MARICAR POV:Paglapit namin ng mga anak ko sa customer lounge, naramdaman ko agad ang bigat ng gustong sabihin nila. Pareho silang tahimik habang hawak ang mga kamay ko, kaya alam kong hindi ito simpleng usapan lang. Naupo kami sa isang malambot na sofa, at hinawakan ko ang magkabilang kamay nina Lyca at Eunice."Okay, mga anak," simula ko, pinisil ang maliliit nilang kamay. "Ano ba ang gusto n'yong sabihin kay Mama?"Nagkatinginan muna sina Lyca at Eunice. Halatang nag-aalangan sila, pero sa huli, si Lyca ang unang naglakas ng loob."Mama," mahina niyang sabi, habang hinahawakan ang laylayan ng suot niya, halatang kinakabahan."Kanina po kasi, sila Papa at Tita Ericka nag...""Mama, hindi pa po nababayran ang tuition namin sa school." agad naman na singit ni EuniceNapatingin ako sa kanya, at sa tono ng boses niya, ramdam kong kanina pa nila iniinda ang problema. Si Lyca naman ay yumuko, tila ayaw ipakita ang lungkot na nararamdaman niya.Ngumiti ako nang bahagya, pilit na pinapakalm
Maricar's POV:Pagkatapos ng mahaba-habang pag-uusap namin ng mga anak ko tungkol sa kanilang tuition, napansin ko ang bahagyang paggaan ng kanilang pakiramdam. Pero alam kong hindi ito matatapos sa simpleng pangako lang. Kailangan kong gumawa ng aksyon. At ito na lang talaga ang pinakamabilis na paraan.Habang hindi pa ako tinatawag nila Ma'am Elenor, sinamantala ko ang pagkakataon para kausapin ang mga anak ko tungkol sa plano ko. Alam kong magiging malaking pagbabago ito para sa kanila, pero kailangang magawa ko ito nang maayos. Huminga muna ako nang malalim bago nagsimula."Mga anak," simula ko habang iniabot ang kamay ko kay Lyca at Eunice. "May gusto akong sabihin sa inyo. Tungkol ito sa plano ni Mama para makatulong tayo sa mga gastusin, lalo na sa tuition niyo."Nagkatinginan ang dalawa, halatang nag-aalala. Si Eunice ang unang nagtanong. "Ano po iyon, Mama? Mahirap po ba?"Ngumiti ako nang bahagya, sinusubukang gawing magaan ang pakiramdam nila. "Hindi naman mahirap, mga anak.
MARICAR POV:Matapos ang mahabang usapan namin ng mga anak ko, inaya na sila ni Lisa upang samahan sa ibang bahagi ng shop. Naiwan kaming tatlo nina Ma’am Kath at Sir Alejandro upang harapin ang mas seryosong usapan, ang tungkol sa kontrata. Ramdam ko ang bahagyang kaba sa dibdib ko, pero pinilit kong ipakita ang pagiging kalmado."Maricar," simula ni Ma’am Kath, habang marahan niyang inilabas ang isang folder mula sa kanyang bag. Ang maaliwalas na ngiti niya ay tila nagtatangkang paluwagin ang tensyon na nararamdaman ko. "Ito ang mga detalye ng kontrata para sa modeling job. Gusto kong ipaliwanag ang lahat ng nilalaman nito bago ka magdesisyon."Tumango ako, kahit ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko. "Sige po, Ma’am. Ano po ang mga kailangan kong malaman?"Inihanda namin ito bilang short-term contract," paliwanag niya habang inaabot sa akin ang dokumento. "Tatagal lamang ito ng tatlong buwan. Ang kailangan lang ay dumalo ka sa mga photoshoots at ilang promotional events.
MARICAR POV**Habang patuloy na masaya si Ma’am Kath sa pagbabasa ng mga komento, hindi ko maiwasang maramdaman ang bahagyang kaba na bumabalot sa dibdib ko. Napakabilis ng mga pangyayari—parang kahapon lang ay simple lang ang buhay namin ng mga anak ko, ngunit ngayon, heto na ako, pinag-uusapan at tila nagiging sentro ng atensyon. Sa kabila ng lahat, naroon ang isang bahagi ng puso ko na nagsisimulang maniwala na baka nga kaya ko ito.Biglang nagsalita si Sir Alejandro, dahilan para mapalingon ako sa kanya. “Maricar,” aniya, mahinahon ngunit ramdam ko ang tiwala sa boses niya, “kung ganito kaganda ang naging resulta ng unang subok mo, sigurado akong mas marami pang magugustuhan ang makikita nila sa’yo. Pero… gusto kitang tanungin—handa ka na ba talaga sa mas malaking spotlight?”Hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko, bumagal ang oras, at unti-unti kong tinatanong ang sarili ko: Handa na nga ba talaga ako? Bago pa man ako makahanap ng tamang sagot, biglang sumulpot si Lisa kasama an
MARICAR POV:Habang tahimik kong pinagmamasdan ang mga anak kong mahimbing na natutulog, unti-unting bumigat ang dibdib ko. Pinilit kong ngumiti, pero ramdam kong pumipintig ang sakit sa puso ko habang tinatanaw ko sila. Ang kanilang maliliit na kamay na nakapahinga sa unan, ang banayad na paghinga na tila payapang-papayapa, ay parang paalala kung gaano kasimple ang kanilang mundo. Isang mundong pilit kong ipinaglalaban na huwag masira, kahit wasak na ako.Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Isa-isang bumagsak ang pag patak habang bumabalik sa alaala ko ang mga masasakit na araw kasama si Nathan. Hindi ko makalimutan ang mga gabing umiiyak ako sa sulok ng kwarto habang ang malamig niyang titig, ang mga salitang bumabasag sa akin pero kailangang tiisin, ang mga pangarap naming tuluyang nagkalamat.Minsan iniisip ko, kasalanan ko ba? Ako ba ang nagkulang?... Hanggang ngayon, dala ko ang bigat ng tanong na iyon.Napaluhod ako sa tabi ng kama ng mga anak ko, at doon ko tuluyang ibinuhos a
THIRD PERSON:"Hindi ko akalain na magpapakita ng tapang si Maricar sa lugar na iyon," sambit ni Ginang Emelia, kasabay ng pagbagsak ng baso sa mesang salamin. "Pero hayaan mo, Carol, hindi ko hahayaang makalusot siya nang ganoon-ganoon na lang."Napangisi si Carol, "Ma, sobrang nakakainis ang babaeng iyon. Akala niya, dahil may sumusuporta sa kanya, pwede na siyang maging bida? Hindi niya alam, sandali lang iyon. Lulubog din siya. Hindi ba, Ma?"Tumawa si Ginang Emellia, ang mga mata niya ay kumikislap sa kasiyahan. "Oo, Carol. Tinutulungan siya ng ibang tao, pero hindi nila alam na malapit nang magbago ang lahat. Ang totoo, gusto ko lang makita ng lahat kung gaano siya ka-walang kuwenta. Wala siyang lugar dito sa mundo ng mga may halaga."Napangiti si Carol ng maluwang. "At kung hindi siya matitigil, we’ll make sure everyone sees her true colors. Gagawin natin siyang viral sa social media. Ipo-post natin ang lahat ng nangyari kanina, i-edit natin nang kaunti para magmukha siyang mas
Third person:"BLAGG!!!" Pabalibag na isinara ni Ericka ang pinto, dahilan para mapatingin ang mag-tiya. Mabilis siyang naglakad, dabog na lumapit kina Ginang Emelia at Carol, na parehong natigilan sa galit na aura ng dalaga."Tita Emelia, anong klaseng plano ang ginawa nyo?! Bakit parang si Maricar pa ang lumabas na kawawa at bida sa lahat ng ito?!" sigaw ni Ericka, hindi na kayang pigilan ang galit.Umayos ng upo si Ginang Emelia, ang kanyang mukha ay nanatiling matigas. "Bakit mo ako sinisigawan, Ericka? Akala ko ba kaya mo ring mag-isip ng maayos? Hindi namin kasalanan kung masyadong madrama ang babaeng iyon! Kung tutuusin, sa galing ng plano namin, dapat siya na ang wasak ngayon!""Ma, tama si Ericka, Hindi ko rin maintindihan kung bakit naging ganito ang takbo ng plano natin," sabat ni Carol habang inilapag ang telepono sa mesa. "Ang dami kong effort na inedit yung video para magmukhang masama siya, pero bakit parang mas lalo pa siyang hinangaan ng mga tao?""Bakit?! Dahil wala
THIRD PERSON:Habang naghahanda para sa press conference, tahimik na nakatayo si Maricar, ang mga mata'y nakatuon sa salamin. Ang mga maliliit na panginginig sa kanyang mga kamay ay hindi maikakaila, at ang takot ay kitang-kita sa kanyang mukha. Tumingala siya at muling bumaling sa kanyang mga kasamahan, hawak ang magkabilang gilid ng upuan."Kaylangan pa ba talaga ng ganito?" tanong ni Maricar, ang boses ay bahagyang nanginginig. "Ang daming reporters at journalists... parang hindi ko kakayanin."Si Kath ay tumawa ng bahagya habang inaayos ang ilang papeles sa clipboard. "Oo, Maricar. Iwan ko ba at ang daming gustong kumausap sa'yo ngayon. Kahit nga ako, hindi makapaniwala na ganyan ka kainteresante sa kanila. Pero ito ang tamang pagkakataon para mailabas ang panig mo. Ito ang pagkakataon mo na, Maricar. Ikaw na ang pinag-uusapan!"Nagkunot-noo si Maricar, ang mga mata'y naglalaman ng alinlangan. "Bigatin? Kath, natatakot ako. Paano ko haharapin ang mga tanong nila? Paano kung magkam
THIRD PERSON:Habang naglalakad sa hallway sina Eunice at Lyca, parehong ramdam ang kaba sa dibdib ngunit pilit nilang kinakalma ang sarili.“Ate…” mahinang bulong ni Lyca, bahagyang kumapit sa braso ng kapatid. “Sabi nila… mukha daw mangangain si Don Sebastian.”Biglang natawa si Eunice, pinipigilang humalakhak. “Ano ka ba, isang hita lang naman ang mawawala sa ’yo—depende kung galit siya!”Napasimangot si Lyca at agad sumiksik sa tagiliran ng ate niya. “Eh si Ate naman, imbes na i-comfort ako, tinakot pa lalo!”"Tsk, drama mo," natatawang sabi ni Eunice. "Baka nga 'pag nakita niya tayo, maiyak pa 'yon sa sobrang tuwa. Hindi mo pa nga siya kilala, hinuhusgahan mo na agad. Basta, kalmado lang at magalang tayo sa kanya ’yan ang bilin sa atin ni Mama, lalo na pag kaharap na natin ang ating the great Lolo."“Eh paano kung bigla siyang magsalita ng English tapos may accent, o kaya naman ibang lengwahe?” tanong ni Lyca, kunwa’y seryoso. “Tapos di tayo makasagot, nakakahiya!”Napailing si E
THIRD PERSON:Nagulat man si Alejandro sa naging asal ni Maricar, nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang buong eksena mula sa di kalayuan. Ang babaeng minsang nakita niyang pinupuno ng sakit, takot, at pagdududa sa sarili. ngayon ay nakatayo nang buong tapang, may paninindigan sa bawat salita, at dignidad sa bawat kilos, sa harap mismo nang nanakit sa kanya. Ngayo’y isa na siyang babaeng alam ang halaga niya… at handang ipaglaban ito, kahit kanino pa."Grabe… si Maricar ba talaga 'yan?" bulalas ni Francis, halatang hindi makapaniwala sa pagbabagong nakita niya kay Maricar."Tama lang 'yan. Matagal nang panahon para makabawi siya sa ginawa ng dalawang 'yan," sagot naman ni Miguel, mariing nakatitig kina Nathan at Ericka. Kita sa kanyang tinig ang pagpanig kay Maricar, at ang respeto sa tapang na ipinakita nito.Maya-maya, tumingin si Miguel kay Alejandro na tahimik lang ito, halatang tulala pa rin sa pangyayari."Bro, okay ka lang?" tanong ni Francis, sabay tapik sa balikat n
THIRD PERSON:Flashback:Halos hindi kumurap si Don Sebastian habang nakaupo sa kanyang malawak at marangyang opisina, nakatingin kay Maricar na tahimik na nakaupo sa kanyang harapan. Sa pagitan nila, isang tumpok ng mga dokumento ang naghihintay ng kanyang lagda."Alam ko, apo, na masyado na akong nagmamadali," wika ng matandang negosyante habang hinawakan ang kanyang baston. "Matanda na ako at hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na taon. Kaya gusto ko nang sanayin ka sa buhay na meron ako, pati na rin ang mga anak mo. Lahat ng ari-arian ko, negosyo, at pangalan ay ipapangalan ko sa'yo upang ikaw ang magpatuloy ng lahat ng ito."Tahimik lamang si Maricar, nakatitig sa mga papeles na nasa kanyang harapan. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan ng kanyang lolo. Alam niyang ito ang magiging opisyal na pagpapatibay ng kanyang pagiging isang ganap na Valdez, at ang responsibilidad na kaakibat nito.Huminga siya nang malalim at marahang hinawakan ang pluma. "Alam
THIRD PERSON;Kakain na sana ang mag-aama na sina Lyca, Eunice, at Nathan nang mapatingin sila sa inihain ni Ericka—mga pritong hotdog na halatang sunog.Napangisi si Eunice at pabulong, ngunit malinaw na narinig nina Ericka at Nathan, bumulong ito ng, "Tss! Hotdog na nga lang, sunog pa.""Eunice!" saway agad ni Nathan, ngunit umirap lang ang bata.Hindi maitago ni Ericka ang inis. "Sorry, ha! Wala kasi kayong katulong dito kaya ako na ang nagmagandang-loob na ipagluto kayo!" Sarkastikong tugon niya."Buti pa si Mama, kahit anong lutuin niya, masarap pa rin," biglang sabi ni Lyca, at tumango naman si Eunice bilang pagsang-ayon.Lalong nag-init ang ulo ni Ericka sa dalawang bata. Nangingitngit siyang napabuntong-hininga, pinipigil ang sarili na sumagot pa, ngunit halatang iritado siya."Ano 'yan? Amoy sunog?!"Biglang dumating sina Carol at Emilia, parehong sumisinghot-singhot habang inaamoy ang paligid. Napakunot-noo si Carol bago muling nagsalita, "Ano 'yan? Bakit sunog?"Napatingin
THIRD PERSON:Habang dahan-dahang lumalapit si Maricar kay Don Sebastian, hindi niya maiwasang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Para bang may mabigat na pader sa pagitan nila, isang pader na hindi basta-basta mabubuwag ng simpleng paglapit lamang. Subalit sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, unti-unting napapalitan ng determinasyon ang kanyang kaba. Hindi niya maaaring hayaang magtagal pa ang distansyang ito sa pagitan nila.Nang sa wakas ay tumigil siya sa harap ng kanyang lolo, isang matagal na katahimikan ang namayani. Nag-aalangan si Don Sebastian, tila hindi makapaniwala na nasa harap na niya mismo ang kanyang apo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti, magsalita, o yakapin ito. Samantalang si Maricar naman ay pilit pinipigilan ang sarili na magpakita ng labis na emosyon.Sa halip, biniro niya ito.“Magpapa-autograph din po ba kayo?” Tanong ni Maricar, pilit na ngumiti kahit may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Nataranta si Don Sebastian, halat
THIRD PERSON:"Grabe, sobrang higpit na talaga ng pagbabantay kay Maricar," sabi ni Loisa habang bahagyang umiling."Parang hindi na siya makakagalaw nang malaya." sabi ni Loisa habang nakatanaw sa buong entablado. Kitang-kita nila ang mahigpit na pagbabantay ng mga security personnel sa paligid. Ilang lalaki ang nakaposisyon sa bawat sulok, laging alerto sa anumang maaaring mangyari. Napabuntong-hininga si Ma’am Elenor at tumango."Kailangan na talagang bantayan siya, lalo na’t alam na ng buong mundo na apo siya ni Don Sebastian," sagot niya, seryoso ang boses."Masyado nang maraming matang nakatutok sa kanya. Hindi natin alam kung sino ang may mabuting intensyon at sino ang may masamang balak.""Pero hindi ba parang sobra na ito?" tanong ni Loisa."Oo, naiintindihan ko na kailangan siyang protektahan, pero paano naman ang kalayaan niya? Hindi ba siya mahihirapan sa ganitong sitwasyon?" Napatingin si Ma’am Elenor kay Loisa, halatang nag-aalalang iniisip din ang bagay na iyon."Alam k
THIRD PERSON:Naglalakad sina Maricar at Alejandro sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at malalaking puno. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikislap nang banayad, at ang malamig na simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng mga bulaklak. Wala ni isang tao sa paligid—parang silang dalawa lang ang naroon."Hmm, ang ganda naman dito," sambit ni Maricar habang huminga nang malalim at pumikit sandali upang damhin ang kapayapaan ng lugar. "Buti hindi matao dito, no?""Ganito daw talaga kapag ganitong oras," sagot ni Alejandro habang nakangiti at nakatanaw sa malayo. "Wala nang nagpupunta dito. Kaya sinadya kong dalhin ka rito para makapag-relax ka nang walang istorbo."Napangiti si Maricar at tiningnan si Alejandro. "Salamat...""Alam kong gusto mo rin minsan na makalayo sa gulo at ingay... Kaya naisip ko, baka magustuhan mo rito."Tumigil si Maricar sa paglalakad at humarap kay Alejandro. 'Sobrang gusto ko nga. Parang ang gaan sa pakiramdam... para bang kahit saglit, nak
THIRD PERSON:Reporter 1:"Ericka, totoo bang ikaw ang may pakana ng eskandalo sa event ni Don Sebastian?"Bahagyang tumigil si Ericka at napatingin sa nagtatanong, kasunod ng isang pilit na ngiti.Ericka:"Seriously? Bakit ako gagawa ng ganung kalokohan? Masyado kayong nagpapadala sa tsismis. Walang katotohanan ang mga paratang na 'yan."Reporter 2:"Pero ayon sa mga nakalap na impormasyon, ikaw daw ang nagplano para mapahiya si Maricar. Ano ang masasabi mo rito?"Umismid si Ericka at tumawa nang mapakla.Ericka:"Sa tingin niyo ba, bababa ako sa ganung level? Nakakatawa lang na ang daming naniniwala sa mga sabi-sabi nang walang sapat na ebidensya. At saka, baka nakakalimutan niyo—si Nica ang nasa event na 'yun. Baka nga siya ang may pakana! Baka nababaliw na si Nica kaya niya nagagawa 'yun, tapos ako ang ituturo niyang may sala para sa akin mapunta ang galit ng madla."Reporter 3:"Ang ibig mong sabihin, si Nica ang may kasalanan? Wala ka talagang kinalaman sa nangyari?"Tumikhim si
THIRD PERSON:Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa."Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari