Napatingin siya sa mga tao sa paligid. Mukha namang normal ang lahat. She didn’t like the idea of being watch. Ang secret security ni Don Arturo ay nakahalo sa pangkaraniwang tao sa kanyang paligid. Kilala niya ang mga ito. She’s aware na sinusundan siya for her safety. Na may mga kapalpakan nga lamang dahil dalawang beses ng nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Pero may sinabi si Noah na, ipapabugbog niya si Ivan sa mga tauhan niya. Did he pay people to watch over her? Para saan?Umuwi din siya kinagabihan pagkatapos ng commitment sa Pangasinan. Pinag-drive siya ni Raul, ang baklang manager ng resort niya bagamat wala sa itsura nito ang pagiging binabae dahil bihis lalaki ito. Papunta din naman ito sa Manila upang umattend ng monthly meeting. Bumaba ito at binagbuksan siya ng kotse. Pagbaba niya ay napansin niya si Noah na nakatayo sa harap ng bahay niya at nakasandal sa kotse nitong Honda Civic Sedan. Mukhang ilang oras na itong naghihintay. Tila pinapak na din ito ng mga lamok.
Nagpaplano na siyang mangibang bansa. Inihanahanda na lamang niya ang mga tauhan na maiiwan lalo si Kaye at Caleb. Never naman siyang binigo ng dalawa.She’s attending hotel management training sa Monreal Beach Resort. World class ang resort na ngayon lang niya narating, mula sa pagkain hanggang sa facilities. Umikot muna siya sa kabuuan ng resort. Bukas pa ang opening ng event kaya may oras pa siyang mamasyal. Gumawi siya sa souvenir shop, ibibili niya ng pasalubong ang mga employees niya.May inabot siyang necklace na gawa sa shells at pearls, ngunit may isa pang kamay ang humawak dito. Napatingin siya sa may-ari ng kamay. Si Noah. Nagkagulatan silang pareho.Kunot ang noong pinagmasdan niyang mabuti ang binata. Baka namamalikmata lang siya. Dahil imposibleng nasa isang lugar lang sila ngayon. Two wrong people at the right time and at the right palace.“Oh, hi!” bati ni Noah na suot na naman ang ngiting tutunaw sa kahit sinong anak ni eba.“Sinusundan mo ba ako?” aniya pagkabawi sa
Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso niya ng matanaw si Noah. Hindi niya inaasahan na makikita na naman ang binata sa bar. Kinaladkad lamang siya Caleb, mas gusto pa niya sa bahay at magpahinga. They will meet an old friend kaya napilitan siyang sumama.Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay lumapit ito sa kanila. “Pwede ka bang makausap?” Pormal ang anyo nito.“Hindi, baka magalit ang boyfriend ko,” tanggi niya sabay hawak sa braso ni Caleb.Ayaw na niyang magkaroon ng kaugnayan kay Noah. Tapos na sa kanila ang lahat. Hindi niya muling papayagang pumasok ito sa buhay niya. Never.“Yes, huwag mo na kaming guluhin. Masaya na si Maddie,” sabi ni Caleb. Nakahinga siya ng maluwag sa pakikiayon nito.Ngunit hindi nito pinansin si Noah. “Maddie, I’m just asking for a few minutes. Please, let us talk. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nakikinig sa akin.”“Para saan, Noah? Kahit anong paliwanag mo ay hindi na mababago ang desisyon ko. It’s over. Tapos na sa atin ang lahat.”“Hindi b
Matapos maihanda ang lahat ng kailangan para sa pagtira niya sa America, kinausap niya ang mga naging importanteng tao sa buhay niya.Pinuntahan niya si Don Edgardo, ang tatay ni Noah. He’s been good to her. Sinigurado niyang wala si Noah at nasa opisina, unfortunately nag-half day lang ito at umuwi na.“Hijo, niyaya ko si Maddie na dito na mag-lunch. Tara at saluhan mo kami,” bungad ng Don.“I already ate dinner.” Paakyat na si Noah sa kwarto ng madinig ang tawag ng ama.“Tara muna dito ng makipagkwentuhan."Umupo si Noah sa tabi ng ama. Tuloy ang kwentuhan nila ni Don Edgardo. Maya maya ay nagpaalam ito may kukuhanin lang daw sa kwarto ngunit halatang gusto lang na sila ay makapagsolo.“Anong pakulo ito? Bakit ka pa nagpunta dito? Akala ko pinili mo na ang boyfriend mo?"“Hindi ikaw ang dinalaw ko. At huwag kang makialam sa mga ginagawa ko!” angil niya sa lalaki.“Alam ba ng boyfriend mo na nagpupunta ka pa sa mansion ng dati mong asawa at nagpapapansin sa akin?”“You, arrogant beas
Naiwan si Noah sa gitna ng kalsada. Tumingin siya sa relo. Makakaabot pa siya sa airport. Tumakbo siya pabalik ng kotse at agad na pinasibad upang muling habulin si Maddie. Hindi na niya pinansin ang pagpito ng traffic enforcer. Mamaya na niya aasikasuhin kung may violation man siyang nagawa.Pumasok siya sa airport, 5:50am. Mahaba ang pila papasok. Ayaw din siyang papasukin ng guard, wala siyang maipakitang passport or air ticket. Hindi din nito tinanggap ang kanyang paliwanag.He felt helpless. A feeling that never even crossed his mind that he would experience. Susunod na lamang siya sa America upang kausapin si Maddie at kumbinsihing bumalik sa Pilipinas.Talunang lumabas siya ng airport. Pumasok na siya sa kotse ngunit ayaw mag-start. Nakailang try siya. Binuksan niya ang hood ng sasakyan upang tignan kung ano ang sira. Mukhang nag-overheat ang kotse niya.“May gusto ka bang sabihin sa akin?” tinig ng isang babae sa likuran.Saglit siyang huminto. Pinaglalaruan yata siya ng kanya
Nagkita sila Caleb at Kaye sa coffee shop. “I couldn’t believe that Maddie will come back to that bastard!” sabi ni Caleb. “Kaya nga kahit ako nagulat. Akala ko talagang iiwan na niya si Noah. But anyway, sino ba tayo para humadlang sa kaligayahan ni Maddie. Let’s just support her.” “Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa lalaking ‘yon. Ilang beses na siyang sinasaktan.” “Kilala mo si Maddie, matigas ang ulo niya. Walang pinapakinggan lalo pagdating sa pag-ibig.” “Nag-aalala ako at baka mapahamak siya. Hindi mabuti ang pagtrato sa kanya ni Noah. At nakakapagtaka ang intensyon nito sa muling pakikipaglapit sa kanya mula ng malaman na bilyonarya si Maddie.” “Kahit sabihin natin yan, she won’t listen to us.” “I smell something fishy. Baka pera ni Maddie ang habol ni Noah.” “Let’s hope na maging masaya ang kaibigan natin. Tigilan na natin ang pag-iisip ng negatibo lalo at nasa honeymoon sila at nag-uumpisa ng bagong buhay bilang mag-asawa.” Napansin ni Kaye na nagpupuyos ang ka
Sinundo si Maddie ni Noah sa Tech Systems. The company provided a dynamic and innovative space where creativity and teamwork could foster. It was equipped with state-of-the-art technology and cutting-edge amenities with wide workspaces, comfortable meeting rooms, and relaxing breakout areas.Nakangiti ang lahat ng employees na nadadaanan ni Noah. He’s confident and charming, effortlessly turning heads wherever he goes. He brought flowers that brighten her day. She’s so much in love with her husband. He changed a lot. He’s so caring and sweet.Tumayo siya upang salubungin ang asawa. Yumakap siya dito. He kissed her lips. She’s now also an expert, magaling ang kanyang teacher. Nawala na din ang inhibisyon niya.“Hmmm. Ang aga mo ah, lunch time pa lang.”“Nagluto ako ng paborito mong ulam. This is the most delicious kare-kare in the world. Let’s eat.”Inilabas nito ang dalang pagkain. Tinikman niya at tama ito. Iba ang lasa, masarap talaga.Napadami ang nakain nilang dalawa. Iba talaga s
Magkasama sa isang business trip sina Caleb at Kaye. May tinignan silang property for sale. Ibinenbenta na ng may-ari ang Isla Buena, isang first class resort sa gawing norte na pag-aari ni Don Albert. Aalis na kasi ito ng Pilipinas at titira sa ibang bansa kasama ang buong pamilya. Ibang klase ang lugar. Paraiso sa lupa, iyon ang tamang pagsasalarawan sa lugar. Maging ang serbisyo ay de-kalidad at world class. Kakatapos lang ni Kaye kumain ng dinner. Umupo siya sa dalampasigan. Lumayo siya sa karamihan upang makapag-isip ng mabuti. Madaming bagay ang gumugulo sa kanyang isip. Ang buhangin ay napakapino at napakaputi. Maraming puno ng niyog sa di kalayuan na pwedeng lagyan ng duyan dahil sa agwat ng bawat puno. Isa talagang paraiso ang lugar na ito, malawak ang asul na karagatan na kumikislap sa liwanag ng buwan. Dumadapyo sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap siya sa sarili. Lumapit si Caleb at umupo sa kanyang tabi. “Kaye, I just want to say thank you for bein
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma