NAIILANG na sumunod si Monica kay Zymon nang pumasok ito sa silid na ibinigay sa kanila dahil iyon na lang daw ang available sa hotel. Gusto man niyang tumanggi, wala siyang magawa dahil wala naman silang ibang choice kung 'di kunin iyon. Ok lang naman sana sa kaniya kung ibang tao ang kasama niya roon, kaso si Zymon iyon at natatakot siyang kasama ito hindi dahil baka may gawin ito, kung 'di dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi siya nakakapag-isip ng maayos kapag kasama ito."Seryoso ka ba talaga, Zymon? Bakit kasi kailangan nating mag-stay? Ni wala tayong dalang damit?" asiwang sambit niya.May kalakihan naman ang silid at family size ang bed doon pero hindi pa rin siya papayag na tabi silang matutulog ni Zymon."Problema ba 'yon? We can buy clothes kaysa umuwi kung kailan malapit na tayo," sagot nito. Nilingon nito ang paligid. "Don't worry, pwede akong matulog sa sofa if you're not comfortable," dagdag nito at saglit siyang tiningnan."Aba, dapat lang," agad na sagot
"I CAN'T stop but to think what if ako ang ama ni Princess o kaya paano kung hindi ako? Hindi ko alam ang magiging reaction at mararamdaman ko sa dalawang posibilidad na iyon. P-pero paano kung ako nga? Paano tayo?"Hindi agad nakaimik si Monica sa naging tanong ni Zymon sa kaniya. Marahan siyang gumalaw at humarap sa sofa kung saan nakahiga ang binata. Nakita niya ito roon na nakaunan sa mga braso nito at nakatingin sa kisame."H-hindi ko alam," nauutal niyang sabi. "Tinatanong ko rin ang tanong na 'yan. Paano kung ikaw? H-hindi ko alam ang gagawin ko," pagtatapat niya. Bumuntong-hininga siya. "Pero paano kung hindi ikaw?" balik na tanong niya.Narinig niya ang paggalaw nito dahil sa tahimik na silid. Tumingin ito sa kaniya. Kapagkuwa'y tumayo ito sa pagkakahiga at umupo sa sofa. Ngumiti ito kahit bakas doon ang lungkot. "Hindi ko alam kung paano tatanggapin kung hindi ako? I love her so much at napalapit na ako kay Princess. I want to be her Dad. Gusto kong marinig mula sa kaniya na
HINDI maitago ni Monica ang saya dulot ng kilig na pinadama sa kaniya ni Zymon nang bigyan siya nito ng bulaklak. Mabuti na nga lang at sumingit ang tindera kanina dahil kung hindi, baka tuluyan na siyang nakabitaw at nahulog nang tuluyan sa sitwasyong iyon. Konting lapit pa, konting pakilig pa, baka hindi na niya kayanin ang nararamdaman at tuluyang bumigay kay Zymon.Nagpatuloy sila sa paghahanap ng bulaklak. Halos nalibot na nila ang lugar. May ilan silang nakitang Carnation pero limited lang din ang supply nila nang nasabing bulaklak."Carnation po ba?" Ngumiti ang tindera. Nang sabibin nila ang kailangan nila. "Tamang-tama ang dating ninyo, Ma'am, Sir dahil may parating kaming Carnation flowers this month," masayang ani ng babae.Nagkatinginan sila ni Zymon, pero agad ding bumaling sa babaeng tindera. "Talaga po?" masayang tanong niya. "Pwede po ba naming malaman ang exact date ng pagdating ng Carnation? We really need that flower kasi for the event that we're organizing," sabi n
HINDI mawala sa isip ni Monica ang nangyari sa kanila ni Zymon kanina. Muntik na siyang tuluyang lamunin ng temptation, mabuti na lang at may gumising sa kaniya sa pinakamagandang panaginip niya. Ayaw na sana niyang matapos ang eksenang iyon pero hindi iyon tama. Mali na hayaan niyang gawin ang bagay na alam niyang mali at may masasaktan. Aminin man niya o hindi, gusto niyang ganoon sila palagi pero hindi dapat.Matapos ng nangyari, katahimikan ulit ang namagitan sa kanila ni Zymon. Maging ito, tila nagising sa katotohanang mali ang ginawa nila. Hindi sila pwedeng maging selfish habang may taong nasasaktan. Hindi niya pwedeng ipilit ang sariling kasiyahan dahil hindi naman siya ang nauna kay Zymon.Naramdaman na lang niya ang paghinto ng sasakyan ni Zymon sa tapat ng bahay nila. Inabot na rin sila ng gabi dahil sa haba ng byahe. Tahimik lang siya at nang akmang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan, pinigilan siya ni Zymon. Hinawakan siya nito sa braso kaya napatigil siya."Can we t
MABIGAT MAN ang pakiramdam ni Monica, kailangan niyang pumunta ng George Company para sa meeting nila para sa darating na event. Alam niyang nandoon si Zymon pero hindi niya pwedeng idamay ang trabaho niya dahil sa personal nilang nararamdaman. Bumaba siya ng sasakyan nang marating niya ang gusali. Walang lingon-lingon na pumasok siya sa kompanya at dumeretso sa elevator. Ni hindi siya tumitingin sa mga taong nasa paligid niya. Ukupado pa rin kasi ni Zymon ang puso at isip niya. Na hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang sakit at bigat dahil sa napakahirap na desisyong ginawa niya. Ang piliing masaktan kaysa makasama ang taong mahal niya."Hey! I thought you're acting like you don't know me pero mukhang malalim lang ang iniisip ko to the point na hindi mo na alam kung sino'ng nasa paligid mo."Kumunot ang noo niya nang marinig ang boses na iyon. Hinarap niya ang nagsalita at nagulat na lang siya ng makita si Ronie. "Ronie?" banggit niya sa pangalan nito. Tatanungin pa sana niya kung
HALOS hindi makatulog si Zymon dahil sa maraming bagay na gumugulo sa isip niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa alaala niya ang huling pag-uusap nila ni Monica at nananatili sa puso niya ang sakit at lungkot sa katotohanang kahit mahal siya ng dalaga, hindi nito magawang piliin siya dahil kay Shy at sa sitwasyon niya. Gusto man niyang ipilit ang nararamdaman para rito, wala siyang magagawa dahil ayaw nitong tanggapin iyon.At sa pagkakataong ito, nakahanda na siya. Pinag-isipan na rin niya ang desisyong gagawin at alam niyang magreresulta iyon ng bagong magulong sitwasyon pero handa na siya sa kahit ano'ng resulta. Ito ang tama niyang gawin bago niya ipilit ang sarili kay Monica. Alam din niyang kahit ano'ng gawin niya, hindi na babalik sa dati ang sitwasyon pero anuman ang kahinatnan, tatanggapin niya iyon.Kasalukuyan siyang nasa isang restaurant at hinihintay na lang na dumating si Shy. Tinawagan niya ito para kausapin ng maayos. Matagal niyang pinag-isipin ang gagawin niy
WALANG ganang sinipat ni Monica ang sarili niya sa harap ng salamin matapos niyang suotin ang isang brown dress na nahanap niya sa kaniyang mga damit. Inihanda niya ang sarili kahit pa paano para kay Jericho. Nagdesisyon siyang ibigay dito ang atensyon at bigyan ng pagkakataon. Inisip rin niya na baka mag-work at ma-realize niyang mahal pa niya ito. Inalok siya ni Jericho para sa isang dinner date at hindi niya ito tinanggihan. Kailangan niyang ilaan ang isip niya sa binata para hindi niya maisip si Zymon at ang nararamdaman niya para sa binata pero mukhang hindi iyon nangyari dahil habang binibigyan niya ng chance si Jericho, si Zymon pa rin ang laman ng isip niya.Bumuntong-hininga siya. Bakas ang lungkot sa mukha niya imbis maging masaya at manabik sa date nila ni Jericho. Marahan siyang umupo sa gilid ng kama. Wala siyang ganang humarap sa kahit kanino dahil hanggang ngayon, sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman niya, na siya mismo ang pumili niyon. Nagdadalawang-isip siya per
"KUMUSTA ka na?" tanong ni Crystal kay Monica habang lulan sila ng sasakyan nito patungo sa event place para simulan ang planong ginawa nila para sa darating na malaking event ng George Company. Ilang linggo na lang kasi ang nalalabi at kailangan na nilang simulan iyon dahil malaki ang lugar at marami silang dapat gawin.Tumingin siya sa kaibigan na walang emosyon ang mukha. Tinatanong din niya sa sarili niya ang tanong na iyon pero ang sagot ay hindi niya alam. Maraming bagay ang gumugulo sa isip niya at hindi niya alam ang dapat niyang gawin.Kapagkuwa'y simple siyang ngumiti na magkadikit ang mga labi. Bahagya siyang yumuko ng magtama ang mga mata nila ng kaibigan."Honestly, I'm not ok, Crystal pero kailangan kong tanggapin ang lahat at maging ok," pagtatapat niya. "Everyday, mas bumibigat ang nararamdaman ko, mas nahihirapan ako dahil alam ko sa sarili kong mahal ko si Zymon pero wala akong ibang magawa kung 'di saktan ang sarili ko sa katotohang hindi kami pwede," malungkot niya
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint