When the visions around you
Bring tears to your eyesAnd all that surrounds youAre secrets and liesI'll be your strengthI'll give you hopeKeeping your faith when it's goneThe one you should callWas standing here all alongAnd I will takeYou in my armsAnd hold you right where you belongTill the day my life is throughThis I promise youThis I promise you Nang matapos umawit ng This I Promise You ng NSYNC ay kaagad na nagpaalam sa crowd si Hugh. Tilian at sigawan ang maririnig lalo na sa mga kababaihan. Nagpunta na siya sa backstage at dumiretso sa dressing room nila. Nadatnan niya doon si Matthew."What's up?" aniya
"Just fine bro.. I'd better prepare. I'm next."
Kagaya niya ay singer - actor din ito. Halos nagkakapareho sila ng genre. Kasalukuyan nitong binibistahan ang sarili sa vanity mirror. Ito na kasi ang sunod na sasalang sa stage.
Umupo siya sa bakanteng upuan doon at saglit na ipinikit ang mga mata. Ang malakas na tunog ng kanyang cellphone ang pumukaw sa kanyang pamamahinga. Nakita niyang rumehistro sa telepono ang pangalan ng kanyang ina.
"Mom? What is it?" medyo kinakabahang tanong niya sa ina. Hindi kasi ito tumatawag pag alam nitong nasa isang trabaho siya.
"Hugh, Can you please come home? Your dad just had a heart attack."
Napaayos siya ng upo sa narinig. Ngayon lang nangyari na inatake sa puso ang ama. He's strong as a bull. What happened? Mabilis niyang hinanap si Kuya Mark upang magpaalam.
'I think it's time to go home.'
*************************
Nagulat si Ashley nang makarinig ng busina nang sasakyan.
'OMG! Muntik na ako doon ah. Lord wag muna po. Saka na po pag nakita ko na po si Hugh.' napapikit pa siya habang nag - aantanda sa kabang naramdaman.
Hindi niya napansin na naglalakad na siya sa daan sa pagdi daydream kay Hugh. Malakas na talaga ang tama niya! Paano ba naman, nakakita na naman siya ng poster ng binata sa nadaanang tindahan. Hays!
Bumaba ng kotse ang driver ng sasakyan. Namilog ang kanyang mga mata sa nakita.
'It was you! Este Hugh! Lord binabawi ko na po. Hindi pa po ako puwedeng mamatay!'
Hindi niya talaga inaasahan na makikita niya ito in person. Mas makisig at mas guwapo pala ito sa personal. Kaagad na kumabog ang kanyang dibdib. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso.
"Are you okay Miss?" malambing na boses na tanong nito.
'Wow grabe! Nasa heaven na ba ako?'
Hindi makapagsalita si Ashley sa sobrang starstruck na nararanasan kay Hugh. Hindi ito simpleng artista lang. Si Hugh ito, walang iba.
Bakas ang pag - aalalang lumapit ito sa kanya. "I'll take you to the nearest hospital."
'Hospital? Anong gagawin namin sa hospital?'
Nagpatianod lang siya sa lalaki nang akayin siya nito papasok ng sasakyan. Umikot naman ito pakabila patungo sa drivers' seat. Maya maya pa ay binabaybay na nila ang daan patungo sa hospital. Sa buong durasyon ng biyahe ay nakatulala at nakatingin pa rin siya sa guwapong mukha ng binata.
' OMG! Umuulan ng grasya. Lord I'll savor the moment while it lasts.'
***********************
Mabuti na lang at si ate Yna ang nag - asikaso sa kaniya. Kung hindi, naku katakot takot na kahihiyan ang matatamo niya sa ospital gayung maayos naman ang kanyang kalagayan. Halos pandilatan siya ng mata at kuritin sa singit ng kanyang ate Yna.
'Lagot na.'
Malamang masermunan siya nito mamaya pag - uwi nito galing sa duty. Sana lang hindi. Sana lang din hindi siya nito isumbong sa mga magulang niya.
'Cross - finger'
Nang yayain si ni Hugh na kumain sa isang resto ay nagpatianod naman siya. Aba, bakit hindi? Baka hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na makasama ang kanyang My Loves. Nais niya itong titigan pa at namnamin ang pagkakalapit nila. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon.
With his hoodie on, shades and cap, pumasok na sila sa pinakamalapit na resto. Nang lumapit ang staff sa kanila, Hugh ordered their foods. Mukhang kabisado nito ang mga specialty ng nasabing resto.
Kahit naman makapal ang mukha niya hindi niya maiwasang mailang sa presensiya ni Hugh.
Tumikhim ito clearing his throat. "Are you sure, you're okay na?'
Marahang siyang tumango. Ngumiti naman si Hugh na lalong nagpatingkad sa taglay nitong kaguwapohan.
"By the way, I'm Michael Hugh Perez."
'I know. Is there any person here on earth that doesn't know Hugh? Haler, isearch mo lang sa google nasa wikipedia facts about him.'
"I know. I'm one of your fans actually." nasabi na lamang niya.
Bahagya nitong pinisil ang kamay niyang nasa ibabaw ng table. "Thanks. It's nice to hear that from you."
Enebeyen.. akalain ba niyang may bibilhin lang siya sa tindahan ay uulanin na siya ng suwerte. Pinaalalahan niya ang sarili na imamark niya sa calendar ang date na ito.
***********************
One of the biggest regret ni Ashley ay hindi man lang siya nakapagpa picture with Hugh. Natulala na lang talaga siya. Nakaka starstruck lang kasi talaga. Napabuntunghininga na lang siya sa sobrang panghihinayang. 'Sayang naman.' Once in a lifetime lang hindi pa niya nasulit. Hindi pa naman siya sigurado kung kailan niya muli itong makikita. Sana soon. ASAP. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isa sa mga benches sa pathway ng BISU. "Siopao for my Ash!" 'Isa pa naman ito. Bigla bigla na lang sumusulpot.' Nasa harapan na niya ngayon si Zanjoe habang iniaabot sa kanya ang paper bag na may lamang siopao mula sa isang kilalang convenient store. "Ano na naman 'to? Tumataba na ako sa mga binibili mo eh. Paano pa ako magugustuhan ni Hugh My Loves nito?" Hindi makapaniwalang tumingin
Dahil ayaw na niyang gambalain ang mahimbing na tulog ni Ashley, ipinasya niyang huwag itong gisingin at pangkuin na lang hanggang sa silid nito. Hinayaan naman siya ni Manang Lydia na ihatid ang dalaga sa silid nito. Nang maibaba ang dalaga ay dahan - dahan inalis niya ang sapatos at medyas nito upang hindi ito magising. Lumuhod siya sa gilid ng kama at tinitigan ang magandang mukha ng dalaga. Maging sa pagtulog nito ay halatang may dinaramdam. Inilinga niya ang mata sa loob ng silid. There goes their pictures together. Simula pagkabata hanggang ngayong mga dalaga't binata na sila. 'Hays. Ito talaga ang mahirap sa magkasamang lumaki. Maaga pa lang ay na friendzone na siya. How he wished they didn't grew up together.' For Ashley what they have is a platonic relationship, but for him it was the other way around. He didn't know when did he start lo
"How do you feel now?" tanong ni Zanjoe kay Ashley na kasalukuyang nakahiga pa rin sa kama nito. Marahil gawa ng pangyayari kahapon samahan na naulanan ang dalaga kaya masama ang pakiramdam nito. Inilapag ni Zanjoe ang dalang prutas para kay Ashley bago umupo sa gilid ng kama nito. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng dalaga. Nanatili lang na nakatingin sa kanya ang dalaga. "Are you mad at me?" nag - aalangan niyang tanong dito. Hanggang ngayon kasi sinisisi pa rin niya ang sarili niya kung bakit nangyari iyon sa dalaga. Mula sa pagkakahiga ay marahan itong umupo na maagap naman niyang inalalayan. "No. I'm not. Bakit naman ako magagalit sa iyo? Hindi mo naman ginusto na mangyari iyon Zan. Thankful ako sa 'yo kasi lagi kang nandiyan. You're the best man ever!" bagaman malamlam an
Pudpod na yata ang swelas ng suot niyang Bahamas Flipflops slipper sa kakaparoon - parito niya sa may garden nina Ash. Kanina pa siya pinapapasok sa loob ng kabahayan ni Apollo ngunit panay ang tanggi niya. Nanawa na rin yatang magyaya kaya hindi na umulit si Apollo. Hindi niya kasi talaga maiwasang hindi mag - alala sa dalaga. Dapat nandito na yun kanina pa. Nagtext ito sa kanya na bibili lang ng VCD sa Oddysey Multi Media Store sa isang kilalang department store. Natrauma na talaga siya sa nangyari dito a month ago. Kung puwede nga lang kasama niya ito 24 hours a day, ginawa na niya. 'Damn! Pick up the phone Ash!' Kung bakit naman kanina pa niya ito tinatawagan pero ring lang ng ring ang cellphone. Hindi nakakatulong ang hindi nito pagsagot sa kanyang mga tawag sa kaba at takot na nararamdaman. Pumasok na siya sa kabahayan nina As
Ilang araw na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin makapaniwala si Ashley na may komunikasyon sila ng songwriter slash singer slash actor slash model na si Hugh Perez. Tuwing umaga hindi ito nakakalimot magtext at bumati sa kanya. Sa gabi naman ay through video call. Kaya naman tuwing hapon ay excited na siyang umuwi ng bahay upang makausap na si Hugh. Hindi naman niya magawang ishare ang kabanata ng buhay niyang ito sa kaibigan niyang si Zan dahil tiyak na tatawanan na naman siya nito. Baka isipin na naman nitong nababaliw na siya gaya nang dati. It was a dream come true. From the moment she laid her eyes on him noong contender pa lang ito ng XYZ Factor, agad na napukaw nito ang kaniyang atensiyon at interes. Hindi naman siya couch potato at mahilig sa mga artista but when she saw Hugh, hindi niya mapigilan ang sariling humanga sa binata. Total package ito, hindi trying hard na tulad ng iba at talaga namang t
"Ano! Manonood ka ng concert sa Manila nang mag - isa? Are you crazy?" hindi napigilang itanong ni Zan kay Ashley. Umiling naman ang dalaga. "Hindi naman ako mag - isa eh. Kasama ko naman sina Bergz, Jean at Eufritz." Tukoy niya sa mga kaklase at kaibigan sa BISU na sina Bergilen, Jean at Eufracia. 'You should have told me earlier. Para nagawan ko sana ng paraan na may nakarelyebo ako sa Sweet Buds at para nasamahan ko kayo." anitong hinihilot ang sentido. Wala na itong choice ngayon kundi magpaiwan dahil sold out na rin ang tickets ng concert nina Hugh Perez, Keith Pangilinan at Matthew Valdez. Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa braso nito. "Sorry Zan.. naging excited lang ako. Nakalimutan kong sabihin sa'yo." Sinimangutan at sinamaan lamang siya nito ng tingin. Mukhang masama talaga ang loob nito sa kanya.
Sa kabila ng mga tilian at hiyawan ay walang ibang naririnig si Ashley kundi ang malakas na tibok ng kanyang pusok. Nang dumistansiya sila ni Hugh sa isa't isa ay nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Maya maya pa'y dumating si Kristel sa harap ng entablado at nakangiting ikinawit ang mga braso sa beywang ng binata. Humarap naman si Hugh sa dalaga. A w k w a r d! Hindi pa man siya inihahatid ng binata pababa ng stage ay inunahan na niya ito. Yumukod at ngumiti siya sa mga ito. Malawak ang entablado pero wari niya'y napakaliit para sa kanilang tatlo. Three is a crowd, they say. Isa pa hindi na niya makayanan ang masasamang tingin, parini
Agad siyang umayos ng puwesto matapos mapa inhale exhale bagaman ang kalooban niya ay hindi pa rin niya magawang pakalmahin. "W-what are you doing here?" manghang tanong niya. Napangiti naman ito sa tanong niya. ''Having good time I guess. After a tiring day, we decided to have a victory party for our successful concert. Sandali lang naman kami and then we're going to sleep. A sleep we deserve." "Ah.. ok. S-sige, I'll go ahead." paalam niya sa binata. Natatakot siyang may makakita pa sa kanilang avid fan ng binata. She can no longer bear another hates and bash from them. Paalis na sana siya nang pigilan siya ng binata. "Amm.. wait Ashley. Sorry about what happened earlier. Hindi ko alam na gagawin iyon ni Kristel. Nagulat din ako. I'm really sorry." Hindi naman niya
Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Kahit nag - aalala sa dalaga ay hindi niya naiwasang mapansin na wala na ang lahat ng posters ni Hugh sa dingding. Ang nakakagulat ay ang mga pumalit na posters ng mga endorsements niya. Is it true? Hindi ba siya nananaginip lang? Agad niyang ibinaba ang dalaga sa kama nito. Inalis niya ang suot nitong sapatos upang maginhawahan ang pakiramdam nito. Pakiramdam niya ay bumalik s
I can't stand to flyI'm not that naiveI'm just out to findThe better part of meI'm more than a bird, I'm more than a planeI'm more than some pretty face beside a trainAnd it's not easy to be meI wish that I could cryFall upon my kneesFind a way to lieBout a home I'll never seeIt may sound absurd but don't be naiveEven heroes have the right to bleedI may be disturbed but won't you concedeEven heroes have the right to dream?And it's not easy to be me Zanjoe couldn't help but look back to her. To his Ashley. All this time mahal na mahal pa rin niya ang dalaga. Aminado naman siya doon. But then itinuloy pa rin niya ang pagpunta sa New York. Aside from kailangan niyang ayusin ang ilang endorsements niya, samahan si Graciella pabalik para sa treatments nito, he also needed some space to think things over. Sabi nga sa kanta ng Five for Fightings n
Kasalukuyang nagbi brisk walking si Ashley nang mamataan niya ang pagdating ng sasakyan ni Hugh. "Good morning Ashley!" magiliw na bati sa kanya ni Hugh. Mabilis itong bumaba ng sariling sasakyan at humalik sa kanyang pisngi. "Oh Hi Hugh.. Aga naman ng dalaw ni Jamie." tukso niya sa kaibigan. "Yeah.. yeah. Inagahan ko na. Masama daw kasi pakiramdam niya. Sakto namang nandito ako sa Batangas." Hindi nila napansin ang paparating na sasakyan ni Zanjoe kaya nagulat na lang sila sa malakas at sunud - sunod na busina nito sa gate ng mga ito. Nang magtagal at walang nagbubukas sa gate ay mukhang napilitang bumaba si Zanjoe sa sasakyan upang ito na ang magbukas ng gate. Minsan pang tinapunan sila nito ng masamang tingin bago tuluyang ipinasok ang sasakyan sa bakuran ng mga ito.
Pinili ni Ashley na mapag - isa. She went out. Kinailangan niya iyon. Kailangan niyang lumanghap ng hangin. Kailangang payapain ang sarili. How she wished she could turn back time. Sa panahong ayos pa ang lahat sa kanila ni Zanjoe. She would never waste a time to show him how much she value him. How much she looks up to him. Malalim na buntunghininga pa ang kanyang pinakawalan.Nang masigurado sa sariling kalmado at okay na siya ay nagpasya na siyang bumalik sa Hotel. Hindi niya inaasahan na sa kanyang pagbabalik sa Crystal Hotel ay mabubungaran niya sa lobby ang nakakunot noong si Zanjoe. Mabilis ang hakbang na nilapitan siya nito. "Where have you been?" anang galit na tinig ni Zanjoe. Napasinghap si Ashley sa pagkagulat. Bumilis ang tibok ng puso niya. 'Kalma lang Ashley. It's only Zanjoe,
Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine. Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang
"Oh hi baby!" magiliw na bati ni Miles sa anak nang makita siyang bumungad sa kusina. Maghapon kasi siyang nagkulong sa kanyang kuwarto today sa dami ng kanyang ginagawa bilang preparasyon sa laban niya as Outstanding Teacher. Isinasaayos niya ang ilang mga supporting documents mula sa pagiging coordinator ng iba't ibang larangan, winning coach sa mga contests, authorship, organization and civic activities rendered. Matapos mag half bath ay tinungo niya ang dresser. Pumili na lamang siya ng bestida para mas presko sa pakiramdam. Pinasadahan niya ng tingin sa salamin ang sarili at nang makuntento na ay tuluyang bumaba patungo sa kusina. Napamaang siya sa nakitang nakahandang mga pagkain sa mesa. Samu't saring putahe ang ngayon ay nasa kanyang harapan. May iba't ibang klaseng dessert din. "Ma anong meron? Bakit mukhang may papiyesta kayo?" nagtatakang tanong niya sa ina. Wala namang
"Ash.. l-lets break up."Mabilis, diretso at puno ng pait ang boses ang tinig ni Hugh nang marinig niya ito. "Anong sabi mo Hugh?' napabaling ang atensiyon ng dalaga sa katabi. "U- ulitin mo nga ang sinabi mo?" nagulat na tanong niya sa binata. Bakit naman biglang bigla ay makikipag - break ito sa kanya. Minsan pang napabuntunghininga ang binata. "I said lets break up." Nagtatakang tumingin siya dito. Umiwas naman ito ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagkislap ng sulok ng mata nito. He truly loves her. Kung naiba - iba sana ang sitwasyon at pagkakataon, masusuklian sana niya ang pagmamahal na ito ng binata. "You know how much I love you Ashley. Kaya lang this relationship will not work anymore. At first in denial pa ako. Because we shared so much love before. Pero nag - iba. Mahal kita Ash pero alam kong mahal
Masyadong masakit para kay Ashey ang nalaman mula sa ina. Ganoon na lamang ba iyon? Bakit hindi man lang nagpaalam sa kanya ang kaibigan? Talaga bang wala na ito ni katiting na maalala tungkol sa kanya? Tumalikod na lamang siya sa ina upang itago ang luhang unti unting namalisbis sa kanyang pisngi. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid. Hindi na niya nagawang isarado ang silid. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang buong katawan. Sumandal siya sa pader ng silid upang doon kumuha ng suporta. Hindi na niya tuluyang napigilan ang pagkawala ng hikbi habang umiiyak. "Zan.." Mamaya pa'y napayukyok na siya sa isang sulok. Patuloy sa kanyang pagtangis habang minamasdan ang mga lumang larawan nila ng kaibigan. Mapait siyang napangiti habang iniisa isang tignan ang mga ito. Si Zanjoe na nagturo sa kanyang magbisikleta, selfies nila sa ice cream
Hanggang sa makalabas ng ospital si Zanjoe ay kibuin dili siya nito. Bagaman nahihirapan sa kakaibang pakikitungo ng binata ay tiniis niya makita at mabantayan man lamang ito paminsan - minsan. Mabuti na lamang at closing na. Wala silang kailangang habuling klase. Lumabas siya ng veranda upang magpahangin nang matanawan niyang nasa kabilang veranda naman si Zanjoe adjacent to hers. Mukhang hindi siya nito napapansin at malayo ang tingin nito. Matagal niyang tinitigan ang mukha ng kababata. Naroon pa rin ang ilang sugat sa ilang bahagi ng katawan at mukha nito. Ngunit bakas pa rin ang kagwapuhan nito. He was the typical tall, dark and handsome na kalimitang description sa mga romance novel na nababasa niya. Nagtataglay ito ng itim na itim na mga mata, matangos na ilong at mapulang labi na bumagay sa morenong kulay nito. Nang maramdaman marahil na may nakatingin ay pumaling an