Nagpatuloy ang araw, linggo at mga buwan na tila normal at masaya ang nangyayari sa amin ni Theo. Habang umuusad ang mga araw ay papalapit na rin ang kasal namin ni Theo. Pero hindi katulad dati na ayoko sapagkat ngayon ay tila mas excited pa ako sa aming dalawa ni Theo. “Babe, ano kayang motiff ang gagawin natin sa kasal?” curious na tanong ko sa boyfriend ko habang nakaupo sa sofa ng kanyang condo at busy habang nagsusuot ng aking doll shoes. “Maybe sage green? you have been loving that color babe. Your pinteres was full of green…. sage green exactly,” natatawang wika ng aking boyfriend habang naglalagay ng food sa aming lunch box. “You saw that?!” gulat na wika ko sa lalaki dahil totoong gandang-ganda ako sa shade na sage green. And I am cosidering to use it as the main color in our wedding. Tumango tango lang ang aking kasintahan bago lumapit sa akin upang ibigay ang lunch box ko kaya nilagay ko ito sa aking tote bag na Michael Kors. Mabilis na rin kong nagpaalam kay Theo
DAHIL SA SINABI NG AKING INA ay mabilis akong bumaba mula sa Marketing Department at nagtungo sa parking lot papunta sa aking sasakyan. Mabilis ko itong pinaharurot papunta sa hospital na sinabi ni Mom, at pilit na pinapakalma ang aking sarili dahil sa takot. “Where are you babe? Sabi ni Max nagkukumahog ka daw umalis sa Department kanina,” nag-aalalang wika ng aking boyfriend.“I-i n-need to see Dad Theo, n-nasa hospital siya ngayon,” nanginginig na saad ko sa lalaki habang pilit na pinipigilan ang mga luha kong tila aalpas na sa aking mga mata. “Be careful babe, papunta na rin ako. Drive carefully Celeste, I know you are very nervous and scared right now and you want to go there immediately. But your mom might not be able to handle kung pati ikaw ay maoospital,” mahabang litanya ni Theo Dahil sa sinabi ni Theo ay huminga ako ng malalim at inisip ang Mom kung sakaling maaksidente rin ako. Alam kong hindi niya kakayanin kung sakaling pati ako ay makita nitong nakaratay sa hospital b
“Ma, pagod na po ako, pagod na pagod na po,” saad ko sa aking ina habang nakayakap ito sa akin. “Pasensya na anak kung walang magawa ang Mom mo, kinakausap ko naman ang Dad mo pero,” hindi na natuloy ni Mom ang sasabihin ng tumulo ang luha nito. Sanay akong masaya ang Mom at Dad, kahit kailan ay hindi naadik si Dad sa mga casino, bar o kahit babae. Ngayong gusto niya akong ipakasal sa anak ng business partner niya ay tsaka naman siya nalulong sa casino. “Hindi ito nakikinig sa ‘kin, ang tanging pinaniniwalaan nito ay maiaahon tayo ulit kapag nanalo siya sa casino. Pero patuloy lang natatalo ang ama mo hanggang pati ang kumpanya ay napabayaan at tuluyang na-bankrupt,” malungkot na kwento ng aking ina. “Hindi po ba makakatulong ang mga Alejandro Mom? Susubukan ko pong humingi ng tulong kay Theo,” pangungumbinse ko sa aking ina na marahan lang na umiling sa akin.“Anak, m-matagal ng inurong ng Tito mo ang kasal ninyo ni Theo,” wika ng aking ina na ikinatulala ko lamang bago nagsimula
Ngayong araw ay ang huling araw ko bilang intern sa kumpanya ni Theo, parang nung unang araw lang ay inis na inis ako sa head manager ng marketing. Pero ngayong paalis na ako ay tila mamimiss ko ang mga sermon niya, pero lahat naman ng yun ay para sa ikabubuti ko maging ng company. “U-uhm, thank you Ma’am Farinas and pasensya na po sa pagiging pasaway ko here,” saad ko habang nagkakamot ng ulo habang kaharap ang aking head manager. “Oh, my favorite enemy. Joke! You are very remarkable Amy, hindi lang dahil tsumamba ka nung first day. But dahil sobrang laki rin ng ginahawang binigay mo sa trouble maker na iyon,” saad ni Ma’am Farinas sabay nguso kay Maximo na busy kumain. “Hindi naman po, I learned a lot din po kay Max Ma’am. I also find a friend here thanks to him po,” wika ko habang natatawa sa itsura ni Max na nakikipaghalubilo sa mga ka-work mates namin. “I would likely recruit you if you ever want to pursue working here, but I don’t think you fit here Amy. I think you would fi
“Binibigyan kita ng isang linggo upang hiwalayan ang anak ko,” walang awang sambit sa akin ng ama ni Theo. Kahit sobrang sakit at kalungkutan ang nararamdaman ay pinilit kong ipaglaban si Theo. Kahit ngayon lang, gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Theo. “Hindi ko ho hihiwalayan ang anak niyo Tito,” matigas na wika ko sa kay Tito pero narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Kahit nakatalikod ay nakaramdam ako ng takot para sa aking sarili. Pareho sila ni Theo na nakakatakot tuwing ganito ang inaasta. “Hm? Talaga? Kahit makita mong maghirap ang mga magulang mo hija?” seryosong tanong ni Tito habang unti unting lumingon sa aking gawi. “Y-you can’t do that, m-my Dad is your friend…..right?” nauutal na wika ko sa lalaki pero ipinakita lang nito sa kin ang nakakatakot na ngisi nito. “Masyado ka pa ngang bata hija, sa mundo ng negosyo walang puwang ang mga negosyante hindi marunong sa kalakaran nito,” malalim na sambit ng ama ni Theo na inilingan ko lamang. “W-what are tryi
Suot ang isang red tube dress na umabot hanggang sa gitna ng aking hita at suot ang red stilletos ay mas lalong tumingkad ang malakulay porselana kong kutis. Mas lalo ring nagniningning ang aking dress dahil puno ito ng maliliit na dyamanteng nakapalibot dito. Nakita ko naman si Theo na kumikinang ang kagwapuhan suot ang maroon tuxedo nito na pinasadya niya pa ata. Sapagkat hindi naman mahilig sa ibang kulay si Theo bukod sa kulay black, grey and white. Medyo napatulala pa ako dahil sa angking kagwapuhan nito at bagay na bagay ang naka-sleek na buhok nito. Wag na kaya tayong lumabas? Chariz. “Stunning-” hindi pa man natatapos ang sinasabi nito ay pinutol ko na kaya napasimangot ito. “So ngayon lang ako stunning?” nakapamewang na tanong ko sa boyfriend. “I’m not done pa kase babe, I was saying stunning as always okay?” wika ni babe kaya wala na akong nagawa at ngumiti na lamang dahil nakuha niya na naman yung kiliti ko. Sumakay na rin kami ng kotse pagkatapos ng mumunting kulitan,
“Mukhang nagpapakasasa ka pa sa mga luhong kayang ibigay ng anak ko, may 4 na araw ka pa hija. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ka nakipaghiwalay kay Theo,” nakakatakot na sambit ni Tito Timothy sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag.Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Tito Timothy at napalingon na lamang sa paligid at baka may iba palang tao ang nakamasid sa amin. “Tama ho kayo Tito, nagpapakasasa man ako sa paningin niyo then I am sorry po. If I did know lang sana na gagawa siya ng ganitong surprise ay pinigilan ko na po sana,” wika ko sa kabilang linya kung saan narinig ko lang ang pagtunog ng ngipin ni Tito. “Just remember to enjoy that for… 4 days hija right? You won’t like it when I’m angry Ms. Serrano,” ramdam ko ang lamig sa boses nito. I have 4 days and it felt like hinahabol ako ng oras, everytime I wannted to be beside him. I always want to see Theo, hug him and make him feel how much I love him. “How can you be so selfish po Tito? You exactly know how it
“Hey, Amy stop drinking okay? Nasaan ba si Cade at pinapabayaan kang uminom ha. Stop giving her drinks guys,” narinig kong wika ni Nathalie habang pilit kong inaabot ang shot na kahit hindi para sa akin ay nais kong kunin. Pagkatapos ng gabing nag-propose si Theo ay nagsimula na ring mag-iba ang trato nito sa akin. Kahit ako masasaktan kapag sinabi sa akin ni Theo na hindi niya ako nakikita bilang asawa niya. Lumipas na ang isang linggo ay wala pa ring paramdam si Theo kaya mas pinili kong uminom upang magkaroon ng lakas ng loob na kausapin ang lalaki. Subalit maging ang alak ay hindi rin umeepekto, kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. “J-just let me drink a few more Nat,” wika ko sa kaibigan pero umiling lang ito kaya inabot ko nalang ang isang bote ng beer. At lumayo ako kay Nat bago tinungga ng mabilis ang laman ng bote. “Ang tigas rin ng ulo mong babae ka ha, tatawagan ko si Cade,” inis na sigaw sa akin ni Nat kaya pinigilan ko ito. “Don’t Nat…..isang linggo na kaming hindi n
CELESTE AMETHYST SERRANO POVNgayon ang unang araw ng trabaho ko sa Resort de Salvadore’ kahit kinakabahan ay kailangan kong magmukhang hindi nenenerbiyos. Gamit ko ngayon ang sasakyan na binigay ni Nat sa ‘kin noong nakaraang linggo, siya pa mismo ang nag-deliver ng sasakyan kaya andami na naman naming napagkwentuhan. “Wahhh, I miss you so much Amy,” malakas na sigaw ni Nat ng bumaba ito ng kotse at mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ko. “I miss you to Natty, napagod ka ba sa byahe? May pagkaing hinanda si Mom para sa ‘yo,” sambit ko sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nina Tita. “Alam mo ba si Sebastian? Sobrang busy na sa pagiging inhinyero niya hindi na halos makausap ang kumag nakakainis.” “Nagbabagong buhay na pala ang isang yun, wala sa mukha ang pagiging seryoso but I am glad that all of you are striving now,” proud na wika ko sa aking kaibigan habang kumakain ito. “I am proud of you also Amy, we are. You are striving and fighting really hard in life an
THEODORE CADE ALEJANDRO POV“Tigilin niyo na ang paggawa ng mga desisyon na kaya ko naman Dad. Hayaan niyo akong pumili ng babaeng nais kong makasama habang buhay,” sinubukan kong huminahon ngunit inuubos talaga niya ang pasensya ko. “Mabubuhay ba kayo ng pagmamahal Cade?! Hindi, kaya ayaw man o sa gusto mo ay magpapakasal ka,” matigas na wika niya kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko. Tatawag at kakausapin lang talaga niya ako para maging problema sa buhay ko. Una ay sa mga eskwelahan na nais kung pasukan. Pangalawa ay sa course na gusto kong kunin sa kolehiyo. Ngayon naman ay maging sa gusto kong pakasalan. Hindi ko na alam kung paano ko ipapaintindi sa kanya na isa lang ang gusto kong pakasalan.“Alam niyo kung sino ang gusto kong pakasalan Dad. Nag-iisang Serrano lang. At tinraydor niyo pa kaya alam kong mas lalo akong kakamuhian nun,” matigas ko ring saad kay Dad. “Tinraydor? Negosyo ang pinag-uusapan dito Cade. Hindi ko na kasalanang walang nagtitiwala sa kanila,” walang
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Y-you were the one who pushed that arrange marriage Dad. I was against that pero para sa kapangyarihan kaya mong ipamigay ang nag-iisa mong anak,” masakit na sambit ko kay Dad kaya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan. Mabilis itong lumapit sa akin at itinayo ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso. Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila walang naririnig ang aking ama. “That was for your future. So you won’t have to worry about your damn future kid. Connection. Connection ang magpapalawak ng pangalan mo, without Alejandro’s that time no one is high enough for you,” wika ni Dad kaya natawa na lang ako sa sinabi nito. Kahit nanghihina ay pinilit kong ipunin ang aking lakas upang makawala sa hawak ng aking ama. “Connection? You think I can’t do that Dad? You really think so lowly of me huh. All this time I was proving myself worthy but it doesn’t make sense to you at all. O-only Theo made me feel that,” masakit na saad ko sa aking ama. “I guess that child is from t
“SINONG BUNTIS?!” galit na wika ni Dad. At mabilis itong pumasok sa silid na aking kinauupuan. Dahil sa matinding gulat ay nakatulala lamang ako sa aking amang galit na galit na nakatingin sa akin. “Sinong buntis Celeste? Ikaw ba?” sigaw na tanong ni Dad at hinawakan ang aking braso upang tumayo. Kahit nanghihina ay wala akong magawa kundi tumayo dahil sa nararamdamang sakit sapagkat mahigpit ang hawak ng aking ama sa aking braso. “Dad, masakit po please,” nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero tinignan lang ako ng nanlilisik nitong mga mata. “Ikaw ang buntis? Sinong ama? Iyong Alejandro ba Celeste?” sunod sunod na tanong ni Dad sa akin at tuluyan na itong napasabunot sa kanyang buhok. “I-i can explain po Dad please,” umiiyak kong wika sa aking ama pero tinalikuran lang ako nito. “Bumaba ka Celeste Amethyst,” may pagbabantang sambit ng aking ama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Dahlia. Tuluyan na rin akong napaupo sa sahig ng kwarto ni Dahlia dahil sa labis na panghihina. Simula
Habang sinusulyapan ang kapaligiran, mahahalatang ibang iba ito sa Manila. May nakikita pa akong mga kapunuan dito habang sa Manila ay kakaunti lang. Dito sigurado akong magsisimula talaga kami sa baba, tanging tiyahin ko lang naman ang kakilala namin dito. “Celestine, kamusta na kayo? “ wika ng aking tiyahin ng makababa kami sa tricycle na sinasakyan. Tinulungan pa kami ni Tita na magbaba ng mga gamit namin kaya nagpasalamat ako sa kanya. “Ayos lang ate, pasensya na ha, ikaw na lang talaga ang naiisip kong puntahan,” nahihiyang sambit ng aking ina habang yakap yakap ang kanyang kapatid. Nakita ko namang tumango si Dad sa tiyahin tsaka tiyuhin ko. Mabuti na lang ay mabait ang kapatid ni Mom kaya may matitirhan kami kahit pansamantala lang hanggang sa makakuha ako ng bahay na pwede naming lipatan. Kaya kailangan ko na ring magtrabaho upang may maibigay naman kami kina tita kahit papaano. “Ano ka ba Celestine, tayo tayo na nga lang ang magkakadugo hindi pa ba tayo magtutulungan?” na
“What are you trying to say again anak?” tanong ni Mom sa akin kaya napabalikwas ako sa aking iniisip. “W-wala Mom, nakalimutan ko din po,” kunyari’y natatawang saad ko pero kabado na ako sa para sa aking sarili at sa munting buhay na nasa aking sinapupunan. I am so so scared what will Dad do if ever he knew I am carrying Theo’s child. Kaya siguro hindi ko masabi sabi kahit kay Mom dahil baka malaman ng aking ama. “Mom, hindi pa ba tayo aalis? Nasaan ba ang bus na sasakyan natin?” pagtatanong ko sa aking ina sapagkat medyo matagal na rin kaming nakatayo at naghihintay rito. “Y-your Dad is still talking to someone, let’s wait for him okay?” saad naman ni Mom kaya napabuntong hininga ako. Kapag lalong tumatagal ang pananatili namin ay hindi ko maiwasang alalahanin si Theo na iniwan ko sa kanyang condo. Sa bawat minutong lumilipas ay mas nananaig ang kagustuhan kong manatili na lamang sa tabi ni Theo. Kahit puro galit pa ang matanggap ko sa lalaki ay ayos lang basta nakikita at naka