Lubaybay ang mga balikat subalit ang aking mga mata'y madalas sumusuri ng mga taong naglalakad sa bangketa. Sana ganito na lang ako maglakad araw-araw. Malaya at masaya.
Inangat ko ang bilao ng pansit at ipinakita sa mga kawal upang iparating na pinapadala iyon ni Don Felipe. Tumango silang apat at pinadaan ako.
Kasing bilis ng kidlat ang pagbagsak ng mukha ko. Sa mga sandaling iyon, nakaawang ang aking bibig at ang aking mga mata'y nanlaki higit pa sa mauunat nito. Hindi ako makapag-isip ng mabuti maliban na lang sa gulat na nakarehistro sa utak ko.Tinikom ko ang aking bibig at tinignan ang aking mga daliri bago sumulyap sa binatilyong kanina pa naghihintay sa tugon ko.
"Ayang, bakit ika'y nababalisa? Sa tingin ko kailangan mo nang maghanap ng kasintahan." Mungkahi ni Marisol. Narito kami sa sentro ng bayan at napag-utusang kunin ang mga damit na pinagawa sa panahian."Lalaki nga naman." Iling ko sa kaniya. "Hindi pa ako handa para riyan."
Bumungad mula sa pangunahing pinto si Elena na may dalang mga sandamakmak na bilao ng mga pagkain."Magandang araw, Ayang. Nandyan ba si Jacinto?"
Sumasakit ang aking ulo at bawat parte ng aking katawan ay sumisigaw ng hangin. Patuloy akong lumalaban hanggang sa maramdaman kong malapit nang sumabog ang aking ulo. Kailangan kong huminga.Tinaas ko ang aking sarili sa paraang gumagalaw ang aking kamay at paa patungo sa itaas hanggang sa makakita ako ng liwanag. Sinundan ko iyon at umahon sa tubig upang makahinga.
Naalimpungatan ako sa kakaibang tinig na aking naririnig sa malaking espasyo. Ang koro ng simbahan ay naiiba kumpara sa ibang mga kumakanta ng mga kantang wala sa hymnario. Ang kanilang tinig ay halos katulad ng mga anghel, mga matataas na nota na sumisilaw sa mga ulap at umaawit sa Dios.Dahan-dahan akong tumayo rito sa masikip na pasilyo at sumilip sa kaganapan sa baba. Naroroon nakapila sa pinakaharap ang grupo ng mga mangaawit na nakasuot ng puti h
Ang ilog ay kalmado na pumapagitna sa mga verdeng bangko. Kulay na makikita lang tuwing tag-init. Ngayong umaga, hindi gaano kumikintab ang tubig tulad nang nakikita tuwing tanghali. Sa unahan ay ang tulay na lagi kong dinadaanan tuwing pumupunta sa kubo."Ang husay mo naman
Ilang linggo na ang nakalipas, nagpatuloy ang usapan ng pamilya Esperanza at Montemayor tungkol sa kasal nina Elena at Jacinto. Nang dahil sa labis na pagpunta rito ni Elena sa mansion, mas napalapit kami ni Marisol sa kaniya at higit pa roon naging magkakaibigan kami."Nasasabik na ako sa tipanan namin ni Jacinto bukas." Magiliw na usal ni Elena habang pumapaypay sa berdeng abaniko.
"Nalinisan na namin ang mga galos at sugat niya sa likod ngunit kinatatakot kong may malaki siyang natamong pasa malapit sa kaniyang batok. Maaari nitong maapektuhan ang kaniyang utak. Ang magagawa lamang natin sa ngayon ay hintayin ang kaniyang paggising at paghilom."Ang doktor dito sa paggamutan ay may pusturang pang sundalo. Lahat ng kaniyang ginagawa ay tumpak at may layunin. Napangiti siya matapos niyang sambitin iyon sa malamig at malapropesyonal na pamamaraan bago umalis sa m
Magandang araw!Ako si Shadelza, pwede niyo akong tawaging ate Sha. Maaari kayong mag-iwan ng mga katanungan ukol sa Vintage Melody sa bahaging ito. Maaari niyo rin iderekta ang mga katanungan niyo sa akin sa aking account.
Unti-unti akong nagising sa maingay na paulit-ulit na pugak (beep) ng isang bagay sa aking tabi at ang pamilyar na amoy ng mga gamot. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tanging puting kisame lang ang nakikita ko.Marahan akong napatingin sa kanan. May malaking bintana na gawa sa salamin na siyang nagbibigay liwanag sa silid na ito. Sa kaliwa ko naman ay may mga kawad (wires) na nakakonekta sa malaking monitor kung saan ko naririnig an
Ang makitang patay si Jacinto ay parang kamatayan ko na rin.Hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya. Wala nang pintig. Pinadaan ko ang isa pang kamay malapit sa kaniyang dibdib kung saan nakasaksak ang itak. Wala na siya.
Pananaw ni Elena"Panandaliang mauudlot ang plano ngunit sinisiguro ko na akin ang huling halakhak!" sambit ko sa aking sarili habang tinitignan a
Pananaw ni JacintoDahan-dahan akong napatingin sa tali sa aking pala-pulsuhan. Maging sa tagiliran ko ay nakatali sa puno.
Pananaw ni ElenaAng kayumangging kape ay lumikha ng isang kaikaibang samyo sa baso na nakapatong sa maliit na mesa sa aking harapan. Ang marikit
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang nakitira kami kina nay Neng. Sinubukang kausapin ni Jacinto ang kaniyang ama sa hindi pagpapatuloy ng kasal, ngunit lubos na ang pagkamuhui ni Don Felipe sa kaniya.Sa sobrang pagkamuhi, pinag-empake pa siya at hindi na pinabalik pa. Hindi na rin siya nagpasyang pumunta kina Elena. Doon ko na siya naramdamang gumuho ang mundo niya at wala siyang magawa kundi titigan ang pagbulusok pababa ng buhay niya.
Kumawala ako mula sa halik.Naalala ko na lahat."Jacinto..." mahina kong bulong at lumayo ng kaunti sa kaniya. Nakakapit pa rin ang kaniyang mg
Tumayo kami sa harap ng libingan. Nakayuko ang lahat.Marahil ay dahil sa pagpapakita nila ng respeto o baka dahil sa labis na takot. Ang kabaong ay hinugot ng anim na malalakas na kalalakihan mula sa kotse, lahat ay may suot na itim na mano.