya ang anak na naglalaro sa maliit na playground nitong compound nasasakupan ng bahay na pagmamay-ari niya. Hindi maiwasan ni Dianna balikan ang mga nangyari sa nakaraan.Apat na buwan pa lamang noon si Bianca, nang di inaasahan na mamatay ang mga magulang niya sa ambushed. Parehas Journalist ang kanyang mga magulang. May mga kuro-kuro na pinaslang ang kanyang mga magulang dahil sa uri ng trabaho meron ang mga ito. Pagkatapos ang ambushed na iyon ay may mga kalalakihan na hindi niya kilala na pabalik-balik sa bahay nila Dianna. Sa takot at pangamba na pati sila ni Bianca ay madadamay at tiyak nasa panganib din ang buhay nilang mag-ina. Napilitan umalis si Dianna sa tinitirhan nilang bahay na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang.Nagkataon nakita niya si Cm
KASALUKUYANG nag-iimpake ng mga gamit niya si Xander,nilalagay niya sa loob ng maleta di kalakihan. Natigil lamang siya sa ginagawa niya ng maramdaman niya na bumukas sumara ang dahon ng pinto. Kahit hindi niya na tapunan ng tingin ang bagong kakapasok lamang dito sa loob ng kwarto alam niya na si Martina, dahil naaamoy niya ang pabangong gamit ng babae.“Martina, aalis ako at hindi ko alam kung kailan ang balik ko.” Saglit niya tinapunan ng tingin si Martina na naupo ito sa gilid ng kama.Nilagay niya sa sulok ang maleta na kakatapos niya lang mag-impake ng kanyang mga gamit na dadalhin sa pag-alis niya. Hindi pumayag sina Calyx at Margaux na hindi makasama si Xander sa pagbalik nang mga ito sa Pilipinas. Pumayag naman siya na sumama dahil sa gusto niya pa rin makasama ang totoong pamilya niya. Naupo si Martina sa gilid ng kama, dumikuwatro ang dalawang binti ng babae nakamasid sa bawat kilos ni Xander. “Magtataka pa ba ako Andrie? Kung palagi kang wala!” Nangungutya anito.
“ANONG hindi ko nalalaman D?” pepeng tanong ni Xander sa sarili habang hatid ng tanaw niya si Dianna na mabilis ang bawat hakbang ng mga paa nito. Alam niya nasaktan niya si Dianna sa ginawa niya. Ngunit mas galit siya para sa sarili niya. Sa mga panahon lumipas ay umaasa pa rin siya sana sa muling pagtatagpo nila ni Dianna ay muli silang magkakaayos. Subalit hindi niya inaasahan ang natuklasan niya na meron namamagitan kay Dianna at Cm. Higit sa lahat nagkaroon pa ng anak ang mga ito. Hindi niya matanggap na sa dinami-dami ng mga lalaki kung bakit ang kakambal pa niya ang naging kaagaw niya sa nag-iisang babaeng minahal niya. Binalingan ni Xander ang gulong ng sasakyan, pinag sisipa niyon. Doon niya binunton ang galit naramdaman niya. Napagod siya sa pinaggagawa niya. Pumasok na rin siya sa loob ng kotse, sinimulan niya paganahin ang makina ng sasakyan. Pinasibad paalis sa direksiyon hindi siya tiyak kung saan patungo. “Great Cm! Fuck you Dianna!” sigaw niya sa loob ng sa
BUMUNGAD sa pang-amoy ni Xander nang pumasok siya ng kusina ang mabangong nilulutong pagkain. Nadatnan niya si Mommy Margaux na busy ito sa pakikipaglaban sa harap ng kalan. On hands ang kanilang ina pagdating sa mga pagkain nila. Lumapit siya sa ina na busy sa harap ng kalan, hindi yata napansin ang presinsiya niya. “Ma, marami yata kayong pagkain inihahanda?” hinalikan niya sa pisngi si Mommy Margaux. Maluwang na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng Ginang. “Kanina ka pa ba dumating?” Tanong nito na saglit lang siya pinasadahan ng tingin. “Kakarating ko lang, Ma. Maaga kasi natapos ‘yong meeting ko with clients.” Simula nang nakabalik na siya sa tunay niyang pamilya ay inalok siya ng kanyang Daddy Calyx na hawakan ang isang departmento ng Raider Company. Hindi niya naman inayawan bagkos buong puso niyang tinanggap. Atsaka pabor na rin sa kanya upang makasama ang buong pamilya niya, maliban na lang kay Cm na bumukod na ito kasama ang asawa si Nathalie. Gayon pa man p
