Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2021-11-21 11:22:06

MARAMING pagkain ang nakahanda sa dining table, bacon, ham, hotdog, garlic rice, sunny side ups, orange juice at slices of fruits ang nakahain. Nakaramdam ng gutom si Maristela. Napasarap rin ang tulog niya kanina. Naroon sila sa porch ng malaking bahay ni Aquina. It’s a modern mini mansion na Greek ang tema. Everything is white and blue, nakakahalina ang infinity pool na napalilibutan ng mga asul at puting ilaw. Alas-otso na ng umaga at malamig pa ang simoy ng hangin. Nasa tabi niya si Aquina na naka-asul na roba.

“I don’t know what you like kaya I prepared everything that I have. Hope you like it.” Ipinaghila siya nito ng upuan at inalalayan. “What brought you here?” Umupo nito sa harap niya at naglagay pa ng kanin at bacon sa plato niya.

“Thank you. Tinamad lang siguro akong magluto.” Tsaka lang siya sumubo nang magsimulang kumain si Aquina. “You have a nice hair color. Totoo ba ‘yan?”

“Yes, my father is a part-Scottish and part Russian which whom I got these eyes and hair while my mom was a pure Filipina, they are separated. I was raised in Russia until I was twenty and moved here when I was twenty one because of my mother who passed away that time,” salaysay ng binata. Wala siyang pakialam kung nagsasabi ito ng totoo o hindi, ang mahalaga ay malaman niya kung ano ang kuneksiyon nito kay Zircon. “You can ask me anything you want.” Sumubo ito ng itlog.

“What is your favorite gem stone?” Nagustuhan niya ang bacon, manamis-namis at malutong.

“Ruby because that precious gem is sensual. And you?”

“Zircon.” Nawala ang ngiti ni Aquina nang marinig ang salitang iyon. Mataman niya itong tiningnan mata sa mata. “Because it comes in different color, it can be mistaken as a diamond, it has impurities. And most of all, Zircon is a mystery.” Kinuha niya ang pitsel ng orange juice upang salinan ang dalawang baso ngunit bigla itong nabasag sa kamay niya. Kung hindi siya nagkakamali ay bala ang tumama sa pitsel, agad niyang hinanap kung saan nanggaling ang nagpaputok Sabay silang lumuhod ni Aquina nang may dalawa pang sumunod na putok. Mula sa loob ay may sumugod sa kanilang limang lalaki.

“Marci, get upstairs!” sigaw ng binata ngunit hindi niya ito sinunod bagkus ay nakipagsuntukan pa siya sa isang lalaki. Good thing she has her brass knuckles inside her pocket, mas madali niyang mapapatumba ang mga ito. Mabilis niyang sinuot ang mga ito sa kamay at pinatamaan niya ang panga nito at natumba naman ang lalaki. Sa tingin niya ay hindi na ito makakabangon dahil dislocated na ang panga nito.

Mula sa gilid ng kanyang paningin ay abala rin si Aquina sa pagtatatumba sa mga sumugod hindi niya namalayan na sinipa na pala siya mula sa likuran kaya napasubsob siya sa sahig. Mabilis siya bumangon ngunit sinalubong siya ng kamao na dumapo sa kanyang pisngi. Panandalian siyang nakadama ng pagkahilo, bago pa man siya makahuma ay may bumaon sa kanang hita niya. Not Again. Hindi pa magaling ang sugat niya at nadagragan pa ng isa. Susuntukin na sana niya ang sumaksak sa kanya nang bumulagta ito sa sahig, pinagbabaril na ni Aquina ang mga intruder.

Siya naman ay sumandal sa pader upang kumuha ng lakas. Hindi muna niya binunot ang balisong sapagkat lalong magdurugo ang sugat. Napansin niyang bumuka rin ang tahi ng nauna niyang sugat sa balikat kaya umaagos rin ang dugo mula roon.

“Marci!” Sinaklolohan siya ni Aquina, ito ang bumunot sa patalim at idiniin ang kamay sa sugat niya. Putok ang labi nito kagaya niya ngunit wala na itong ibang pinsala sa mukha. Nakita rin nito ang sugat sa balikat niya.

“I’m okay.” Agad siyang binuhat ni Aquina at dinala sa isang silid. Maingat siya nitong inihiga sa kama at sinira nito ang kanyang damit at hinayaan ang jacket sa nakasuot sa kanya.

“Where did you get this previous wound?” Nababahalang tanong nito at inilabas ang first aid kit upang bigyan siyang ng paunang lunas. “I should call an ambulance.”

“No,” pigil niya rito. Hindi na dapat maulit na magkaroon siya ng record sa ospital dahil delikado iyon para sa kaligtasan niya. She can’t let anyone know that she’s staying to that kind of place. Kaya nga’t mayroon sa security agency na private doctors and clinics para sa tulad niya.

“I can’t let you die here!” May panic sa mukha nito. Kumuha ito ng gunting at ginupit ang pantalon niya.

“Stop!” Ngunit hindi niya napigilan ang lalaki, tuluyang nagupit ang pantalon niya at nahayag ang marka sa gilid ng kanyang hita. Naging matalim ang tingin sa kanya ni Aquina at lumayo sa kanya.

“Scorpion. Do you think it’s too early for the reveal?” Lumapit ito sa kanya at unti-unting ibinaon ang dulo ng gunting sa sugat niya. Napahiyaw naman siya sa sakit. “I could kill you anytime.” May himig ng pagbabanta sa boses nito. Lalo pa nitong diniinan ang gunting, nanlalamig at namamanhid na ang buong katawan niya dahil sa sakit. Nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa pagkaubos ng dugo. If this will be her end, she wants to see her father for the very last time.

MAY boses na naririnig si Maristela ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi ng nagsasalita. She felt weak and numb all over. Iminulat niya ang kanyang mga mata at napagtantong naroon pa rin siya sa silid kung saan siya nawalan ng malay. Bakit pa siya binuhay ni Aquina? May balak ba itong pahirapan pa siya? May nakakabit na dextrose sa kanya at ang mga sugat niya ay may mga bandage.

“Good thing you’re awake. It’s been three days.” Nilingon niya ang kabilang bahagi ng silid, naroon ito at nakasandal sa pader hawak ang cellphone nito. “Don’t worry, buhay ka pa. Everything will be ruined if our dear Marci will die so soon.” Lumapit ito at umupo sa gilid ng kama. Hinaplos nito ang pisngi niya at inilayo naman niya ang mukha sa abot ng makakaya.

“Kaya pala interesado ka sa akin simula pa lang noong unang pagkikita natin sa hotel. Luckily, may mga sumugod rito at nabisto na agad kita. Zircon will be so happy once he heard this news.”

Ayaw niyang ipaalam sa ama na nabunyag ang katauhan niya kay Aquina dahil ipu-pull out siya nito sa misyon. Matagal na niyang pinaghandaan ang misyon na ito at hindi niya hahayaang masira lang ang lahat dahil sa pagkakabisto sa kanya. Hindi rin niya puwedeng patayin si Aquina dahil ito lang ang lead niya kay Zircon. Everything’s falling apart!

Inabot sa kanya ng binata ang kanyang cellphone at nakita niya sa screen na may halos isang daang missed calls na si Seig at mayroon ding mga mensahe. Hinahanap siya nito at naka-blotter na raw siya sa pulis as missing person. Eksakto namang tumawag si Seig at agad niya itong sinagot.

“Marci! Thank God! Nasaan ka ba?” Puno ng pag-aalala ang tinig nito.

“I-I’m fine.” Nakatingin sa kanya si Aquina. “May biglaang out of town trip at hindi na kita na ako nakapagpaalam. I’m so sorry.”

“Kailan ka babalik?”

“Next week,” mariing bulong ni Aquina.

“Next week. I’m so sorry, may sakit si Mama kaya hindi agad ako makakauwi.” Mabuti na lang ang marami siyang dahilan na puwedeng sabihin. Sumenyas si Aquina na tapusin na raw niya ang tawag kaya nagpaalam na siya kay Seig. “Am I being hostaged here?”

“No. You will continue your life next week but I will keep an eye on you.” Kinuha nito sa side table ang mangkok ng sopas, umuusok pa iyon. “You have to eat.” Sumandok ito gamit at kutsara at hinipan ang sopas. Itinapat nito ang kutsara sa kanyang bibig.

“Why are you doing this to me?” matigas niyang tanong.

“Because I like you.” Ibinalik nito ang mangkok sa lamesa at lumabas ng silid. Nagulo ang sistema ni Maristela, gusto siya nito sa paanong paraan? Inabot na lang niya ang sopas at kumain mag-isa dahil nakaramdam na siya ng gutom. Wala man lang wallclock sa silid, wala rin ang mga gamit niya roon. Tinanggal niya ang nakakabit na dextrose sa kamay niya, tinansiya ang sarili kung kaya na ba niyang maglakad at tsaka lumabas ng silid. Mabuti na lang na hindi naisipang i-lock ni Aquina ang pinto. Paika-ika niyang hinanap ang kwarto ni Aquina at nang matagpuan iyon ay pinagbubuksan niya ang bawat drawer at cabinet upang hanapin ang kanyang mga gamit.

“What the hell are you doing?” Biglang lumitaw si Aquina mula sa isang pinto, b**ang b**a pa ang buong katawan nito at ang tanging saplot lang ay ang tuwalya na nakaikot sa beywang nito. She could not help but stare, maganda ang katawan nito at well-toned. He’s distracting you Maristela! Tumayo siya ng tuwid at tumikhim.

“Where’re my things? I’m leaving.”

“You’re leaving? You will leave until I say so.” Lumapit ito sa kanya hanggang sa magdikit ang katawan nila. Biglang tense ang buong katawan niya at nanlambot lalo ang mga tuhod niya. Napabango ng amoy nito! “Habang nandito ka sa poder ko, susundin mo ang lahat ng utos ko.” His green eyes are furious.

“I’m not anyone’s property, Aquina!” Hindi natuloy ang pagsampal niya rito dahil maaga itong naagapan ng lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya at ibinalya pa siya nito sa ding ding. Napaigik siya dahil sa sakit, masakit pa rin ang katawan niya at kahit anong pagtama ay masakit para sa kanya. Lalo itong dumikit at idiniin pa ang katawan nito sa kanya.

“With your current situation I could kill you right here and then, Marci. I can break Zircon’s plan once you get into my nerves.” Mahina ngunit nakakakilabot na saad nito. Ngayon lang siya natakot sa buong buhay niya. Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi sundin ito. Bigla nitong tinanggal ang pagkakabuhol ng tuwalya sa beywang nito at nalaglag iyon sa sahig.

“A-anong ginagawa mo?” Lalo siyang kinabahan.

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong. “What do you think?” Nanalasa kakaibang init sa buong katawan niya, inipon niya ang lahat ng lakas upang manatiling nakatayo. Itinaas nito ang dalawang kamay kasunod naman ang pagpikit niya. Kung anuman ang gagawin nito ay hindi siya handa! Makalipas ang ilang minuto ay naroon pa rin ito sa harap niya, binuksan ni Maristela ang mga mata at nakita itong nagsusuot ng white T-shirt, itim naman ang boxer shorts nito.

“If you want sex, just ask me and I’ll give it to you gladly,” nakangising saad nito habang tinutuyo ang buhok gamit ang maliit na tuwalya. “Lunch will be ready in thirty minutes.” Tsaka lang ito umalis sa harap niyang at nilisan ang silid patungo siguro sa kusina. Tuluyang nang nanlambot ang mga tuhod niya at bumagsak na siya sa sahig. Kakaiba ang epekto sa kanya ng lalaking iyon at hinding hindi siya mahuhulog sa kamandag nito.

Nagulantang si Maristela nang mapagtanto na wala pala sila sa Maynila. Kitang kita niya ang magandang view ng Taal Lake sa kinatatayuan niya. Malamig ang paligid kahit tanghaling tapat. Kung paano siya nadala ni Aquina sa Tagaytay ay hindi niya alam. Naroon siya sa terrace habang pinagpagmasdan ang paligid, hindi pa siya pumupunta sa dining area kung saan naghahain na si Aquina.

Hanggang dito ay naamoy niya ang aroma ng sinigang na hipon. Kumbinsihin man niya ang sarili na huwag kumain ay umaalma ang sikmura niya. Kailangan na rin niyang uminom ng pain killer dahil kumikirot na naman ang buong katawan niya lalo na ang mga sugat niya.

Tinawag na siya ng binata para kumain ngunit nanatili lang siya roon. Kung sa Bel-Air ay Modern Greek ang istilo ng bahay nito ay pinahalong modern at ancient Japanese naman rito. Maganda ang interior design ng bahay at relaxing ang dating, pero hindi siya nare-relax. Tensyonado pa rin siya dahil hindi niya alam kung talagang papaalis pa siya ng binata rito. Mayroong bonsai trees at mini bamboo plants, ang ilang pinto ay sliding screens at may mga nakasabit paintings ng Sakura flowers at Geisha.

“Ilang beses na kitang tinawag. Kakain na.” Nasa likuran niya si Aquina, mukhang hindi ito nilalamig sa suot. Fresh na fresh ito habang siya ay nanlalagkit na. Mamaya ay magha-hot shower siya upang maibsan ang panlalagkit ng katawan. Sumunod siya rito sa dining area. Bukod sa sinigang na hipon ay may nakahain rin adobong kangkong, isang bandehadong kanin at leche flan para sa dessert.

“Bakit ganoon na lang ang concern mo sa akin?” tanong ni Maristela habang kumakain. Ayaw siyang iwan ng curiosity niya.

“Killing you now is no fun.”

“Paano kung unahan kita?” hamon niya rito.

“You can’t do that. The last thing you want to do is to eliminate me. Bukod kay Tomas Lee ay ako lang ang daan para mahuli mo si Zircon. Pero sa tingin ko wala ka ring makukuhang impormasyon sa akin dahil tanging boses lang ni Zircon ang nakakausap ko. No more and no less. I think he still don’t trust me after giving him my four years of service and still on going. But nevertheless, wala na akong pakialam kung sino at ano ang hitsura niya, ang mahalaga ay ang mga nakukuha kong pera mula sa kanya.” Sumandok ito ng kanin at ulam at kumain.

Kung gayon ay lalo siyang mahihirapang matukoy si Zircon. Hindi siya makapaniwala na naroon siya sa poder ng isang kaaway at kasalo pa niya ito sa tanghalian.

“I have a proposal. Lead me to Zircon and you will not face any lawsuit and live as a free man.” Kung kakagat ito ay mas magiging madali ang trabaho niya.

“Bakit ko naman gagawin iyon? Scorpion betrayed me several times at nanggagalaiti ako dahil may isa na namang agent nila ang nasa harap ko ngayon. I’m not that stupid, Marci. Walang proposal na makakapagpabago sa isip ko. Eat.” Wala na silang imik matapos ang pag-uusap na iyon. Kumain na lang siya dahil kumakalam na ang sikmura niya. Wala siyang masabi sa luto nito kundi masarap.

Kung parte nga siya ng mga plano ni Zircon ay sasakay muna siya sa ngayon at hihintayin ang tamang pagkakataon kung saan mahuhuli na niya ito kasama si Aquina. Nang matapos ang pagkain ay pinaakyat na siyang muli nito at minabuti na niyang maligo para maglinis ng mga sugat. Kahit mahirap maglagay ng gasa ay ginawa niya, hinding hindi siya hihingi ng tulong sa lalaki. Isang asul na long sleeve at gray na sweat pants ang isinuot niya dahil malamig, bumalik siya sa kama at nag-isip ng mga plano kung paano niya mapipiga si Aquina. Ngunit sa halip na plano ang tumino sa kanyang isip ay ang katawan naman ng lalaki ang lumilitaw. Focus Maristela! Subalit hindi maalis sa isip niya ang magandang katawan ni Aquina. Those sexy torso makes her shiver! Sino bang babae ang hindi mawiwindang sa ganoong katawan na sinamahan pa ng guwapong mukha?!

“This is insane!” Naibato niya ang flower vase dahil sa inis. Dahil inip na inip na siya sa silid, wala man lang TV na mapaglilibangan roon kaya lumabas muna siya. Naabutan niyang may ginagawa sa laptop si Aquina habang nakaupo ito sa sofa. Siya naman ay umupo sa single seater sofa, kinuha ang remote at binuhay ang telebisyon. Nagpalipat lipat siya ng channel hanggang sa napili niyang panoorin ang Tom and Jerry cartoon.

“I need a new room,” saad niya rito. Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagtipa sa keyboard. “Can I have my phone back?” Wala pa rin itong sagot. Tumayo na lang siya at naglibot-libot sa loob, mula sa dulo ng kusina ay mayroong pinto. Binuksan niya iyon at pinindot ang switch ng ilaw sa gilid. Ito siguro ang basement ng bahay, bumaba siya ng hagdan hanggang sa marating niya ang isang malaking silid.

Mayroong pantatlong taong indoor shooting range, sa kabilang bahagi ng silid ay may billiard table, kahanay nito ang iba’t ibang klase ng arcade games, at mayroon ding refrigerator at bar sa loob. Maganda rin ang deep blue na carpet na siyang nakalatag sa buong sahig, katulad nang bahay sa Bel-Air ay blue at white rin ang tema ng silid na iyon. Tinunton niya ang shooting range, mula sa display ay kinuha niya ang .357 Magnum revolver, Tinanggal niya ang removable barrel nito at nilagyan ng bala. Nagsuot siya ng ear muffler at ikinasa ang baril. Dahil hirap pa rin ang kaliwa niyang balikat sa paggalaw ay kanan muna niya ang ginamit sa paghawak ng baril. Itinutok niya ang dulo nito sa target at sunud-sunod na nagpaputok. Walang mintis. Nang may marinig na papalapit na mga yabag ay doon niya itinutok ang baril.

“I’m so bored. Hindi mo alam kung paano tumrato ng bisita.” Itinaas pa niya ang baril upang sumakto sa noo ni Aquina, masyado itong matangkad. She inserts her index finger to the trigger hole, pulled the trigger and the gun cocks.

“You know your bullets,” nakangiting banggit ni Aquina. Itinutok niyang muli sa target ang baril at nagpaputok pa ng dalawang beses at bullseye pa rin ang target. Ibinalik na niya ang baril sa lalagyan at nakita ang gulat na reaksiyon ni Aquina. Kung hindi tumama ang tansiya niya ay tiyak na nagkalat na ang utak nito sa carpet.

“Stop underestimating me. Hindi por que masama ang kalagayan ng katawan ko ngayon ay hindi ko na kayang ipagtanggol ang sarili ko.” Tamemeng iniwan niya ang binata sa silid.

“Will you be okay?” tanong ni Jeston sa kanya bago bumaba ng chopper. Narito sila sa isang rescue operation sa isang remote island sa Tawi-Tawi. Sa kanila ipinagkatiwala ang operasyon na iyon. Tumango siya at binigyan siya ng h***k sa noo ng binata. Sa lahat ng operasyon nila ay dito siya pinakanababahala.

Abot abot ang kaba niya at gusto na lang niyang bumalik sila sa Maynila. Sampu ang miyembro ng kanilang team at masasabi niyang sila ang pinakamahusay sa lahat. Si Jeston ang kanilang team leader at sumensyas na ito na pumunta na sa kani-kanilang puwesto. Tahimik ang paligid at hindi ito magandang senyales. Mula sa dalampasigan ay pumasok na sila sa gubat, nasa unahan niya si Jeston.

“Tulong!” sigaw mula sa ‘di kalayuan Dahil sila ang pinakamalapit ni Jeston ay sila na ang naghanap ng kinaroroonan ng bata. Dispersed ang team upang hanapin ang mga sindikato. Nakita niya ang batang babae na nakatali sa puno ng niyog, agad niya itong dinaluhan nang may umalingawngaw na mga putok. Hindi niya alam kung saan nagmula kaya mabilis niyang tinanggal ang pagkakatali sa bata at niyakap ito. Umiiyak ang bata at pilit niya itong kinakalma.

“Subject is safe,” imporma niya sa mga kasamahan gamit ang maliit na mic na nakakabit sa helmet niya. Bago pa sila makalabas sa lugar na iyon ay napansin niyang nawawala si Jeston. Tinawag niya ito ngunit walang sumasagot. Isang putok ng baril ang pumukaw ng pansin niya kaya bumaling siya sa likod. Nanlambot ang mga tuhod niya nang makita si Jeston sa kamay ng mga sindikato, wala na ang suot nitong bulletproof vest at helmet, ni kahit anong armas ay wala ito. Hindi iisang baril ang nakatutok sa lalaki kundi anim. Bukod kay Jeston ay may mga nakatutok rin sa kanilang baril.

“Tumawag ka ng back up, kundi mamatay kayong lahat,” banta ng lalaking may hawak kay Jeston. “Nasaan ang pera?” Ibinaba niya ang nakasukbit na back pack sa likod niya at itinapon malapit sa lalaki. May isa pang lumapit sa kanya at tinutukan ang bata ng baril. Ibinaba rin niya ang kargang bata at hinayaang sumama sa mga ito.

“What are you doing, Virgo?” tanong ni Aquarius mula sa headset.

“I can handle this,” mahinang sagot niya.

“Call the back up immediately,” utos nito ngunit hindi niya ito sinunod. Anim na miyembro ng sindikato ang naroon at kayang kaya niyang patumbahin ang mga ito. Hindi pa man siya nakakabunot ng baril ay sabay sabay na nagpaputok ang mga ito. Mabilis na tumakbo si Jeston para protektahan ang bata, sinalo nito ang lahat ng bala. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, dumating ang iba pang miyembro ng kanilang grupo at pinagbabaril ang mga sindikato. Kahit hindi niya lapitan si Jeston ay alam niyang wala na itong buhay. Kinuha ng isang team member ang bata sa ilalim ng bangkay ni Jeston. Nanlalambot na lumapit siya rito.

“Jeston?” tawag niya sa pangalan ng binata at doon na siya humagulgol ng iyak. “Jeston! I’m sorry…” Paulit-ulit niyang inuusal ang mga katagang iyon.

“Marci! Marci!” Isang mahinang yugyog sa balikat ang nakapagpagising sa kanya. Nakatulog siya sa sofa nang hindi niya namamalayan. Walang tigil ang pag-iyak niya kasabay ang paghagulgol. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya ni Aquina at bumubulong na maayos na ang lahat ngunit alam niyang hindi.

Bagamat nailigtas nga nila ang bata ay buhay naman ni Jeston ang kapalit. Walang tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha kasabay ng pagkirot ng kanyang d****b sanhi ng sakit at guilt. Matapos ang insidenteng iyon ay ilang buwan siyang wala sa sarili, kung hindi pa siya ipapadala ng kanyang ama sa Amerika ay hindi pa siya babalik sa ayos.

Bahagyang humiwalay sa kanya si Aquina at sinapo ang pisngi niya. The next thing she knew, his lips are bound to hers.

Related chapters

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 7

    MAYBE I’m the worst person you knew but I can’t stand to see a woman crying,” turan ng binata matapos bigyan si Maristela ng halik. Doon niya napagtanto kung gaano siya kalungkot. Despite all the fun and thrill she have there something inside her that can’t be fulfilled by material things. Yumuko siya upang itago ang muling pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. “I need a drink,” hiling niya kay Aquina.“You can’t, you’re taking medicines,” tutol nito. Siya na ang pumunta sa kusina para maghanap ng kahit anong alak puwedeng inumin, hindi na siyang nagpatumpik-tumpik pa nang makita ang bote ng Chivas Regal, binuksan niya ito at direktang uminom sa bote. Ngumiwi siya dahil sa tapang ng alak ngunit hindi ito ang nakapigil sa kanya para uminom ulit.Maya maya ay kinuha na sa kanya ni Aquina ang bote, bumalik ito sa living room bitbit ang dalawang rock glass at maliit na timba ng yelo. Sumunod siya rito. It

    Last Updated : 2021-11-22
  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 8

    APAT na araw ang itinagal bago nahanap si Nato, anumang oras ay darating na ito sa mansion. Nasa basement si Logan at umiiyak sa sulok si Maya na nakatali ulit sa upuan at may busal ang bibig. Siya naman ay nasa kuwarto niya, naka-live feed ang basement sa laptop niya. Ang basement ng bahay ay niya ay madalang niyang ginagamit, para lang sa special occasion. This day is an special though. Walang laman ang basement, maliban sa inuupuan ni Maya sa sulok at table and chair sa gitna. Soundproof ang buong silid at walang bintana. The light was dimmed. Hindi naman niya masyadong pinahirapan si Maya, maliban sa pagkakatali ay wala na siyang ginawa rito. She was well-fed pero ayaw naman nitong kumain. Narinig niya ang pagbukas ng metal door ng basement kasabay ng sigaw ng lalaki. The guy was shouting Zircon. Lumitaw si Nato sa screen na hawak ng mga tauhan niya, he was blindfolded. Naka-activate na ang voice changer ng mic at itinapat niya ang bibig roon. "Welcome! Kan

    Last Updated : 2021-11-23
  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 9

    NAKATUTOK sa telebisyon si Maristela habang nagbabalat ng orange, wala siyang pasok ngayon sa Classique kaya nasa condo unit lang muna siya. Nagkukulong siya sa kuwarto kanina pero paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang mga nangyari sa Tagaytay kaya lumabas siya para aliwin ang sarili."Patay ang magnobyo na nakatira sa isang apartment sa Quezon City dahil sa arsenic poisoning. Ayon sa mga kapitbahay ay maging sila ay nakadama ng ilang sintomas na lason ngunit tanging ang magnobyo lang ang hindi naagapan." Nabitin ang pagsubo niya ng slice ng orange dahil sa balita. Lumitaw sa screen ang statement ng city health office na nagsasabing may contaminant and linya ng tubig sa baranggay at pinayuhan ang mga nakatira doon na huwag iinom ng tubig na galing sa gripo. Napaisip si Maristela, kung water contaminant ay bakit ang magnobyo lang ang malalang tinamaan? The neighbors survived but not those two. Pagtingin niya sa cellphone ay may tawag mula sa kanyang ama.

