Malamig namang tiningnan ni Sigmund ang mediator sa binitawan nitong pangungusap. Samantalang sobrang saya naman ni Cerise, pero kalmado lang ang kanyang pagkakaupo, “Thank you.”Tumayo ang mediator upang kunin ang kanilang mga dokumento na kailangan sa pagsasapormal ng divorce, at hindi naman ito pinalampas ni Sigmund, “Hindi ko inaasahan na gustong-gusto mo talagang maghiwalay.”Totoo namang hinihintay niya ang araw na ito. Matapos marinig ang mga sinabi ni Sigmund ay lito siyang napalingon, at kalaunan ay tumugon nang buong kasiguraduhan, “Huwag ka nang masyadong mag-alala, ang lahat ay babalik na sa dati, kung saan sila nararapat.”Napatingin naman sa kanya si Sigmund habang nakangiti, “Ang sabi mo gusto mo ako noon, pero hindi yun totoo, tama ba?”Napakunot ang noo ng mediator na nakikinig sa usapan ng dalawa sa likod niya, dahan-dahan siyang humarap sa direksyon ng dalawa para hindi mahalatang nakikinig siya.“Totoo yun noon, noong bata pa ako at ignorante. Ngayon, alam ko na an
Ang matandang babae ay tinatanggap ang IV drip sa VIP ward habang kumakain ng lugaw mula sa kilalang brand ng malaking grupo ng fast food, na binili para sa kanya ng matandang asawa. Isang napakalaking pagtataka at ginhawa ang kanilang naramdaman.Hindi makapaniwala si Cerise at hindi napigilang magtanong, "Mamita, hindi po ba kayo hinimatay?""Oh, kahit hinimatay si Mamita, kailangan niyang magising. Gusto mo bang matulog na lang ako nang tuluyan?"Habang kumakain, tinanong siya ng matandang babae na parang isang bata.Muling tumingin si Sigmund sa matandang lalaki bago ibinaba ang kanyang ulo nang may pagpapakumbaba at pagpapasalamat.Sa sandaling ito, walang ibang tao sa ward maliban sa matandang mag-asawa, at sa isang tingin pa lang, alam na niya kung ano ang nangyayari.Itinaas ng matandang lalaki ang kanyang kilay sa apo, pagkatapos ay tumingin sa asawa nito na halatang galit ngunit hindi makapagsalita. "Riri, maibabalik mo ba kay Papito household registration book? Kailangan ko
Tumigil ang pintig ng puso ni Sigmund, at matalim siyang tumingin kay Cerise gamit ang kanyang maiitim na mga mata. Matapos ang ilang sandali, sinabi niya, "Iniisip ko kasi na pagkatapos ng divorce, siguradong bugbog-sarado ako kay Papito." Iyon lang ba ang dahilan kaya siya nag-alinlangan pumirma? Tinitigan siya ni Cerise, ngunit nang maisip niya na nawala na ang household registration book, parang may bahagi ng kanyang puso ang nawala rin. Naglagay siya ng makeup bago lumabas, kaya hindi na kita ang mga bakas ng kamay sa kanyang mukha. Pero sa hindi malamang dahilan, ngayon ay bahagya na namang lumitaw ang mga iyon. Hindi napigilan ni Sigmund na iangat ang kanyang kamay upang haplusin siya. Umatras si Cerise nang hindi namamalayan, litong-lito sa ginagawa nito. Lumapit si Sigmund, mahigpit na hinawakan ang kanyang pulso gamit ang isang kamay habang marahang iniangat ang kanyang buhok gamit ang kabila. "Masakit pa ba?"Alam ni Cerise na tinutukoy nito ang kanyang mukha. "Kung na
Lihim na kasal, mga tsismis?Pinagmasdan ni Sigmund ang babaeng kasalukuyang nagla-livestream sa kanyang telepono. Bigla siyang na-excite sa ideya kung paano ang magiging reaksyon nito kapag nakita ang mga balitang kumakalat tungkol sa kanyang lihim na kasal.-Pagdating ng gabi, isang balita tungkol sa isang negosyante ang naging top trending sa hot search.Ang CEO ng Beauch Group ay lihim na ikinasal!Nakaparada ang sasakyan ni Sigmund sa harap ng TV station, hawak pa rin ang kanyang cellphone habang nakatingin sa gusali.Sabay na lumabas sina Cerise at Kara, pinag-uusapan kung saan sila kakain. Biglang may bumusina, kaya napatingin sila sa direksyon nito.“Oh! Mukhang hindi tayo makakapag-barbecue.”Bahagyang nadismaya si Kara pero nagpaalam na rin bago umalis.Naalala ni Cerise na gusto ng kanyang mga Papito’t Mamita na dumalaw sila sa ospital, kaya lumapit siya kay Sigmund. “Hindi mo na kailangang sunduin ako. Malapit lang ang ospital dito, kaya ko nang maglakad.”Mabilis na sumi
Pagkatapos pumasok sa silid, kinuha ni Cerise ang isang vase upang paglagyan ng mga bulaklak, ayaw na niyang makitang inis si Sigmund. Ngunit ano ang narinig niya pagpasok niya sa loob?"Kayo namang dalawa ay legal na mag-asawa, bakit hindi niyo na lang gawing opisyal para wala nang ibang tsismis na kumakalat?"Nakatayo si Sigmund sa tabi ng bintana, hindi sumasagot, ngunit nagtagpo ang kanilang mga mata.Habang kumakain ng orange mula sa lata, may sinabi naman ang matandang ginang, "Sa tingin ko, tama ang mommy mo. Mas mabuti nang ipahayag niyo na ito nang direkta.""Hindi! Mamita! Hindi puwedeng isapubliko ang kasal namin!" Lumapit si Cerise, inilapag ang mga bulaklak sa kabinet, at seryosong nagsalita."Bakit hindi puwedeng ipahayag? Kitang-kita ko kayo, magkasama kayong natulog." Tinanong siya ni Mrs. Beauch.N
Kinabukasan, maaga pa lang ay may kumatok sa pinto ni Cerise. Tiningnan niya ang oras at binuksan ang pinto.Nakita niya lang ang isang matangkad at payat na lalaki, walang imik, may hawak na timba at itinaas ito patungo sa kanya.Hindi nakita nang malinaw ni Cerise, pero napaiwas siya sa gilid dahil sa reflex.Bumagsak ang timbang puno ng kung ano sa sahig, at may tumalsik sa kanyang mga binti.May naamoy siyang masangsang na amoy ng pintura, at nagulat si Cerise nang makita ang taong iyon.Nakita niyang nabigo ang lalaki, kaya lumapit ulit siya para ilagay ang timba sa kanya.Nakita ni Cerise ang pilak na timba sa itaas ng kanyang ulo, at nagdilim ang kanyang paningin."Ah!"Biglang sinipa nang malakas ang lalaki mula sa likuran, at nahulog siya mismo sa timba ng pulang pintura na natapon lang sa sahig.Napahawak si Cerise sa kanyang dibdib, at namumutla na ang kanyang mukha dahil sa takot.Nang maalala niyang naligtas siya, hindi niya namalayang nakahinga siya nang maluwag nang maki
Bigla namang naalala ni Cerise ang usapan nila sa tawag ni Percy nitong nakaraang araw…Nakatanggap ng tawag si Cerise mula kay Percy. Matapos mays sabihin si Percy ay tinanong siya nito, “Naniniwala ka ba sakin?”“Oo naman. Pero Percival, nasa late stage na siya ng cancer.”Alam niya na hindi magagawa ni Percy na magsinungaling, pero mas alam niyang hindi naman siya uutuin ng ganoong rason ni Sigmund para makipaghiwalay sa kanya.“Then, could it be na sumuko na siya sa buhay niya?” Tumayo naman si Percy sa pagkakaupo sa kanyang apartment at biglang naging seryoso sa nakakapaghinalang babae.“Yata?” Naisip ni Cerise. Wala naman ibang rason para dito.Matagal nang nag-iingat si Vivian sa kanyang diet. Hindi rin siya puwedeng magbisyo, mahigpit iyong habilin ng doktor, kara maaaring pasikreto niyang ginagawa iyon sa likod ng lahat.Lalo na at hindi natuloy ang divorce nila ni Sigmund ngayon.Nang mapagtanto ni Cerise iyon, ay huminto na siya sa pag-alala, at pinatay ang tawag mula kay P
"May mali akong maiisip kung aakto ka nang ganito!" Pinaalalahanan siya ni Cerise. "Ano'ng mali?" Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Sigmund sa kanyang baba, at lumalim ang tingin nito. "Na mahal mo ako… nang sobra.” Malamig ang tingin ni Cerise nang sumagot siya. Siyempre, ito ay isang ilusyon lamang, at sigurado siya rito. "Isang maling akala nga iyon. Paano kita mamahalin nang sobra? Sa pinakamalala, ako ay..." "Kung gayon, huwag mo akong paasahin na mahal mo ako nang sobra. Huwag mo na akong sundan o alalahanin. Kung may oras ka para doon, mas mabuting alagaan mo na lang ang magiging asawa mo." Hindi kinaya ni Cerise na marinig ang mga salitang nagpapagulo sa kanya at nagpapakampante sa sarili niyang ilusyon, kaya agad niya itong pinutol. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Biglang kumunot ang noo ni Sigmund. "Si Vivian ay lumabas at naglasing kagabi. Lagnat pa nga lang o umubo e bawal nang uminom, ano pa kaya para sa babaeng nasa malalang stage ng cancer? Sigmund, dapat mong
“Hindi ka na bata pero kung makainom ka… pinanghilamos mo ba ‘yan?” napatingin si Sigmund sa milk tea sa daliri niya at sinisi si Cerise.Napairap naman si Cerise bago maiabot ang tissue sa bag niya. “Hindi ka na rin bata para agawan ng milk tea ang asawa mo!”Samantalang hindi na matiis ng matanda ang pagsesermon ni Sigmund kay Cerise at nagsalita.“Tinitikman niya lang kung anong lasa. Linibre niya nga pa ako eh.”Napatingin naman si Sigmund kay Cerise at sumipsip ulit ng milk tea.Tumahimik naman si Cerise sa gilid, hindi maalis sa isip niya kung bakit ba ito nandoon.“Ang taas na naman ng tingin mo sa sarili mo. Wala kaming ideya bakit ka nandito. Pinasundan mo ba kami?” tanong ng matanda.Agad namang iniba nito ang usapan.Nang marinig ni Cerise ang eksaktong tanong sa isip niya ay sabik niya itong tinitigan.Napansin ni Sigmund ang pagtingin sa kanya ni Cerise pero hindi ito pinansin at tiningnan ang matanda. “Hindi ba tinawagan mo’ko at nagpapasundo ka?”“Talaga ba? E bakit ka
“Cerise, may yayamaning matanda na naghihintay sa opisina mo. Sabi niya andito daw siya para makita ang asawa ng apo niya.”Kakatapos lang ni Cerise sa segment niya nang salubungin siya ng isang katrabaho. Napatalon naman ang puso niya. Ang tanging papasok lamang sa deskripsyon na iyon ay nag-iisang Mamita niya. Agad siyang nagmamadaling bumalik.Pero mas mabilis pa rin sa kanya ang pagiging mausisa ng mga tao. Nang makarating siya ay napapalibutan na ng kung sino-sino ang opisina niya.Habang nakikipagsiksikan sa dami ng tao ay may narinig siyang nagtanong, “Mawalang-galang na ho, sino po ang apo niyo?”“Apo ko? Si Sigmund.” Buong kumpiyansang sagot ng matanda, sa kabila ng nagkukumpulang mga reporter at empleyado.Agad namang nataranta si Cerise. Mas pinilit niyang makaalis sa siksikan at pilit na ngumiti. “Sorry, nagbibiro lang ang lola ko. Please give us some space.”“Sinong nagbibiro?” simangot ng matanda sabay krus ng kanyang mga braso. “Baby Riri here, at ang loko-lokong si Sig