“LET'S GET married sweetheart,” Ani Xander na hinahalik-halikan ang ulo ni Dianna. Habang nakayapos ng mahigpit ang mga braso nito sa beywang ng babae. Biglang napabalikwas si Dianna, naupo sa ibabaw ng kama atsaka humarap dito. Malungkot siyang tumingin kay Xander. “We can't, Xander.”Nakasalubong ang mga makapal na kilay ni Xander naging isang linya na lamang ang mga iyon. “Why? May problema ba, Sweetheart?” Nakaupo na rin ito paharap. Gusto niya ng maiinis sa lalaking kaharap, hindi niya lubos maisip kung nagmamaang-maangan lamang si Xander. Paano sila pagpapakasal gayon kasado ito kay Martina. “Xander, kasal kayo ni Martina!” paangil turan niya sa medyo may kalakasan boses dala na rin ng matinding pagseselos. Pagmamay-ari nga niya ang puso ni Xander ngunit may higit na mas nagmamay-ari sa lalaki. At hindi siya iyon. Tumawa si Xander na lalong ikinainis ni Dianna. Ipinukol niya ng matalim ng tingin. “Are you jealous?”“No!” mabilis niyang sagot. “Sige ka, ikaw rin
“XANDY, magkukulong ka na lang ba rito sa loob ng kuwarto mo?” Tanong ni Mommy Margaux na pinagmamasdan siya na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Nitong mga nakaraan mga araw ay wala na siyang ganang lumabas ng bahay at sa kanyang kuwarto ay nanatili siya. “Ma, iwan n’yo muna ako.” Aniya nagtalokbong ng komot.“Bumangon ka na at may pupuntahan tayo.”“Kayo na lang, Ma. Ayoko sumama,” turan niya sa mahinang boses. “Pakisara na lang ng pinto kapag lumabas na kayo.”“Hey, Tita Xandy! Get up!” Ani Bianca sa medyo may kalakasan ang boses. Pilit na hinihila nito ang komot nakatalokbong sa kanya. “Puwede ba, tigilan na ninyo ako! Basta ayoko sumama,” naiinis turan niya na mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak sa komot. “Please, leave me alone.”“Tita, please…Promise magiging masaya ka pagkatapos nito,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Bianca. Naramdaman niya ang pagsampa ni Bianca sa ibabaw nitong kama. “Sige ka, pagsisihan mo kung hindi ka sasama sa ‘min.”
“OH, MY GOD,” sabi ng Doctor mahihimigan ang pagla-shock nito. Narinig din niya ang pagsinghap ni Tita Isabel. Ilang segundo lamang ang lumipas, may dumaan sa tabi niya ang isa pang Doctor na nagmamadaling pumasok dito sa loob ng kuwarto ni Rod. Nilagpasan lamang siya nito. Naging slow motion ang paglingon ni Xandy roon sa kama na hinihigaan ni Rod. Tila hindi siya makakapaniwala sa kanyang nakikita. Ilang beses niya kinusot ang kanyang mga mata, sa inaakalang dinadaya lamang siya ng kanyang nakikita at dala lamang ng kanyang imahinasyon. Ngunit ang nakikita niya ay totoo. “Oh, my God. Tito Rod your back,” ani Bianca, unang nakahuma sa pagkabigla. Nanatiling nakatayo lamang si Xandy na nakatingin doon sa kamang hinihigaan ni Rod. Tila katulad siya sa kandila na itinulos doon mula sa kanyang kinatatayuan na hindi niya magawang kumilos ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay biglang namanhid ang buong katawan niya, higit sa lahat natatakot siya na sa pagkurap ng kanyang mg
NAGISING si Xandy, bumungad sa paningin niya ang apat na sulok na kulay puti, kulay asul na kurtina. She's must be dreaming. Pinilig niya ang kanyang ulo. This scenario was happening a months ago. When she's sick. But this is different. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya ng hindi niya makita si Rod. “Rod,” mahinang usal niya sa pangalan ng lalaki. Kasabay ng mga mala butil niyang luha namalisbis sa kanyang pisngi. Nang maalala niya ang huling nangyari sa kanila ni Rod. Naaksidente sila at nagpagulong-gulong nahulog ang kotseng sinasakyan nila ng binata. Bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa mula roon si Mommy Margaux. “Oh, God. Your awake already baby,” halos takbuhin nito ang distansya nasa pagitan nilang mag-ina. “May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?” sunod-sunod na tanong ni Mommy Margaux na hindi alam ang gagawin. Punong-puno ng pag-alala ang Ginang. Umiling si Xandy, pilit pinapakalma ang kan
NARAMDAMAN ni Xandy ang ginawang pagbuhat sa kanya ni Rod at ang paglipat nito sa kanya rito sa kama. She's half asleep. Sa halip na sitahin ang binata sa ginawa nito ay nagkunwari na lamang siya na natutulog. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at hinayaan na lamang si Rod. Ramdam niya rin ang mga titig ni Rod sa kanya. Para saan ang malalim nitong pagbuntong-hininga? Tila pasan nito ang mundo. Marahil naiisip nito na pabigat lang siya rito. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng kotse naroon sa parking lot sa sasakyan pa siya ni Rod nagtago. Kapag minalas ka nga naman. Nakapag desisyon na rin siya na kapag nakarating na sila roon sa Caticlan ay mag kanya-kanya na lamang sila. Nang marinig niya ang mga yabag ng stewilas ng sapatos na papalayo. Kasunod noon ay bumukas-sumara ang dahon ng pinto na sinundan ng pag-click ng padlock ng pinto. Paunti-unting minulat ni Xandy ang kanyang mga mata ng makatiyak siya na wala si Rod dito sa loob ng cabin. Pinalipas niya muna ang
MABILIS ang pagpapatakbo ni Rod sa kotse minamaneho niya, habang binabagtas ang kahabaan ng coastal road patungo sa pier ng Batangas. Bago siya umalis doon sa hotel ay tinawagan niya ang pinsan niyang Kapitan ng Cargo vessel na patungong Caticlan. Nang marating niya ang Batangas fort ay dumiritso niya pinasok ang sasakyan niya sa loob ng cargo vessel na siya na lang ang hinihintay bago ito lumarga. Paibis ng kotse si Rod nang mapansin niya na hindi lamang siya nag-iisa sa loob ng sasakyan niya. Diyata’t may nakasakay na ibang tao na hindi niya napansin. Mabilis siya lumabas ng kotse, atsaka binuksan ang pinto ng passenger's seat. “Xandy!” Gilalas niya nang mapagsino ang naki ride on sa kotse niya. Nakabaloktot ang dalaga sa likod ng driver seat. Kung kani-kanina ay gusto niya itong pipilitin sa leeg sa ginawang pagtakas ni Xandy sa engagement announcement party nila. Nagawa nitong ilagay sa kahihiyan ang kani-kanilang mga pamilya. Naggising si Xandy mula sa mababaw nitong t
NANG BUKSAN ni Xandy ang main door ng boutique ay bumungad sa paningin niya ang mga petals ng mga red, pink and white roses na nagkakalat doon sa sahig sa daraanan niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga staff niya na nakatingin din sa kanya. Tahimik lamang ang mga ito habang nagmamasid sa kanya naglalakad papasok. Sinira niya ang dahon ng pinto, atsaka hinarap ang mga ito. “Sino ang may kagagawan ng mga iyan?” Tinuro niya ang mga petals ng mga bulaklak na nagkakalat doon sa sahig. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nagsasalita. “Ano, magtitigan na lang ba tayo dito? Sinayang n’yo lang ang mga bulaklak na ‘yan. Isa pa dagdag pa ang mga iyan sa trabaho ni Mang Nestor.”Si Grace ang naglakas loob nagsalita. “Ma’am Xandy, dumiritso ka na lang sa loob ng opisina mo.” Nakangiti turan nito. “Go na, Ma’m Xandy.” Segunda naman ni Jaz, kinikilig pa ang bruha. Nagtaas siya ng isang kilay. “Kinikilig pa kayo, hah. Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ninyo sa office ko?”“
“I’M SORRY, XANDY but you are not performing this time,” saad ni Elis ang manager niya. “But, why?” nagtataka ng tanong ni Xandy. Hindi lubos maisip kung ano ang dahilan, hindi siya makakasama sa darating na fashion show. Matagal niya pinaghandaan ang nalalapit na fashion show na gaganapin sa bansang Las Vegas. Subalit napunta lamang sa wala ang mga pinaghihirapan niya. Ilang araw lang siya na confine sa hospital ng nagkasakit siya. At ang magaling na lalaki ay nakialam. Hindi na rin nagpakita si Rod simula n'ong lumabas na siya ng hospital. “Mr Fortaleza, asked your homesick leave at sa tingin ko, Xandy Darling, you’ll need it.”“It's okay, Elis. I’ll understand,” pilit siya ngumiti. “So… I’ll excuse myself. I need to go.”“Xandy Darling, bumawi ka na lang next time. For now you’ll need to take a rest. Bawal magkasakit.”“I get it,” tuluyan na nagpaalam si Xandy rito. “LOOK, who’s here?” Nakataas ang isang kilay ni Trexie, ng nakasalubong niya ito sa hallway. H
“MA, tawagan mo nga uli.” suhestiyon ni Cm sa ina nito. Binalingan nito si Rod, bahagyang tinapik nito sa balikat. “‘Pre mukhang mapornada pa ang pamamanhikan,” nakangisi turan nito. “Gusto mo yata maumbagan, bro.” Balik pagbibiro ni Rod, ngunit malaking palaisipan sa kanya kung nasaan na si Xandy. Paano nga kung tumakas ito at wala ng balak itong ituloy pa ang nakaplanong pagpapakasal nila. “Nasa office pa raw,” sabi ni Mommy Margaux ng matapos ito makipag-usap sa linya ng telepono. Nakahinga naman si Rod, mula sa narinig niyang sabi ni Mommy Margaux. Ang buong akala niya ay tumakas na si Xandy. Mas natatakot siya sa isipin na baka meron masamang nangyari sa dalaga. “Ma, mukhang uulan pa yata.”Saad naman ni Xander. “Susunduin ko na lang po si Xandy, Tita.” Presinta agad ni Rod. “Ayaw mo lang matakasan,” todyo ni Cm. “‘Pre may araw ka rin,” nakangising turan dito ni Rod. “Mabuti pa, Rod. Sunduin mo na lang si Xandy at tiyak nawili na naman iyon at hindi namalayan
SA MGA ARAW lumipas ay hindi na gaano nagkikita sina Xandy at Rod. Dahil sa kapwa busy sa kanyang-kanya pinagkakaabalahan. Kakalapag lamang ng eroplano sinasakyan ni Rod sa NAIA. Halos isang buwan din siya namalagi roon sa Japan upang personal na surveillance ang naging problema sa negosyo nila naka base roon sa Japan. Dumeritso siya roon sa parking area kung saan naroon naghihintay si Manong Imo, ang family driver nila. Malayo pa ay natanaw niya na ang lagpas singkuwenta-anyos na si Manong Imo. "Kumusta po, Manong?" tanong niya sabay tinapik sa balikat si Manong. "Ito, Sir mas malakas pa sa kalabaw." Nakangiti sagot ni Manong Imo. "Halata nga po. Ano ba ang sekreto natin Manong?" Pumasok na siya sa loob ng sasakyan. "Tamang pag-aalaga at pagmamahal ng asawa, Sir." Nakangiti pa rin sagot ni Manong Imo. Sinimulan nito buhayin ang makina ng sasakyan. "Napakasuwerte n'yo po talaga kay Nanau Rosa," komento niya. Ang asawa ni Manong Imo ay dating yaya niya nag-alaga sa kan