THIRD POVJMNatigilan ako sa aking narinig. "Why you're asking me about Samantha, Mom? She's not with me.""E kung ganun nasaan si Samantha? Nandito ngayon ang mga magulang niya. Nag-aalala. Hinahanap si Sam. Kagabi pa daw hindi umuuwi. Akala nila dito namin pinatulog matapos utusan nitong si Philip kahapon na ibigay sayo yung inihaw na manok. Kaya tinawagan kita dahil ikaw ang huling kasama no'n.""What? Hindi umuwi ng bahay nila si Samantha kagabi?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Imposible. Sinabihan ko 'yong umuwi na pagkatapos ilagay sa loob ng kotse ko ang dala nito."Hindi nga. Tatawagan ba kita kung umuwi? Hindi mo ba kasama? Kung ganun nawawala si Samantha!"Nawawala? Sh*t. "She's not with me Mom. Tsaka bakit ko naman po 'yon isasama paluwas ng Manila? Sinabihan ko 'yon kahapon na ilagay yung...." napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang isang kamay ang lumabas mula sa likuran ng aking upuan. Matagal akong napatitig doon.I chuckled. "Wait a moment... Will call you later M
"Look Sam, pagod ako. May meeting pa ako mamaya. I have no time with this drama. Will you just go back home? I already called Mom and...""You told them!?" galit na tanong ko sa kanya. Malakas na piniksi ko ang aking brasong mahigpit na hawak n'ya. Kaagad n'ya naman akong nabitawan.Napahilamos pa s'ya sa kanyang mukha. "What can I do? They are worried sick about you and....""No! I'm not going home and I don't want to hear your damn excuses!" pagalit kong sigaw sa kanya.Napatulala s'ya sa akin.Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad na akong tumalikod. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Napipika ako sa mga paliwanag n'ya. Lalo na ng sabihin n'yang tinawagan n'ya ang mga magulang n'ya at sinabing magkasama kami. Hindi n'ya man lang ako pinagtakpan. Talagang gusto n'ya din akong makasal sa antipatiko n'yang kapatid. Pare-pareho talaga sila. Bahala s'ya sa buhay n'ya mamroblema. Hindi n'ya ako mapipilit bumalik doon. Magkamatayan muna kaming dalawa. Natigilan ako sa aking nai
Samantha"Goodness! Samantha ka! Bakit ngayon ka lang sumagot!? Nasaan ka ba? Kumusta ka? Ok ka lang ba? Bakit ba kasi naisipan mo pang maglayas!? Talagang babae ka!"Kaagad kong nailayo sa aking tainga ang cellphone nang marinig ko ang malakas na boses n'ya sa kabilang linya. Napailing ako. Kahit kailan talaga hindi nagbabago."Ang boses mo Ate. Nabibingi ako." nakatawa kong sabi sa kanya."Hindi lang bingi ang aabutin mo sa akin kung kaharap kita ngayon. Naku ka... Nag-aalala sayo ang mga magulang mo. Pati kami pinag-alala mo!"Natahimik ako sa sinabi n'ya. Nag-alala ba talaga sila? Napapikit ako. Bahagya akong napahilot sa aking sentido. Ayaw ko naman talaga sana maglayas. Ang puso ko nagsasabing nag-aalala nga sila ng subra sa akin. Pero ang utak ko ayaw maniwala. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko nag-iisa ako. Wala akong kakampi. Bigla sa isang iglap nawalan ako ng tiwala sa kanila. Pakiramdam ko isang maling galaw ko lang check mate na ako.I heaved out a deep sighs.Wala na akong i
Niluwagan ko ang bukas ng pinto. Pumasok ako. Kaagad nila akong pinasadahan mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako. Pinagpawisan akong malapot. Bakit gan'on sila makatingin?"H-hi... N-nandiyan po ba si Madam Baby?" nahihiyang tanong ko.Tiningnan n'ya muli ako mula ulo hanggang paa matapos ko magsalita.Bigla kong nakagat ang aking labi para pigilan ang sariling samaan ito ng tingin."Madam Baby! May girlalu ditong naghahanap sayo!" sigaw nito sa hinahanap kong tao matapos maeksamin ang itsura ko."Sino daw?" balik tanong na sigaw ng babae."'Di ko knows! Bagong mukha. Maganda! Fresh na fresh Madam!" nakangiting sigaw muli nito sabay tayo at nilapitan ako."Papasukin mo! Dalhin mo dito!""Halika beauty." sabi nito sabay hatak sa kamay ko.Nagpatianod naman ako. Sumunod sa kanya papasok."Mag-aaply ka bang waitress dito baby girl?" tanong n'ya sa'kin."Opo sana.""Ano ba...yan bhe! 'Wag mo akong pinu-po at opo ha. Parang lola naman aketch." maarteng reklamo pa nito sa akin.Pilit na ngitin
SamanthaKinagabihan wala na akong nagawa pa kundi ang magsuot ng damit na iyon kahit labag sa kalooban ko.Nakakainis.Iyon daw ang pinaka-uniporme namin ngayong gabi. Kulay pula na halos lumuwa na ang dibdib ko. Litaw pa ang likod. Pati ang kalahati ng aking mga hita nakalitaw. Anong klaseng uniform ba 'to? Kita na ang kaluluwa. Naghubad na lang sana. Nahiya pa sila. Kunting maling kilos ko lang makikita na ang underwear ko na suot. Buti na lang may mga bagong damit at underwear na binili si Lyca. Binigyan n'ya ako. Kung hindi baka nangamoy tuyo ako ngayon.Pambihirang buhay 'to oo.Naaasiwa ako sa suot ko pero wala na akong magawa pa."Hoy! Bakit hindi ka pa nag-aayos ng mukha mo!? Hindi ka pwedeng lumabas na ganyan ang itsura mo. Kailangan naka-make up ka!" bulyaw sa akin ni Madam Baby ng akyatin kami nito sa dressing room.I frozed. Kinabahan ako sa lakas at galit na boses n'ya. Hindi ko napansin ang pagdating n'ya. Bigla na lang sumulpot at pabalyang binuksan ang pinto. Pinapabil
"Tara na Sam. Sa'kin ka lang dumikit pagdating natin dun sa baba." pangungumbinsi pa n'ya sa akin. Kanina pa s'ya kinakabahan. Nag-aalala na baka umakyat bigla si Madam Baby at masabon kaming dalawa.Pero natatakot ako. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. "E mauna ka na lang kaya. Susunod na lang ako."Aburidong tinitigan n'ya ako. "Naku hindi pwede. Malilintikan ka no'n ni Madam Baby. Hindi mo kakayanin ang bunganga no'n. Mabuti pa ako at sanay na sa pagbubunganga niya. E ikaw ba?"Napapadyak na lang ako sa sinabi n'ya. Kanina pa parang tinatadyakan ang dibdib ko. Simula ng marinig ko ang malakas na tugtog mula sa ibaba para nang sinisilaban ang pang-upo ko. Hindi ako mapakali kanina pa.Gusto kong sisihin ang mga magulang ko sa sinapit kong kapalaran. Kung hindi sana sa walang kwentang kasunduan ng mga ito malayong malagay ako sa alanganing sitwasyon na katulad nito. Pero sinisisi ko rin ang sarili ko sa pagtanggi sa alok na tulong ni Ate Lea. Kasalanan ko ang lahat. Hinayaan kong l
SamanthaNakahinga ako ng maluwag ng harangin ng isang babaeng kasamahan ko ang lalaking naglakad palapit sa akin. Kaagad nitong niyapos sa leeg ang lalaki."Hello, handsome...baby!" narinig kong maarte pang sabi no'ng babae.Para itong tukong nakalambitin. Wise! Umalingawngaw muli sa aking utak ang salitang 'yon. Napailing ako. Sinusundan pa rin ako ng malagkit na tingin no'ng lalaki. Hindi ko s'ya pinansin. Umiwas ako ng tingin. Umabresiyete na ako sa braso ni Lyca. At naglakad na kami papasok. Nagtungo sa isang hindi kataasan na parang stage na napapalibutan ng salamin na dingding. Buhat dito natatanaw kami ng mga customers. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko lahat sila nakatingin sa akin. Pinagpi-fiestahan ang katawan ko.Marami na sa mga kasamahan namin ang nakatable bago pa kami umakyat. Ilang sigundo pa lamang ang inilagi namin sa itaas ng stage ng tawagin na ng customer si Lyca. Lalo tuloy akong inatake ng kaba ng hawakan n'ya ako sa aking braso na parang nagpapaalam.Maluha-luh
Napatingin ako agad sa waitress sa sinabi nito."Ay! wak mo ko bola-bola. Takal na kelala keta.""Ito naman. Kaibigan ako nitong si Ganda." sabi nito habang nginunguso pa ako."Sabe totoo ka ba?""Abay syempre naman." kinindatan n'ya ako. Alam kong senyas iyon. 'Di kao umimik. "Kailan ba ako nagsinungaling sayo? Kapitbahay namin yan, diba ganda?" sabi n'ya habang nakatingin sa akin.Tumango na lang ako ng tumingin din sa akin ang matanda."Sege ako mamaya begay malake tep sayo.""Ayy! Thank you so much Mr. Cheng! muaaah!" maarte pang sabi nito. Sabay dampi ng palad sa pisngi ng matandang Intsik sa kunwaring halik nito.Tinitigan ko s'ya. Nakangiwing tumigin naman ito sa akin at pakindat-kindat pa. Napailing ako. Binubola lang nito ang matanda. Ganun ba 'yong sinasabi nilang maging wise para makarami? Mang-uto? Pambihira."Sege order ka marameng drenks para komesyon mo malake." baling nito sa akin.Lumipat kaagad ang tingin ko sa matanda sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita. 'Di naman
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto