Share

CHAPTER ONE

last update Last Updated: 2021-10-21 21:52:38

It's been a year and half.  So far maayos naman ang lagay ni Shane sa Manitoba. Dalawang taon na simula nang patagong umalis siya ng Pilipinas. Wala siyang kadala-dala maliban sa damit na suot niya at ang mga importanteng dokumento na kailangan niya. Sinikap niyang makalabas ng bansa at permanenteng makapamuhay malayo sa mga taong nakapaligid sa kanya.

At dito nga siya napadpad. Banyagang lugar na walang nakakakilala sa kanya kahit na sino. Kahit ang mismong pamilya niya. Mahigit isang taon na din siyang nagtatrabaho dito sa La cuisson café isang coffee-tea shop na siyang sikat na sikat dito sa buong Winnipeg city. Pinay ang may ari ng café.

Si Cashy Marquez na kalaunan ay naging kaibigan na rin niya. Mabait ito sa kanya at maganda pa. Kaya di maiwasang madalas talaga silang magkasama. Kahit pa sabihing empleyado lamang siya nito. Hindi rin kasi maiitanggi na naging malapit na silang magkaibigan.

“Hindi ka pa ba uuwi?”

Nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kaibigan slash boss niya na si Cashy. Pina-file niya kasi ang whole week inventory at saka ipapasa sa accounting.

“Pauwi na rin. Inaayos ko lang ang mga ito,” sabi niya.

Kapag Pilipino ang kausap niya. Talagang Tagalog ang salita niya. Sa kulang-kulang dalawang taon niya dito, hindi pa rin siya fluent sa French kaya mas pinipili na lamang niya manahimik kapag Canadian na ang kausap niya. Nakakaintindi siya pero hindi siya makapag- response agad. Parang palaging rumorolyo ang dila niya sa pagkautal sa tuwing pinipilit niyang magsalita ng salitang French.

Tinapik siya nito sa balikat. ”After that, you can signed out na. Then, sumabay kana sa akin. Ihahatid na kita.”

 Dakilang commuter siya simula ng dumating siya dito sa Canada. Mas may kailangan siyang pagkagastusan kaysa ang bumili ng sasakyan.

“Naku Cash, hindi na. Mauna ka na alam kong may importante kang lakad,” sabi niya sa kaibigan. Isa pang lagi nitong paalala sa kanya ay ang wag itong tatawaging "Ma'am" kaya first name basis silang dalawa.

“Sigurado ka? Dadaanan ko kasi sa hotel si kuya. Pwede kitang isabay para hindi ka na mag-commute,” sabi muli nito. Kilala niya ang tinutukoy nitong kuya. Ang kapatid nitong si Lukas Marquez. Isang kilalang negosyante sa Pilipinas.  

Umiling lamang siya. “Hindi na talaga at saka dadaan pa ako sa grocery naubusan na kasi kami ni Greene ng supplies sa bahay.”

“Okay. Hindi na kita pipilitin. Mauna na ako sayo,” paalam nito sa kanya.

Nginitian niya ito. Nauna na nga itong umalis. Siya naman ay tinapos muna ang filling ng mga inventory at saka umalis na din. Tapos na kasi ang shift niya.

Hindi kasi siya pwede sa night shift na four in the afternoon till quarter to twelve dahil walang kasama si Greene sa bahay. Kaya fixed ang schedule niya na eight ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. Tanging si Patty lang ang kasama nila sa bahay. Isang katiwala na napapagkatiwalaan niya sa pag-aalaga kay Greene kapag nasa trabaho siya. Si Patty rin ang nakasama na nila nang matagal na panahon dito sa Manitoba.

 Naalala pa niya ang unang pagkikita nila ng babae. Nabiktima ito ng isang illegal recruitment agency sa pilipinas at pagdating nito sa Canada ay tinakbuhan lamang siya ng ahensyang pinasukan nito at tangay ang lahat ng perang ibinayad nito ng buo. At upang makaligtas sa embassy para di mapasama sa mga ide-deport ay nakapagpatulong sila kay Cashy upang makapagproseso ito ng employment clearance sa nasabing bansa at malayang makapaghanapbuhay.

Nasa labas siya ng café at naghihintay ng taxi cab nang may mapuna siyang itim na Lamborghini di kalayuan sa café. Tila pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon dahil minsan na niyang nakitang naka-park iyon di kalayuan sa apartment niya. Natatandaan niya rin ang plate number nito kaya nasisiguro niyang iyon ang sasakyang madalas niyang makita sa lugar kung saan siya nakatira. Pero anong ginagawa nito dito? Inisip na lamang niya na baka nagkakataon lang ang lahat. Baka nagkataon lang na kung nasaan siya ay doon din niya ito nakikita.

Once the taxicab parked in front of her ay agad na sumakay si Shane doon at di na muling nilingon pa ang sasakyang nakita niya malapit sa kinatatayuan niya kanina. Iniwasan na niya rin isipin ang tungkol doon.

Dahan-dahan binuksan ni Shane ang pinto ng apartment nila. Pasado alas sais na ng gabi. Nagtagal siya sa grocery kaya inabot siya ng kulang kulang dalawang oras. Balak niyang magluto ngayon ng pang hapunan nila. Nitong mga nakaraang gabi ay madalas puro sila food delivery o kaya naman ay bumibili na lamang siya sa mga take-out restaurant.

Halos matalapid siya nang maapakan niya ang isang laruan. Binuksan niya ang ilaw kaya bumaha ang liwanag sa paligid. Nagkalat ang iba't ibang klase ng mga laruan. Robot, kotse-kotsehan, bola at kung ano-ano pa. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon at saka iniligay sa covered box na siyang lagayan talaga ng mga laruan.

