KRIESHABagong araw ang dumating, balik ulit sa dating gawi. Feeling ko talaga, napakahaba ng araw kahapon. Napakatagal natapos at napakaraming nangyari. Sa isang araw lang 'yon ha? Hindi ko inaakala na si Sir Tres at ang Xerxes na kilala ko, ay iisa. Napakadami kong tanong kagabi, pero satisfied ako dahil sinagot niya iyon lahat. I mean, nasagot ng sakto. Kagaya ng dating gawi, maaga akong gumising at ngayon ay kakatapos ko lang mag prepare ng breakfast. Nakita ko si Xerxes na pababa na ng hagdan, mukhang nakaligo na at handa na sa lalakarin namin ngayong araw. "Good morning." bati niya ng makalapit na sa'kin. "Good morning din. Kain ka na." sagot ko, naupo naman siya sa upoan ng kabisera. "Thanks, join me." wika niya at hindi naman ako nagdadalawang isip na tumanggi. Umupo ako sa katapat na upoan at hindi nagtagal ay nagsimula na kaming kumain. "How have you been these years?" paunang tanong niya sa akin. "I forgot to ask you about that." ngayon ko lang napapansin, kasuwal na
KRIESHA"Paki-inhale muna ng tiyan mo, Miss Kriesha." wika sa'kin ni Miss Diane. Na siyang sinunod ko nang wala sa sarili. Natutulala ako dahil hindi ako makapaniwalang na sangkot ako sa gown fitting na 'to. Flashback: "What is your solution then, Xerxes?" tanong ni Miss Diane kay Xerxes. Tapos bigla niya na lamang akong tinuro. "Her. Siya ang magsusukat ng gown on behalf of my fiance." kalmado niyang sambit na siyang ikinalaglag ng aking panga. "Ano?! Bakit ako?" turo ko din sa sarili ko habang hindi makapaniwalang tinatanong siya. Nahihibang na nga yata siya, hindi pwedeng ako ang sumukat no'n! "Yes, you. Lian's not here, so you'll be the one to do it for her. Hence, you have the same body size as her, so bakit kinailangan pa natin siyang papupuntahin dito when you can be her replacement?" direkta niyang paliwanag na may ngisi sa mga labi. Napapatanga na lamang ako sa kaniya at hindi pa rin makapaniwalang tiningnan, "H-Hindi pwede!" tanggi ko. "Who says you can decline? We've
DIANE"Woi, Xerxes. Tapos ka na pala." after helping his friend dressed up with the preferred gown, I went out to check on Xerxes. Pero nakita kong nasa boutique lounge na pala at tapos ng magbihis ng tuxedong napili niya. "Yeah, I'm done." sagot niya at tumayo. Isinantabi ang cellphone na pinagtuonan ng pansin kanina at binigyang tuon ako at tumayo. "How about Kriesha? Is she alright?" in fact, ang pag-aalala na meron siya para kay Kriesha ay something that gives me doubt. Magkaibigan nga lang ba? O may mas higit pa roon pero hindi niya lang na realize kung ano? I'm suspecting him. Because no one from our girl friends has made him turn out like this. Either way, no one from our circle did manage to bring out the attitude which I didn't expect to hear and witness. "She's fine." I answered and stood beside him. "Are you really sure that she's only a friend to you?" it might sound ridiculous to me to speak, pero I want him to think about it for the second time around. I want to conf
KRIESHA"Do you know that I had a crush on you the moment you helped me on that night of Valentine's Day?" Hanggang ngayon sa byahe namin pabalik sa hotel ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang ibinulong niya sa'kin kanina. Kinikilabutan pa rin ako na sinabayan ng matinding kaba. Kapag naririnig iyon ng paulit-ulit sa loob ng ulo ko. Para ba kasing sirang plaka na paulit-ulit kung mag replay sa utak ko ang sinabi niyang 'yon. "Are you alright? You looked tense." usal niya sa'kin na para bang wala siyang itinanim sa utak ko na kabaliwan? Kaya nga baliw na baliw ang utak at puso ko ngayon dahil sa sinasabi niya. "Wala, ayus lang ako." sagot ko at minamaigi siyang huwag tingnan. Iniiwasan ko talagang makasalubong ang mga mata niya, dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kakayaning makiharap sa kaniya sa eye to eye contacts. "Really? You don't seem fine to me tho." wika niya habang nasa daan ang atensyon. Nagmamaneho kasi siya. I acted so quickly at binigyan siya ng masamang tin
KRIESHAMatapos kumuha ng ticket si Xerxes ay diretso kaming nagtungo sa glass tube. Ang glass tube ay ang elevator patungo sa Ika 350 floor ng tower kung saan ang viewing deck at ang glass floor na inaasam kong maapakan. Tiyaka, inuna talaga naming magpunta dito dahil pareho kaming hindi pa nakaka-kain ng hapunan. May cafe kasi daw dito na pwedeng pag kainan. At dahil hindi naman ako nauseous when it comes to elevators at heights, sa trip namin paakyat ay hindi naging mahirap sa'kin at kalmado lang ako. 'Yun nga lang ay marami kaming mga nakakasabay na mga tao, rason kung bakit kami napipinid dito sa likuran. "Excuse me, can you move?" sabi ng isang babae sa isang lalakeng passenger na nasa harapan ko. Halos madikit na nga ang dibdib ko sa lalakeng ito kaya agad kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang mga braso ko para sa pag atras pa ng lalake ay hindi matamaan ng kaniyang likuran. Inaasahan ko na gano'n ang mangyari, pero hindi ko inaasahan ng bigla na lamang akong kinabig ni Xer
XERXES"What kind of student you were when you were in college?" Right after I answered her question, I suddenly got curious about her as a college student. As far as I know, if I'll be just basing on her attitude when she was young, probably she's a happy goer student who doesn't ignore anyone who desires to approach her. And like she said the other day, she most likely acquired friends with people who approached her first, lalo na kapag gusto siyang maging kaibigan. Just like Diane, madali niya itong naging kaibigan. I guessed she really is. After all, she's not someone like me who would like to lock himself from everyone who desires to have friends with him. If the friends I had in college didn't push themselves on me, I wouldn't have gained some either. Marahil, wala talaga akong mapala and possibly most portions of my college memories are studying. "Kagaya lang din ako ng ibang estudyante na nakikita mo, perp hindi ako 'yung tipong puro barkada ang inaatupag ah? Baka isipin
KRIESHASobrang napaka-saya ko nang agaran na pumayag si Xerxes sa favor ko. Halos hindi ako hinihiwalayan ng kiliti sa katawan, hangga't hindi kami nakababa sa Skytree shopping mall. Nadaanan namin to kanina, pero dahil ang inuna namin ay ang viewing deck, ay hindi muna kami nag aksaya ng oras para libutin ito. Nga pala, kung tingnan sa labas, nakahiwalay ang building ng mall. But pag pumasok ka, there are specific elevator or clerk desk na maaari mong puntahan para makabili ka ng ticket at makapasok sa mainland tower. So 'yun na 'yon. Hehe. Isa pang mahalagang bagay na dapat niyong malaman, malaki talaga ang mall. Kung ihahalintulad ko sa laki ng mall, baka kerry 'yung Robínson's Gallerià dito. May maraming boutique stores, shoes stores, restaurants in different foreign cuisines, jewelries, make-ups, accessories, booths, arcade, cinema and many more. Simula pagkapasok namin, agad ko siyang niyaya na maglakad-lakad at libutin ang kabuoan nitong mall. Sa naaalala ko, mga nasa 6th f
KRIESHA "Saan tayo pupunta?" kasalukoyang nagmamaneho siya ngayon at nasa daan ang atensyon nang tinanong ko siya. "Where going to Nakamise-dori Street," simple niyang sagot at sinulyapan ako ng may kasamang ngiti. "Anong klaseng spot ba 'yan?" wala akong ideya kung anong spot iyon, siguro street lang na may magandang street lights? "A night market full of many food shops, traditional Japanese clothes, many sweet desserts with delicious seasonal fruit, anime clothes that you like, toys and as well as souvenirs from this country. It is located in Asakusa, Taito City, Tokyo. Thirty minutes drive lang ang layo no'n. We'll surely get there before the market closes at eleven p.m." mahaba niyang salaysay at hindi ito nabigong agawin ang atensyon ko para doon. Na excite tuloy ako. "Parang Cebu Colon night market!" natutuwa kong sabi at napabaling sa bintana ng kotse saka binuksan ito para damhin ang hangin na mula sa gabi. "Ang saya, hindi ako makapaghintay na makapunta tayo doon. Para
Hindi naging madali, pero ang mga araw ay tila nagmamadali sa bilis ng signo ng oras. "Bukas na ang birthday ng anak natin." "Yes. Time flies real fast. Parang nagmamadali yatang lumaki ang munting prinsesa natin." Hinagkan ni Tres ang anak, at bumungisngis naman ito ng tawa. Animo'y nakikiliti sa ginagawa ng ama sa kaniyang leeg. "Pero si Mama... wala na ba talagang pag-asa?" She meant for her mother's forgiveness. Napatigil sa pakikipaglaro sa kaniyang anak si Tres at napabaling ng tingin sa asawa. "Mosh, I know this matter still bother's you. But we don't have any other option but to wait. It may take long, pero time will come." Alo ni Tres sa kaniya. Napapabuntong hininga at pilit na ngiti si Kriesha. Araw-araw niya talagang pinagdarasal na sana patawarin na siya ng kaniyang ina. Na realize niyang, hindi masaya ang buhay kung ang nanay niya ay may galit pa rin sa kaniya. Hindi niya naman ito masisisi, at hoping pa rin siya... na kagaya ng sabi ng kaniyang asawa ay may araw d
Dalawang araw na ang lumipas nang sila'y makarating sa bahay nila Kriesha dito sa Cebu. Ang bahay nila ay nakatayo sa isang compound, kung saan sagana sa mga kahoy at minahan. "Pagkatapos mo'ng punoin ang limang dram na iyan ay pumunta ka sa likod at sibakin ang mga kahoy doon." Kasalukoyang nag-iigib ng tubig si Tres mula sa poso. Tagaktak ang pawis at halos nabasa na ang kabuoan ng white t-shirt na suot. "Masusunod po, tay." Mula no'ng tinanggap niya ang hamon ng kaniyang manugang. Binigyang pahintulot na rin siyang tawagin ang ama ni Kriesha as tatay, na siyang ikinasaya niya naman.Dalawang araw pa lang ang nakalilipas, pero naaawa na si Kriesha sa asawa. Hindi nga lang niya tinatanong, dahil baka mahalata siya ni Tres at maging stress siya nito. Saka, mukhang maayos naman ang lagay nito. Makisig naman ang asawa niya at mukhang madali nga lang dito ang mga pagsubok na ginawad ng kaniyang ama dito. "Heto, uminom ka muna mahal ko." Wika niya rito nang makalapit at nasa likuran
"Ready na ba ang lahat? Sure ba kayong wala ng naiwan?" Mia asked everyone before going inside the limousine na sasakyan nila papuntang airport. "Wala na, Mia." "Wala na." Sagot ng marami. Kasama kasi nila ang buong barkada na umuwi ng Pinas. Kabilang na roon sila Kriesha at Tres. "Are you ready?" Tres asked his wife after feeling the heavy sigh coming from her. Kriesha smiled at him and nod. "Matagal ko ng inaasam na makauwi. Miss ko na rin ang Pinas." True to her words, she missed the scent and air of the Philippines. Saka hindi niya rin maiwasang hindi kabahan, dahil ilang oras at araw lang ang lilipas ay makakaharap na nila ang kaniyang mga magulang. "You're anxious." Wika ni Tres. Malamang ay halatang-halata niya ang kinabahala ng asawa. "Hindi ko maiwasan. Lilipas din 'to." She stated, providing him relief from worries. "Palagi mo'ng pakatandaan na nandito ako and you won't face them by yourself. I'm with you." She poured out a smile and nod as he hugged him by the side.
After the huge revelations happened back in the hospital where I was admitted and recuperating, everything has finally came back to normal. Nakaalala na ang asawa ko and I'm no longer worried of his disloyalty. Naging madali na rin sa'kin ang lahat dahil nandito siya. He helped me and supported me at anything I need and something that I'm obligated to do in order for my fast recovery during my cesarean delivery. "Excuse me, sir and ma'am. I'm here to collect the name of your child, have you decided?" Naaalala ko no'ng sumunod na araw na dumating ang nurse para ikolekta ang pangalan ng aminh anak. Actually, nakalimutan ko at abala ang utak ko sa mga nangyari. I can't still believe that it happened and I was at the verge of processing and adapting it all. "Mosh, I know you're not okay. But our daughter's name is already needed." He held my hand and gaze me closely. "Hinintay talaga kita na magising because I want us to name her, together." Napakalumanay ng kaniyang boses, animo'y sob
"S-So, I'm fooled? Is that it?" Lian spoke, her voice shivering. She's pale. "This is unbelievable..." she mocked a laugh. "You chose your own path, Lian." His grandmother said. Her voice was plain and determined. "Kahit na! Hindi niyo sana ginawa iyon! Sana, ako ang naginh asawa ni Xerxes at hindi ang Kriesha na 'yan!" anggil nito. Sa malakulog na boses nito, ulit naiyak ang anak nila Tres. Pumalahaw ito sa pag iyak, at ikinabahala ito ni Tres, kaya't hiningi niya sa asawa na siya muna ang kumarga He faced Lian with his daughter in his arms. "Don't raise your voice at my grandmother, Lian." he warned. Napahalakhak na naman si Lian. "After lumabas ang katotohanan... kakampihan mo pa rin siya?! How could you -" "Between me and your career, you can't still choose me. Abuela was right. You chose your own choice. No one pushed you." kalmado ngunit may babala at punto sa kaniyang boses at salita. "Wow! J-Just wow!" pumalakpak si Lian habang lumuluha. "In that case, you're like tellin
"L-Lola?" halos lumuwa ang mga mata ni Kriesha sa kinalalagyan nito nang mamukhaan kung sino ang matandang pumasok sa kaniyang kuwarto. Nilingon siya nito at nakangiting kinawayan siya. "Hi, Dear." lumabi ito sa kaniya. Sobrang nagulat si Kriesha. Hindi nga siya nagkamali at ito 'yung matanda na minsan na niyang tinulongan noon sa Hotel kung saan idinaraos ang kasal nila ni Tres. Klarong-klaro pa sa kaniyang isipan ang mukha nito, kahit na taon na halos ang nakalipas. "P-Papaano kayo napunta dito? At bakit po kayo nandito?" Maang niyang tanong habang lumalarawan sa kaniyang mukha ang matinding kuryusidad na bumalot sa kabuoan niya. Akmang aalis siya sa kaniyang kama nang, ito mismo ang nagpatigil sa kaniya. Sinabihan nito ang kasama nitong alalay na itulak ito palapit sa kaniya. "You just gave birth. Don't move and I will clarify the misunderstanding that has happened since before." mahinahon at malambing ang boses nito despite being kalmado. Animo'y ingat na ingat ito sa kaniya.
SA pag-alis ni Tres kasama si Hayes. Naiwan si Kriesha kasama ang mga kaibigan nito. Si Dion, si Iuhence, si Leon at si Adam. As usual, malaya ang mga ito na dumugin ang munting prinsesa at kaniya-kaniyang inaaliw sa paraan na alam nila. Kahit na, hindi pa nakakakita ang sanggol ay wala pa ring makakapigil sa mga ito. Kitang-kita sa mga ito ang saya na masilayan ang munting bata. Kung hindi dumating ang mag-asawang Monteiro, kasama ang mga anak nito ay hindi talaga matigil ang apat. "Hi, Tita. How are you na po?" Alexa softly asked Kriesha after kissing her on the cheek. "Hi, princess. Tita is okay." she answered and gave Alexa a pat on the head. "Tita, my sister Czaria is also here. She wants to meet your baby." Alexis stated as he went to Kriesha at nagmano. Kriesha patted Alexis's head as the young boy stared at the baby in her arms. "I'm glad you two came. I'm sure, my baby would love to meet you too." Nag angat ng tingin si Alexis sa kaniya na may nagtatanong na mga mata.
Buo na ang loob ni Kriesha. Now that she finally give birth. Kaya niya ng lumaban at makipag-sabayan sa mga taong nag tangkang mang-agaw ng pag-aari niya. She smiled at her husband. Makikita sa mukha ni Tres ang pagkalito. Sino ba naman kasi ang hindi malilito, kung kanina lang ay sinabi sa kaniya ng asawa na ayus lang na may iba siyang mahal at no'ng nakaraan ay parang pinamimigay na kay Lian dahil si Lian ng mahal niya. Pero ngayon, bigla na lang itong naging witty and mapaglaro. Biglang ayaw na nitong mamigay at hindi siya parayain. "Hindi ako namimigay, Tres. Asawa kita, at ikaw ang namilit sa'kin na pakasalan ka. Hindi kita hahayaang basta mo na lang akong e dispose matapos ng lahat ng nangyari, lalong-lalo na may anak na tayo. So, go on. Mahalin mo siya, pero hindi ka makakawala sa pagkakatali mo sa'kin." she winked for the second time and gave him another peck kiss on his lips. Mabilis lang 'yon, kaya hindi siya nakapag-react agad. Dinala ni Kriesha ang kanilang anak sa ka
Matapos ang kaganapan na nangyari no'ng araw, nag desisyong gumising na si Kriesha. Kung kailan hindi siya makikita ng asawa na gising. She rose off of her hospital bed and carefully tracked the place where the crib is situated. Hirap pa rin siya, kahit na nakakapagpahinga siya ng ilang araw mula sa pagkakapanganak. She was unconscious during the whole process, kaya't hindi pa niya nagagawang masilayan ang kaniyang unica hija. She's holding the pole where her IV drip is hanging along the way. Happiness fulfills her heart the moment she sees her baby. Sleeping safe and sound. "Anak..." finally, they met. Sa siyam na buwan na dala niya ito sa kaniyang loob, palagi siyang excited for both of them to meet. Umuklo siya palapit dito at maingat na pinakiramdaman ang malambot nitong balat at pisngi. Naiiyak siya dahil nahahawakan niya na ito. Nag-uumapaw ang kaniyang saya dahil dito, naging isa na siyang ganap na ina. Kung saan, malaya na niyang matatawag ang sarili na isang ina. Habang