HINDI namalayan ni Monica na nakapasok na pala sila ni Zymon sa silid, sa loob ng malaking bahay habang nanatiling magkalapat ang kanilang mga labi na animo'y ayaw nang maghiwalay ng mga iyon na parang sabik sa bawat halik na ginagawad nila sa isa't isa. Hinahayaan niya si Zymon at ang sarili na lasapin ang ligayang nararamdaman nila sa mga oras na iyon. Walang pag-aalinlangan at walang pagsisising ibibigay niya ang kaniyang sarili rito sa huling pagkakataon.Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya habang patuloy sa paghalik si Zymon at tinutugunan niya iyon. Tuluyan na silang nakapasok sa loob. Ramdam niya ang katawan nito sa kaniyang katawan habang nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito. Sa kabila ng saya at ligayang nararamdaman niya, kapalit niyon ang matinding sakit at lungkot na kailangan nilang harapin.Ang masuyo at marahang hal*k na iyon ay mas nag-alab at mas nagkaroon ng matinding pagnanasa sa bawat isa. Mas may diin iyon at mas naging mapusok ang baw
"UH-UH!" ungol ni Monica nang lasapin ni Zymon ang pagkababa* niya. Hindi niya maintindihan ang sensasyong bumabaliw sa kaniya. Para siyang nakalutang kung saan iyon ang pinakamasarap na pakiramdam para sa kaniya. Napahigpit pa ang pagkakahawak niya sa cover ng kama.Pinatitigas nito ang mga labi para laruin ang bukana niya na nagbibigay sa kaniya ng labis na ligaya na alam niyang si Zymon lang ang makakapagbigay niyon sa kaniya.Matapos niyon, mula roon, hinalikan nito ang tiyan niya, ang kaniyang pusod na nagpaigtad sa kaniya dahil sa kiliti. Ang mga kamay nito'y nasa kaniyang dibdib na para bang pumipisil ito ng malambot na bola."Uh-uh!" ungol ulit niya habang nakapikit. Napamulat lang siya ng maramdaman niya ang labi nito sa kaniyang leeg hanggang sa bumagsak iyon sa kaniyang bibig. Ramdam na ramdam niya ang galit na pagkalalak* nito na handa nang pumasok sa bukana niya ano mang sandali at handa na siya roon. Napatingala siya habang gumagala ang mga labi at kamay nito sa kaniya
DAHAN-DAHAN uminat si Zymon kasabay ng pagkiling ng kaniyang ulo at paghikab. Nanatili siyang nakapikit. Tumagilid siya at kinapa roon si Monica na nakaunan sa kaniyang bisig nang nagdaang gabi. Natigilan siya at agad nakaramdam ng kaba nang wala siyang makapa roon. Wala na rin ang ulong nakaunan sa kaniyang mga bisig. Kinapa muli niya ang kama ngunit wala talaga roon ang dalaga.Nagmulat siya ng mga mata. Tumambad sa kaniya ang malinis na kama at tanging siya lang ang nakahiga roon. Kinusot niya ang kaniyang mga mata. Mabilis siyang bumalikwas ng bangon at bumaba ng kama. Pinulupot niya ang short at damit sa lapag, saka agad iyong sinuot.Kahit pa paano'y kinakalma niya ang kaniyang sarili at pinapaasang baka maaga lang na nagising si Monica at lumabas lang ito ng silid o kaya nama'y naglalakad-lakad lang sa tabi ng dagat. Nang makapagbihis siya, agad siyang lumabas ng silid."Ate Joy, nasaan po si Monica?" tanong niya sa katiwala ng rest house na iyon nang madatnan niya itong naglil
HALOS hindi lumabas si Monica sa silid niya simula nang makabalik siya ng Manila at iniwan niya si Zymon ng walang paalam. Masakit man para sa kaniya na gawin iyon, kailangan niyang tiisin iyon dahil alam niyang iyon ang mas tamang gawin niya. Ayaw na niyang magulo pa ang buhay niya at ng kaniyang anak kung ilalapit pa niya ang sarili sa binata.Naubos na rin ang luha sa mga mata niya sa gabi-gabing pag-iyak na ginawa na niya noon at alam niyang kahit pa paano'y epektibo ang ganoong paraan para mabawasan ang sakit at bigat na nararamdaman niya. Iiyak muna siya hanggang sa kaya na ulit niyang humakbang para kalimutan ang masasakit na nangyari sa kaniya.Nang pinagmamasdan niya si Zymon na mahimbing na natutulog sa kamang iyon, kung saan niya ito iniwan, halos madurog ang puso niya. Gustong niyang manatili sa tabi nito hanggang sa magising ito pero kulang ang lakas ng loob niya para piliin ang binata. Mabigat ang bawat hakbang niya palayo habang nararamdaman niyang pinupunit-punit sa pi
"KUMUSTA ka na, Monica?" tanong ni Crystal kay Monica nang magkita sila sa kompanya nito. Bukas na kasi ang event ng George Company at maayos nilang naisagawa lahat ng plano, hinihintay na lang ang mismong araw ng malaking pagdiriwang na iyon. Naplano na rin niya ang gagawin niya matapos ng proyektong iyon, babalik na siya ng Davao para ipagpatuloy doon ang dating tahimik niyang buhay.Humalukipkip siya habang nakatayo at nakatingin sa nagtataas gusali sa labas ng building na kinaroroonan niya. Bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot at bakas ng pagluha na pilit niyang itinago sa pamamagitan ng make up at pekeng pagngiti."Honestly, I'm not ok pero alam kong hindi dapat magtagal ang ganitong nararamdaman ko, Crystal. I need to be ok para sa anak ko, para magsimula ulit kami," malungkot niyang pahayag.Narinig niya ang mga yabag ng kaibigan na palapit sa kaniya. Humalukipkip din ito at tumingin sa kung saan siya nakatingin. "So, ano'ng plano mo pagkatapos nito?"Binalingan niya ito n
"Z-ZYMON?" Pilit itinago ni Monica ang emosyong nagpapahiwatig ng pagka-miss niya sa binata. Pinigilan niya ang sarili na maramdaman iyon dahil hindi na niya pwedeng ipakita iyon sa binata dahil Nakapagdesisyon na siya at hindi na iyon mababago pa. Sa kabila ng lahat ng iyon, mayroon pa rin sa loob niya na gustong yakapin ang binata at i-comfort ito sa nararamdaman nito ngayon dahil alam niyang patuloy niya itong sinasaktan at binigyan pa niya ito ng pag-asang baka maging maayos pa sila."Monica, please, mag-usap tayo," malumanay nitong sabi na bakas ang pagnanais nitong makausap siya dahil sa nangungusap nitong mga mata.Kumurap siya para putulin ang pagtitig niya sa gwapo nitong mukha na may bahid ng lungkot at sakit. Umiwas siya rito ng tingin kahit labis na nagnanasa ang puso niya na titigan ito at muling pagsawaan ang mukha nito na magbibigay sa kaniya ng comfort at pagmamahal na alam niyang kailangan niya.Lumunok siya at saglit na yumuko. Kailangan niyang kumuha ng lakas ng loo
HANGGANG ngayon hindi pa rin mawala sa isip ni Monica ang mga katagang binitawan ni Zymon sa parking area nang nagdaang araw. Alam niya at nararamdaman niya kung gaano siya kamahal ng binata pero siya itong takot at duwag na ipaglaban naman ang nararamdaman niya para sa binata. Marahil, hindi pa sapat ang lakas ng loob niya para labanan ang takot sa pwedeng mangyari.Mamayang gabi na ang event na siya mismo ang nag-organize pero wala siyang maramdamang excitement kung 'di kaba dahil alam niyang makikita niya roon ang mga taong alam niyang dahilan ng nararamdaman niya ngayong takot at pangamba."Mommy."Napalingon siya kay Princess nang lumapit ito sa kaniya. Kasalukuyan siyang nasa hardin at malalim na nag-iisip sa mga bagay na nangyayari sa buhay niya. Mayroong bahagi sa kaniya na gustong baguhin ang nabuo desisyon niya pero may bahaging lumalaban doon. Naguguluhan siya at hindi niya alam ang tamang gawin sa mga oras na iyon.Kahit ramdam niya ang lungkot at sakit, kapag kaharap niya
"Z-ZYMON?" gulat na banggit ni Monica sa pangalan nang binata nang makita niya itong nakatayo habang nakasandal sa sasakyan nito at nakapamulsa. Nag-angat ito ng tingin sa kanila. Hindi nakaiwas sa paningin niya ang pagkadismaya at lungkot sa mukha nito nang makitang magkasama sila ni Jericho."Ano'ng ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong naman ni Jericho. "Don't you see, may kasama na si Monica na pupunta nang party, so obviously, she don't need you to escort her." Agad nabuo ang tensyon dahil sa pinakitang inis ni Jericho.Nanliit ang mga mata ni Zymon. Saglit itong yumuko at lumayo sa sasakyan. Bahagya itong lumapit sa kanila. "Kasama? As far as I remember, hindi ka naman invited sa event, so why you need to escort her..." Ngumisi si Zymon. "Or you're still hoping that maybe one day mamahalin ka ni Monica? Come on, Jericho huwag na nating lokuhin ang mga sarili natin dahil alam mong hindi ka—""Jericho!" nababahalang sigaw niya sa pangalan nito nang magbitaw ito ng isang suntok na
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint