Share

Saknong 1

Author: Sha delza
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Ngumiti kahit na napipilitan

Kahit pa sinasadya

Mo akong masaktan paminsan-minsan

Bawat sandali na---

"And let's stop you there. Do it again, this time a bit more rock and metallic. You know, do the death growl." 

Napakurap ako ng ilang beses sa isa sa tatlong pinakasikat na song writers sa Pilipinas na ngayon ay kumportableng nakaupo sa pinakadulong silid at inaasahan ang aking susunod na gagawin. 

"I'm sorry what? This song is not heavy metal." Tumaas ang kanilang kilay at nagbulungan na parang sila lang ang tao dito sa puting kwarto. Tanging ang camera, lamesa at mga upuan lamang ang pumupuno sa maliit na espasyo nito.

Napakagat ako sa aking labi at alanganing sumilay sa camera saka tumikhim. Tumigil sila at sumandal muli sa silya.

"Do you have any instruments? Kahit 'di mo dala."

"U-uhm I don't ha---" Hindi ko na natatapos ang sasabihin ko nang umigting ang aking tenga sa mga linyang paulit-ulit ko nang naririnig sa loob ng apat na taon.

"Next!"

Inis akong napapadyak palabas ng gusali at kiniyom ang aking mga kamao. Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil padabog kong sinipa ang nanahimik na puno sa tabi. Bakas sa kanilang mga mukha na nababaliw na ako nang kumawala ang impit na sigaw sa aking lalamunan.

Maraming beses ko nang pinag-iisipang isuko ang aking pangarap pero may katiting na pag-asa sa akin na balang araw mapapabilang ako sa mga matataas at kumikinang na mga bituin.

----

Pasado ala sais na ng gabi at buhay na buhay pa rin ang lungsod. Sumusupil sa buong lugar ang mga matatayog at maliliwanag na mga gusali alinsunod sa mga rumaragasang sasakyan at mga abalang tao pauwi na siyang lumilikha ng kaingayan sa paligid.

Nakapaskil sa salaming pinto ng tindahan ng mga instrumento ang tarpaulin ng upcoming concerts ng mga sikat na mang-aawit. Inangat ko ang aking kamay at nagkunwaring may hawak na baso.

"Cheers sa akin na nangangarap kahit malabong matutupad."

Sa mga katagang iyon, muling nagliyab ang puso ko puno ng determinasyon upang makamit ang aking minimithi. Minarapat kong bumili ng bagong gitara para sa susunod na mga auditions.

Tinulak ko ang pinto at napalanghap sa dami ng pagpipilian. Ito na siguro ang itsura ng heaven sa bawat mata ng mga musikero. Sumalubong sa akin ang pamilyar na samyo ng musikang nakalakip sa bawat instrumento. Ang amoy na hinding hindi ko pagsasawaan at patuloy na hahanap-hanapin.

Tinignan ko isa-isa ang mga bentang gitara sa display pero hindi sapat ang perang dala ko sa mamahaling mga gitara. Dismayado akong nilibot ang bawat sulok ng tindahan. Mukhang hanggang window shopping lang ako.

Nakarating na ako sa dulo at nawawalan ng pag-asang tumingin sa mga glass cabinets hanggang sa napatitig ako sa nag-iisang gitara na nasa sulok. May pagkavinatage ang kulay ng gitarang iyon na may intricate designs sa gilid.

"Maam, bibilhin mo?" Natauhan ako nang magsalita 'yung nagbebenta na sa aking palagay nasa edad saisenta.

"Manong ano meron? Malayo pa ang buwan ng wika?" Bulalas kong tanong habang pinagtatawanan ang suot niyang Barong Tagalog. 

Natawa rin siya at umiling-iling. Napagod na ako sa katatawa at hinawi ang buhok kong nakaharang sa aking mukha.

"Aahh magkano po yung nasa sulok? Hehe." Ngumiti siyang katakotakot habang binubuksan ang glass cabinet upang kunin ang gitara.

"Magaling kang pumili. 1000 na lang 'yan para sa'yo with case. Second hand 'yan, galing sa isang binatilyo." Dahil mura na iyon para sa isang gitara, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at binili iyon.

Hinawakan ko ito at parang nakaramdam ako ng kakaibang connection. Parang sinasabing meant to be kaming dalawa. Ganito siguro ang sinasabi nilang true love.

Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin.

"Adelia!" 

Napatigil ako sa paglakad at gulat na humarap ako sa kaniya. Muli kong nasilayan  ang unti-unting pag-angat ng kaniyang mga labi sa kulubot nitong mukha kasabay ng pagsingkit ng mga matang maluha-luha.

Sa pagkakataong ito, hindi na creepy ang ngiti niya at masasabi kong genuine ito. 

"Hanggang sa muli, Adelia." 

Tulala akong nakatingin sa kaniya at gulong-gulo ang isip kung paano niya nalaman pangalan ko. Dahan-dahan akong umatras hanggang sa nakapa ko ang pinto. Hindi ko na siya nilingon pa at mabilis na pinihit ang door knob upang tumakbo paalis.

----

"Para po."

Kinakabahan akong bumaba ng jeep at naging alerto ako sa aking paligid. Baka trinatrack ako ni Manong tapos imumurder. 'Diba ganoon sa mga movies? 

Bumaba ako sa may canto malapit sa aking apartment. Sarado na ang mga sari-sari stores at tanging ako lang ang tao sa kalsada kaya mas tumaas ang anxiety ko.

Tinakbo ko ang kalye at dinadama ang sariwang hangin na sumasalubong sa aking mukha at hinahampas ang mahaba kong buhok. Bagamat lumalalim na ang gabi, hindi ko ramdam na nag-iisa ako dahil nandyan pa rin ang hangin sa aking tabi. Ika nga nila, 'time and wind never leave anything alone.'

Marahas kong sinara ang pinto na lumikha ng malakas na ingay sa buong paligid. Dumeretso na ako sa aking kama at tulalang nakatingin sa kisame upang isipin ang nangyari kanina. Imposibleng kilala niya ako dahil baguhan lang ako sa syudad na ito. Hindi kaya nakita ko na siya sa isa sa mga auditions ko? 

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang phone para magscroll sa mga scoial media accounts. Dumadami na subscribers sa youtube channel at madami dami na ring naglilike sa facebook page ko.

Kahit pilit kong ilibang ang aking sarili, hindi pa rin ako mapakali. Baka naman idol niya ako sa mga song covers ko?

Inis na tumaklob ako sa aking kumot sa kaooverthink. Gusto kong magwala at magsigaw pero tiyak na tulog na ang mga kapitbahay kaya dinaan ko na lang sa twitter.

"You're creeping me out :<"

Wala pang one minute marami nang naglike at nag-alala sa akin dahil dumami ang notifs sa dms ko. Napakamot na lang ako ng ulo at binalik ang phone sa lamesa. 

Sa peripheral vision ko, nakita kong nakasandal sa pader ang gitarang binili ko. Tinanggal ko ang case at pinagmasdan ito.

Sa halagang isang libo, manghang-mangha pa rin ako sa itsura nito. Kahit second hand, parang bagong bili lang. Siguro inalagaan itong mabuti.

Nang iangat ko ito, may nahulog na pirasong papel na lukot-lukot at may pagkaluma. Parang napunit ito sa isang music sheet. Mas lalong kumunot ang aking noo nang mabasa ang nakasulat sa baybayin. Buti na lang tinuro ito noong high school kaya medyo naintindihan ko.

"Isang awit ngunit nag papabalik ng libo-libong alaala at isang himig na kayang pabalikin ang oras nating dalawa. Hindi ka lilisanin hanggang matapos ang huni ng tubig." -doble barra"

Weird, pinagloloko-loko ba ako nung may-ari? Baka naman nilagay ito ni Manong. Creepy niya talaga. Umupo na ako sa kama at nagsimula nang magstrum.

Triny kong itugtug ang himig na minsan ko nang narinig. Medyo malungkot ito na may halong saya. Ang mga malulumanay na mga notang lumalabas sa aking gitara ang tanging dahilan upang makalimutan ko ang sitwasyon sa totoong mundo.

Sa ilalim ng impluensya ng musika, nailalagay ako sa karanasan na hindi ko dapat maranasan, sa pagkaintindi na hindi ko dapat maintindihan at sa kalakasan na hindi ko dapat taglay.

Habang patagal ng patagal, lumalakas ang hangin kahit kulob itong apartment. Dinama ko na lang ito at pumikit habang patuloy na tumutugtug. 

Kasabay ng huling notang kumawala ay ang paghupa ng hangin ngunit gulat akong napadapa nang umalingawngaw ang malakas na putok na baril.

Binuksan ko agad ang aking mga mata at bumungad sa akin ang masukal at mahamog na gubat na aking kinalalagyan. Sabi na eh trinatrack ako tapos kinidnap at nilagay sa gubat na ito. Pero baka nanaginip yata ako, kakaisip ko siguro kay Manong. 

Huli kong tanda nasa apartment ako. Nilock ko pa nga ang door eh. Baka nakatulog na ako after mag-gitara. At least hanggang sa panaginip hawak ko pa 'tong gitara ko. 

"Quién está ahí! (Sinong nandyan?)"

Kinilabutan ako sa sigaw ng isang boses sa 'di malayo kahit hindi ko naiintindihan, alam kong Spanish ito.

Tinakpan ko ang aking bibig at pinigilang lumikha ng anomang ingay. Dahan-dahan akong gumapang upang magtago sa isang puno at pinakiramdaman ang paligid. Kaasar naman binabangungot yata ako.

"No hay nadie aqui Señor (Walang tao rito, Señor)."

"Incluso aquí Señor (Pati rito, Señor)."

Ibang boses naman ang pinanggalingan nito. Shocks so ibig sabihin baka marami sila.

Hinintay kong makarinig ng mga yabag na papaalis bago lumabas sa aking pinagtataguan. Nababahiran ng  malinaw na kalangitan ang lipad ng mga uwak sa matatayog na mga puno.

Ang kabilugan ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa madilim na gubat kaya sinikap kong magtungo sa lupang kalsada kahit giniginaw. Triny kong mag-imagine ng band concert baka sakaling lucid dream ito at matransport ako roon ngunit hindi gumagana.

----

Sumisikat na ang araw at ilang oras na akong naglalakad sa kalyeng ito, hinihintay ang aking paggising.

"Baka naman hindi ito panaginip? Hindi eh, imposible naman, hindi ako nagbook ng ticket papuntang Spain. Broke ako noh."

Sa di kalayuan nakarinig ako ng hakbang ng mga kabayo at pag-gulong ng sasakyan. Agad akong nagtago sa tabing puno at isang magandang ideya ang pumasok sa isip ko para magising sa bangungot ko. Ang talino ko talaga.

Sinandal ko ang gitara sa puno at pumwesto para makabwelo. Papalakas na ng papalakas ang yabag ng mga kabayo gayon na rin ang pintig ng aking puso. Tamang timing lang kailangan dito.

Sa musika dapat tama ang timing upang hindi pumalpak ang piyesa at hindi malito ang kasama mong tumutugtug. Katulad ng paparating na nota na hinihintay ng bawat musikerong tamaan ay ang kalesang umuusad sa kalsadang makitid na hinihintay kong kalabugin.

Napapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng aking tagiliran sa malapad na kahoy ng sasakyan dahilan upang mapasalampak ako sa lupa. 

"Shocks, ang sakit pala."

Anong klaseng katangahan to Adelia? Pero okay lang, for sure magigising na ako. Nanatili akong nakapikit at hinihintay ang nakakairitang tunog ng aking alarm.

"Señor, may nasagasaan ho ako!"

Wala akong natatandaang ganitong alarm, siguro nanaginip pa ako. Teka, pero ramdam ko pa rin ang sakit. Wala na ba ako sa Spain? 

"Binibini, ayos ka lang ba? Binibini?" 

Nagkunwari pa rin akong nahimatay habang trinatry kong ikalma ang sarili ko if ever na hindi ito panaginip. Buti na lang di ko sinama sa pagtalon ko ang gitara, bagong bili pa naman 'yon.

"Dalhin ito sa bilangguan!"

Nagsitayuan agad ang aking mga balahibo at nagsimulang mamasmado ang aking kamay sa makamandag na boses na minsan ko nang narinig kanina. Kahit nanginginig sa kaba, sinubukan kong tumayo at ininda ang sakit sa aking tagiliran at likod.

"Hoy! Bakit mo ako dadalhin sa bilangguan? Hindi ka nga pulis eh. Pakitaan mo muna ako ng warrant of arrest. Wala akong kasalanan dito. Kayo pa nga nakasagasa sa akin."

Taas noo kong sumbat sa kaniya. Kahit papaano may alam akong kunti sa law. Tama yan Adelia, dapat matapang ka. 

Inangat ko muli ang aking ulo at tinignan siya. Nakasuot siya ng itim na coat at sombrero ngunit hindi 'yon sapat na dahilan upang tingalain siya sa dami ng mga mukhang bodyguards na nakapalibot sa kaniya. 

Kunot noo siyang tumingin ng matalim sa akin at tumindig sa maawtoridad na pamamaraan. Di nga siya nagbibiro na dalhin ako sa bilangguan. My gosh i take back my words.

Lumapit ang señor nila sa akin at bawat hakabang na tinatahak niya ay napapaatras ako. Napangisi ang kaniyang mga kasamahan nang nababakas sa aking mukha ang kaba. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ibinaling ang tingin sa bagay na nasa gilid ko. Kinuha niya iyon at binuksan ang case.

"Sandali! Ibaba mo yan! Tatawag ako ng pulis!" Hindi siya natinag sa banta ko at patuloy na nilabas sa case ang aking gitara at akamang ibabato.

Kahit anong mangyari hindi ako makapapayag na sirain niya ang alinmang pagmamay-ari ko nang walang pahintulot. Sa sobrang asar sa pagiging entitled ng lalaking ito, humakbang ako papalapit at tumalon bago niya tuluyang mahagis ang gitara.

Kasabay ng aking paghakbang ang pagkasa ng baril ng mga kasamahan niya nakapalibot at tinutok sa akin ngunit wala na silang magawa nang mahawakan ko ang gitara sa tulin ng aking takbo. Maging ang Señor nila ay nagulat sa aking pagkilos.

Sa lakas ng pwersang inilaan ko sa pagtalon, nasungkit ko ang gitara ngunit huli na ng mapagtanto kong hudyat ito ng aming pagkahulog. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo mula sa kaniyang dibdib at tinignan ang kaniyang mga matang mapanuri na may bahid ng gulat.

Napalunok siya buhat ng paggalaw ng kaniyang adam's apple at akmang sisigaw na ngunit hindi ko na ito marinig nang umalingawngaw sa aking tainga ang pamilyar na melodiyang tinugtug ko kanina. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo at pagdilim ng aking paningin.

<p></p>          

   

Related chapters

  • Vintage Melody   Saknong 2

    Bahagyang nagising ang diwa ko sa malakas at nakakarinding ringtone. Inis akong bumaluktot sa pagkahiga at ikinislot ang aking kanang kamay upang kapain ang phone sa aking gilid habang walang humpay na tumatagingting sa aking utak ang tunog nito.Sa halip na malambot na kutson ang bagsakan ng aking palad, nakaramdam ako hapdi galing sa matigas at malamig na bagay na siyang aking hinihigaan. Agad akong napabangon subalit napaluhod na lamang nang makaramdam ng kirot mula sa aking tagiliran at likod.

  • Vintage Melody   Saknong 3

    "Dalhin ang babaeng bayaran na ito sa bahay aliwan!"Pumasok sa silid ang dalawang guardia civil at hinawakan ang magkabilang braso ko upang hilain paalis."Wait! Let me explain!" Nagpupumiglas ako sa kabig ng mga guardia ngunit walang akong laban sa kanilang lakas at higp

  • Vintage Melody   Saknong 4

    Sa pagdating ng kalaliman ng gabi, lahat ng mga tao ay panandaliang nakalilimot habang tinatahak ang daan tungo sa kawalan ng ulirat ng mga panaginip at mga bangungot. Lahat maliban sa akin.Kinuha ko ang maitim na talukbong sa aparador at pinatong sa aking balikat. Ang makapal na tela nito ang siyang tanging naghihiwalay sa pagitan ng aking balat at ginaw ng gabi. Isa lamang ang paraan upang makatakas sa bangungot na ito.

  • Vintage Melody   Saknong 5

    Lubaybay ang mga balikat subalit ang aking mga mata'y madalas sumusuri ng mga taong naglalakad sa bangketa. Sana ganito na lang ako maglakad araw-araw. Malaya at masaya.Inangat ko ang bilao ng pansit at ipinakita sa mga kawal upang iparating na pinapadala iyon ni Don Felipe. Tumango silang apat at pinadaan ako.

  • Vintage Melody   Saknong 6

    Kasing bilis ng kidlat ang pagbagsak ng mukha ko. Sa mga sandaling iyon, nakaawang ang aking bibig at ang aking mga mata'y nanlaki higit pa sa mauunat nito. Hindi ako makapag-isip ng mabuti maliban na lang sa gulat na nakarehistro sa utak ko.Tinikom ko ang aking bibig at tinignan ang aking mga daliri bago sumulyap sa binatilyong kanina pa naghihintay sa tugon ko.

  • Vintage Melody   Saknong 7

    "Ayang, bakit ika'y nababalisa? Sa tingin ko kailangan mo nang maghanap ng kasintahan." Mungkahi ni Marisol. Narito kami sa sentro ng bayan at napag-utusang kunin ang mga damit na pinagawa sa panahian."Lalaki nga naman." Iling ko sa kaniya. "Hindi pa ako handa para riyan."

  • Vintage Melody   Saknong 8

    Bumungad mula sa pangunahing pinto si Elena na may dalang mga sandamakmak na bilao ng mga pagkain."Magandang araw, Ayang. Nandyan ba si Jacinto?"

  • Vintage Melody   Saknong 9

    Sumasakit ang aking ulo at bawat parte ng aking katawan ay sumisigaw ng hangin. Patuloy akong lumalaban hanggang sa maramdaman kong malapit nang sumabog ang aking ulo. Kailangan kong huminga.Tinaas ko ang aking sarili sa paraang gumagalaw ang aking kamay at paa patungo sa itaas hanggang sa makakita ako ng liwanag. Sinundan ko iyon at umahon sa tubig upang makahinga.

Latest chapter

  • Vintage Melody   Katanungan

    Magandang araw!Ako si Shadelza, pwede niyo akong tawaging ate Sha. Maaari kayong mag-iwan ng mga katanungan ukol sa Vintage Melody sa bahaging ito. Maaari niyo rin iderekta ang mga katanungan niyo sa akin sa aking account.

  • Vintage Melody   Saknong 36

    Unti-unti akong nagising sa maingay na paulit-ulit na pugak (beep) ng isang bagay sa aking tabi at ang pamilyar na amoy ng mga gamot. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tanging puting kisame lang ang nakikita ko.Marahan akong napatingin sa kanan. May malaking bintana na gawa sa salamin na siyang nagbibigay liwanag sa silid na ito. Sa kaliwa ko naman ay may mga kawad (wires) na nakakonekta sa malaking monitor kung saan ko naririnig an

  • Vintage Melody   Saknong 35

    Ang makitang patay si Jacinto ay parang kamatayan ko na rin.Hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya. Wala nang pintig. Pinadaan ko ang isa pang kamay malapit sa kaniyang dibdib kung saan nakasaksak ang itak. Wala na siya.

  • Vintage Melody   Saknong 34

    Pananaw ni Elena"Panandaliang mauudlot ang plano ngunit sinisiguro ko na akin ang huling halakhak!" sambit ko sa aking sarili habang tinitignan a

  • Vintage Melody   Saknong 33

    Pananaw ni JacintoDahan-dahan akong napatingin sa tali sa aking pala-pulsuhan. Maging sa tagiliran ko ay nakatali sa puno.

  • Vintage Melody   Saknong 32

    Pananaw ni ElenaAng kayumangging kape ay lumikha ng isang kaikaibang samyo sa baso na nakapatong sa maliit na mesa sa aking harapan. Ang marikit

  • Vintage Melody   Saknong 31

    Tatlong araw na ang nakalipas simula nang nakitira kami kina nay Neng. Sinubukang kausapin ni Jacinto ang kaniyang ama sa hindi pagpapatuloy ng kasal, ngunit lubos na ang pagkamuhui ni Don Felipe sa kaniya.Sa sobrang pagkamuhi, pinag-empake pa siya at hindi na pinabalik pa. Hindi na rin siya nagpasyang pumunta kina Elena. Doon ko na siya naramdamang gumuho ang mundo niya at wala siyang magawa kundi titigan ang pagbulusok pababa ng buhay niya.

  • Vintage Melody   Saknong 30

    Kumawala ako mula sa halik.Naalala ko na lahat."Jacinto..." mahina kong bulong at lumayo ng kaunti sa kaniya. Nakakapit pa rin ang kaniyang mg

  • Vintage Melody   Saknong 29

    Tumayo kami sa harap ng libingan. Nakayuko ang lahat.Marahil ay dahil sa pagpapakita nila ng respeto o baka dahil sa labis na takot. Ang kabaong ay hinugot ng anim na malalakas na kalalakihan mula sa kotse, lahat ay may suot na itim na mano.

DMCA.com Protection Status