DINALA si Monica ni Jericho sa isang dagat kung saan kita roon ang malawak na kulay asul na kalangitan at ang katubigan habang humahampas ang katamtamang laki ng alon. Hindi niya alam kung saan iyon dahil magulo ang isip niya habang lulan ng sasakyan kanina. Ni hindi niya alam kung gaano katagal ang naging byahe nila papunta roon."I hope you like it, Monica. Hindi ba't gusto mo ng lugar na magbibigay sa 'yo ng peace?" ani Jericho habang kasalukuyan silang naglalakad sa dalampasigan. "I thought this place is better for you."Inayos niya ang buhok na nagulo dahil sa lakas ng hangin. Nararamdaman din niya ang mga paa niyang bumabaon sa buhangin. Pilit niyang ibinabaling ang atensyon sa dagat at sa kalangitan."Salamat, Jericho sa pagdala mo sa akin sa lugar na ito. The sound of waves, the color of the sky, it makes my mind stop from thinking negative thoughts," pagtatapat niya. "Matagal na rin kasi simula ng pumunta ako sa ganitong lugar at na-miss ko ang ganitong feeling."Ngumiti si J
"HANDA ka na ba talaga?" muling tanong ni Crystal kay Monica habang nasa isang restaurant sila. Kailangan niyang aliwin ang sarili para ilayo ang isip sa maraming bagay na gumugulo roon. Ang takot, ang pangamba, ang lungkot at ang mga pwedeng mangyari na hindi ayon sa gusto niya na hindi niya pwedeng ipilit.Bumuntong-hininga siya habang ginagalaw ang straw na nasa inumin niya. Bakas ang frustration sa mukha niya. Dahan-dahan siyang tumango. "Kailangang ko 'tong gawin, Crystal not just for Princess but for all of us. Tama ka, hindi pwedeng paghatian namin si Princess sa lahat ng oras. May pagkakataon ako para alamin ang totoo at ito na ang panahon para harapin ko iyon bago pa tuluyang mapalapit si Princess sa kanilang dalawa at pagkatapos ay mawawala ang isa. Mahihirapan siyang tanggapin iyon," malungkot na sagot niya. "At mahihirapan akong ipaliwanag iyon sa kaniya."Nagpakawala ng hininga si Crystal. "Tama ka, this is the right decision for you to do para pareho-pareho kayong matahi
"MOMMY, saan po ba tayo pupunta? Magmu-mall po ba tayo?" usisa ni Princess kay Monica habang lulan sila ng sasakyan niya patungo sa DNA testing laboratory na napili niya para isagawa ang test. Kahit gumastos siya ng malaki, hindi na niya iyon inisip. Hindi rin kasi biro ang halaga ng ganoong test.Nang nakaraang araw pa lang, pinaalam na niya kay Zymon at Jericho ang tungkol doon at alam niyang darating ang mga ito."Hindi tayo magmu-mall, 'Nak pupunta tayo ng hospital," sagot niya at saglit lang itong nilingon."Hospital po? Bakit po, may sakit po ba kayo?" Bakas ang kaba at gulat doon.Binalingan niya ito at ngumiti siya. "Walang sakit si Mommy, magpapa-check up lang tayo para sa health natin. Hindi ba't ginagawa naman natin 'to sa Davao? You have your weekly check up," paliwanag niya para hindi ito magtanong sa gagawin nila."Ganoon po ba?" Kapagkuwa'y ngumiti na rin ito. "Alam niyo po, 'Mommy sabi ni Tito Jericho, isasama raw po niya ako sa bahay niya kapag po may time siya," masa
UTAY-UTAY nang pinoproseso ni Monica ang magiging resulta ng DNA testing na isinagawa nila para malaman ang totoong ama ni Princess. Kailangan niyang ihanda ang sarili sakaling lumabas ang katotohanan dahil iyon lang ang paraan para kahit pa paano magkaroon na ng katahimikan ang buhay nila at matuldukan na ang mga tanong na 'sino?'. Kinakabahan man siya pero ang lahat ng iyon ay kailangan niyang harapin.Sa kabila ng DNA testing, nagpatuloy pa rin ang ganoong set up nila Jericho, Zymon at ng kaniyang anak. Hindi na rin siya tumutol dahil ilang linggo lang naman ang itatagal niyon. Naiintindihan din niya ang nararamdaman ng dalawang lalaki. Gusto nilang sulitin ang panahon na makasama si Princess dahil baka isa sa kanila ay hindi tunay na ama at kailangan dumistansiya. Alam kasi niyang napamahal na sa mga ito ang kaniyang anak. At alam din niyang napamahal na siya kay Zymon.Bumuntong-hininga siya habang nagmamaneho ng sasakyan papunta sa George Company. Tapos na ang bakasyong binigay
DAHIL sa naging pag-uusap nila ni Zymon, pinili na lang ni Monica na hindi umimik dahil baka lumabas sa bibig niya ang binubulong ng puso niya. Maging siya man, naguguluhan sa sarili niya. Gusto niyang iwasan siya nito pero nasasaktan siya. Nahihirapan siyang tanggapin na balewala siya rito.Huminto ang sasakyan ni Zymon nang marating nila ang Dangwa kung saan kilala sa iba't ibang flower shop na nagkalat doon. Dinadayo na iyon noon pa man dahil available ang maraming bulaklak doon na pwede sa ano mang okasyon.Tahimik siyang bumaba ng sasakyan. Hindi niya binalingan ng tingin ang binata dahil baka hindi niya maalis ang paningin dito. Nauna na siyang naglakad. Maraming tao ang nagkalat sa lugar na malamang ang pakay doon ay bumili ng mga bulaklak. Hindi na niya nilingon si Zymon, bahala na ito kung susunod sa kaniya o hindi.Binalingan niya ang nagkalat na shop sa magkabilang bahagi ng lugar. Hindi rin nakaligtas sa pang-amoy niya ang nagbabanguhang samyo ng mga bulaklak. Hindi niya n
DAHIL walang nahanap na Carnation at Chrysanthemum si Monica at Zymon, wala silang choice kung 'di ang pumunta ng Baguio. Patanghali na iyon nang bumyahe sila at ilang oras pa ang layo ng lugar na pupuntahan nila.Kanina pang tahimik ang loob ng sasakyan ng binata. Nahihiya pa rin siya dahil nahuli siya nitong nakatingin dito na animo'y teenager na nakakita ng gwapong lalaki sa hallway. Hindi niya tuloy magawang tumingin sa binata.Naiinis din siya kay Crystal dahil sabi nito ay susunod ito ngunit sinabi nito na mauna na sila sa Baguio dahil sa urgent meeting nito with their investors kaya hindi na raw ito makakasabay. Susunod na lamang daw ito sa kanila sa Baguio."I know you're hungry. Mag-stop over muna tayo," basag ni Zymon sa katahimikan. Hindi man lang siya nito nilingon, abala ito sa pagmamaneho.Saglit niya itong binalingan. "Ikaw ang bahala," mahinang sagot niya. Ipinukol niya ang paningin sa labas ng sasakyan. Hindi na rin umimik si Zymon hanggang sa huminto ang sasakyan nit
NAIILANG na sumunod si Monica kay Zymon nang pumasok ito sa silid na ibinigay sa kanila dahil iyon na lang daw ang available sa hotel. Gusto man niyang tumanggi, wala siyang magawa dahil wala naman silang ibang choice kung 'di kunin iyon. Ok lang naman sana sa kaniya kung ibang tao ang kasama niya roon, kaso si Zymon iyon at natatakot siyang kasama ito hindi dahil baka may gawin ito, kung 'di dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi siya nakakapag-isip ng maayos kapag kasama ito."Seryoso ka ba talaga, Zymon? Bakit kasi kailangan nating mag-stay? Ni wala tayong dalang damit?" asiwang sambit niya.May kalakihan naman ang silid at family size ang bed doon pero hindi pa rin siya papayag na tabi silang matutulog ni Zymon."Problema ba 'yon? We can buy clothes kaysa umuwi kung kailan malapit na tayo," sagot nito. Nilingon nito ang paligid. "Don't worry, pwede akong matulog sa sofa if you're not comfortable," dagdag nito at saglit siyang tiningnan."Aba, dapat lang," agad na sagot
"I CAN'T stop but to think what if ako ang ama ni Princess o kaya paano kung hindi ako? Hindi ko alam ang magiging reaction at mararamdaman ko sa dalawang posibilidad na iyon. P-pero paano kung ako nga? Paano tayo?"Hindi agad nakaimik si Monica sa naging tanong ni Zymon sa kaniya. Marahan siyang gumalaw at humarap sa sofa kung saan nakahiga ang binata. Nakita niya ito roon na nakaunan sa mga braso nito at nakatingin sa kisame."H-hindi ko alam," nauutal niyang sabi. "Tinatanong ko rin ang tanong na 'yan. Paano kung ikaw? H-hindi ko alam ang gagawin ko," pagtatapat niya. Bumuntong-hininga siya. "Pero paano kung hindi ikaw?" balik na tanong niya.Narinig niya ang paggalaw nito dahil sa tahimik na silid. Tumingin ito sa kaniya. Kapagkuwa'y tumayo ito sa pagkakahiga at umupo sa sofa. Ngumiti ito kahit bakas doon ang lungkot. "Hindi ko alam kung paano tatanggapin kung hindi ako? I love her so much at napalapit na ako kay Princess. I want to be her Dad. Gusto kong marinig mula sa kaniya na
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint