Ilang araw na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin makapaniwala si Ashley na may komunikasyon sila ng songwriter slash singer slash actor slash model na si Hugh Perez. Tuwing umaga hindi ito nakakalimot magtext at bumati sa kanya. Sa gabi naman ay through video call. Kaya naman tuwing hapon ay excited na siyang umuwi ng bahay upang makausap na si Hugh. Hindi naman niya magawang ishare ang kabanata ng buhay niyang ito sa kaibigan niyang si Zan dahil tiyak na tatawanan na naman siya nito. Baka isipin na naman nitong nababaliw na siya gaya nang dati.
It was a dream come true. From the moment she laid her eyes on him noong contender pa lang ito ng XYZ Factor, agad na napukaw nito ang kaniyang atensiyon at interes. Hindi naman siya couch potato at mahilig sa mga artista but when she saw Hugh, hindi niya mapigilan ang sariling humanga sa binata. Total package ito, hindi trying hard na tulad ng iba at talaga namang talented. Ang makita lang ito ay masaya na siya, bonus na lang ang mapansin din siya nito.
Kasalukuyan siyang nasa library habang hinihintay ang kaibigan na si Zan. May meeting kasi ang mga ito as staff ng BISUAN "The Horizon" Journal. Ang binata kasi ang editorial cartoonist ng nasabing school paper organization ng unibersidad.
Naramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone hudyat na may dumating siyang mensahe. Mabilis niyang kinuha ang cellphone mula sa kanyang skirt at tinignan kung kanino nagmula ang mensahe. Awtomatikong napangiti siya nang makitang galing iyon kay Hugh.
'Can't wait to see you.' - Hugh
Parang sirang plakang nagpa ulit - ulit sa isip ni Ashley ang sinabi ni Hugh.
'Wala namang akong masabi.. sheeet! Ang haba ng hair.' walang pagsidlan ang kilig na sabi niya sa sarili.
Sinulyapan niya ang orasan sa bisig. Alas singko y medya na. Siguradong maya - maya lang ay andito na si Zan. Isang oras at kalahati na nang magsimula ang meeting ng mga ito. Hindi maalis - alis ang ngiting nagsimula na siyang iligpit ang notebooks niya upang ilagay sa loob ng kanyang bag.
"Anong nangyari sa 'yo? Mukha kang baliw." maang na tanong sa kaniya ni Zan. "Nangingiti kang mag - isa diyan."
Inirapan niya ito bagama't nakangiti pa rin. "Happy lang."
Naiiling na lang na sinabayan siya nito sa paglalakad patungo sa parking area ng unibersidad kung saan nakaparada ang sasakyan nito.
*********************
There's something different about Ashley. That he could tell. Kakaiba ang kislap ng mata at ngiti nito from morning 'till dawn. Minsan ay napapangiting mag - isa. Kailangang malaman niya kung ano ang dahilan ng kakaibang ikinikilos ng dalaga.
"Zan..." pukaw sa kanya ng kanyang ina. Kasalukuyan itong naglalagay sa tupperware ng lutong ulam na kahahango pa lamang sa lutuan.
Kunot noong napatingin naman siya sa kanyang ina.
"Dalhin mo nga ito sa iyong mga Tita Miles. Paborito niya itong luto kong ito. Tiyak na matutuwa iyon." nakangiting utos sa kanya ng ina.
Mabilis na kinuha niya sa ina ang tupperware na naglalaman ng lutong ulam upang dalhin sa kabilang bahay. Tamang tama at pupuntahan naman talaga niya si Ashley.
"Sige po 'my. Dadalhin ko na po ito sa kabila." aniya sa ina.
"Wag kang magtatagal. Kakain na rin tayo." bilin nito.
Tumango lang siya at hindi na niya ito nilingon. Dire - diretso na siyang lumabas ng bahay.
Nang makarating sa kabilang bahay ay sinalubong siya ng ina ni Ashley. Agad namang hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga.
"Tita, good evening po. Pinadadala po ni Mommy." sabay abot ng tupperware na naglalaman ng lutong ulam.
Agad namang namilog ang mga mata ni Tita Miles nang makita ang laman ng tupperware.
"Wow! Pakisabi kay Sis Karren na salamat ha. Alam na alam talaga niya ang paborito ko." nakangiting sabi nito habang isinasalin sa ibang lalagyan ang pagkain.
"Tita, si Ash po?" tanong niya dito.
Iminuwestra naman nito ang daan patungo sa kuwarto ng dalaga. "Nasa kuwarto niya. Puntahan mo nga doon. Sabihin mo ay bumaba na siya at kakain na."
Tumango - tango naman siya sa ginang. Sanay na ang mga ito sa kanila kaya ganoon na lamang ang tiwala sa kanila ng mga magulang. Umakyat at mabilis na tinahak niya ang daan patungo sa silid ng dalaga.
Marahan siyang kumatok ngunit walang nagbubukas ng pinto. Inulit niya nang mas malakas kaysa sa naunang pagkatok ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. No choice at nag - aalalang pinihit niya ang seradura na agad namang nagbukas sapagkat hindi naman ito nakalock.
"Ash.. buma.." hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makita sa screen ng laptop ng dalaga ang kinasasawaang na niyang mukha ng idolo nitong si Hugh Perez. Base sa hitsura ng mga ito, mukhang kanina pa ang mga itong magkausap through videocall.
'What the hell? Is this for real?" napamaang tanong niya sa sarili. 'Kailan pa? Bakit hindi ko man lang namalayan?'
Nanlalaki ang matang iminuwestra sa kanya ni Ashley na lumabas siya ng silid nito.
'Fuck!And now she's asking me to leave her just like that!' Numipis ang labi sa pagpipigil ng damdamin ng binata.
May takot at kabang lumukob sa kanyang damdamin. Ito na ba ang araw na kinatatakutan niya? Ngayong nakikita niya ang ibang kinang ng mata nito at mga ngiti, alam niyang may nabago na sa buhay nito.
'Lord, please no!'
*************************
"Ano! Manonood ka ng concert sa Manila nang mag - isa? Are you crazy?" hindi napigilang itanong ni Zan kay Ashley. Umiling naman ang dalaga. "Hindi naman ako mag - isa eh. Kasama ko naman sina Bergz, Jean at Eufritz." Tukoy niya sa mga kaklase at kaibigan sa BISU na sina Bergilen, Jean at Eufracia. 'You should have told me earlier. Para nagawan ko sana ng paraan na may nakarelyebo ako sa Sweet Buds at para nasamahan ko kayo." anitong hinihilot ang sentido. Wala na itong choice ngayon kundi magpaiwan dahil sold out na rin ang tickets ng concert nina Hugh Perez, Keith Pangilinan at Matthew Valdez. Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa braso nito. "Sorry Zan.. naging excited lang ako. Nakalimutan kong sabihin sa'yo." Sinimangutan at sinamaan lamang siya nito ng tingin. Mukhang masama talaga ang loob nito sa kanya.
Sa kabila ng mga tilian at hiyawan ay walang ibang naririnig si Ashley kundi ang malakas na tibok ng kanyang pusok. Nang dumistansiya sila ni Hugh sa isa't isa ay nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Maya maya pa'y dumating si Kristel sa harap ng entablado at nakangiting ikinawit ang mga braso sa beywang ng binata. Humarap naman si Hugh sa dalaga. A w k w a r d! Hindi pa man siya inihahatid ng binata pababa ng stage ay inunahan na niya ito. Yumukod at ngumiti siya sa mga ito. Malawak ang entablado pero wari niya'y napakaliit para sa kanilang tatlo. Three is a crowd, they say. Isa pa hindi na niya makayanan ang masasamang tingin, parini
Agad siyang umayos ng puwesto matapos mapa inhale exhale bagaman ang kalooban niya ay hindi pa rin niya magawang pakalmahin. "W-what are you doing here?" manghang tanong niya. Napangiti naman ito sa tanong niya. ''Having good time I guess. After a tiring day, we decided to have a victory party for our successful concert. Sandali lang naman kami and then we're going to sleep. A sleep we deserve." "Ah.. ok. S-sige, I'll go ahead." paalam niya sa binata. Natatakot siyang may makakita pa sa kanilang avid fan ng binata. She can no longer bear another hates and bash from them. Paalis na sana siya nang pigilan siya ng binata. "Amm.. wait Ashley. Sorry about what happened earlier. Hindi ko alam na gagawin iyon ni Kristel. Nagulat din ako. I'm really sorry." Hindi naman niya
Crumpled papers here, there and everywhere. Sinuman ang makakakita ng kasalukuyang hitsura ng kuwarto ni Zanjoe ay iisipin na dinaanan ito ng matinding bagyo. Tiim bagang na muling nagtapon si Zanjoe ng crumpled paper sa waste basket pero muli na naman itong nagsala sa butas. 'God. I commanded myself not to love her romantically pero pasaway talaga ang puso ko eh. Sana mapagod na itong magmahal sa 'yo Hera Ashley." aniyang tumitig sa larawan ng dalaga sa kanyang silid. Siya mismo ang gumuhit nito. Karamihan sa kuwadrong larawan nito na nakasabit sa dinding ng kanyang silid ay obra niya mismo. Iyon naman talaga ang passion niya. Ang gumuhit, ang magpinta. Ngunit sa kagustuhan na palaging maprotektahan ang kaibigan na si Ashley ay pinili niyang samahan ito sa pangarap nito na maging guro at sundan ang yapak ng inang si Miles. Last minute ay binura niya ang kursong nakasulat sa Entrance Exam Application Form sa kolehi
Mula sa pagkakatalungko sa silid ay biglang napabalikwas si Zanjoe. Apollo's words strike him straight into his heart like a dagger. It opened his mind and heart that he should do something about it. Tama siya. Kailangan niyang kumilos.'The longer you stay in the friend zone, the harder it is to get out. If you want the girl, man up, and get her. Move dude.'Those words uttered by Apollo made him realized how fool he is. Kung hindi pa siya mati threaten sa presence ni Hugh not virtually but this time physically present na ito sa buhay ng dalaga hindi siya matatauhan. Kung noon nga na sa TV lang at posters ito nakikita parang hangin na siya how much more ngayon na may komunikasyon na ang mga ito sa isa't isa. Hanggang friendzone na lang ba talaga siya kung saan pakiramdam niya ay safe siya to be with her o he will t
She's not in the mood to do anything so she decided to go to the park. She didn't even bother Zanjoe for today. Mukhang may pinagdadaanan ang isang yon. Ilang araw na rin niyang napapansin na wala ito sa sarili. Magsasalita lamang ito sa tuwing may itinatanong siya. Naupo siya sa bakanteng swing doon. Mula sa hawak na cellphone ay hinanap niya at nag play ng music ni Hugh. Ang Everything I Own na original ng Bread. Ipinikit niya ang mga mata upang damhin ang musika. Muli siyang napamulat ng mata nang maramdamang umangat ang mga paa sa lupa at iduyan ng kung sino. As she expected, it was Zanjoe. She smiled at him and he smiled back. But his smile never reached his eyes like it always does. There's something wrong, she could sense it. Itinigil nito ang pagduyan sa kanya nang mapan
"For you Ash." iniabot ni Hugh sa kanya ang isang bouquet ng Malaysian Mums na dala nito. Gayundin ang 1 box na cake. Agad naman niyang tinanggap ang mga ito. "Thank you." inilapag niyang muli ang mga ito sa center table. "Kanina ka pa ba?" Umiling iling naman ito. "Hindi naman mga 15 minutes pa lang naman. Okay lang din at kahit papaano ay nakapag usap kami nina Tito at Tita." Ngumiti naman siya sa binata. Natutunaw ang puso sa effort na ipinakikita nito gayong hindi biro ang lumuwas sa schedule ng trabaho nito. "I've already asked their permission to formally court you. I've told them na matagal na rin naman tayong magkakilala at may constant communication kahit magkalayo tayo. I'm glad they allowed me basta lang daw hahaya
It's almost 9 in the evening. Siguro naman wala na kina Ash ang bwisita nito. Tsk tsk.. kung kailan naman nagdecide siya na magtapat na sa dalaga saka naman umeeksena ang Hugh Perez na iyan. Or maybe dahil talaga sa pag eksena ni Hugh Perez kaya namotivate siya na kumilos na. Aminin man niya o hindi nati threaten siya sa presence ng binata.For so long that he kept his feelings inside him sa takot na magalit at magbago ang pakikitungo sa kanya ng dalaga, Apollo made him realized na hindi siya dapat mag stay sa comfort zone, sa friend zone if he really wanted Ashley to see him as more than a friend. Napatiim bagang siya nang makita ang sasakyan ni Hugh sa bakuran ng mga Quintin. Hindi pa rin pala umaalis ang binata. "Oh Zan.. andiyan ka pala. Halika, tuloy ka." anang kanyang Tita Miles. Duplicate talaga nito si Ashley.Maputi at bilugang mukha at natural ang pagka
Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Kahit nag - aalala sa dalaga ay hindi niya naiwasang mapansin na wala na ang lahat ng posters ni Hugh sa dingding. Ang nakakagulat ay ang mga pumalit na posters ng mga endorsements niya. Is it true? Hindi ba siya nananaginip lang? Agad niyang ibinaba ang dalaga sa kama nito. Inalis niya ang suot nitong sapatos upang maginhawahan ang pakiramdam nito. Pakiramdam niya ay bumalik s
I can't stand to flyI'm not that naiveI'm just out to findThe better part of meI'm more than a bird, I'm more than a planeI'm more than some pretty face beside a trainAnd it's not easy to be meI wish that I could cryFall upon my kneesFind a way to lieBout a home I'll never seeIt may sound absurd but don't be naiveEven heroes have the right to bleedI may be disturbed but won't you concedeEven heroes have the right to dream?And it's not easy to be me Zanjoe couldn't help but look back to her. To his Ashley. All this time mahal na mahal pa rin niya ang dalaga. Aminado naman siya doon. But then itinuloy pa rin niya ang pagpunta sa New York. Aside from kailangan niyang ayusin ang ilang endorsements niya, samahan si Graciella pabalik para sa treatments nito, he also needed some space to think things over. Sabi nga sa kanta ng Five for Fightings n
Kasalukuyang nagbi brisk walking si Ashley nang mamataan niya ang pagdating ng sasakyan ni Hugh. "Good morning Ashley!" magiliw na bati sa kanya ni Hugh. Mabilis itong bumaba ng sariling sasakyan at humalik sa kanyang pisngi. "Oh Hi Hugh.. Aga naman ng dalaw ni Jamie." tukso niya sa kaibigan. "Yeah.. yeah. Inagahan ko na. Masama daw kasi pakiramdam niya. Sakto namang nandito ako sa Batangas." Hindi nila napansin ang paparating na sasakyan ni Zanjoe kaya nagulat na lang sila sa malakas at sunud - sunod na busina nito sa gate ng mga ito. Nang magtagal at walang nagbubukas sa gate ay mukhang napilitang bumaba si Zanjoe sa sasakyan upang ito na ang magbukas ng gate. Minsan pang tinapunan sila nito ng masamang tingin bago tuluyang ipinasok ang sasakyan sa bakuran ng mga ito.
Pinili ni Ashley na mapag - isa. She went out. Kinailangan niya iyon. Kailangan niyang lumanghap ng hangin. Kailangang payapain ang sarili. How she wished she could turn back time. Sa panahong ayos pa ang lahat sa kanila ni Zanjoe. She would never waste a time to show him how much she value him. How much she looks up to him. Malalim na buntunghininga pa ang kanyang pinakawalan.Nang masigurado sa sariling kalmado at okay na siya ay nagpasya na siyang bumalik sa Hotel. Hindi niya inaasahan na sa kanyang pagbabalik sa Crystal Hotel ay mabubungaran niya sa lobby ang nakakunot noong si Zanjoe. Mabilis ang hakbang na nilapitan siya nito. "Where have you been?" anang galit na tinig ni Zanjoe. Napasinghap si Ashley sa pagkagulat. Bumilis ang tibok ng puso niya. 'Kalma lang Ashley. It's only Zanjoe,
Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine. Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang
"Oh hi baby!" magiliw na bati ni Miles sa anak nang makita siyang bumungad sa kusina. Maghapon kasi siyang nagkulong sa kanyang kuwarto today sa dami ng kanyang ginagawa bilang preparasyon sa laban niya as Outstanding Teacher. Isinasaayos niya ang ilang mga supporting documents mula sa pagiging coordinator ng iba't ibang larangan, winning coach sa mga contests, authorship, organization and civic activities rendered. Matapos mag half bath ay tinungo niya ang dresser. Pumili na lamang siya ng bestida para mas presko sa pakiramdam. Pinasadahan niya ng tingin sa salamin ang sarili at nang makuntento na ay tuluyang bumaba patungo sa kusina. Napamaang siya sa nakitang nakahandang mga pagkain sa mesa. Samu't saring putahe ang ngayon ay nasa kanyang harapan. May iba't ibang klaseng dessert din. "Ma anong meron? Bakit mukhang may papiyesta kayo?" nagtatakang tanong niya sa ina. Wala namang
"Ash.. l-lets break up."Mabilis, diretso at puno ng pait ang boses ang tinig ni Hugh nang marinig niya ito. "Anong sabi mo Hugh?' napabaling ang atensiyon ng dalaga sa katabi. "U- ulitin mo nga ang sinabi mo?" nagulat na tanong niya sa binata. Bakit naman biglang bigla ay makikipag - break ito sa kanya. Minsan pang napabuntunghininga ang binata. "I said lets break up." Nagtatakang tumingin siya dito. Umiwas naman ito ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagkislap ng sulok ng mata nito. He truly loves her. Kung naiba - iba sana ang sitwasyon at pagkakataon, masusuklian sana niya ang pagmamahal na ito ng binata. "You know how much I love you Ashley. Kaya lang this relationship will not work anymore. At first in denial pa ako. Because we shared so much love before. Pero nag - iba. Mahal kita Ash pero alam kong mahal
Masyadong masakit para kay Ashey ang nalaman mula sa ina. Ganoon na lamang ba iyon? Bakit hindi man lang nagpaalam sa kanya ang kaibigan? Talaga bang wala na ito ni katiting na maalala tungkol sa kanya? Tumalikod na lamang siya sa ina upang itago ang luhang unti unting namalisbis sa kanyang pisngi. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid. Hindi na niya nagawang isarado ang silid. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang buong katawan. Sumandal siya sa pader ng silid upang doon kumuha ng suporta. Hindi na niya tuluyang napigilan ang pagkawala ng hikbi habang umiiyak. "Zan.." Mamaya pa'y napayukyok na siya sa isang sulok. Patuloy sa kanyang pagtangis habang minamasdan ang mga lumang larawan nila ng kaibigan. Mapait siyang napangiti habang iniisa isang tignan ang mga ito. Si Zanjoe na nagturo sa kanyang magbisikleta, selfies nila sa ice cream
Hanggang sa makalabas ng ospital si Zanjoe ay kibuin dili siya nito. Bagaman nahihirapan sa kakaibang pakikitungo ng binata ay tiniis niya makita at mabantayan man lamang ito paminsan - minsan. Mabuti na lamang at closing na. Wala silang kailangang habuling klase. Lumabas siya ng veranda upang magpahangin nang matanawan niyang nasa kabilang veranda naman si Zanjoe adjacent to hers. Mukhang hindi siya nito napapansin at malayo ang tingin nito. Matagal niyang tinitigan ang mukha ng kababata. Naroon pa rin ang ilang sugat sa ilang bahagi ng katawan at mukha nito. Ngunit bakas pa rin ang kagwapuhan nito. He was the typical tall, dark and handsome na kalimitang description sa mga romance novel na nababasa niya. Nagtataglay ito ng itim na itim na mga mata, matangos na ilong at mapulang labi na bumagay sa morenong kulay nito. Nang maramdaman marahil na may nakatingin ay pumaling an