“According to convention, you sleep on the bed.”Pagkatapos niyang sabihin ito ay isang palakpak ng kulog ang umalingawngaw sa laba, sobrang liwanag din ng kidlat na parang kayang humati ng puno.Nakita ni Cerise ang hindi masabing mensahe ng maitim nitong mata. “Hindi ka puwedeng umalis.”Napatingin sa kanya si Sigmund, matalas at matindi, parang nakikita niya kung ano ang iniisip nito.Umiwas si Cerise at naglakad papunta sa bintana. Nanaig ang tunog ng namumuong bagyo sa labas, pero kung tutuusin hindi ganun kalayo ang bahay niya.Kung sa bagay, maraming tao ang na-istranded sa biglaang buhos ng ulan. Kung kaya nila, walang rason na hindi para sa kanya.Nakita niya ang repleksyon nito sa bintana at nagtagpo ang kanilang mata. Matatag ang kanyang boses.“Kaya kong umuwi.”“Sa sofa ako matutulog.”Nanatili si Sigmund sa may bintana, pinapanood siya.Hinarap niya ito. “Lagi mo nalang itong ginagawa.”“Ang ano?”“Imposing your decisions on me,” saad niya, kalmado ang tono niya pero ma
Kinuha ni Sigmund ang kamay ni Cerise, sabay kuha ng kanyang coat, at inakay siya palabas.Lumingon si Mr. Prescott sa mga tao sa loob at sinabing, "Babalik na lang ako mamaya."Pagkalabas, iniabot ni Sigmund ang coat kay Cerise, saka tumingin sa lalaking papalapit. Tinupi niya ang manggas ng kanyang damit, bahagyang nakayuko, may dahan-dahang ngiti sa labi, ngunit sa likod nito'y may nakatagong panganib.Nakita ni Cerise ang kagandahan ng kanyang kilos, ngunit ang lamig sa kanyang mga mata ay nagpatibok ng kanyang puso sa kaba."Sig, sasaktan mo ba ang Tito Vince mo?" tanong ni Mr. Prescott, pilit na nakangiti."Bakit hindi?" Tumawa si Sigmund bago agad na humataw ng isang malakas na suntok.Hindi nakapaghanda si Mr. Prescott at tumilapon sa gilid.Nakatayo si Misty sa may pintuan, tulalang nakatingin sa eksena.Lumuhod si Sigmund sa harapan ni Mr. Prescott, hinawakan ang kanyang kuwelyo gamit ang isang kamay at itinuro siya gamit ang isa pa. "Binabalaan kita, sa sandaling takutin–hi
Napahinto siya bago matigas na tinanggihan ang alok ni Mr. Prescott, “I won’t consider it.”Pinatay niya ang cellphone niya para hindi na niya kailangang sagutin ulit ang tawag nito at sumakay ng taxi diretso sa TV station.Kahit ang company CR ay hindi nakaligtas na maging lugar ng tsismis.“Kalat na kalat sa balita. Bumisita kahapon si Mr. Beauch, at nanatili sa office niya ng isang oras.”“Isang oras? Grabe. Ang lakas naman ng stamina ni Mr. Beauch.”“Exactly! Nakita ko si Harrod kanina, mukhang hindi naman siya ganun kahaggard. She seems perfectly fine.”Tsismis ng tatlong babae hanggang sa marinig nila ang pagflush ng tubig sa isang cubicle.Inunat ni Cerise ang kamay niya, binanlawan, at pinatuyo ito.Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang napalingon ang isa sa tatlong babae. “Ms. Harrod!”Ngumiti lang siya at tumalikod.Gulat na gulat naman ang babae sa malamig na trato ni Cerise.Pagkarating niya sa kanyang opisina ay naabutan niyang naghihintay sa kanya si Misty. “Ma’am, tung
Binuksan ni Cerise ang pintuan na hindi pinapansin ang tatlong lalaking naghihintay. Ang kanilang tingin ay nakapokus sa kanya, na ikinahiya at tameme naman niya.“Syempre, alam ng jowa ang password,” hagikhik ni Izar habang tinatapik ang braso niya. “Pasok ka na.”Hindi naman alam ni Cerise kung anong mararamdaman niya sa sinabing iyon ni Izar. Pero dahil mas nakakapagod magpaliwanag, hindi nalang siya nagsalita.Kalaunan, nang nagluluto si Cerise, pinansin naman ni Sigmund ang dalawang hindi imbitadong bisita. “Umuwi na nga kayo.”“Magkakaibigan tayo,” protesta ni Izar, “at si Riri ang nagluluto, hindi ikaw.”“I warn you,” biglang tumigas ang boses ni Sigmund, “huwag na huwag mo siyang hahawakan ulit kahit na tawaging baby.”Agad namang tumango si Izar na nagpalambot sa ekspresyon ni Sigmund. Samantalang si Winston ay hindi mapigilan ang sarili na magtanong, “So, nagsasama na kayo?”Nagpaliwanag si Sigmund tungkol sa kasunduan ni la ni Cerise, isang walang kabuluhang excuse para sa
Nang makasakay si Cerise sa kotse ni Sigmund ay labis ang pagpipigil niya sa kanyang inis.Tinawagan lang naman kasi nito ang station manager na huwag siyang pagabihin dahil kailangan niya itong ipagluto ng hapunan ng isang linggo.Hindi pa man humuhupa ang inis niya ay kinuha na ni Sigmund ang isang box mula sa backseat at ibinigay sa kanya.Tiningnan naman ito ni Cerise ng pinaghalong irita at pagkainteresado sa kung ano ang laman.Sa loob nito ay isang pares ng asul na leather na sapatos.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong niya nang lingunin niya ito habang nakataas ang kilay.“Tama ang size ‘di ba? Subukan mo nga kung kasya lang.”Hindi makapagsalita si Cerise. Paano nito nalaman ang sukat ng paa niya? Hiyang-hiya siya.Napansin naman ni Sigmund ang pag-aalangan nito kaya nagsalita siya, “Napansin ko lang na malaki ang paa mo, pero wala lang naman ‘yun sa’kin.”“Please stop talking.” Pigil niya sabay irap.Kinuha niya ang isa nito at inilagay sa lapag at ipinalit sa suot niyang bl
Nagtagpo ang mga labi ni Cerise at Sigmund sa isang banayad, marahan, at tumatagal na halik.Hinaplos nito ang kanyang mukha at hinayaang gumuhit ang kanyang mga daliri sa matatalas na linya ng kanyang panga.Kahit nang bahagya itong lumayo, ipinagpatuloy niya ang pagdampi ng malalambot at magagaan na halik sa kanyang mga labi, sa dulo ng kanyang ilong, at pati sa kanyang mga kilay. Tahimik na dumaloy ang kanyang mga luha, isang pipi ngunit matinding patunay ng bagyong bumabagabag sa kanyang puso.Tiningnan niya ang madilim na mga mata ni Sigmund at habang isang luha ang dahan-dahang bumaba sa kanyang pisngi, naglaho ito sa kurba ng kanyang mapait na ngiti.Bahagyang nanginginig ang kanyang tinig nang bumulong siya, "Noon, mahal na mahal kita…”Mahigpit na hinawakan ni Sigmund ang kanyang kamay, isang tahimik na pagkilala sa lalim ng kanyang nararamdaman. "Hinangad kita," mahina niyang pagpapatuloy, halos isang buntong-hininga lamang ang kanyang tinig. "Hinangad kong mahalin mo rin ak
Ang nakakagambalang pagtatagpo kasama si Mr. Prescott ay nag-iwan kay Cerise ng matinding pagkabalisa.Ang kanyang mga salita ay umalingawngaw sa kanyang isipan, isang nakakapangilabot na kontrast sa mabait na tiyuhing naaalala niya noong bata pa siya. Paulit-ulit niyang nirepaso ang pag-uusap nila, bawat nakakagambalang parirala ay nagpatingkad sa imahe ng isang lalaking halos hindi na niya makilala."Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabi ni Mr. Peterson na hindi siya makakain o makatulog nang maayos," mahinang bulong ni Mr. Prescott, may bahagyang ngiti sa labi.Nagulat si Cerise at nagtanong, "Mr. Peterson?""Yung boss ng kumpanyang gumagawa ng sasakyan, na nilasing ka noong nakaraan?" sagot ni Mr. Prescott, ang kanyang tono ay kaswal ngunit may nakakapanindig-balahibong dating.Siyempre, naalala niya.Sandaling nakalimutan niya, ngunit hindi maikakaila ang ugnayan ng mga makapangyarihang lalaking ito.Kumikilos sila sa parehong mundo, ang kanilang impluwensya ay isang sapot na