Share

Saknong 2

Author: Sha delza
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Bahagyang nagising ang diwa ko sa malakas at nakakarinding ringtone. Inis akong bumaluktot sa pagkahiga at ikinislot ang aking kanang kamay upang kapain ang phone sa aking gilid habang walang humpay na tumatagingting sa aking utak ang tunog nito.

Sa halip na malambot na kutson ang bagsakan ng aking palad, nakaramdam ako hapdi galing sa matigas at malamig na bagay na siyang aking hinihigaan. Agad akong napabangon subalit napaluhod na lamang nang makaramdam ng kirot mula sa aking tagiliran at likod.

Sinagot ko ang tawag ni Veronica at kumapit sa pader sa aking gilid bilang suporta sa nanghihina kong katawan. 

"Adelia hoy kanina pa ako tumatawag, gutom na kami. Nasaan ka na ba?"

Hala, nakalimutan kong may lakad kami ngayon. Agad kong tinignan ang orasan at napahawak na lamang ako sa aking sentido nang malamang isang oras na pala sila naghihintay pero okay lang, filipino time naman.

"Paalis na ng bahay. Mauna na kayong kumain, sa sinehan na lang ako susunod."

"Ok copy, bilisan mo ha. Sa SM malapit sa quantum tayo magkita. Baboosh!"

Sabado ngayon kaya tamang gala lang kami para magcelebrate dahil natapos namin ang thesis namin.

Inangat ko ang aking shirt at kumurba ng kaunti upang suriin ang kirot sa aking katawan. Malaking parte ng aking tagiliran ay nababalot ng namamagang, kulay itim na pasa na parang may malakas na pwersang tumama roon.

Doon ko na lamang naalala ang pagpapasagasa ko kagabi at sa pagtatagpo namin ng señor kasama na ang bodyguards niya. Hala, 'yung gitara ko!

Mabilis kong binaling ang aking ulo sa paligid ng apartment ko at napahinga na lang ng maluwag nang makita ito sa sahig. Dadamputin ko na sana ito ngunit nagulat ako nang makita ang namumula kong mga daliri animo'y nagtugtug ako magdamag. Ganito ang nangyari sa aking noong tumugtug ako sa isang event maghapon.

Hindi ko masasabing totoo iyon dahil naririto lang ako sa apartment ngunit hindi ko rin masasabing panaginip lang iyon dahil sa mga galos, sugat at pasa na natamo ko.

Hayst, icacancel ko na sana pagpunta ako sa SM pero naisip ko rin na minsan lang kami gumala. Napakamot na lang ako sa ulo at binalewala lahat ng ito. Kailangan ko na siguro aliwin sarili ko baka nahihibang na ako. 

----

"Gurl, ang usapan 10 am nandito na. Pasado ala-una oh."

Hingal akong napakapit sa table dito sa grills malapit sa elevator habang paika-ikang lumapit sa kanila at hinahabol ang aking hininga. Naroroon ang tatlo kong kaibigan na sarkastikong pumapalakpak sa aking pagdating.

"Traffic eh." Partly true naman na traffic ngayon kaso hindi gaano heavy.

"Luma na 'yang excuse mo, next time 'yung kapanipaniwala naman."

"Kilala ka namin Adelia. Late ka na nga parati sa school, late ka pa sa gala natin."

"Tama na yan, Lez go. Excited na ako sa Frozen II. Kayong dalawa, Adelia at Veronica, bumili kayo ng ticket. Kami na ni Elise sa popcorn at drinks. Magcompute na lang tayo mga utang mamaya."

Medyo mahaba-haba ang pila rito sa sinehan kasi inaabangan ng karamihan ang Frozen II. May mangilan-ngilan na mga bata kaso napansin kong mas maraming teenagers.

'Di nagtagal, nakapasok na kami sa sinehan at umupo sa pinagitna na upuan para maganda ang view.

----

Natapos na ang movie ngunit nanatili kaming nakaupo at hinahangaan ang graphics and songs sa Frozen II. Grabe ang pagpapahiwatig ng director sa girl power, ang husay talaga.

Buti pa si Elsa may calling na sa buhay, heto naman ako naghihintay ng adventure at bagong ganap sa buhay ko bilang musician.

Napalingon ako kay Rachel na ngayon ay sumisinghot habang nagpupunas ng mga luha. Sina Elise at Veronica naman ay nagsimulang manukso.

"Huy, daig ka pa ng bata Rachel. Pakanta kanta lang sila ng Into the Unknown tapos ikaw iiyak-iyak ka dyan." kantyaw ni Veronica.

"'Wag nga kayo diyan. N-nasasaktan pa rin ako kay Olaf."

"Tahan na baby, 'usto mo milk?"

Napalakas ang tawa namin pero okay lang dahil halos lahat ng mga tao nakaalis na. Napailing na lang ako sa usapan nila at nagpaalam na mag cr sandali.

"S-sige kita na tayo sa l-labas." Hindi pa rin siya makaget-over sa pag-iyak na Rachel at hawak-hawak pa rin ang kaniyang tiyan katatawa.

Habang tinatahak ko ang masikip at matarik na pasilyo ng sinehan, unti-unting dumidilim ang dinadaanan ko. Kumurap-kurap ako ngunit purong kadiliman lamang ang aking nakikita. Normal naman ang vision ng mata ko. Hala, baka nabubulag na ako.

Kung anu-ano nang tumatakbo sa isip ko tulad ng check-up bills, presyo ng glasses at mas lalo na kung permanente na akong hindi makakakita. 

Kinikilabutan na ako, idagdag pa ang lamig ng aircon dito sa sinehan. Maluha-luha kong inaalala ang mga moments ko with the world. Kung mabubulag pala ako sana sinulit ko na lang titigan ang ganda ng nature.

Natigil ako sa pag-iisip at naestatwasa sa aking kinalalagyan nang marinig ko ulit ang pamilyar na melodiya mula kahapon pa. Sa pagkakataong ito, hindi na nakasisiya sa tenga kundi tumutusok na ito sa aking utak.

Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa sakit ng ulo ko wari'y may pumipintig dito. Palakas na rin ng palakas ang melodiyang naririnig ko. 

Sa hindi inaasahang pagkakataon, naramdaman ko na lamang ang pagtama ng aking likod sa matigas na sahig ng sinehan.

----

Sumalubong ang kaunting liwanag mula sa maliit na parihabang bintana ng pinto hudyat ng pagsingkit ng aking mga mata habang nangingibabaw ang malansang amoy ng dugo na siyang sanhi ng paglangutngot ng aking ilong.

Dahan-dahan akong napatingin sa magaspang na tali na pumupulupot sa pala-pulsuhan ko. Tanging ang pagpatak ng tubig sa dingding at kisame na gawa sa bato ang aking naririnig.

May mga bakal na rehas sa harapan ko at sa aking palagay nasa loob ako ng isang selda. Maliit lang ito, mga kasing laki lang ng kusina namin. Siguro six by four feet lang.

Muling bumalik sa akin ang alaala ko ukol sa pangyayaring nagdala sa akin dito. Shocks so di nagbibiro ang señor nila kagabi, talagang pinakulong niya ako. 

Tumayo na ako sa pagkasandal at nag-isip. Usually, nilalagay ko ang aking kamay sa baba ko at kinakausap ang aking sarili habang naglalakad ng pabalik-balik.

"Wait, let me think. So kagabi, nagstrum lang ako and boom napunta ako sa gubat. Ngayon naman, nagsine lang kami tapos boom ulit napunta ako rito. Tama pero baka panaginip lang? Hindi eh, may natamo pa akong pasa dahil sa kalesa. Kaya lang, everytime naririnig ko ang melody na iyon, napupunta ako sa ibang place. Baka naghahallucinate ako."

Sumilip ako sa maliit na bintana ng pinto at dalawang kamay kong hinawakan ang bakal na rehas nito. May dalawang kawal na nakabantay sa selda ko na deretsong nakatingin.

"Psst! Uy, bakit ako nakakulong? Nasaan ang señor niyo ba?"

Dineadma lang nila ako at nanatiling nakatayo pa rin parang manequin. Napagpasyahan kong kulitin sila para may kausap ako at may mapaghingan ng pagkain.

"Nababagot na ako, may food kayo?"

"Bahala kayo diyan, 'di pa ako kumakain kagabi pa. 'Pag ako namatay, akuhin niyo."

"Please, gutom at uhaw na ako."

"Psh, ang snob naman. Kakanta na lang ako dito."

Nakailang tanong na ako pero hindi pa rin nila ako pinapansin. Kinalabog ko ang bakal na pinto at nagbabaka sakaling mapansin ako.

"Mas mapapadali ang iyong pagpanaw kapag hindi ka tumahimk."

Hindi 'ganoon kalalim at pasigaw ang boses niya kaya hindi ako natinag. 'Kala niya matatakot ako sa kaniya eh taga-bantay lang siya ng selda ko. Hindi niya ako mapapatay hangga't walang nag-uutos sa kaniya.

"Wow, kuya. May padeath threat ka na pala. Gusto ko lang ng food." 

Nabigla ako sa pagtutok ng mahabang baril sa pagitan ng dalawang rehas na bakal. 

"Omg, hehe sorry na." Shems nanginginig kong tinaas ang aking kaliwang kamay at nagpose ng 'peace' sign. Nilapit ko naman ang kanang kamay sa aking bibig at zinip ito.

Siningkitan niya ako ng mata at bumalik sa kaniyang pwesto. Patuloy ang aking pag-atras at pagnginig hanggang sa maramdaman kong tumama ang aking likod sa malamig na semento. 

Nanghihina akong sumandal sa pader at dahan-dahang bumagsak sa sahig. Hindi ko na maintindihan ang nadarama ko kung gutom, pagod, sakit, takot, kaba o lito hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

----

Naalimpungatan ako sa dalawang kawal na mariing humihila sa magkabilang braso ko at marahas akong tinulak sa isang silid. 

Sinikap kong tumayo kahit masakit ang buong katawan ko at inilibot ang aking paningin sa bagong lugar na kinaroroonan ko. May mga book shelf sa gilid at isang malaking bintana na gawa sa kahoy. Ang liwanag mula sa bintana at dalawang lampara lamang ang nagsisilbing ilaw rito. Brownout ba?

Naroon sa aking harapan nakaupo ang señor at nagbabasa ng dyaryo. Dahan-dahan niya itong nilapag sa mesa at mausisa akong tinignan.

Ngayon ko lang napansin ang features niya dahil sa kaunting liwanag. Siya 'yung perfect description ng tall, dark and handsome char. Nangigibabaw ang kaniyang light brown na mga mata sa pagkamoreno niya habang suot-suot ang kaniyang Barong.

Iwinasik ko ang aking kaisipan ukol sa kaniya. Tanda ko pa kung paano niya akmang babatuhin ang gitara ko.

"Pangalan?"

Napakagat ako sa aking labi at mahigpit na hinawakan ang aking mga kamay. Hindi ko dapat sabihin ang totoo kong pangalan baka kasabwat niya si Manong pinagbilhan ko ng gitara.

"Gitara ko?"

Humigop siya ng kape at malakas na binagsak ito sa lamesa.

"A-ah Ayang C-castillo hehe"

Isa-isa niyang tinignan ang mga papel sa mesa na animo'y may hinahanap. Kumunot ang kaniyang noo nang matapos niyang suriin ito.

"Wala ka sa listahan ng mga mamamayan."

Lumapit ako sa kaniya at sumilip sa listahan. Nandoon ang mga information ng bawat tao ngunit nagulat ako sa date of birth nila. Puro mga 1800s ang nakasulat. Hindi kaya patay na 'tong mga 'to? 

Nabaling ang tingin ko sa dyaryong katabi niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang date doon. 'January 23, 1898.' Napaka out-dated naman nila. Tumikhim ang señor at tinapik-tapik ang kaniyang daliri sa mesa. 

"L-luh, pinagsasabi mo? B-bagong lipat kasi ako tapos uhm d-di pa ako nagparegister sa munisipyo. So, nasaan nga pala gitara ko?"

Bago pa man siya magsalita may kumatok sa pinto at pumasok ang isang guardia. Tumindig ito ng maayos at nagbigay galang.

"Señor Jacinto, paparating na ho ang Gobernadorcillo."

Gobernadorcillo? Ang fancy naman ng names ng mga opisyal pero nabasa ko na ito sa history book namin. Hala, baka naman nagtime travel ako. Hindi, imposible 'yun pero mga 1898 nasa dyaryo.

Baka naman ito next palabas sa sinehan tapos di ako nakaalis at masyado akong naengage sa movie kaya naghahallucinate ako.

"Taga-saan ka?"

"Taga-Pangasinan." Hindi ko na napigilan ang aking sarili at sumayaw ng budots.

Hinawakan ni Jacinto ang kaniyang sentido ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang kaunting pagkurba ng kaniyang mga labi. Tumikhim siya muli at umupo ng maayos.

"Anong layunin mo rito sa Caloocan?"

Hindi ko pa man nasasagot ang kaniyang tanong may maawtoridad na matandang lalaking pumasok. Siya na siguro ang Gobernadorcillo. Sa aking palagay nasa edad singkwenta na siya. Medyo kahawig niya ang Señor.

Napatigil sa paglalakad ang Gobernadorcillo nang lagpasan niya ako. Minata niya ako mula ulo hanggang paa at napataas ang kaniyang kilay na parang nandidiri. 

Tinignan ko rin ang aking sarili at napaface palm na lang ako nang makitang nakapyjama at shirt lang pala ako. Kung totoong nagtime travel ako, hindi ito ang angkop na kasuotan ng mga babae.

"Si quieres liberar tu libido, ¿por qué no ir a entretenimiento en casa? (Kung ibig mong ilabas ang iyong libido bakit hindi ka magtungo sa bahay aliwan?)" Tanong ng Gobernadorcillo.

Bagamat hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, alam kong espanyol ito. It makes sense naman na 1800s ay Spanish Era. Shems, imposible ito pero ang gitara ko lang ang pag-asa ko para makabalik sa katinuan.

"Ama, No lo llamé por eso. (Ama, hindi ko siya pinatawag para roon)"

Umigting ang aking tenga sa isang salitang naintindihan ko mula kay Jacinto. Ngayon, alam ko na kung saan namamana ang maawtoridad na tindig nito. 

Napatango-tango ako ngunit nadismaya at naguguluhan sa mga sunod kong narinig mula sa Gobernadorcillo. Magkahalong emosyon ang aking nadarama pero mas nangibabaw sa akin ang pagkalumo sa kaisipang iyon.

"Dalhin ang babaeng bayaran na ito sa bahay aliwan!"

        

Related chapters

  • Vintage Melody   Saknong 3

    "Dalhin ang babaeng bayaran na ito sa bahay aliwan!"Pumasok sa silid ang dalawang guardia civil at hinawakan ang magkabilang braso ko upang hilain paalis."Wait! Let me explain!" Nagpupumiglas ako sa kabig ng mga guardia ngunit walang akong laban sa kanilang lakas at higp

  • Vintage Melody   Saknong 4

    Sa pagdating ng kalaliman ng gabi, lahat ng mga tao ay panandaliang nakalilimot habang tinatahak ang daan tungo sa kawalan ng ulirat ng mga panaginip at mga bangungot. Lahat maliban sa akin.Kinuha ko ang maitim na talukbong sa aparador at pinatong sa aking balikat. Ang makapal na tela nito ang siyang tanging naghihiwalay sa pagitan ng aking balat at ginaw ng gabi. Isa lamang ang paraan upang makatakas sa bangungot na ito.

  • Vintage Melody   Saknong 5

    Lubaybay ang mga balikat subalit ang aking mga mata'y madalas sumusuri ng mga taong naglalakad sa bangketa. Sana ganito na lang ako maglakad araw-araw. Malaya at masaya.Inangat ko ang bilao ng pansit at ipinakita sa mga kawal upang iparating na pinapadala iyon ni Don Felipe. Tumango silang apat at pinadaan ako.

  • Vintage Melody   Saknong 6

    Kasing bilis ng kidlat ang pagbagsak ng mukha ko. Sa mga sandaling iyon, nakaawang ang aking bibig at ang aking mga mata'y nanlaki higit pa sa mauunat nito. Hindi ako makapag-isip ng mabuti maliban na lang sa gulat na nakarehistro sa utak ko.Tinikom ko ang aking bibig at tinignan ang aking mga daliri bago sumulyap sa binatilyong kanina pa naghihintay sa tugon ko.

  • Vintage Melody   Saknong 7

    "Ayang, bakit ika'y nababalisa? Sa tingin ko kailangan mo nang maghanap ng kasintahan." Mungkahi ni Marisol. Narito kami sa sentro ng bayan at napag-utusang kunin ang mga damit na pinagawa sa panahian."Lalaki nga naman." Iling ko sa kaniya. "Hindi pa ako handa para riyan."

  • Vintage Melody   Saknong 8

    Bumungad mula sa pangunahing pinto si Elena na may dalang mga sandamakmak na bilao ng mga pagkain."Magandang araw, Ayang. Nandyan ba si Jacinto?"

  • Vintage Melody   Saknong 9

    Sumasakit ang aking ulo at bawat parte ng aking katawan ay sumisigaw ng hangin. Patuloy akong lumalaban hanggang sa maramdaman kong malapit nang sumabog ang aking ulo. Kailangan kong huminga.Tinaas ko ang aking sarili sa paraang gumagalaw ang aking kamay at paa patungo sa itaas hanggang sa makakita ako ng liwanag. Sinundan ko iyon at umahon sa tubig upang makahinga.

  • Vintage Melody   Saknong 10

    Naalimpungatan ako sa kakaibang tinig na aking naririnig sa malaking espasyo. Ang koro ng simbahan ay naiiba kumpara sa ibang mga kumakanta ng mga kantang wala sa hymnario. Ang kanilang tinig ay halos katulad ng mga anghel, mga matataas na nota na sumisilaw sa mga ulap at umaawit sa Dios.Dahan-dahan akong tumayo rito sa masikip na pasilyo at sumilip sa kaganapan sa baba. Naroroon nakapila sa pinakaharap ang grupo ng mga mangaawit na nakasuot ng puti h

Latest chapter

  • Vintage Melody   Katanungan

    Magandang araw!Ako si Shadelza, pwede niyo akong tawaging ate Sha. Maaari kayong mag-iwan ng mga katanungan ukol sa Vintage Melody sa bahaging ito. Maaari niyo rin iderekta ang mga katanungan niyo sa akin sa aking account.

  • Vintage Melody   Saknong 36

    Unti-unti akong nagising sa maingay na paulit-ulit na pugak (beep) ng isang bagay sa aking tabi at ang pamilyar na amoy ng mga gamot. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tanging puting kisame lang ang nakikita ko.Marahan akong napatingin sa kanan. May malaking bintana na gawa sa salamin na siyang nagbibigay liwanag sa silid na ito. Sa kaliwa ko naman ay may mga kawad (wires) na nakakonekta sa malaking monitor kung saan ko naririnig an

  • Vintage Melody   Saknong 35

    Ang makitang patay si Jacinto ay parang kamatayan ko na rin.Hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya. Wala nang pintig. Pinadaan ko ang isa pang kamay malapit sa kaniyang dibdib kung saan nakasaksak ang itak. Wala na siya.

  • Vintage Melody   Saknong 34

    Pananaw ni Elena"Panandaliang mauudlot ang plano ngunit sinisiguro ko na akin ang huling halakhak!" sambit ko sa aking sarili habang tinitignan a

  • Vintage Melody   Saknong 33

    Pananaw ni JacintoDahan-dahan akong napatingin sa tali sa aking pala-pulsuhan. Maging sa tagiliran ko ay nakatali sa puno.

  • Vintage Melody   Saknong 32

    Pananaw ni ElenaAng kayumangging kape ay lumikha ng isang kaikaibang samyo sa baso na nakapatong sa maliit na mesa sa aking harapan. Ang marikit

  • Vintage Melody   Saknong 31

    Tatlong araw na ang nakalipas simula nang nakitira kami kina nay Neng. Sinubukang kausapin ni Jacinto ang kaniyang ama sa hindi pagpapatuloy ng kasal, ngunit lubos na ang pagkamuhui ni Don Felipe sa kaniya.Sa sobrang pagkamuhi, pinag-empake pa siya at hindi na pinabalik pa. Hindi na rin siya nagpasyang pumunta kina Elena. Doon ko na siya naramdamang gumuho ang mundo niya at wala siyang magawa kundi titigan ang pagbulusok pababa ng buhay niya.

  • Vintage Melody   Saknong 30

    Kumawala ako mula sa halik.Naalala ko na lahat."Jacinto..." mahina kong bulong at lumayo ng kaunti sa kaniya. Nakakapit pa rin ang kaniyang mg

  • Vintage Melody   Saknong 29

    Tumayo kami sa harap ng libingan. Nakayuko ang lahat.Marahil ay dahil sa pagpapakita nila ng respeto o baka dahil sa labis na takot. Ang kabaong ay hinugot ng anim na malalakas na kalalakihan mula sa kotse, lahat ay may suot na itim na mano.

DMCA.com Protection Status