    Last Updated : 2021-11-24
  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 10

    Nagulat si Maristela nang madatnan si Seig sa harap pinto ng flat niya, wala siyang pinagsasabihan kung saan siya nakatira. May dala itong paperbag mula sa isang fastfood chain at pumpon ng red roses. Ngumiti ito nang makita siya. “Hi!” bati nito sa kanya. “Hi! How did you get here?” nagtatakang tanong niya. Dinukot niya ang susi sa kanyang bulsa at isinuksok sa doork knob. Pinagbuksan niya si Seig ng pinto at pinatuloy. “I followed you earlier, yayayain sana kitang mag-breakfast pero may emergency call na dumating kaya ngayon na lang kita yayayaing kumain.” Ipinatong nito ang mga bulaklak at mga pagkain sa dining table. “Sorry kung nagulat kita.” Inihain na nito ang dala at pinaupo siya sa upuan. “What would you want me to know about Kristof?” “Nothing. Kumain na tayo, I’m starving!” Totoong kumakalam na ang sikmura niya dahil hindi pa siya nag-aagahan at dinadalaw na rin siya ng antok. Habang ngumunguya ng sausage ay may nag-uudyok sa kanya na di

    Last Updated : 2021-11-25
  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 11

    MASARAP ang gising ni Maristela, nag-inat siya bago umalis ng kama. Kung may ngiti ang mga labi niya bago matulog ay mayroon din sa paggising. Ngayon lang ulit siya nakatulog ng mahimbing at walang iniisip na problema. Wala na si Aquina roon ngunit may iniwan itong note sa side table kasama ang isang tangkay ng pulang rosas.I cooked spaghetti at pizza for you, inilagay ko na sa ref dahil hindi ko alam kung anong oras ka magigising, iinit mo na lang sa microwave. There’s a package for you it’s in the living room. A. Isinalang muna niya ang mga pagkain sa microwave bago kinuha ang package, ayon sa Scorpion na nakatatak sa ibabaw ng kahon ay mga bagong gamit ulit ito para sa kanya. Ipinasok niya sa kuwarto ang kahon at bumalik sa kusina, eksakto namang tapos na ang timer ng microwave kaya nagsimula na siyang kumain. Aquina is a good

    Last Updated : 2021-11-26
  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 12

    SINIGURO muna ni Maristela na tulog na ang kanyang ama bago tumawag sa Classique, kailangan niyang malaman kung naroon ba si Kristof. Isa sa mga waiter ang sumagot ng tawag at sinabing kaalis lang ni Kristof. Kailangan niyang makalabas ngayon din. Isa-isa niyang minanipula ang mga cctv sa loob at labas ng bahay gamit ang laptop ng kanyang ama sa library.Ayaw niyang sugurin ang mga bantay dahil alam niyang hindi rin siya makakalabas, may security ang bawat entrance at exit ng buong kabahayan. Mataas ang bakod roon kaya kumuha siya ng mahabang lubid na may hook sa dulo at mano-manong itinapon sa puno na nasa likod ng bakod. Nang kumapit ang hook ay mahigpit niyang itinali ang lubid sa grills ng bintana.Nang makasiguro na kakayanin ang bigat niya ay bumitin na siya at isinampay ang dalawang binti. Saglit siyang tumigil nang may nakita siyang bantay at nang nakaalis ay nagpatuloy siya sa pagtawid.Maayos naman siyang nakababa at tumakbo palayo, sumakay siya ng tax

    Last Updated : 2021-11-27
  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 13

    NAKANGISING kinuha ni Seig ang wolfsbane na nakalagay sa basurahan. Alas-otso ng umaga, sarado na ang Classique at siya na lamang ang natira roon. Nabalitaan niya na nakaligtas si Marci mula sa gas attack sa unit nito noong isang linggo. That woman cheated death so many times at gigil na gigil siya dahil doon. His phone chimed, tiningnan niya kung sino ang nag-text and binasa iyon.Macau.Iyon lang ang laman ng mensahe ngunit alam niya kung kanino galing iyon. He tried calling the number pero naka-block na agad iyon. Umakyat siya sa opisina at binuhay ang laptop. Kailangan niyang magpunta sa Macau.Tumunog ulit ang callphone niya.Bring Virgo.Anong nasa isip ni Zircon at gusto nitong dalhin niya si Maristela? Kahit kailan ay hindi niya mabasa ang taong ito. Matagal na siya sa underground business ngunit kahit kailan ay hindi pa niya nakikita si Zircon. Tanging untraceable messages ang paraan nito para makausap siya. Unang kita pa l

    Last Updated : 2021-11-28
  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 1

    CAN you please get a grip of yourself?! Ilang beses mo nang nabigyan ng maling orders ang mga customer?! Are you even listening to what they want to drink?!” gigil na sabi ni Seig sa bago niyang empleyadong si Marci. Ito ang bagong bartender ng exclusive night club na pagmamay-ari niya kasama ang dalawang pang kaibigan na sina Cane at Kristof. Hinila niya si Marci sa staff room bago pinagalitan. Hindi naman makatingin ng diretso ang babae sa kaniya. Higit pa sa limang beses itong nagkamali sa pagtitimpla ng cocktails at iyon ang unang pagkakataon na may narinig siyang complaint mula sa mga customers.Binigyan niya si Marci ng benefit of doubt dahil may gusto siyang malaman tungkol rito at maganda naman ang feedback ng dalawa niyang kaibigan sa babae. Mas malaki pa sa mukha nito ang suot na salamin sa mata at dinaig pa ang isang teenager dahil sa suot na braces. Noong una ay nag-request pa kung puwedeng hanggang sakong ang skirt bilang uniform, hindi siya pumayag kaya bi

    Last Updated : 2021-10-03

Latest chapter

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 13

    NAKANGISING kinuha ni Seig ang wolfsbane na nakalagay sa basurahan. Alas-otso ng umaga, sarado na ang Classique at siya na lamang ang natira roon. Nabalitaan niya na nakaligtas si Marci mula sa gas attack sa unit nito noong isang linggo. That woman cheated death so many times at gigil na gigil siya dahil doon. His phone chimed, tiningnan niya kung sino ang nag-text and binasa iyon.Macau.Iyon lang ang laman ng mensahe ngunit alam niya kung kanino galing iyon. He tried calling the number pero naka-block na agad iyon. Umakyat siya sa opisina at binuhay ang laptop. Kailangan niyang magpunta sa Macau.Tumunog ulit ang callphone niya.Bring Virgo.Anong nasa isip ni Zircon at gusto nitong dalhin niya si Maristela? Kahit kailan ay hindi niya mabasa ang taong ito. Matagal na siya sa underground business ngunit kahit kailan ay hindi pa niya nakikita si Zircon. Tanging untraceable messages ang paraan nito para makausap siya. Unang kita pa l

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 12

    SINIGURO muna ni Maristela na tulog na ang kanyang ama bago tumawag sa Classique, kailangan niyang malaman kung naroon ba si Kristof. Isa sa mga waiter ang sumagot ng tawag at sinabing kaalis lang ni Kristof. Kailangan niyang makalabas ngayon din. Isa-isa niyang minanipula ang mga cctv sa loob at labas ng bahay gamit ang laptop ng kanyang ama sa library.Ayaw niyang sugurin ang mga bantay dahil alam niyang hindi rin siya makakalabas, may security ang bawat entrance at exit ng buong kabahayan. Mataas ang bakod roon kaya kumuha siya ng mahabang lubid na may hook sa dulo at mano-manong itinapon sa puno na nasa likod ng bakod. Nang kumapit ang hook ay mahigpit niyang itinali ang lubid sa grills ng bintana.Nang makasiguro na kakayanin ang bigat niya ay bumitin na siya at isinampay ang dalawang binti. Saglit siyang tumigil nang may nakita siyang bantay at nang nakaalis ay nagpatuloy siya sa pagtawid.Maayos naman siyang nakababa at tumakbo palayo, sumakay siya ng tax

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 11

    MASARAP ang gising ni Maristela, nag-inat siya bago umalis ng kama. Kung may ngiti ang mga labi niya bago matulog ay mayroon din sa paggising. Ngayon lang ulit siya nakatulog ng mahimbing at walang iniisip na problema. Wala na si Aquina roon ngunit may iniwan itong note sa side table kasama ang isang tangkay ng pulang rosas.I cooked spaghetti at pizza for you, inilagay ko na sa ref dahil hindi ko alam kung anong oras ka magigising, iinit mo na lang sa microwave. There’s a package for you it’s in the living room. A. Isinalang muna niya ang mga pagkain sa microwave bago kinuha ang package, ayon sa Scorpion na nakatatak sa ibabaw ng kahon ay mga bagong gamit ulit ito para sa kanya. Ipinasok niya sa kuwarto ang kahon at bumalik sa kusina, eksakto namang tapos na ang timer ng microwave kaya nagsimula na siyang kumain. Aquina is a good

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 10

    Nagulat si Maristela nang madatnan si Seig sa harap pinto ng flat niya, wala siyang pinagsasabihan kung saan siya nakatira. May dala itong paperbag mula sa isang fastfood chain at pumpon ng red roses. Ngumiti ito nang makita siya. “Hi!” bati nito sa kanya. “Hi! How did you get here?” nagtatakang tanong niya. Dinukot niya ang susi sa kanyang bulsa at isinuksok sa doork knob. Pinagbuksan niya si Seig ng pinto at pinatuloy. “I followed you earlier, yayayain sana kitang mag-breakfast pero may emergency call na dumating kaya ngayon na lang kita yayayaing kumain.” Ipinatong nito ang mga bulaklak at mga pagkain sa dining table. “Sorry kung nagulat kita.” Inihain na nito ang dala at pinaupo siya sa upuan. “What would you want me to know about Kristof?” “Nothing. Kumain na tayo, I’m starving!” Totoong kumakalam na ang sikmura niya dahil hindi pa siya nag-aagahan at dinadalaw na rin siya ng antok. Habang ngumunguya ng sausage ay may nag-uudyok sa kanya na di

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 9

    NAKATUTOK sa telebisyon si Maristela habang nagbabalat ng orange, wala siyang pasok ngayon sa Classique kaya nasa condo unit lang muna siya. Nagkukulong siya sa kuwarto kanina pero paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang mga nangyari sa Tagaytay kaya lumabas siya para aliwin ang sarili."Patay ang magnobyo na nakatira sa isang apartment sa Quezon City dahil sa arsenic poisoning. Ayon sa mga kapitbahay ay maging sila ay nakadama ng ilang sintomas na lason ngunit tanging ang magnobyo lang ang hindi naagapan." Nabitin ang pagsubo niya ng slice ng orange dahil sa balita. Lumitaw sa screen ang statement ng city health office na nagsasabing may contaminant and linya ng tubig sa baranggay at pinayuhan ang mga nakatira doon na huwag iinom ng tubig na galing sa gripo. Napaisip si Maristela, kung water contaminant ay bakit ang magnobyo lang ang malalang tinamaan? The neighbors survived but not those two. Pagtingin niya sa cellphone ay may tawag mula sa kanyang ama.

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 8

    APAT na araw ang itinagal bago nahanap si Nato, anumang oras ay darating na ito sa mansion. Nasa basement si Logan at umiiyak sa sulok si Maya na nakatali ulit sa upuan at may busal ang bibig. Siya naman ay nasa kuwarto niya, naka-live feed ang basement sa laptop niya. Ang basement ng bahay ay niya ay madalang niyang ginagamit, para lang sa special occasion. This day is an special though. Walang laman ang basement, maliban sa inuupuan ni Maya sa sulok at table and chair sa gitna. Soundproof ang buong silid at walang bintana. The light was dimmed. Hindi naman niya masyadong pinahirapan si Maya, maliban sa pagkakatali ay wala na siyang ginawa rito. She was well-fed pero ayaw naman nitong kumain. Narinig niya ang pagbukas ng metal door ng basement kasabay ng sigaw ng lalaki. The guy was shouting Zircon. Lumitaw si Nato sa screen na hawak ng mga tauhan niya, he was blindfolded. Naka-activate na ang voice changer ng mic at itinapat niya ang bibig roon. "Welcome! Kan

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 7

    MAYBE I’m the worst person you knew but I can’t stand to see a woman crying,” turan ng binata matapos bigyan si Maristela ng halik. Doon niya napagtanto kung gaano siya kalungkot. Despite all the fun and thrill she have there something inside her that can’t be fulfilled by material things. Yumuko siya upang itago ang muling pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. “I need a drink,” hiling niya kay Aquina.“You can’t, you’re taking medicines,” tutol nito. Siya na ang pumunta sa kusina para maghanap ng kahit anong alak puwedeng inumin, hindi na siyang nagpatumpik-tumpik pa nang makita ang bote ng Chivas Regal, binuksan niya ito at direktang uminom sa bote. Ngumiwi siya dahil sa tapang ng alak ngunit hindi ito ang nakapigil sa kanya para uminom ulit.Maya maya ay kinuha na sa kanya ni Aquina ang bote, bumalik ito sa living room bitbit ang dalawang rock glass at maliit na timba ng yelo. Sumunod siya rito. It

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 6

    MARAMING pagkain ang nakahanda sa dining table, bacon, ham, hotdog, garlic rice, sunny side ups, orange juice at slices of fruits ang nakahain. Nakaramdam ng gutom si Maristela. Napasarap rin ang tulog niya kanina. Naroon sila sa porch ng malaking bahay ni Aquina. It’s a modern mini mansion na Greek ang tema. Everything is white and blue, nakakahalina ang infinity pool na napalilibutan ng mga asul at puting ilaw. Alas-otso na ng umaga at malamig pa ang simoy ng hangin. Nasa tabi niya si Aquina na naka-asul na roba. “I don’t know what you like kaya I prepared everything that I have. Hope you like it.” Ipinaghila siya nito ng upuan at inalalayan. “What brought you here?” Umupo nito sa harap niya at naglagay pa ng kanin at bacon sa plato niya. “Thank you. Tinamad lang siguro akong magluto.” Tsaka lang siya sumubo nang magsimulang kumain si Aquina. “You have a nice hair color. Totoo ba ‘yan?” &ldqu

  • Under the Enemy's Kiss   Chapter 5

    ZIRCON opened the door of the car and get in. Nasa driver's seat si Logan, ang kanyang assistant. Nilingon niya ang bahay kung saan nakatira si Maristela, ang tao magpapabagsak sa kanya. Kilala niya ang babae mula ulo hanggang paa, paanong hindi, mula pagkabata nito ay nakasubaybay na siya rito. It would really be nice kung makilala rin siya ng dalaga. Hindi alam ni Maristela na nakatutok siya sa bawat kilos nito at lagi siyang one-step forward laban rito."Where's my ring?" tanong niya kay Logan. Sumilip ito sa rearview mirror."Waiting for you."Mayroon silang bagong business deal katumabas ang ilang milyon para lang sa isang antique ring. Ipapahanap niya ang singsing sa isa sa mga tauhan niya para i-smuggle sa US kung saan naroon ang buyer. "We need to hurry up, I don't have enough time.""Aquina just sent me a report that Maristela contacted him. Bibisitahin raw siya ni Maristela," report ni Logan sa kanya. Inabot niya ang itim na attach

DMCA.com Protection Status