Rich’s POV“Have you seen Miss Jessica Laviste” tanong ko sa ibang bisita na naroroon. Nag aalala na ako. Halos tatlumput minuto na itong nawawala. Pumunta na ako sa restroom ngunit wala siya doon. I went to the garden ngunit wala pa rin ito. Bumalik ako sa lugar kung saan kami dapat magkikita at nakahinga ako ng maluwag nung makita kong parating na ito. Namumula ang buo niyang mukha. She looks tired but happy and kind a uneasy.“ Are you ok Jes? Ang tagal mong nagbathroom kaya nag alala ako.” “ I am sorry, nahilo kasi ako kanina kaya nawala ako”. Sagot nito“ Masama ba ang pakiramdam mo?” I put the back of my hand to her forehead to feel her temperature. Mukha siyang maiinit. “ Pwede na ba tayong umuwi Rich?” mahina nitong tanong. “ Hindi ka na ba kakain? Baka gutom ka? Kain muna tayo bago umalis?” Umiling siya. I notice that she keeps on holding her other hand. “ Hindi na. Wala akong gana. I feel tired. Sa bahay na lang ako kakain if magugutom ako. “OK, sige magpapaalam lang
Elmer’s POV Nasa isang mansion kame ng isa sa mga miyembro ng wild colony. Nagkaroon ng emergency meeting. Halos lahat ng mga miyembro ng wild colony ay andito na. Tanging si Leon na lang ang aming hinihintay. Ang posisyon ng mansion na ito ay nasa tuktok ng isang bundok. Ang lawak ng lupain na ito at napapaligiran ng magagandang landscape. Bilang lang ang bahay na nakatayo dito at halos ang mga bahay ay billion billion ang halaga. Masasabi ko na ang lugar na ito ay para lamang sa mga Elite na tao. Mga billionaryo. Ang pinakamabilis na paraan sa pagpunta sa mga bahay na ito ay ang paggamit ng private plane. Yun ang sinakyan namin para makarating dito. “Kumusta ang pag aayos mo sa aberya ng iyong kompanya. Leopard” Tanong ng isang miyembro ng wild colony. “ Ano ang hinihingi ni Tigre sayo dahil sa nangyare, magkano? Malas mo naman Leopard si Tigre pa ang nakalaban mo. Pamangkin niya ang may-ari ng ginagawa mong building. Goodluck sa danyos na kanyang hihingi sayo. hahaha “ Tahim
George's POV“ Bhabe look? “ pinakita sa akin ni Scarlett ang balita sa isang online business magazine.Napamulagat kame sa nababasang balita tungkol kila Nick at Jessica. Halos dalawang araw pa lang ang nakakalipas simula nung pumunta kame sa Tarlac eto na agad ang aming makikita. “ Wait Bhabe, let me call Nick to confirm if these are true.” I got my phone, and called Nick. “ I will also call Boobae” sabi ni Scarlett na nag-aalala. Nakailang ring pa bago nasagot ni Nick ang telepono. “ Hello Nick, kumusta? we read the news about you and Jessica. Anyare?Kumusta kayo ni Jessica? Totoo ba yun?”“ No. They are not true. We are ok. Since you have called I want to invite you later to my condo. Please bring Scarlet with you. 8:00 am sharp.” “ Sir, andito na po ang kliyente ninyo” rinig ko ang sabi ni Dominic. “ Got to go George, see you later.” binaba na nito ang telepono. Napatingin ako sa cellphone na hawak hawak ko. “Wala man lang kaemo-emosyon. Hindi man lang siya affected. Robot
Scarlett’s POVNaglilinis ako ng Condo ni George nung narinig ko ang tawag ng kanyang secretary na si Denise. Naiwan nito ang kanyang cellphone. Sasagutin ko na sana ito ngunit tumigil naman ito. Napamulagat ako nung nakita ko ang text ngaling sa kanyang secretary.“ Shit! Anong ginagawa ni Dad sa opisina ni George?” Dali dali kong binitawan ang ang hawak kong walis at dali daling umalis ng condo. Hindi na ako nakapagpalit ng damit. I am only wearing walking shorts and a sleeveless. Nagdagdag lang ako ng sweater. Hindi ko dala ang kotse ko kaya nagtaxi na lang ako. Habang nasa biyahe kinakabahan ako. Hindi pa alam ni Dad na boyfriend ko na si George. Kilala ko si Dad. Importante sa kanya ang estado ng buhay. Takot ako na baka ano ang sabihin niya kay George at baka masaktan si George. Hindi ako mapakali habang nasa taxi. I am calling Dad ngunit di siya sumasagot. Pagdating ko sa building nila George halos takbuhin ko ang elevator. Kinakabahan ako. Paglabas ko ng elevator, dederets
George’s POVNakatingin ako kay Scarlett habang pabalik kame sa opisina. Nakaakbay ako sa kanya. Napansin ko na halos lahat ng mga empleyado namin ay nakatingin sa kanya. I smiled and decided to introduce her to everyone. “Attention, please, everyone.” Lahat sila ay tumayo at tumingin sa akin.“I would like to introduce to you my girlfriend, Miss Scarlett Carlson.”“Wooow!! Ayiieee….” Nagpalakpakan ang lahat; ang iba ay tila kinikilig pa.Nagulat si Scarlett at nagtago sa likod ko. She whispered to me, “What are you doing?” “Oh no, Bhabe! Bakit ngayon mo ako pinakilala sa kanila? I’m not prepared. Hindi man lang ako nakapag-ayos. Nakakahiya.” Namumula ito. Natawa ako sa sinabi niya.“You are always beautiful, Bhabe,” sabay tingin ko sa kanya ng may pagmamahal.“Aayy… nakakakilig… Ayiiee!!! Ang sweet naman ni Sir!” Narinig ng iba ang sinabi ko kaya mas lalo nila kaming tinukso. Nakita kong mas lalong namula ang mukha ni Scarlett.“I introduced her to everyone so that if she visits me
Jessica’s POVPagod at antok na nagdadrive ako pauwi ng condo ko. Wala si Ate. Sabi ng secretary niya naka indefinite leave ito. Nagtataka ako bakit ngayon pa ito nag leave kung kailan maraming problema ang kompanya. Si daddy raw ang humawak ng lahat ngayon ngunit wala naman si Daddy. Sumasakit ang ulo ko kung sino ang hihingan ko ng approval sa proposal na ginagawa ko sa bago naming cliente. Sana nga makuha ko ang cliente sa kabila ng nangyaring issue sa aming kompanya. Hai!! I feel so tired. Nakita ko na may tumatawag kaya I answered the call. “Love? Pauwi ka na ba?” It was Nick. “Yes Love, I am driving home. How about you?” “ Can I invite you to my Condo tonight Love? I have important things to tell you” Kinabahan ako sa sinabi niya. Hai! baka nagalit ito sa mga naglalabasan sa magazine. Ang sweet ng mga kuha namin ni Rich. Dagdag pa tong pagpapanggap na ito. Nauubos ang aking lakas dahil din dito. Halos lahat masaya akong binabati at nagtatanong ng kung ano ano tungkol sa amin
Jessica’s POV“ Don’t worry Boobae, baka may dinaanan lang si Nick” sabi nito. “ Kanina pa raw nakaalis ng opisina si Nick sabi ni Dominic. “ sabi ni George.“ Nasaan na kaya si Nick George” nag-aalala kong tanong. Umupo muna kame sa sofa while waiting for Nick. Ilang sandali pa may tumawag kay George. “ Hello Dominic.”“ Ano?” napamulagat ako sa reaksyon ni George. Tila masama ang balita ang kanyang narinig“ Saan siya ngayon?”“ Sige sige pupunta kame ngayon” Nag aalalang napatitig si George sa akin, tila nahihirapang sabihin sa akin ang kanyang nalaman. “Anong nangyari George? Ano ang sinabi ni Dominic sayo sa telepono? Tungkol ba iyon kay Nick?” Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. “ Naaksidente si Nick at nasa operating room siya ngayon.” parang nabingi ako sa aking narinig. Natulala. Samantalang si Scarlett napatutop sa kanyang bibig.Napako ako sa aking kinauupuan di alam kung ano ang gagawin. “ We need to go to the hospital Jes!” nagising lang ako dahil sa sinabi
Dominic’s POVNgayon ko lang nakita ng malapitan si Miss Jessica Laviste. Kaya pala nahulog si Sir sa kanya, kakaiba ang ganda at kilos niya. Hindi siya tulad ng ibang mga naging babae ni Sir dati na kahit sa opisina ay hinahabol si Sir. Pati tuloy trabaho namin naaantala dahil sa kapritso nila. Pero etong si Miss Jessica, never pang nakarating sa opisina ni Sir. “Ding” Dali dali kaming tumingin sa kakatapos na operasyon. Sana ok lang si Sir. “ Doc, kumusta po ang pasyente? Kumusta po si Nick?”, nag aalalang tanong ni Miss Jessica paglabas na paglabas ng doctor.“ The operation was successful, hintayin na lang natin siyang magising anytime” pagod na sagot ng doctor.“Huh!” nakahinga ako ng maayos. Thank you Lord!” sa isip ko. Pumunta agad si miss Jessica sa stretcher ni Sir Nick nung nakita niya na palabas na ito. Tumutulo na naman ang kanyang luha nung masilayan si Sir Nick. Naaawa ako sa kanya. Kita sa kanyang mga kilos kung gaano niya kamahal si Sir Nick. Ngayon ko nakita na na
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s