KRIESHA
Base sa nalaman ko dito sa g****e map, mas mabilis ang byahe papuntang Bonifacio Global City sa Taguig kapag nag tren ako. Kung mag bus naman, nasa 36-40 minutes ang itatakbo.Kaya naman, sumakay muna ako ng taxi papunta sa estasyon ng tren. Pagkarating, kumuha ako agad ng ticket. Timing naman na kaunti lang 'yong tao dito kaya napagbentahan at nakasakay din agad.As I was traveling, sinigurado kong kumukuha ako ng short vids at moment pics dito sa tren. Plano ko kasi gawing reels at e post sa social media. Nang sa gano'n ay may maganda akong video ng mga alaala, bilang tanda na nakapunta ako sa mga lugar na ito.Aliw na aliw ako sa pagtingin-tingin sa mga nadadaanan namin. May mga tunnel, seaside, skuwaters, buildings at marami pang iba.Kahit mag isa lang ako, hindi ko ramdam ang pag-iisa. Nag e-enjoy akong mag travel mag isa.Shempre, pinangangalagaan ko ng maayos ang mga gamit ko. Mahigpit ko itong hawak. Ang cellphone ko naman ay nakasilid sa looban ng suot kong varsity jacket.Nga pala, ang outfit ko ay isang simpleng trouser na pinaresan ng mahapit na white shirt. Tapos pinatungan ng jacket. Para sa paa ko, nakasuot lang ako ng tsinelas.Sumakay ulit ako ng taxi, since hindi ko kabisado ang lugar. Para direkta din akong ihatid sa patutungohan ko. Also, para magabayan ako... Naggamit ako ng g****e map.Same sa tren, kumuha ako ng short vids at nice shots na nakikita kong magandang picturan.Pagkarating ko, lubos akong namangha."Heto po, manong. Salamat po sa paghatid sa'kin." Wika ko sa driver at ibinigay sa kaniya ang pamasahe ko."Salamat, ma'am. Enjoy po kayo sa pagliwaliw niyo dito." Sagot naman ng driver.Excited akong bumaba ng taxi, at sa mismong pag apak ko halos magtatakbo ako sa tuwa. Nalanghap ko na 'yung hangin ng isa sa magandang spot ng Manila.Naglakad-lakad ako sa kahabaan ng magandang kalsada.In fact, fan ako ng mga buildings. City's scape at modern structures. Lalo na 'yung matatayog at malilinis na lugar.Naalala ko no'ng nag-aaral pa ako, titingin lang ako sa mga naghihigantehang buildings sa Cebu para ma relieved yung stress ko.I went to many streets and took plenty of pictures and videos with me. Marami na din akong selfies.Hindi na rin ako nagulat kung halos sa mga taong nakakasalamuha ko ay trabahante ng mga call center company, dahil kagaya sa Cebu Business Park or kilalang lugar as I.T Park sa Cebu, ang BGC ay isang Business community rin na naka-destino dito sa Manila. Kung ikukumpara sa Cebu, mas malaki at malawak ito.Marami din ditong mga iba't-ibang fast food restaurants at agaw pansin din talaga ang ka abalahan ng lugar. Hindi nakakaburong tingnan. Hindi rin nakakatakot, dahil in every street, may mga guards, traffic enforcer o kaya mga police. May mga sasakyan din kasi na dumadaan.Makalipas ang mahigit isang oras..."Uwahh, ang sakit na ng mga binti ko." sambit ko sa aking sarili nang makaupo na ako dito sa bench. Nakapuwesto ang bench na ito, malapit sa isang open field. Marami ding tao dito, kadalasan... Mga baggets around my age.'Yun nga lang, masakit sa mata kung tingnan. Kasi sila may pares, samantalang ako... heto, wala.Uminom din ako ng dala kong tubig, saka nagpunas ng munting pawis sa leeg at noon ko.While wiping myself up, my phone rings. Napasilip ako sa cellphone ko at nakitang incoming call iyon ni Mama. Napapangiti ako habang in-swipe ang answer button ng tawag."Hi, Mama. Kamusta po?" Ang ganda ng araw ko ngayon. Hindi lang ako nagkaroon ng malayang oras para gumala, tumawag pa si Mama sa'kin.Nakangiting nag wave siya sa'kin, saka ako sinagot. "Heto anak, nasa ospital. Sinamahan ko ang Papa mo dito. Wala naman akong mapag-abalahan sa bahay at wala ka na rin doon. Mas mabuting nandito ako, para matutokan ko sa pagbabangay itong Papa mo."Hindi ko maiwasang hindi malungkot, lalo na sa situwasyon ng Papa ko ngayon. Aaminin ko, hindi man gano'n ka perpekto at ka buti ni Papa sa'kin... Mahal ko pa rin siya, kaya ako nalulungkot ng ganito."May balita na po ba mula sa doktor?" Halos pabulong ko ng tanong. Umiwas din ako sa camera, para punasan ang iilang takas na butil ng luha.Narinig kong napapabuntong hininga ng malalim si Mama, sa pagbuntong hininga niya pa lang, alam ko nang gano'n pa rin ang situwasyon ni Papa."Wala pa ring bago anak, any time maaaring manganganib ang buhay niya. Ang solusyon natin sa ngayon, kailangan natin siyang ipa-opera hangga't maaga pa at hindi pa gano'n kalala ang kidney stones niya."Yes, tama kayo ng nalaman. May kidney stones ang Papa ko. At ito ang dahilan kung bakit siya na ospital. Kinailangang matanggal ang mga batong 'yon para makawala siya sa sakit na dinanas niya ngayon.Ang mismong dahilan at pinagmulan kung bakit kailangan ko magpakalayo at mapasabak sa paghahanap buhay.Even though, hindi ako maalam sa larangang ito."Huwag po kayong mag-alala, ma. Sa unang sahod after 15 days ko sa trabaho, magpapadala din po ako kaagad. Tiyaka, hindi naman po nakakahalata si Papa di'ba?" Ang totoo, hindi gusto ni Papa na mag trabaho ako para sa kaniya. Ayaw niyang inaalala ko siya, dahil feeling niya nakaka-isturbo siya sa'kin.He might be tough, but he's also sensitive in a way that he's sensible enough. Kaya nga nasa rooftop si Mama ngayon, kasi sekreto lang namin ang pag ta-trabaho ko."Nagtatanong nga kanina, bakit hindi ka raw dumalaw sa kaniya kahapon. Pero nagawan ko na ng paraan. Huwag mo na alalahanin iyon. Ikaw anak, kamusta ka diyan? Kamusta ang byahe mo no'ng nakaraan?" Pag kuwento niya na ikinatawa ko ng marahan.Nakakalungkot, pero nakakatuwa. Kasi, dalang lang naman ako hanapin no'n. At ang marinig mula kay Mama na hinahanao ako ni Papa, ay nagbibigay tuwa sa puso ko."Na-miss ko rin si Papa, ma. Pero siguro, babawi na lang ako kapag nakauwi na ako diyan, balang araw." Makahulogan kong saloobin. "Ayus lang, ma. Nakakatawa nga, kasi nakakasama ko sa flight 'yung amo ko."Lumarawan ang pagka-sorpresa sa mukha niya, "Talaga? Paano nangyari 'yon? Nagpunta din pala siyang Cebu at nagkataon na nagkasabay kayo?"Nagagawang tumango-tango ako, saka ko ikinuwento sa kaniya ang mga sumunod na nangyari. Panay tawa niya sa tuwa."Baka nga tadhana 'yon, anak.""Psst, ma. Walang dahilan 'yon, huwag mo bigyang dahilan." Sita ko sa kaniya na tinawanan niya lang."Malay mo, anak. Bilog ang mundo. Hindi naman kita tinutukso." Napangiwi ako sa sinabi niya, mukhang hindi nga siya seryoso sa huling salaysay na sinabi niya. Kasi nagkimkim ng tawa eh."Ma, malabo 'yon. Tiyaka, hindi kami bagay." Naisip ko pa lang ang status ni Sir, nalula na ako. Guwapo, matalino, mayaman pa at may negosyo!Eh, ako? Waley, ang layo ko."Alam mo, anak. Ganiyan din ako sa Papa mo dati. Sabi ko, ayoko sa taong ito kasi masyadong hambog, pero tingnan mo? Saan ako bumagsak? Sa Papa mo pa rin. Hindi lahat ng engkuwentro ay nagkakataon lang. Lahat ng engkuwentro ay may dahilan na kaakibat. Kaya hindi mo pa masasabing ganito at ganiyan, kasi gaya ng sabi ko, bilog ang mundo. Marami pang mangyayari sa hinaharap na hindi mo inaasahang mangyari sa'yo."Napapanguso na lang ako kay Mama, ayaw kasi paawat. Saka, nauna siya sa'kin sa duyan. Mas marami siyang karanasan at panahon sa mundo kaysa sa'kin.Isa pa, wala namang masama sa mga sinabi niya. Mabuting advice lang naman ang mga 'yon, pero masyado yata akong defensive."Naiintindihan ko naman ang punto mo, mama. Pero, masyado namang mataas si Sir oi. Hindi ko 'yon abot, tiyaka may jowa na po siya. Ayoko mag assume, basta magpatuloy lang ako sa buhay. Mangyari ang mangyari."She chuckled at me, kung nasa malapit lang ako, hinahagod-hagod na niya ang ulo ko sabay bahagyang paggulo ng buhok ko. "Ikaw talagang bata ka, osya, ikaw ang bahala. Basta kapag kailangan mo ng karamay, always remember na nandito lang si Mama. Okay?"Ngumiti ako ng napaka-lawak, pati ngipin kong pantay at maputi ay nakalitaw. "The best ka talaga, mama. I love you po!" Kung may ipagmamalaki man ako sa sarili ko, ito 'yung pagiging honest at vocal ko sa lahat. Lalo na sa mga mahal ko sa buhay.She kissed me through the phone screen, "Gihigugma ta pud ka, Kriesha. Mag-amping ka pirmi diha kay naa ka sa layo ug dili mi makaara ug dali-dali kung naa may bati na mahitabo nimo. (Trans: mahal din kita, Kriesha. Mag ingat ka palagi diyan, Lalo na't nasa malayo ka at hindi ka agad namin mapupuntajan kung sakali mang may mangyari sa'yong masama diyan.) Sige na, anak. Ba-bye na. Oras na ng lunch ni Papa mo. Ikaw din diyan, kumain ka na at huwag magpalipas ng gutom." Mahabang litanya at pagpapaalam ni Mama.Nakakahinayang, kailangan na niyang magpaalam."Bye, ma. Kayo din po diyan, ingat!" Pagpapaalam ko rin, saka kumaway sa kaniya hanggang sa naputol na ang koneksyon namin.I sighed deeply, afterwards.Ngunit ilang segundo pa lamang ang nakalipas ay may tawag na namang dumating sa'kin. Pagod ko itong binalingan ng pansin.Subalit, gano'n na lamang ang pamimilog ng mga mata ko nang makitang si Sir ang tumatawag sa'kin ngayon.Mabilis kong sinagot ang tawag, "Hello, Sir?""Where are you?" As usual, his voice were manly and appealing to the ears. Kalmado at ngayon pa lang ay na i-imagine kong nakatanaw na naman siya sa malayong tanawin ng ka Maynila-an, habang nakapamulsa ang isa niyang kamay."Nasa BGC po ako ngayon, pero pabalik na po ako." Sabi ko at nagmamadaling naglakad papunta sa kung saan ang tingin ko ay mapupuntahan.Kakaloka, ni hindi ko alam kung papaano BUMALIK!"What? Anong ginagawa mo diyan? Didn't I told you na huwag kang maggala sa malayo?" Medyo napataa ang tinig niya, kaya bahagya kong nailayo ang cellphone ko sa tenga."Sorry po, pero matagal ko na kasing pangarap na makita in person ang BGC..." Rason ko."I don't care. Just get back in here. I only have an hour for my lunch, I'll give you thirty minutes." Saka naputol yung tawag pagkatapos niyang sabihin iyon sa'kin na siyang ikina-awang ng bibig ko.Gano'n ba talaga siya ka galit para malaman na lumayo ako?Like, hindi niya naman sagot kung may mangyari sa'king masama ah?"Haist, bahala na nga lang. Kailangan ko ng makabalik." Wika ko sa sarili ko. Timing naman na namataan ko ang linyahan ng mga taxi. Pumara ako at hindi nagtagal, sumakay na ako pabalik sa kompaniya."Saan po kayo, ma'am?" Tanong ng driver."Grand Hotel Makati po." At umandar na nga ang taxi papunta sa patutungohan ko.Ilang minuto lang, nakarating na ako sa hotel."Magkano po, kuya?""₱780 pesos, ma'am." Sabi na nga ba't ang mahal Pag taxi eh. Nag-iisang one thousand bill ko na lang itong nasa pitaka ko."Saglit po," kinapa ko ang bag ko at hinanap ang pitaka ko.Pero, agad akong dinaganan ng kaba nang mapansing wala ang pitaka ko dito!"Pakibilisan po, ma'am. Kung maaari, kailangan ko na kasing umuwi at ito na ang huling pasada ko ngayong araw." Sabi ng driver sa'kin."O-Okay," nauutal na ako, st kahit anong halughog ko sa bag ko ay wala talaga ang wallet ko!Naiiyak na ako. Nando'n pa naman ang mga ID ko at important cards. Kinagat-kagat ko na 'yung labi ko kasi hindi ko alam ang gagawin."Matagal pa ba, ma'am?" Tila nauubosan na ng pasensya yung driver sa'kin."Uhm, kuya. Sorry, kasi yung wallet ko n-nawala...""Ano?! Hindi maaari 'yan, ma'am. Kailangan mo kong bayaran." Asik sa'kin ng driver. "Kung hindi mo ko babayaran, e report kita sa presinto!"Napaangat ang mga kamay ko sa ere, "H-Huwag po, Kuya. B-Babayaran po kita, wait lang po." Nakakatakot ang driver. Feeling ko namumutla na ako, lalo pa't malalamig ang pawis na lumabas sa balat ko.Hindi ko alam kung magandang balita ba na tumawag ulit si Sir sa'kin or masama, pero kasi wala akong ibang kakilala dito sa Manila.Kundi, siya lang."Nasaan ka na? My lunch almost over, Miss Cervantes." Bungad niya."Uhm, S-Sir. Nasa baba po ako, mamaya niyo na po ako pagalitan, please po? T-Tulongan niyo po ako..."Na i-imagine ko na rin ang pagsasalubong ng makakapal niyang kilay ngayon, "Help? About what?" Naiinis niyang sagot."Eh, kasi po... Nawala ang wallet ko, wala akong pangbayad sa taxi na sinakyan ko."Xerxes' POV My face was in poker mode after I passed the money to the taxi driver. As expected, everyone was surprised and flocked over me when they saw me 'their Boss' here outside the company. Especially paying for someone else's transportation fee. Madilim kong binalingan ng tingin si Kriesha na panay ang pagkagat sa kaniyang labi. I noticed how pale she becomes and instead of letting my bloddy mood surpass my heart, I calm myself up. "Sa susunod po, ma'am. Huwag kang sumakay ng taxi kung wala ka naman palang pambayad. Sayang lang oras ko sa'yo imbes na oras ko dapat 'yun para makauwi sa'min." Kuda ng driver, which makes me even angrier for this person. Kanina pa kasi to panay bato ng salita sa empleyado ko. "I already paid you, even double from the fee price, can you stop buffing now?" Sita ko sa driver, tumahimik naman ito at tumalikod na sa'min. Mabuti na't aalis na ito nang sa gano'n ay ma kuwestiyon ko ang isa dito. "Pasalamat ka talaga, Miss. Mabait ang nobyo mo. Palalam
KRIESHA "There are a lot of modus here in Manila that you should be wary of. They don't work as individuals, dahil marami sila. Which is why, the next time you loiter around some other places farther than here, inform me." "Kaya nga binalaan na kitang huwag gumala sa malayo dahil alam kong maraming masasamang tao diyan sa labas, despite the good face they've shown to you." "You might not realize yet, but you are still innocent and inexperienced to understand everything. I hope this serves as a lesson for you to learn." Gabi na, ngunit hindi ko pa rin malimot-limot ang mga sinabi sa'kin ni Sir kanina. Nakaka-insulto, oo. Pero, hindi ko rin maitatangging may Punto siya. Nandito ako ngayon sa ibabaw ng kama ko, nakaupo at yakap ang mga nakakumot na mga binti. Dahil sa nangyari, hindi na dito nag dinner si Sir at ang sabi niya ay may mahalaga siyang pupuntahan. Late na daw siyang nakakauwi, kaya huwag ko raw subokang hintayin siya o kaya ang umalis nang walang kasama. "Bakit ko na
Throwback:XERXES "Hello, Tres. Bakit napatawag ka? Himala ah?" Bungad niya sa'kin nang masagot niya ang aking tawag. Humilig ako sa swivel chair na aking kinauupoan ngayon, sabay silip sa oras sa relo ko. It's still 4 in the afternoon. "I have something I want you to do." Seryoso kong pahayag sa kaniya. I can even imagine how he will laugh sarcastically as his brow met one another. Frowning like a damn dimwit. "Really? This is the first time after three years, huh? Well, basta may abuloy Santillan, goora ako diyan." Makaloko niyang wika. Sabagay, wala namang matino sa'min talaga. Lalo na kapag nagkikita-kita at nagsama sa isang bilog. "Baliw, shempre meron. Magkano ba gusto mo?" Patol ko sa kaniya. In fact, being an idiot in front or with my friends are some kind of tactics to hide our respective problems. I know, everyone can tell as well. But we chose to shut our mouths and set boundaries from our personal life to peers and work life. "Kalma, Tres. Service bago bayad, rememb
Sa mga sumunod na araw, normal lang ang naging trabaho ko kay Sir Tres. Hindi kami masyadong nag kibu-an, at 'yung mga mahahalagang paksa lang ang napag-uusapan namin. Hindi ko nga pansin na mag isang linggo na ako dito bukas. Nag-inat ako ng mga braso ko, pagkabangon ko ngayong umaga. Another day to start goodly na naman. I hope it is peaceful and brighter kumpara sa mga araw na lumipas. Parati ko naman 'yung pinapanalangin, tuwing gumigising ako sa umaga. Nagpapasalamat sa diyos sa lahat ng biyaya at mabuting pangangatawan. Tiyaka marami pang iba. Alas singko pa lang, gising na ako. Naligo tiyaka naglinis ng kuwarto kong hindi naman gano'n ka dumi. Na habit ko lang kasi na maglinis muna ng silid bago lumabas para sa trabaho ko kay Sir. Nang sa gano'n ay kapah tapos na ako sa trabaho at gusto kong magpahinga, diretso higa na ako. Maaliwalas at hindi bothersome ang private environment. Matapos maglinis, kampante akomg lumabas ng silid ko. Pero kakabukas ko pa lang ng pintuan ay h
XERXESRight after solving my employee's problem, I feel at ease. Telling her some of my crucial parts seems to give me the kind of relief and security which makes me feel even lighter...And happily motivated. For some anonymous reasons, minsan napapangiti ako kapag naiisip ang pinapakita niyang ekspresyon no'ng bahagya kong ginulo ang kaniyang buhok. She was very cute and innocent. Especially her chinky eyes widened every time she got surprised. Even the pure smile she gives me earlier left a mark inside my head, whichever leave me since then. *Knock*knock*knock*Three simultaneous knocks from my office's door took my attention, making me look at it. Sooner, Sam entered my office with coutable folders in hand. "Good afternoon, Sir. Mula nga po pala sa HR department, need daw ng approval mo para sa mga bagong hired na empleyado sa iba't-ibang departamento." Pagbibigay alam niya sa'kin nang makalapit sa lamesa ko, bago iniabot ang dalang mga folders. "Nandiyan na po ang bawat prof
KRIESHAHapong-hapo ko ang aking mga pisngi nang tuloyan ko ng nilisan ang opisina ni Sir Tres. Hindi ko alam, pero ang init ng pisngi ko. Hindi naman ako nakakaramdam ng hiya kanina dahil maayos at kasuwal lang naman kaming nag-uusap. Napahilig ako sa nakasaradong pinto at mahinang tinapik-tapik ang mga pisngi ko. Kasabay naman no'n ay ang pagbalik sa aking isipan ang mga napag-uusapan namin kanina. Lalo na no'ng magtanong siya tungkol sa'kin. Like, hindi ko mahanapan ng rason kung bakit bigla siyang napapatanong tungkol siya sa paksang hindi naman ako relate. "Miss Cervantes, I was wondering..." "Ano po 'yon, Sir?" Wala akong ideya ng tinanong ko siya about sa kuryusidad niya, tiyaka gusto ko rin namang malaman. He's looking at me intently with a knot on his forehead. He was like frowning in a way that it highlights his curiosity. "Do you have a boyfriend?" Namilog ang mga mata ko, kasabay ng pagkalaglag ng mga panga ko. "Ha?" Baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig. He smirk
XERXES*ring*ring*ring*I lazily groaned when my phone rang in the middle of the night. I'm so tired and that I don't feel like getting up just to accept the damn call. Ramdam ko pa nga ang lagkit sa aking mga mata, maging ang iilang parti ng katawan ko, na ngayok ay tinatamasa ng body pain. Kinapa ko ang cellphone sa may bedside table habang nanatili pa ring nakadapa sa malambot na kama. But then, right when I was about to answer it, the call ended by itself. Natatamad ko naman iyong sinauli at matutulog na sana ulit, nang muli itong nag ingay. "Damn, who's this annoying bastard that disrupts my sleep?" Naiinis kong usal saka padabog na bumangon at sinagot ang tawag. Ni hindi ko pinag-aksayang tingnan kung sino ang caller. I'm too fcked up to do that. Kakatulog ko nga lang hours ago, and then this person interrupts the rest I earned? "Who the hell are you? Make sure that this is an important matter or I'm gonna blow your face when I see you." Malutong ko itong minura. "Babe?" H
KRIESHA "Miss Cervantes, do you mind if I ask you to work with me over something personal and important?" kakalapag ko lang ng mga hinanda kong pagkain ngayong agahan, nang biglang nagsalita si Sir Tres. Bagay na ikinakunot ng noo ko. "Like what po ba?" tanong ko saka naupo sa silyang katapat lamang niya. Pinag-hagpo niya ang mga kamay at itinuko ang siko sa ibabaw ng lamesa, saka ipinatong din ang baba sa magkahulagpong mga kamay bago ako seryosong tinititigan direkta sa mata. "I'm getting married." Tila kusang sumanib sa'kin ang gulat at mabilis na pinamilugan ng mga mata. Kasal? Narinig ko naman siya ng maayos di'ba? "A-Ano po?" A smirked appeared in his thin red lips, telling me that he was happy and excited. "Pumapayag na ang girlfriend ko na pakasalan ako. Magpapakasal na kami." masaya niyang pahayag, na para bang isang napaka-gandang balita. Subalit, hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang kasakit ng pag-kabog nitong aking dibdib. Para akong natatakot na kinaka
Hindi naging madali, pero ang mga araw ay tila nagmamadali sa bilis ng signo ng oras. "Bukas na ang birthday ng anak natin." "Yes. Time flies real fast. Parang nagmamadali yatang lumaki ang munting prinsesa natin." Hinagkan ni Tres ang anak, at bumungisngis naman ito ng tawa. Animo'y nakikiliti sa ginagawa ng ama sa kaniyang leeg. "Pero si Mama... wala na ba talagang pag-asa?" She meant for her mother's forgiveness. Napatigil sa pakikipaglaro sa kaniyang anak si Tres at napabaling ng tingin sa asawa. "Mosh, I know this matter still bother's you. But we don't have any other option but to wait. It may take long, pero time will come." Alo ni Tres sa kaniya. Napapabuntong hininga at pilit na ngiti si Kriesha. Araw-araw niya talagang pinagdarasal na sana patawarin na siya ng kaniyang ina. Na realize niyang, hindi masaya ang buhay kung ang nanay niya ay may galit pa rin sa kaniya. Hindi niya naman ito masisisi, at hoping pa rin siya... na kagaya ng sabi ng kaniyang asawa ay may araw d
Dalawang araw na ang lumipas nang sila'y makarating sa bahay nila Kriesha dito sa Cebu. Ang bahay nila ay nakatayo sa isang compound, kung saan sagana sa mga kahoy at minahan. "Pagkatapos mo'ng punoin ang limang dram na iyan ay pumunta ka sa likod at sibakin ang mga kahoy doon." Kasalukoyang nag-iigib ng tubig si Tres mula sa poso. Tagaktak ang pawis at halos nabasa na ang kabuoan ng white t-shirt na suot. "Masusunod po, tay." Mula no'ng tinanggap niya ang hamon ng kaniyang manugang. Binigyang pahintulot na rin siyang tawagin ang ama ni Kriesha as tatay, na siyang ikinasaya niya naman.Dalawang araw pa lang ang nakalilipas, pero naaawa na si Kriesha sa asawa. Hindi nga lang niya tinatanong, dahil baka mahalata siya ni Tres at maging stress siya nito. Saka, mukhang maayos naman ang lagay nito. Makisig naman ang asawa niya at mukhang madali nga lang dito ang mga pagsubok na ginawad ng kaniyang ama dito. "Heto, uminom ka muna mahal ko." Wika niya rito nang makalapit at nasa likuran
"Ready na ba ang lahat? Sure ba kayong wala ng naiwan?" Mia asked everyone before going inside the limousine na sasakyan nila papuntang airport. "Wala na, Mia." "Wala na." Sagot ng marami. Kasama kasi nila ang buong barkada na umuwi ng Pinas. Kabilang na roon sila Kriesha at Tres. "Are you ready?" Tres asked his wife after feeling the heavy sigh coming from her. Kriesha smiled at him and nod. "Matagal ko ng inaasam na makauwi. Miss ko na rin ang Pinas." True to her words, she missed the scent and air of the Philippines. Saka hindi niya rin maiwasang hindi kabahan, dahil ilang oras at araw lang ang lilipas ay makakaharap na nila ang kaniyang mga magulang. "You're anxious." Wika ni Tres. Malamang ay halatang-halata niya ang kinabahala ng asawa. "Hindi ko maiwasan. Lilipas din 'to." She stated, providing him relief from worries. "Palagi mo'ng pakatandaan na nandito ako and you won't face them by yourself. I'm with you." She poured out a smile and nod as he hugged him by the side.
After the huge revelations happened back in the hospital where I was admitted and recuperating, everything has finally came back to normal. Nakaalala na ang asawa ko and I'm no longer worried of his disloyalty. Naging madali na rin sa'kin ang lahat dahil nandito siya. He helped me and supported me at anything I need and something that I'm obligated to do in order for my fast recovery during my cesarean delivery. "Excuse me, sir and ma'am. I'm here to collect the name of your child, have you decided?" Naaalala ko no'ng sumunod na araw na dumating ang nurse para ikolekta ang pangalan ng aminh anak. Actually, nakalimutan ko at abala ang utak ko sa mga nangyari. I can't still believe that it happened and I was at the verge of processing and adapting it all. "Mosh, I know you're not okay. But our daughter's name is already needed." He held my hand and gaze me closely. "Hinintay talaga kita na magising because I want us to name her, together." Napakalumanay ng kaniyang boses, animo'y sob
"S-So, I'm fooled? Is that it?" Lian spoke, her voice shivering. She's pale. "This is unbelievable..." she mocked a laugh. "You chose your own path, Lian." His grandmother said. Her voice was plain and determined. "Kahit na! Hindi niyo sana ginawa iyon! Sana, ako ang naginh asawa ni Xerxes at hindi ang Kriesha na 'yan!" anggil nito. Sa malakulog na boses nito, ulit naiyak ang anak nila Tres. Pumalahaw ito sa pag iyak, at ikinabahala ito ni Tres, kaya't hiningi niya sa asawa na siya muna ang kumarga He faced Lian with his daughter in his arms. "Don't raise your voice at my grandmother, Lian." he warned. Napahalakhak na naman si Lian. "After lumabas ang katotohanan... kakampihan mo pa rin siya?! How could you -" "Between me and your career, you can't still choose me. Abuela was right. You chose your own choice. No one pushed you." kalmado ngunit may babala at punto sa kaniyang boses at salita. "Wow! J-Just wow!" pumalakpak si Lian habang lumuluha. "In that case, you're like tellin
"L-Lola?" halos lumuwa ang mga mata ni Kriesha sa kinalalagyan nito nang mamukhaan kung sino ang matandang pumasok sa kaniyang kuwarto. Nilingon siya nito at nakangiting kinawayan siya. "Hi, Dear." lumabi ito sa kaniya. Sobrang nagulat si Kriesha. Hindi nga siya nagkamali at ito 'yung matanda na minsan na niyang tinulongan noon sa Hotel kung saan idinaraos ang kasal nila ni Tres. Klarong-klaro pa sa kaniyang isipan ang mukha nito, kahit na taon na halos ang nakalipas. "P-Papaano kayo napunta dito? At bakit po kayo nandito?" Maang niyang tanong habang lumalarawan sa kaniyang mukha ang matinding kuryusidad na bumalot sa kabuoan niya. Akmang aalis siya sa kaniyang kama nang, ito mismo ang nagpatigil sa kaniya. Sinabihan nito ang kasama nitong alalay na itulak ito palapit sa kaniya. "You just gave birth. Don't move and I will clarify the misunderstanding that has happened since before." mahinahon at malambing ang boses nito despite being kalmado. Animo'y ingat na ingat ito sa kaniya.
SA pag-alis ni Tres kasama si Hayes. Naiwan si Kriesha kasama ang mga kaibigan nito. Si Dion, si Iuhence, si Leon at si Adam. As usual, malaya ang mga ito na dumugin ang munting prinsesa at kaniya-kaniyang inaaliw sa paraan na alam nila. Kahit na, hindi pa nakakakita ang sanggol ay wala pa ring makakapigil sa mga ito. Kitang-kita sa mga ito ang saya na masilayan ang munting bata. Kung hindi dumating ang mag-asawang Monteiro, kasama ang mga anak nito ay hindi talaga matigil ang apat. "Hi, Tita. How are you na po?" Alexa softly asked Kriesha after kissing her on the cheek. "Hi, princess. Tita is okay." she answered and gave Alexa a pat on the head. "Tita, my sister Czaria is also here. She wants to meet your baby." Alexis stated as he went to Kriesha at nagmano. Kriesha patted Alexis's head as the young boy stared at the baby in her arms. "I'm glad you two came. I'm sure, my baby would love to meet you too." Nag angat ng tingin si Alexis sa kaniya na may nagtatanong na mga mata.
Buo na ang loob ni Kriesha. Now that she finally give birth. Kaya niya ng lumaban at makipag-sabayan sa mga taong nag tangkang mang-agaw ng pag-aari niya. She smiled at her husband. Makikita sa mukha ni Tres ang pagkalito. Sino ba naman kasi ang hindi malilito, kung kanina lang ay sinabi sa kaniya ng asawa na ayus lang na may iba siyang mahal at no'ng nakaraan ay parang pinamimigay na kay Lian dahil si Lian ng mahal niya. Pero ngayon, bigla na lang itong naging witty and mapaglaro. Biglang ayaw na nitong mamigay at hindi siya parayain. "Hindi ako namimigay, Tres. Asawa kita, at ikaw ang namilit sa'kin na pakasalan ka. Hindi kita hahayaang basta mo na lang akong e dispose matapos ng lahat ng nangyari, lalong-lalo na may anak na tayo. So, go on. Mahalin mo siya, pero hindi ka makakawala sa pagkakatali mo sa'kin." she winked for the second time and gave him another peck kiss on his lips. Mabilis lang 'yon, kaya hindi siya nakapag-react agad. Dinala ni Kriesha ang kanilang anak sa ka
Matapos ang kaganapan na nangyari no'ng araw, nag desisyong gumising na si Kriesha. Kung kailan hindi siya makikita ng asawa na gising. She rose off of her hospital bed and carefully tracked the place where the crib is situated. Hirap pa rin siya, kahit na nakakapagpahinga siya ng ilang araw mula sa pagkakapanganak. She was unconscious during the whole process, kaya't hindi pa niya nagagawang masilayan ang kaniyang unica hija. She's holding the pole where her IV drip is hanging along the way. Happiness fulfills her heart the moment she sees her baby. Sleeping safe and sound. "Anak..." finally, they met. Sa siyam na buwan na dala niya ito sa kaniyang loob, palagi siyang excited for both of them to meet. Umuklo siya palapit dito at maingat na pinakiramdaman ang malambot nitong balat at pisngi. Naiiyak siya dahil nahahawakan niya na ito. Nag-uumapaw ang kaniyang saya dahil dito, naging isa na siyang ganap na ina. Kung saan, malaya na niyang matatawag ang sarili na isang ina. Habang