"KUMUSTA ang shop, Ria?" tanong niya mula sa kabilang linya. Tinawagan niya ito para kumustahin ang iniwan niyang negosyo. Matagal na rin kasi siya sa Manila at hindi naman siya makauwi ng basta sa Davao para sa negosyo niya.Last night, matapos nilang mag-dinner ni Jericho, inihatid siya nito sa bahay. Hindi siya naging comfortable sa binata dahil naiilang siya sa hindi niya malamang dahilan. Hindi siya naging masaya kahit alam niyang mahal pa rin siya nito."As of now po, Ate pautay-utay bumabawi ang sales dahil ang ibang flowers from other countries ay nakakarating na po ulit sa atin at ang ilan pong local supplier ay kaya na rin pong mag-supply ng ilang bulalak sa atin," masayang balita nito. Napapikit siya dahil sa relief na nararamdaman. Sa wakas, makakabawi na ulit ang shop. Nitong mga nakaraan kasi, bumaba ang sales dahil sa limitadong supply ng ilang bulalak na hinahanap sa shop niya.Nasapo niya ang noo. "Well, that's a good news, Ria. Kumusta ang services ng shop?""Bumabal
TAHIMIK niyang pinagmamasdan si Princess na mahimbing na natutulog habang katabi niya at yakap nito ang malaking stuffed toy na galing kay Zymon. Napangiti siya dahil nakikita niya kung gaano nito kagusto ang bagay na iyon at kung gaano ito kasaya sa tuwing kasama ang binata.Marahan niyang hinimas ang tuwid nitong mga buhok. "Parang kailan lang at ngayon, ang laki mo na," mahinang sabi niya habang bakas ang saya sa mukha. Nagpapasalamat siya dahil nagawa niyang mapalaki ng ganoon ang kaniyang anak kahit wala itong ama. Gumalaw ito at umungol. Muli niya itong tiningnan at saka banayad na hinalikan ito sa noo. Para itong anghel sa paningin niya at hindi niya ito pagsasawaang titigan.Inayos niya ang kumot nito at nang akmang hihiga na rin siya, narinig niya ang pagkatok sa pinto ng silid niya. Napatingin siya roon, saka bumaba sa kama para tingnan kung sino iyon."'Ma? Bakit po, may kailangan po ba kayo?" bungad niya ng makita ito sa tapat ng pinto. Seryoso lang itong nakatingin sa ka
NAGTATAKANG ibinaba ni Monica ang tawag mula kay Shy habang nasa harap siya ng laptop niya at inaayos ang design na naisip niya sa event. Nakapili na rin siya ng mga bulaklak na gagamitin at supplier na lang ang kailangan nila at ang mga taong tutulong sa kanila sa pagsasagawa ng plano. Alam niyang naka-leave siya sa trabaho na hindi naman niya hiningi dahil kusa iyong ibinigay sa kaniya ni Crystal dahil kailangan niya ng pahinga. Nagtataka siya kasi tumawag si Shy at sinabing gusto siyang makilala ng kaibigan nito na tutulong sa kanila para sa mga taong tutulong sa pagsasagawa ng plano at para mapag-usapan na rin daw ang dapat pag-usapan. Hindi na siya nagtaka kung paano nito nakuha ang number niya, malamang kinuha nito iyon sa kaibigan niya. Isinara niya ang laptop. Kahit naka-levae siya sa trabaho, hindi siya nakatanggi kay Shy dahil alam niyang makakatulong ito sa success ng plano. Mabuti na rin iyon dahil naiinip rin siya na palaging nasa loob ng bahay. Tumayo siya sa pagkakaup
HINDI maramdaman ni Monica ang excitement para sa dadaluhan niyang party kasama si Jericho. Dahil sa totoo lang, ayaw niyang sumama rito pero dahil sa pamimilit ng kaniyang mga magulang wala siyang nagawa. Gusto rin niyang isipin na gawing paraan iyon para alisin ang pag-iisip niya kay Zymon at para subukang makilala ulit si Jericho at bigyan ito ng pagkakataon para sa kaniya.Nanatili siyang nakatitig sa isang Sleeveless V-Neck Fit & Flare Casual Dress na matagal na niyang hindi nasusuot. Kulay Maroon iyon at kung susuutin niya iyon, siguradong lalabas ang hugis ng katawan niya at ang mapuputi at makinis niyang hita. Hindi naman na bago iyon sa kaniya dahil nang manirahan siya sa Davao, natutunan niyang makibagay sa mundong ginagalawan niya."Anak."Lumingon siya sa pinto ng silid niya ng may kumatok doon at narinig niya ang boses ng kaniyang ina. Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Nakasuot lang siya ng white bathrobe habang nakabalot sa puting tuwalya ang buhok niya.Bumung
"I'M SORRY, I just go to the restroom," ani Monica nang dumating si Jericho sa table kung nasaan siya."Are you ok?" tanong nito.Ngumiti siya. "Yeah, I'm fine." Natawa pa siya dahil bakas ang pag-aalala sa mukha nito na para bang may nangyari sa kaniyang masama."Let's go, ipakikilala kita sa ilang mga friends ko personally and friends ko sa business," kaswal na sabi nito. Inilahad nito ang kamay.Ngumiti siya kahit sa loob niya'y kinakabahan siyang humarap sa mga taong sinasabi nito. Kapagkuwa'y kinuha rin niya ang kamay nito. Marahan siya nitong inalalayan sa pagtayo at iginiya siya sa mga grupo ng mga taong nandoon sa gawing unahan ng hardin, nandoon din si Fered."Oh! Nandito na pala si Mr. CEO with her date," natatawang salubong ni Fered sa kanila. Lahat naman ng nandoon ay napatingin at bakas ang saya sa kanila."Aalis ka na rin ba sa circle of friends na single?" tanong naman ng isang lalaki na may kaliitan.Natawa si Jericho at napakamot sa noo. "If I would choose, gusto ko n
"KUNG wala ba akong girlfriend, hahayaan mo bang mahalin kita?"Natulala si Monica kay Zymon dahil sa naging tanong nito. Parang huminto ang paligid niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Gusto niyong sumagot sa tanong na iyon pero hindi niya hinayaan iyon dahil alam niyang mali.Nagtama ang kanilang mga tingin na para bang naglalaban ang mga iyon at sa huli'y nagkakasundo. Kahit bahagyang madilim sa lugar, kitang-kita niya ang hugis ng mukha ni Zymon at kung gaano ito kaguwapo sa paningin niya."P-paano kong sabihin kong oo?" Hindi na niya naririnig ang sariling boses dahil sa tanging tibok ng puso niya ang kaniyang naririnig. Nawala na siya sa katinuan at huli na para bawiin ang sinabi niya.Kapagkuwa'y, umiwas si Zymon ng tingin sa kaniya at saglit na yumuko. Seryoso lang ito pero mababanaag sa mukha ang pagkalito at magkahalong emosyon.Napalunok siya. Kumurap siya ng ilang beses at kinalma ang sarili, saka lang niya na-realize ang binitawang salita. Alangan siyang
"WHAT happened to your face, anak?" gulat at nag-aalalang tanong ng ina niyang si Riya nang pumasok si Zymon sa bahay nila. Nagpalipas lang siya ng gabi sa condo niya at nagpasiyang umuwi para ikalma ang sarili niya dahil hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari nang nagdaang gabi. Magulo ang isip at puso niya at kailangan niyang ayusin iyon."Wala 'to, 'Ma. I just need to get rest," walang ganang sabi niya. Ni hindi niya na-appreciate na nandoon ang ina niya na bihirang mangyari.Dumeretso siya sa paglalakad at umakyat sa second floor. Pumasok siya sa sariling silid at hindi na nag-abalang kausapin si Riya at tanungin kung nandoon din ang ama niya at kung bakit sila nasa bahay? Marami siyang iniisip at wala siyang pagkakataon para roon.Umupo siya sa gilid ng kama. Hinubad niya ang suot na jacket at tanging t-shirt na white ang suot niya. Hinawakan niya ang panga niya at napangiwi siya dahil hanggang ngayon, may sakit pa rin iyon dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Jericho. Damang-d
HALOS hindi nakatulog si Monica sa kakaisip niya sa nangyari nang nagdaang gabi. Nagulo ng husto ang isip niya at hindi niya alam kung bakit nangyari ang bagay na iyon? May kasalanan marahil siya dahil hinayaan niya ang sariling kainin ng karupukan kahit alam niyang mali ang nangyari. Hindi tama na may maramdaman siyang kahit ano kay Zymon dahil may nobya ito. Kahit ano'ng pilit niyang alisin sa isip niya si Zymon, hindi niya magawa dahil pilit itong bumabalik doon. Mababaliw siya sa kakaisip sa komplikado nilang sitwasyon. Sinubukan niyang pigilan ang nararamdaman pero mukhang nahulog na nga siya sa binata ng hindi niya namalayan. Mali pero alam niyang may paraan pa para itama niya ang lahat. Hindi niya gustong may masirang relasyon dahil sa kaniya.Nang umaga ring iyon, dumating si Jericho sa bahay niya para makasama nito si Princess at hinayaan lang niya ang binata. Hindi niya ito pinansin o kinausap dahil galit siya rito sa ginawa nito. Hindi pa siya handang kausapin ulit ito. Ka
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint