HALOS hindi nakatulog si Monica sa kakaisip niya sa nangyari nang nagdaang gabi. Nagulo ng husto ang isip niya at hindi niya alam kung bakit nangyari ang bagay na iyon? May kasalanan marahil siya dahil hinayaan niya ang sariling kainin ng karupukan kahit alam niyang mali ang nangyari. Hindi tama na may maramdaman siyang kahit ano kay Zymon dahil may nobya ito. Kahit ano'ng pilit niyang alisin sa isip niya si Zymon, hindi niya magawa dahil pilit itong bumabalik doon. Mababaliw siya sa kakaisip sa komplikado nilang sitwasyon. Sinubukan niyang pigilan ang nararamdaman pero mukhang nahulog na nga siya sa binata ng hindi niya namalayan. Mali pero alam niyang may paraan pa para itama niya ang lahat. Hindi niya gustong may masirang relasyon dahil sa kaniya.Nang umaga ring iyon, dumating si Jericho sa bahay niya para makasama nito si Princess at hinayaan lang niya ang binata. Hindi niya ito pinansin o kinausap dahil galit siya rito sa ginawa nito. Hindi pa siya handang kausapin ulit ito. Ka
KATULAD nang inaasahan ni Monica, dumating si Zymon para sa anak niya ngunit hindi niya ito hinarap at hinayaan niya itong makasama ang anak niya katulad ng ginawa niya kay Jericho. Pinaghanda lang niya ang anak ng gamit na dadalhin nito sa pag-alis kasama si Zymon.Halos buong gabing nag-isip siya sa dapat niyang gawin at alam niyang mali kung ipipilit niya ang nararamdaman para sa binata. Mahirap man pero ito ang dapat niyang gawin, iwasan si Zymon.Tahimik lang niyang pinagmasdan ang pag-alis ng binata kasama si Princess habang nasa terrace siya. Ni wala siyang ideya kung saan nito dadalhin ang anak niya pero wala siyang makapang pangamba dahil alam niyang nasa mabuting kamay si Princess. Noon pa man, hindi niya alam kung bakit nagtiwala agad siya rito gayong hindi naman niya ito kilala."Pinasasabi ni Zymon, aalis na daw sila ni Princess."Malungkot ang mukhang hinarap niya ang kaniyang ina, kasama nito ang ama niya na bakas ang simpatiya sa kaniya dahil alam na rin naman nito ang
TAHIMIK lang si Monica habang ramdam niya ang mapanuring tingin sa kanila ng mga magulang ni Zymon. Ano'ng isasagot niya sa tanong nito? Ano nga namang ginagawa niya sa opisina ni Zymon at kasama pa niya si Princess? Malamang na nag-iisip na sila ng hindi maganda tungkol sa kaniya."Tell me, son sino sila at bakit nandito sila sa opisina mo? Is she one of the company's employee? Or...is she one of your exes?" usisa ng ina ni Zymon na parang hindi ito natutuwang nandoon sila. "At bakit mo kalong ang anak niya? Humihingi ba siya ng tulong for her baby?"Nagulat siya. Sa mga tingin nito, nanliliit siya sa kakaibang paraan niyon. Mas niyakap niya si Princess na nasa tabi niya. Gusto na niyang mawala sa harapan ng mga ito dahil para siyang nasasakal."No, she's not my ex," mabilis na sagot ni Zymon. Binalingan sila nito ng saglit. "Mom, s-she's my friend and her daughter.""Your friend? Why she's here?" patuloy ng ginang na parang may pagdududa sa dahilan kung bakit sila nandoon."Mom, can
TAHIMIK na naglalakad si Monica sa parkeng 'di kalayuan sa bahay nila. Kailangan niya ng tahimik at maaliwalas na lugar para makapag-isip siya ng mabuti sa dapat niyang gawin. Hindi na niya pwedeng patagalin ang sitwasyon nila habang nahihirapan siya. Nagsisimula na ring magtanong si Princess tungkol sa kakaibang set up na nagbibigay dito ng confusion dahil kakaiba iyon sa kumpara sa pamilya nakikita niya.Bumuntong-hininga siya habang yakap ang sarili. Lumingon siya sa paligid kung saan napapalibutan ng mga naglalakihang puno, mga bench at nagkalat doon ang mga bata, magkarelasyon at mga pamilyang kapwa nandoon. Kita niya ang saya sa kanilang mga mukha dahil buo at magkakasama silang nakakalabas na kasama ang kanilang anak. Wala silang dapat isiping kahit ano o matakot man sa iisipin ng ibang tao. Malayong-malayo sa sitwasyon niya. Ni hindi niya magawang ipangalandakan sa iba ang ama ni Princess o sabay-sabay man silang maglakad. Nakaramdam siya ng inggit dahil alam niyang sa sarili
HINDI dumeretso si Monica sa bahay nila dahil alam niyang pupunta roon si Zymon. Hindi niya ito kayang harapin matapos ang pag-uusap nila. Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Gusto niyang lumayo sa lahat ng nararamdaman niya at iwan ang magulong mundong ginagalawan niya pero alam niyang hindi niya pwedeng gawin iyon dahil ang mundong iyon, ay ang mundo niya kasama ang kaniyang anak.Patuloy sa pagpatak ang luha sa mga mata niya habang naglalakad. Hindi niya alintana ang mainit na sikat ng araw. "M-Monica?"Hindi agad niya pinansin ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalang niya. Nagpatuloy lang siya dahil wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya. Mayamaya'y pa'y bigla na lang huminto ang isang kotse sa gilid ng kalsada kaya napahinto siya. Bumukas ang pinto niyon at may lumabas na lalaki."Ano'ng ginagawa mo rito?" Nagulat na lang siya ng makita si Jericho sa harap niya na naka
DINALA si Monica ni Jericho sa isang dagat kung saan kita roon ang malawak na kulay asul na kalangitan at ang katubigan habang humahampas ang katamtamang laki ng alon. Hindi niya alam kung saan iyon dahil magulo ang isip niya habang lulan ng sasakyan kanina. Ni hindi niya alam kung gaano katagal ang naging byahe nila papunta roon."I hope you like it, Monica. Hindi ba't gusto mo ng lugar na magbibigay sa 'yo ng peace?" ani Jericho habang kasalukuyan silang naglalakad sa dalampasigan. "I thought this place is better for you."Inayos niya ang buhok na nagulo dahil sa lakas ng hangin. Nararamdaman din niya ang mga paa niyang bumabaon sa buhangin. Pilit niyang ibinabaling ang atensyon sa dagat at sa kalangitan."Salamat, Jericho sa pagdala mo sa akin sa lugar na ito. The sound of waves, the color of the sky, it makes my mind stop from thinking negative thoughts," pagtatapat niya. "Matagal na rin kasi simula ng pumunta ako sa ganitong lugar at na-miss ko ang ganitong feeling."Ngumiti si J
"HANDA ka na ba talaga?" muling tanong ni Crystal kay Monica habang nasa isang restaurant sila. Kailangan niyang aliwin ang sarili para ilayo ang isip sa maraming bagay na gumugulo roon. Ang takot, ang pangamba, ang lungkot at ang mga pwedeng mangyari na hindi ayon sa gusto niya na hindi niya pwedeng ipilit.Bumuntong-hininga siya habang ginagalaw ang straw na nasa inumin niya. Bakas ang frustration sa mukha niya. Dahan-dahan siyang tumango. "Kailangang ko 'tong gawin, Crystal not just for Princess but for all of us. Tama ka, hindi pwedeng paghatian namin si Princess sa lahat ng oras. May pagkakataon ako para alamin ang totoo at ito na ang panahon para harapin ko iyon bago pa tuluyang mapalapit si Princess sa kanilang dalawa at pagkatapos ay mawawala ang isa. Mahihirapan siyang tanggapin iyon," malungkot na sagot niya. "At mahihirapan akong ipaliwanag iyon sa kaniya."Nagpakawala ng hininga si Crystal. "Tama ka, this is the right decision for you to do para pareho-pareho kayong matahi
"MOMMY, saan po ba tayo pupunta? Magmu-mall po ba tayo?" usisa ni Princess kay Monica habang lulan sila ng sasakyan niya patungo sa DNA testing laboratory na napili niya para isagawa ang test. Kahit gumastos siya ng malaki, hindi na niya iyon inisip. Hindi rin kasi biro ang halaga ng ganoong test.Nang nakaraang araw pa lang, pinaalam na niya kay Zymon at Jericho ang tungkol doon at alam niyang darating ang mga ito."Hindi tayo magmu-mall, 'Nak pupunta tayo ng hospital," sagot niya at saglit lang itong nilingon."Hospital po? Bakit po, may sakit po ba kayo?" Bakas ang kaba at gulat doon.Binalingan niya ito at ngumiti siya. "Walang sakit si Mommy, magpapa-check up lang tayo para sa health natin. Hindi ba't ginagawa naman natin 'to sa Davao? You have your weekly check up," paliwanag niya para hindi ito magtanong sa gagawin nila."Ganoon po ba?" Kapagkuwa'y ngumiti na rin ito. "Alam niyo po, 'Mommy sabi ni Tito Jericho, isasama raw po niya ako sa bahay niya kapag po may time siya," masa
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint