“Should we go home Celeste?” tanong sa akin ni Theo na marahan ko lamang na tinanguan.”Yes, please,” saad ko dito at nauna ng pumasok sa kotse nito, at mabilis din itong umikot sa driver’s seat.Matapos ang pag-uusap namin ni Tita Maricel ay inaya na ako ni Theo na mag-impake na para umuwi pabalik ng Manila. Namamaga tuloy ang mata ko dahil sa pag-uusap namin ni Tita subalit pilit ko itong iniintindi dahil nawalan ito ng anak. Kahit nakakatakot ang mga isinawalat niya kanina ay nagtitiwala naman ako na baka kaya niyang umunawa sa mga susunod na araw.”T, sagutin ko lang ang tawag ni Mom,” saad ko sa lalaki kase biglang tumawag si Mom at napapalingon ito sa gawi ko.”Alright, don’t mind me, just talk to Tita,” wika nito sa akin at nag-focus na sa pagda-drive kaya sinagot ko na din ang tawag.”Nasaan na kayo anak?!” pasigaw na tanong ni Mom kaya nagulat ako d
”Mom!” sigaw ko ng makitang nakatingin ito sa akin habang nasa malaking pintuan ng aming bahay.”You should talk to your Dad Amy, he’s furious,” saad ni Mom kaya bumalik ulit ang kaba na nararamdaman ko kanina.”Where is he Mom?” tanong ko sa aking ina at tinuro lang nito ang office room ni Dad kaya naglakad na rin ako papunta roon.”What is it about Mom?” tanong ko sa aking ina pero hindi ito sumagot kaya kumatok na ako sa pintuan ng office room ni Dad at binuksan ito.”Sit down, Celeste,” saad ni Dad, mahinahon iyon pero ramdam kong nakakatakot iyon. Hindi ko matandaang may ginawa akong ikakagalit niya dahil sinunod ko naman siya sa mga gusto niya ng mga nakaraang linggo.”What is it about Dad?” takang tanong ko kay Dad pero binuksan lang nito ang TV at nagulat ako dahil lumabas ang news tungkol kay Drake at ang kasunod nun ay ang ina nitong si Tita
—----------------------------------------------THEO—-----------------------------------------------------“Nasaan si Dad?” tanong ko kay Max dahil ang babae ang bumungad sa akin pagkauwi ko ng mansion.“S-sir nasa study room niya po,” sagot nito sa akin at marahan lang na yumuko. Nalaman kong idinadawit ng ina ni Drake ang pangalan ni Celeste kaya nagpupuyos ako sa galit. Alam kong makakaapekto ito sa kumpanya at reputansyon ng mga Serrano kahit wala namang kinalaman ang babae.“Dad!?” tawag ko agad sa tatay kong nanunuod ng balita kaya napatiim-bagang ako dahil baka magbago ang isip nito patungkol sa arrange marriage.“Hm, bakit Cade?” tanong ni Dad sa akin at iniayos ang kaniyang salamin habang nakatingin sa akin at ibinalik ang focus sa balitang pinapanood. “Maybe we should stop the agreement between the Serrano?” pagtatanong ni Dad kaya napasinghap ako
—----------------------------------------------THEO—------------------------------------------------------------”S-sir, pwede po ba kayong makausap?” tanong sa akin ni Max kaya mabilis akong tumango sa babae.”Ofcourse Max, tungkol saan ba iyon?” tanong ko sa babae at ngumiti ng maliit.”Magkasama po ba kayo nung fiancee niyo bago po kayo umuwi?” tanong nito sa akin kaya napangiti ako ng maisip si Celeste at ang halik nito sa pisngi ko matapos ko itong ihatid sa kanila.”Uh, yeah bakit?” tanong ko sa babae kaya napayuko ito ng tinignan ko ngunit tila naging agresibo ito ng magtaas ng noo at tinignan ako sa mata.”Sorry Sir, pero matagal na kitang gusto,” saad ni Max at naglakad papunta sa akin kaya napaatras ako. Ngunit mabilis nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi kaya mabilis ko itong naitulak.”What the fuck
—-------------------------------------------------CELESTE—-------------------------------------------------------Nandito lang ako sa kwarto ko ng mga nagdaang araw, ayokong lumabas sapagkat ang daming reporters sa labas ng bahay. Kaya ayokong nababalita o naipapakita ang mukha namin sa media dahil kapag may mga isyu ay ganito ang nangyayari. “Ma’am nasa baba daw po si Ma’am Nat, hinahanap daw po kayo?” saad ni manang kaya napalingon ako sa matanda dahil nakaupo ako malapit sa bintana.Malungkot lang itong nakatingin sa akin, kaya ngumiti lang ako ng maliit para ipahiwatig dito na ayos
”Hindi naman sa binababa ko ang confidence level mo friend pero baka mamuti na ang uwak ay wala pa ring like factor man lang,” saad ni Nathalie habang tumatawa kaya naiinis kong hinampas ang balikat nito at napanguso.”I am pretty naman diba?” saad ko sabay tingin sa salamin pero lalo lang akong napanguso ng mapansing namumutla ang labi ko.”Just kidding, you are so adorable Celeste Amethyst Serrano kaya. So if ever he likes you, he likes such a standard woman,” seryosong saad ni NatNa siyang nagpalambot ng aking puso, she can reall
---------------------------------------------------CELESTE----------------------------------------------------------Habang pinupuntahan ni Nat si Tita Maricel ay kinakabahan akong naghihintay dito sa may kalayuan. Kino-compose ko na ang sarili ko dahil alam kong hindi lang galit ang kahaharapin ko, ito ay isang inang nawalan ng anak. Kaya pinapaalalahanan ko na ang sariling kong maging maintindihin at pasesyoso.”Tita condolence po,” saad ko habang nakayuko ang ulo at sandali lamang itong tinignan pero hindi ko pala kaya kung gaano kabigat ang mga tingin ng ginang.Wala itong sinabi matapos ang sinabi ko kaya itinaas ko ang ulo ko ngunit isang sampal ang natamo ko. Inintindi ko ito subalit alam kong sobra ang sakit at hinagpis na nararamdaman nito.”Wala po kayong karapatan saktan ang kaibigan ko ma’am,” galit na saad ni Nat pero tinignan ko lang ito at nginitian ng maliit kaya napabuga ito ng hininga. Naiintindihang tumango naman ito sa akin.”Ang kapal din ng mukha mong pumunta sa
”A-akala ko kase,” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nilakasan na nito ang music na nanggagaling sa kaniyang sasakyan. Kaya napabuga nalang ako ng hangin dahil tila nagalit ito sa ginawa ko.Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang makarating kami sa isang building. I think may condo siya dito, nalaman ko rin kay Nat na mas dumami ang reporters sa labas ng bahay kaya mas mabuting wag muna akong umuwi.”You can go out,” seryosong saad ng lalaki na tinanguan ko lamang at binuksan na ang pinto ng back seat upang lumabas.”Nasaan tayo?” tanong ko sa lalaki dahil mapapanisan na ako ng laway sa tagal ng hindi namin pag-uusap sa loob ng sasakyan.”My condo,” maikling saad ng lalaki at naglakad na papunta sa elevator kaya napanguso ako dahil mas lalong umikli ang mga sagot niya. ‘Kasalanan mo Celeste, ang tigas ng ulo mo’ pagkausap ko sa sarili ko.Maging ang elevator ay sobrang elegante, kahit sa lounge kanina ay napaka-aesthetic ng mga gamit. Meron ding malalaking chandelier sa t
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Y-you were the one who pushed that arrange marriage Dad. I was against that pero para sa kapangyarihan kaya mong ipamigay ang nag-iisa mong anak,” masakit na sambit ko kay Dad kaya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan. Mabilis itong lumapit sa akin at itinayo ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso. Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila walang naririnig ang aking ama. “That was for your future. So you won’t have to worry about your damn future kid. Connection. Connection ang magpapalawak ng pangalan mo, without Alejandro’s that time no one is high enough for you,” wika ni Dad kaya natawa na lang ako sa sinabi nito. Kahit nanghihina ay pinilit kong ipunin ang aking lakas upang makawala sa hawak ng aking ama. “Connection? You think I can’t do that Dad? You really think so lowly of me huh. All this time I was proving myself worthy but it doesn’t make sense to you at all. O-only Theo made me feel that,” masakit na saad ko sa aking ama. “I guess that child is from t
“SINONG BUNTIS?!” galit na wika ni Dad. At mabilis itong pumasok sa silid na aking kinauupuan. Dahil sa matinding gulat ay nakatulala lamang ako sa aking amang galit na galit na nakatingin sa akin. “Sinong buntis Celeste? Ikaw ba?” sigaw na tanong ni Dad at hinawakan ang aking braso upang tumayo. Kahit nanghihina ay wala akong magawa kundi tumayo dahil sa nararamdamang sakit sapagkat mahigpit ang hawak ng aking ama sa aking braso. “Dad, masakit po please,” nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero tinignan lang ako ng nanlilisik nitong mga mata. “Ikaw ang buntis? Sinong ama? Iyong Alejandro ba Celeste?” sunod sunod na tanong ni Dad sa akin at tuluyan na itong napasabunot sa kanyang buhok. “I-i can explain po Dad please,” umiiyak kong wika sa aking ama pero tinalikuran lang ako nito. “Bumaba ka Celeste Amethyst,” may pagbabantang sambit ng aking ama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Dahlia. Tuluyan na rin akong napaupo sa sahig ng kwarto ni Dahlia dahil sa labis na panghihina. Simula
Habang sinusulyapan ang kapaligiran, mahahalatang ibang iba ito sa Manila. May nakikita pa akong mga kapunuan dito habang sa Manila ay kakaunti lang. Dito sigurado akong magsisimula talaga kami sa baba, tanging tiyahin ko lang naman ang kakilala namin dito. “Celestine, kamusta na kayo? “ wika ng aking tiyahin ng makababa kami sa tricycle na sinasakyan. Tinulungan pa kami ni Tita na magbaba ng mga gamit namin kaya nagpasalamat ako sa kanya. “Ayos lang ate, pasensya na ha, ikaw na lang talaga ang naiisip kong puntahan,” nahihiyang sambit ng aking ina habang yakap yakap ang kanyang kapatid. Nakita ko namang tumango si Dad sa tiyahin tsaka tiyuhin ko. Mabuti na lang ay mabait ang kapatid ni Mom kaya may matitirhan kami kahit pansamantala lang hanggang sa makakuha ako ng bahay na pwede naming lipatan. Kaya kailangan ko na ring magtrabaho upang may maibigay naman kami kina tita kahit papaano. “Ano ka ba Celestine, tayo tayo na nga lang ang magkakadugo hindi pa ba tayo magtutulungan?” na
“What are you trying to say again anak?” tanong ni Mom sa akin kaya napabalikwas ako sa aking iniisip. “W-wala Mom, nakalimutan ko din po,” kunyari’y natatawang saad ko pero kabado na ako sa para sa aking sarili at sa munting buhay na nasa aking sinapupunan. I am so so scared what will Dad do if ever he knew I am carrying Theo’s child. Kaya siguro hindi ko masabi sabi kahit kay Mom dahil baka malaman ng aking ama. “Mom, hindi pa ba tayo aalis? Nasaan ba ang bus na sasakyan natin?” pagtatanong ko sa aking ina sapagkat medyo matagal na rin kaming nakatayo at naghihintay rito. “Y-your Dad is still talking to someone, let’s wait for him okay?” saad naman ni Mom kaya napabuntong hininga ako. Kapag lalong tumatagal ang pananatili namin ay hindi ko maiwasang alalahanin si Theo na iniwan ko sa kanyang condo. Sa bawat minutong lumilipas ay mas nananaig ang kagustuhan kong manatili na lamang sa tabi ni Theo. Kahit puro galit pa ang matanggap ko sa lalaki ay ayos lang basta nakikita at naka
Pagkatapos kong lisanin ang condo ni Theo ay mabilis kong tinawagan ang aking mga magulang. Upang ipaalam na papunta na ako kung nasaan sila.“Bakit ngayon ka lang nagparamdam anak? Kahapon pa kami nag-aalala ng Dad mo,” saad ni Mom sa kabilang linya.“M-ma pasensya na po, natagalan po kase akong nakaalis sa condo ni Theo,” mahinang sambit ko sa aking ina. “Ayos ka lang ba anak? Bakit natagalan ka sa pag-alis? Dahil ba kay Cade?” tanong ng aking ina na kinailing ko na lamang. Alam ko sa sarili kong ginusto ko ring manatili kagabi. Hindi man sapat iyon upang pagaanin ang aking dalamhati ay sapat na mayakap at mahagkan si Theo. “S-sobrang hirap po umalis Mom, y-you how much he means to me po,” nanginginig na saad ko sa kabilang linya. “I-im sorry anak, kase wala akong magawa. Mahal na mahal ko kayo ng Dad mo. A-alam kong hindi kakayanin ng Dad mo kung pati tayo ay tuluyang bibitawan siya,” malungkot na sambit ni Mom. “I-i know po Mom, k-kahit sobrang hirap magdesisyon. Sana lang po
“So ano ka? Hindi ba't mas masahol pa sa hayop ang ginawa mo? Para sa pera diba? Gusto mo ng pera Celeste? Sumagot ka! Gusto mo ng pera diba?!” galit na sambit ni Theo. Nakita ko ang litid sa leeg niya na parang sasabog na dahil sa galit. Kahit ako ay nanginginig na sa takot mula sa aking kinatatayuan. Pero iniisip ko ang mga magulang kong naghihintay sa ‘kin. Kaya kahit alam kong napakawalanghiya ko na sa mata niya wala akong magagawa kundi panindigan ang ginawa ko. “OO gustong gusto ko ng pera kaya nga ako nagtagal sa ‘yo diba? Baka nga nagpapakalantari na ako sa iba kung wala akong nahuhuthot na pera galing sa ‘yo,” walang emosyon kong saad sa lalaki. Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng dahan dahang lumapit sa akin si Theo. Hindi ko na makita sa mata nito ang lamlam at pagmamahal na palagi kong nakikita sa tuwing nakatingin ito sa akin. “Then strip Celeste, maghubad ka sa harapan ko. Sa huling pagkakataon, bigyan mo naman ako ng magandang performance,” bulong sa akin ni Theo ka