"Tara na Sam. Sa'kin ka lang dumikit pagdating natin dun sa baba." pangungumbinsi pa n'ya sa akin. Kanina pa s'ya kinakabahan. Nag-aalala na baka umakyat bigla si Madam Baby at masabon kaming dalawa.Pero natatakot ako. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. "E mauna ka na lang kaya. Susunod na lang ako."Aburidong tinitigan n'ya ako. "Naku hindi pwede. Malilintikan ka no'n ni Madam Baby. Hindi mo kakayanin ang bunganga no'n. Mabuti pa ako at sanay na sa pagbubunganga niya. E ikaw ba?"Napapadyak na lang ako sa sinabi n'ya. Kanina pa parang tinatadyakan ang dibdib ko. Simula ng marinig ko ang malakas na tugtog mula sa ibaba para nang sinisilaban ang pang-upo ko. Hindi ako mapakali kanina pa.Gusto kong sisihin ang mga magulang ko sa sinapit kong kapalaran. Kung hindi sana sa walang kwentang kasunduan ng mga ito malayong malagay ako sa alanganing sitwasyon na katulad nito. Pero sinisisi ko rin ang sarili ko sa pagtanggi sa alok na tulong ni Ate Lea. Kasalanan ko ang lahat. Hinayaan kong l
SamanthaNakahinga ako ng maluwag ng harangin ng isang babaeng kasamahan ko ang lalaking naglakad palapit sa akin. Kaagad nitong niyapos sa leeg ang lalaki."Hello, handsome...baby!" narinig kong maarte pang sabi no'ng babae.Para itong tukong nakalambitin. Wise! Umalingawngaw muli sa aking utak ang salitang 'yon. Napailing ako. Sinusundan pa rin ako ng malagkit na tingin no'ng lalaki. Hindi ko s'ya pinansin. Umiwas ako ng tingin. Umabresiyete na ako sa braso ni Lyca. At naglakad na kami papasok. Nagtungo sa isang hindi kataasan na parang stage na napapalibutan ng salamin na dingding. Buhat dito natatanaw kami ng mga customers. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko lahat sila nakatingin sa akin. Pinagpi-fiestahan ang katawan ko.Marami na sa mga kasamahan namin ang nakatable bago pa kami umakyat. Ilang sigundo pa lamang ang inilagi namin sa itaas ng stage ng tawagin na ng customer si Lyca. Lalo tuloy akong inatake ng kaba ng hawakan n'ya ako sa aking braso na parang nagpapaalam.Maluha-luh
Napatingin ako agad sa waitress sa sinabi nito."Ay! wak mo ko bola-bola. Takal na kelala keta.""Ito naman. Kaibigan ako nitong si Ganda." sabi nito habang nginunguso pa ako."Sabe totoo ka ba?""Abay syempre naman." kinindatan n'ya ako. Alam kong senyas iyon. 'Di kao umimik. "Kailan ba ako nagsinungaling sayo? Kapitbahay namin yan, diba ganda?" sabi n'ya habang nakatingin sa akin.Tumango na lang ako ng tumingin din sa akin ang matanda."Sege ako mamaya begay malake tep sayo.""Ayy! Thank you so much Mr. Cheng! muaaah!" maarte pang sabi nito. Sabay dampi ng palad sa pisngi ng matandang Intsik sa kunwaring halik nito.Tinitigan ko s'ya. Nakangiwing tumigin naman ito sa akin at pakindat-kindat pa. Napailing ako. Binubola lang nito ang matanda. Ganun ba 'yong sinasabi nilang maging wise para makarami? Mang-uto? Pambihira."Sege order ka marameng drenks para komesyon mo malake." baling nito sa akin.Lumipat kaagad ang tingin ko sa matanda sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita. 'Di naman
Samantha"TheF*ck! Why you're staring us!?""TheF*ck! Who the hell are you!?"Magkapanabay pang galit na sigaw nila sa akin. Kaagad akong natauhan at mabilis na kumaripas ng takbo. Nataranta ako sa takot na biglang rumagasa sa dibdib ko. Hindi ako magkandaugaga sa pagbukas ng seradura ng pinto. Nang mabuksan ko, malakas ko pa itong pabagsak na naisara. Narinig ko pang nagtalo ang dalawa pagkalabas ko. Mag-aaway pa ata ang mga 'yon dahil sa katangahan ko. Ano ba kasing pumasok sa utak ko't pinanood ko pa sila? Imbes na lumabas na lang at e-lock ang pinto tumunganga pa ako sa harapan nila. Panibagong problema na naman!Napasabunot ako sa aking buhok at kaagad na lumiko sa sumunod na pasilyo. Makailang ulit pa akong natapilok sa pagmamadali ko. Tiningnan ko ang suot kong high heels. Kanina pa 'to hindi man lang nakikisama. Nagdadalawang-isip ako kung huhubarin ko ba o hindi. Natigilan ako. Agad kong nasapo ang aking noo. "Hindi talaga ako nag-iisip. Mag-iiwan pa talaga akong ebidensya!"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Uminit ang aking buong mukha sa pagkapahiya."Ahm...." mahinang nasambit ko.Hindi ako makasagot. Sunod-sunod akong napalunok. Masyado akong apektado sa magandang ngiti n'ya sa akin ng mahuli n'ya akong harap-harapan na pinaglalawayan ang magandang katawan n'yang nakabalandra sa harapan ko.He cleared his throat. "So who are you? What are you doing here inside my room?"Kung sa ibang pagkakataon baka kiligin pa ako sa suwabe ng boses n'ya. Parang DJ sa Radio. Ang sarap sa tainga ang boses. Buong-buo. Lalaking-laki. Para akong kinikiliti."What? Speechless, baby?" nakangisi pang sabi n'ya at marahan na humakbang palapit sa akin ng hindi pa rin ako makatugon sa tanong n'ya.Kinabahan ako bigla at kaagad na napatingin sa kanya. "I-I'm looking... l-looking for my... friends!" kandautal-utal ko pang sabi sa kanya.Tumigil naman s'ya sa paghakbang palapit sa akin. Nakakunot noo'ng tinitigan n'ya ako. "Looking for your friends? Here? Inside my room?"
SamanthaHindi ako makahuma sa biglang paghapit n'ya sa aking baywang. Nangudngud pa ang mukha ko sa dibdib n'ya. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya. Nanginig ang katawan ko sa biglang init na sumalakay sa akin ng mapadikit ako sa hubad n'yang katawan. Natigilan ako. Strange. Bakit parang... familiar..? Iwinaksi ko ang aking naisip. Baka napaparanoid lang ata ako.Napahawak ako kaagad ng mahigpit sa kanyang braso. Parang bakal sa tigas.Nag-dyi-dyim ba s'ya?Napatitig ako sa dibdib n'ya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hawakan ito. Napakislot pa ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang balat. Nilalagnat ba s'ya? Naramdaman kong hinapit n'ya pa ako lalo. Nanlaki ang mata ko ng may maramdaman akong parang tumutusok sa aking puson. Napalunok ako ng mapagtanto ko kung ano 'yon. Galit na nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngunit kaagad din akong natigilan ng makita ko ang nakangiti n'ya pang mga matang sumalubong sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha. Matagal. Animo'y kinakabisad
Hinilot ko ang aking sentido. Kung ano-ano pang negative thoughts ang nagsipagsulputan na pumasok sa isip ko. Tiningnan ko ang suot kong high heels. Padabog ko itong tinanggal sa aking paa. Napaigik pa ako ng muli kong maramdaman ang subrang sakit ng aking mga paa at buong katawan. Bakit kanina wala man lang akong sakit na maramdaman? Puro init. Kilig. Nagliliparang paru-paru at kulisap sa loob ng aking tiyan. Kinikiliti ang bawat sistema ko sa mainit na haplos at halik sa akin ng damuhong na 'yon.Aw! D***g ko pa habang dahan-dahan na naglakad palapit sa bathtub. Naupo ako sa gilid no'n. Naiinis ako sa sarili ko sa padalos-dalos kong pasya. Dapat makailang ulit ko muna pinag-isipan ang ginawa kong pagtakas. Kulang 'yong planong ginawa ko. Hindi sulido. Tuloy mas malala pa sa delubyo ang nangyayari ngayon sa akin. Lahat ng napuntahan ko puro kapahamakan ang hatid sa akin. Puro na lang ako takas. Bakit ba hindi ko sila kayang harapin? Pero kakayanin ko nga ba talaga sila kung haharapin
SamathaNapaayos ako ng upo ng marinig ko ang marahan n'yang pagkatok at pagtawag sa akin. Kaagad kong pinalis ang mga tumulong luha sa aking mga mata. Tumayo ako at sinipat ang sarili sa kwadradong malaking salamin na nakadikit sa pader sa loob ng banyo."Miss!" malakas n'ya ng sigaw sa akin. Hindi ko s'ya pinansin."Kapag hindi mo to binuksan, ituturo talaga kita sa kanila..!" banta n'ya pa sa akin.Hindi ako umimik. Makailang ulit akong bumuntong-hininga. Kinakalma ang aking sarili." Isa.. buksan mo na 'tong pinto!"Naitulos ako sa aking kinatatayuan ng marining kong binibilangan n'ya na ako."Ayaw mo talagang buksan ah... Sige at tatawagan ko sa ibaba. Sa..."Hindi ko na pinatapos pa s'yang magsalita at pabalyang binuksan ang pinto. Tatlong hakbang lang ang ginawa ko para buksan ito pero hingal na hingal ako. Linukuban akong kakaibang takot sa banta n'ya.Pailalim n'ya akong tinitigan. "Ilang ulit ba dapat ako kumatok para pagbuksan mo?" masungit n'yang bungad sa akin."Na-nandiya