Kirsten Encarlight's P.o.V.
"And that's all for today." The teacher went out of our room. I started to pack my things before I leave my seat.
Nagsimula na namang magsipag-usap ang mga kaklase ko ukol sa plano nila para sa bakasyon namin na magsisimula na bukas.
Ako kaya?
Bumuntonghininga ako nang wala man lang akong maisip na pwedeng puntahan. Hindi malayong sa bahay lang ako ngayon dahil 'pag ganitong season ay busy din si Mama sa hospital dahil maraming nagiging pasyente.
Lumabas na ako sa school building at saktong nadatnan ko si Mang Buboy doon.
"Mang Buboy!" Tawag ko dito nang hindi siya nakatingin sa'kin. Tumindig ito kaagad nang makita ako.
"Pakihintay lang ako saglit dito, hija at kukunin ko yung kotse."
Tumango ako dito at agad din siyang umalis. Ilang saglit lang ang nakalipas ay huminto sa hara
Kirsten Encarlight's P.o.V."Bakit parang biglaan naman po ata yung party na 'to." I heard Krizelle said.We're here in the living room, sitting on the sofa while waiting for our Mom who's now walking down the stairs. I am not in party like this. Lalo pa't masquerade party pa ang pupuntahan namin.Naiirita pa ako sa suot kong damit na in-order pa ni Mama at nadatnan ko lang sa kwarto ko kanina. Isa iyong itim na dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba. May kasama pa iyong gold na infinity belt. Kalakip nang dress na nakita ko kanina ay isang maskara na kulay itim. May mga feathers iyon sa gilid na kulay itim din.Nadapo ang tingin ko kay Krizelle na nakasuot ng kulay puting dress din. Ngunit mahaba ang suot nito. May mga abubot pang maliliit na perlas at may slit iyon na umaabot hanggang sa itaas ng hita niya. Litaw na litaw din ang hinaharap nito. Hubog na hubog sa sexy niton
Kirsten Encarlight"Zander? Zandro?" Hindi ko inasahan na magulang pala nila sina Mr. and Mrs. Chu.Bakit nga ba hindi ko naisip 'to? Nagpakilala sa'kin si Zander at Chu pa ang apelyido nito. Gaya ng nabanggit nito ay Chinese ang Papa nito at si Mr. Luis Chu iyon. At ang Pilipinang Mama nito ay su Mrs. Chu. Omg!"You know them?" Napahalakhak pa si Mr. Chu sa'kin. Maging si Mama ay mukhang hindi inasahan na kilala ko ang kambal.I nodded my head. "They're my schoolmates—""She's our friend, Dad." The twin cut my words and smiled after."That's good to know if the three of you are friends already." Mr. Chu smiled at us. "Kaibigan rin namin ng asawa ko ang Mama ninyo at masaya ako na maglakaibigan din ang mga anak namin, 'di ba, Dra.?"Ngumiti si Mama sa kan'ya. "Kamukhang-kamukha mo ang mga anak
Kirsten Encarlight's P.o.V.Magkatabi lang ang kwarto namin ni Krizelle. At hindi soundproof ang kwarto ng bawat isa sa'min. Kaya dinig na dinig ko mula sa pagitan naming dingding na tila ba may ginagaaa ito at nagmamadali siya.Ala una na ng madaling araw at gising pa siya. Samantalang ako ay nagising lang sa ingay na naririnig ko mula sa kwarto niya.Nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto nito ay pasimple akong sumilip mula sa pinto ng kwarto ko.Marahan itong naglalakad at mayroon itong bitbit na isang bagpack at maleta. Binuksan ko ng tuluyan 'yung pinto rito sa kwarto ko at saka siya palihim na sinundan.Nakalabas na kami ng bahay at nagtungo ito sa garage. Bitbit nito yung susi ng kotse niya. 'Lalayas ba s'ya?'Parang sinuntok ako ng mga sinabi ni Mama kanina bago ako unakyat sa kwarto ko. 'Look after your siste
Kirsten Encarlight's P.o.V.Limang araw na lang at magpapasko na. Parang ang bilis lang ng panahon. Sa limang buwan na wala akong malay noon ay gigising na lang akong Disyembre na pala.Wala na naman si Mama rito sa bahay dahil abala ito sa hospital. Ilang araw palang kasi bago magpasko ay madami na namang pasyente ang hospital at ilan sa mga iyon ay menor de edad na naputukan ng paputok sa mga kamay nila.Simula nang gabing iyon ay hindi ko na nakita pa si Krizelle. Mukhang tumuloy pa rin ito sa ginawa n'yang paglalayas. Wala ring binabanggit ang Mama tungkol sa pag-alis ni Krizelle. Sa t'wing tatanungin ko siya ay madalas lang na sagot niya ay, "Hayaan mo siya. Bahala siya sa kung ano'ng gusto niyang gawin sa buhay niya." Bagaman at gano'n ang sinasabi niya ay alam kong nag-aalala parin ito para sa kan'ya."Tara na ba, hija?"Masyado ang lutang sa mga oras
Kirsten Encarlight's P.o.V.Iminulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa kalsada. Agad akong tumindig at saka ipinagpag ang suot kong uniporme.Iginala ko ang paningin ko at tumambad sa harapan ko ang napakalaking gate. Sa taas no'n ay may arko kung saan nakasulat ngunit hindi ko mawari kung ano ang nakalagay doon. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil tila nanlabo iyon. Hindi ko na pinilit pang basahin yung nasa arko dahil masyado itong malayo sa paningin ko.Natagpuan ko na lang ang sarili na nasa loob na ako agad ng eskwelahan. Hindi ko maunawaan kung paanong nangyare iyon ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad.May mga natanaw akong grupo ng kalalakihan mula sa di-kalayuan at naglalakad papunta sa pwesto ko."Hi, Miss," tawag nila sa'kin nang makalapit.Hindi ko nagawan
Kirsten Encarlight's P.o.VMalamig ang simoy nang hangin. Napakaraming nagniningnging na bituin sa langit. Nanatili ako dit sa likod-bahay. Nagsisiya ang lahat sa loob at busy sa pagluluto ang mga kasambahay namin.Darating mamaya ang mga kasama ni Mama sa hospital upang sumaglit dito sa bahay. Wala rin ako sa mood na pumasok ngayon doon.Umupo ako sa upuan na narito at niyakap ang sarili pagkatapos. Bisperas ng pasko ngunit ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko mawari ang sinasabi ng isip ko ngunit ramdam ko sa puso kong may namimiss ako.Nahanap ko ang sarili kong umiiyak nang walang dahilan. Nasasaktan sa isang bagay na wala naman akong kaalam-alam. 'Ano ba'ng nangyayare sa'kin?' Punasan ko man ang luhang lumalandas sa pisngi ko ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak.Dinadagdagan no'n ang pakiramdam ko na niloloko ako ni Mama na hindi ko pa naman si
Kirsten Encarlight's P.o.V.Tanghali na akong nagising nang marinig ko ang cellphone kong tumutunog. Nang i-check ko 'yung tumatawag ay unregistered number ang nakita ko.Bago lang ang cellphone ko. Si Mama at si Mang Buboy lang ang nakakaalam ng cellphone number ko. Kaya wala akong clue kung sino ang nasa kabilang linya.Sinagot ko na lang iyon kahit na inaantok pa."Hello, Kirsten?" Pamilyar ang boses na narinig ko mula sa kabilang linya."Sino 'to?" Hindi ako sigurado kung s'ya nga ba ang kausap ko."Si Zander 'to."See? Tama ang hinuha ko. "Sa'n mo nakuha 'yung—" pinutol ko kaagad ang sasabihin. "Bakit ka napatawag?"Marahil ay kay Mama nito nakuha ang numero ko. Pero hindi ko inasahan na ibibigay iyon ni Mama sa kan'ya kung sakali."Gusto ka naming ayain ni Zandro.
Kirsten Encarlight's P.o.V."I really can't imagine, I'm doing this!" Iritable si Samantha habang pumapasok kami sa bahay nila. Didiretso kasi ito sa kwarto ng Papa nito upang kunin yung susi sa shop nila."Maiwan ka muna dito sa kotse. Saglit lang ako. Mabuti at wala si Daddy ngayon dito."Tumango-tango ako dito at saka ito pumasok sa loob.Sinipat ko ang labas ng bahay nila Samantha. Hamak na mas malaki ito kumpara sa tinitirhan namin. Victorian style ang istilo ng bahay nila Samantha. May hanggang apat na palapag iyon. Dito naman sa labas ay puno ng bermuda grass at itong pathway lang ang makikitang sementado.Ito ang kauna-unahang beses na makakapunta ako dito. Since hindi naman talaga kami close ng babaeng iyon. Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ako rito na nagkabati na raw kami kuno.Mamaya ay malalaman ko kung totoo nga b
Kirsten Encarlight's P.o.V.Ten years later...Maganda ang panahon ngayon. Hindi gaanong mainit at malamig ang simoy ng hangin. Pinanuod ko ang mga dahon sa puno na tila sumasayaw at sinasabayan ang pag-ihip ng hangin."Honey!" Natanaw ko sa di-kalayuan ang asawa ko kasama ang anak ko.Sampung taon na ang nakalilipas ngunit ang pagmamahal ko para sa kan'ya ay hindi nagbago. Hindi naglaho.Araw-araw sa buhay ko ay napakasaya ko sa t'wing nakikita ko si Raijin at ang anak naming si Rain. Sa totoo lang ay hindi ko lubos akalain noong pagka-graduate ko ng high school ay nagdadalang tao na rin ako. At heto na nga, narito na sila ngayon sa harapan ko."Kanina ka pa hinahanap ng anak mo. Nandito ka lang pala." Napakamot si Raijin sa ulo nito.Natawa naman ako sa kan'ya. Alam kong sa edad ni Rain ay napakakulit niya
Kirsten Encarlight's P.o.V.One week later..."Okay lang ba kayo diyan?"Tumamgo sila sa'kin."Kumalma lang kayo, okay? Magiging okay na din ang lahat," 'ka ko pa sa kanila.Narito kaming lahat ngayon sa Social Hall at tila ba nagkaroon ng medical mission ngayon dito sa dami ng mga narito. Ang bawat isa ay nakahiga sa mga solo bed na narito. Lahat ng mga positive sa HIV, STD, at AIDS ay narito lahat upang mabigyang lunas ang mga karamdaman nila."Your father will surely be proud of you, anak."I looked behind me and saw my Mom. Kasama nito si Krizelle habang nakakrus ang mga kamay nila at naglalakad palapit sa akin.I smiled at them. My Mom and my sister Krizelle opened their arms and aiming to hug me. I walk towards them and hugged them."Masaya ako, anak, at proud na
Raijin Steel's P.o.V.Napapagod na ako sa dami nila. Aaminin kong nauubos na ang lakas ko at hindi ko na kaya pa. Kaunti na lamang ang natitira sa kanila. Kaunting laban oa ay tiyak na ang pagkapanalo namin.Masakit na rin ang katawan ko ngunit mabuti at ni isa sa amin ay walang lubhang natamo. Maliban kila Jacob, Trixie, at Leppy na ngayon ay nasa loob na ng isa sa mga kwarto dito. Batid kong kakayanin nila iyong tama nila ng baril dahil may nag-aasikaso naman sa kanila."Raijin!" Napatingin ako kay Zenre na patuloy pa rin sa pakikipagbarilan. Mabilis akong tumakbo palapit sa kan'ya."Kuya...""Nasa'n si Kirsten?!"Natigilan ako. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala siya. Luminga ako sa paligid ko ngunit nawawala siya. Napamura ako sa isipan ko dahil sa sarili kong kapabayaan. 'Tangina!'"Go and find
Kirsten Encarlight's P.o.V."Sugod!!!" Malakas kong sigaw.Napansin kong napakarami nang natumbang tauhan ng Dark Room sa labas kanina kaya inasahan ko nang narito pa rin sila.Wala mang dalawang armas ang mga kasama kong estudyante, mga guro, at may mga katungkulan sa Virginian High, ay alam kong mas marami kami kumpara sa kanila. Bago kami nagtungo kanina dito ay kumuha sila ng mga kahoy sa gubat at ang ilan sa kanila ay namulot ng mga bato bilang armas laban sa mga kaalyado ng Dark Room.Hinanap ng mga mata ko si Raijin. Hindi ako nabigo nang makita ko siya kaagad. Tumakbo ako palapit sa kan'ya at mahigpit ko itong niyakap."Raijin..." Masaya akong okay siya at wala akong nakikitang sugat sa kan'ya maliban sa marumi na yung suot nitong white shirt na ginamit nitong panloob."Kirsten..." sambit nito sa'kin.Inunaha
Raijin Steel's P.o.V.Tahimik kaming lahat at nagpapakiramdaman. Bawat isa ay walang balak magsalita ngunit nakatuon ang atensyon sa mga nakapaligid. Narito kami sa unang bahagi ng Dark Room kung saan matatagpuan ang Punishment Area. Isa itong malawak na bulwagan na sa bawat paligid ay puno ng mga pintuan kung saan hinahatol sa mga estudyante ng Virginian High ang kaparusahan nila.Dalawang palapag ang lugar na ito. Nasa gitna kami habang si Margaux ay nanatili nakatayo dulo kung saan matatagpuan ang hagdan patungo sa silid ng Master ng Dark Room.Nakapaligid sa'min ngayon ang napakaraming tauhan ng Dark Room. May mga tauhan sila na nasa itaas at nakatutok ang mga baril sa'min. Meron din dito sa baba na nakapalibot sa'min.Natumba na namin ang iba sa kanila ngunit hindi biro ang bilang nila ngayon. Matalino ang Papa ko at alam kong inasahan nitong susugod kami rito kaya bago pa
Kirsten Encarlight's P.o.V.They should be here. Tatlong oras na ang nakalipas at nababahala na ako. Hindi ko magawang matulog dahil nag-aalala ako para sa kanila.Halo-halo ang nasa isip ko. Natalo ba sila? Napasakamay na naman ba sila ng Master? Hindi ko na alam! Mababaliw na ako sa kakaisip. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko!Tinignan ko si Krizelle na nahihilo kanina lamang at ngayon ay nakatulog na. Nagulat din ako nang may ipakita ito sa'king test kit. Isa pala iyong pregnancy test kit at tama nga ang napapansin ko sa ikinikilos nila kanina ni Zenre.My sister was pregnant. Masaya ako para sa kanila, actually. Pero hindi ko man lang maipakita kay Krizelle yung kagalakan ko dahil sa nangangamba ako para kila Raijin.Hindi ko rin sinabi sa kan'ya yung namagitan sa amin ni Raijin dahil tiyak kong magagalit ito.Tinignan ko ang mga kamay ni
Raijin Steel's P.o.V.Pumasok kaming lahat sa Dark Room. Walang pagbabalat-kayo. Ipinapakita kung sino talaga kami. Ito na marahil ang pinakamagandang nangyare sa pagitan ng mga Hunter at Heneral. Parehas kaming nagkasundo sa iisang layunin, ang mapabagsak ang Dark Room."Mga hunter! At mga— Heneral?!" Sigaw nang isa sa mga nagbabantay dito sa entrada ng Dark Room.Ngumisi ako at inihanda ang sarili ko. Ganoon din ang mga kasama ko."Kami na ang bahala sa kanila. Pumasok na kayong dalawa sa loob at hanapin ninyo yung kapatid niyo!" Sigaw ni Skye sa'min ni Zenre.Nagtinginan kami saglit ni Zenre bago kami sumang-ayon sa sinabi ni Skye."Sugod!!!" Sigaw ng mga kasamahan kong Heneral.Nilagpasan namin ni Zenre ang mga humaharang sa'min. Itinutumba kung nagpupumilit. Kapwa hindi papatalo sa mga nasa harap n
Raijin Steel's P.o.V.Narito kaming lahat ngayon sa harapan ng Dark Room. Nakatago lang sa gilid habang hinihintay ang paglabas ni Skye. Kailangan niyang suriin ang lagay sa loob bago kami sumugod at pumasok.Ipinatawag ko na rin sa kan'ya yung mga tauhan niya na maaari naming makasama sa pakikipaglaban.Narito pa lang kami sa labas ngunit nakikita na namin kaagad sa harapan kung gaano sila karami. Batid kong mahihirapan kami neto kung lahat kami ay susugod sa kanila. Wala kaming magiging laban.Ang tanging armas lang na dala namin ay yung mga kinuha namin sa mga nakaharap namin kanina sa kuta nila Skye."Wala pa ba siya? Kanina pa tayo narito," nagrereklamong ani Leppy."Maghintay ka lang diyan. Lalabas din si Skye." Ako na ang sumagot dahil kanina pa ito panay reklamo. Hindi marunong maghintay.Inayos ko ang suot kong coat. Kung ano ang isinusuot ko dati dito sa loob ng Dark Room ay ganoon d
Kirsten Encarlight's P.o.V.Tumakbo ako papunta sa loob ng abandonadong gusali. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak nang sobra sobra. Nasasaktan ako at natatakot ako para kay Raijin. Hindi ko alam kung ano'ng pinaplano niya pero sa mga sinabi niya pakiramdam ko ay may masasamang mangyayare.Habang tinatahak ko ang madilim na daan dito sa loob papunta sa Headquarters ay naiiyak na lang ako nang sobra. Napakabigat sa dibdib na tila ba sasabog ako anytime.Kailangan kong humingi ng tulong kila Zenre! Hindi pwede 'to! Sa oras ba makabalik si Raijin sa Dark Room ay siguradong tutugising na siya ng mga naroon."Tulong!!!!" Sa pagkakaalam ko ay hindi na gumagana pa ang fingerprint ko sa scanner nila. Pero sinubukan ko pa rin iyon upang makapasok ako.Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang magbukas iyon at tinanggap n'on ang fingerprint ko.Pagpasok pa lang sa loob ay natanaw ko kaagad si Krizelle, Zen