 Pagkalapag ng mga pinamili niya sa kusina ay pumasok siya sa nag-iisang silid doon. Buhay ang heater, winter na kasi kaya napakalamig na ng panahon. Naaninag niya ang dalawang taong nakahiga sa kama. Nang maramdaman ng babae ay mabilis itong bumangon.

“Ate!”

Agad itong bumangon. Mukhang naalimpungatan.

“It's ok Patty.”

Ngumiti siya dito. At saka nilapitan ang natutulog na si Greene. “Kumusta siya maghapon?” tanong niya.

“Naku madaldal na si Greene ate. Kung ano-ano na ang mga natutunan,”

Patty said with an excitement. Magaan naman ang loob niya dito kaya nagagawa niyang ipagkatiwala si Greene para makapagtrabaho siya. She look at her sleeping baby. Her son. Greene.

Hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak. “Don’t grow so fast, honey. Mommy still wanna enjoy you as a baby.”

Isang one and half baby na bata pa lamang ay kitang-kita na ang angkin talino at galing. Si Greene ang kabuuan ng buhay niya. Without her son she wouldn't able to live alone. Sa lugar kung saan estranghero ang lahat sa kanya. Mamatay siya kapag nawala ang anak niya sa kanya. Ito na lang ang mayroon siya kaya baka hindi niya kayanin. Nagpaalam na si Patty sa kanya. Bukas na muli ang balik nito.

Hindi stay-in ito sa kanila. Under ito ng isang Home Service Agency na nagpo-provide ng serbisyo na inilaan lang sa tamang oras. Nang matulungan kasi ito ni Cashy ay nakahanap agad ito ng trabaho. Kinumutan niya si Greene at saka inihatid si Patty sa labas.

“Maraming salamat, Patty. Bukas muli,” paalam niya sa yaya.

Magalang na ngumiti si Patty sa kanya. “Wala pong anuman. Hindi naman po mahirap alagaan si Greene. Sa katunayan niyan ang sarap niyang alagaan.”

Tumingin na si Patty sa relong pambisig nito. Sasakay pa ito ng bus kaya kailangan na rin niyang makaalis. “Mauna na po ako sa inyo, Ate.”

Tumango siya at saka kinawayan ito.

She was about to close and lock her door nang makaaninag muli siya ng tila nakamasid sa kanya. Tinubuan siya ng kakaibang kaba. Kabang matagal na simula noong huli niyang nadama. Ngunit sa pagkakataong ito ay iyon ang pamilyar na kabang laging bumubundol sa dibdib niya noon. Kabang may kasamang takot at bangungot.

Mabilis niyang iniikot ang paningin. Manitoba is a most secured place sa buong Canada. Bukod sa zero crime rate ito. Wala pang naitatala na kahit na anong kaso ito kahit robbery o holdap man lang. Mula sa di kalayuan ay isang bulto ng lalaki ang nakita niya. Nakatayo ito sa gilid ng itim na Lamborghini.

 Katulad na katulad ng sasakyan na nakita niya sa labas ng café kanina. Halos panlamigan siya ng may isang pangalan na pumasok sa isip niya. Pamilyar sa kanya ang bultong iyon na kahit yata ilang taon ang makalipas ay di niya basta makakalimutan iyon.

Greg... Piping saad niya. Malayo iyon at tanging ilaw sa poste ang tumatanglaw dito.

Mas dumoble ang takot at kabang kanina lamang niya nararamdaman nang tila di natitinag ang bultong iyon at nanatili lamang nakatayo doon at sa tantiya niya ay nakatitig din sa kanya.

Oh! No!  Not now...

Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at sinara mabuti ang pinto. Bumalik sa silid at saka niyakap ng mahigpit ang anak na natutulog. Yakap na alam niyang poprotekta dito kahit ano mang mangyari. Naisip niya si Greg. Hindi maaaring nasundan siya nito.

Matagal na panahon na. Na maski ang mga magulang niya ay hindi alam ang kinaroroonan niya at mananatiling walang alam ang mga ito dahil hindi na niya nais pang magkaroon ng gulo at bumalik na naman siya sa araw araw na bangunot ng buhay niya. Tinitigan niya ang anak na natutulog. Binaha ng takot ang

kanyang puso.

Kaya na niya mabuhay na malayo sa lahat. Pero ang malayo sa anak niya ang di niya kakayanin.

Related chapters

  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER TWO

    Dahil off ni Shane ngayon, mas pinili niyang i-pasyal si Greene. May ilang linggo na rin kasi silang hindi nakaka-labas maliban sa check-up nito sa kanyang pedia. Ilang linggo matapos ang gabing iyon. Palagi niyang binibilinan si Patty na huwag na huwag magpapasok ng kahit na sino lalo na kung wala siya. Maya't maya rin siyang tumatawag lalo na kapag nasa café siya. Palagi din siyang undertime mabuti na nga lamang at naiintindihan ni Cashy ang mga ginagawa niya. Wala siyang inililihim sa kaibigan. Alam nito ang lahat. Maliban sa isang bagay. Her marriage. And all the lies behind that unsuccessful union. Na kung bakit ginusto niyang lumayo at wag na magpakita sa kahit na kanino pa man. At mas gugustuhin niyang ibaon na lamang iyon sa limot kaysa ang paulit-ulit na maalala pa.But it seems like, nothing can hide forever. Kahit sa sarili niya. Dahil may mga oras at sandali na parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Tulalangnakatitig 

    Last Updated : 2021-10-21
  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER THREE

    Shane opened her eyes. Asul na kisame ang namulatan niya. Pakiramdam niya pagod na pagod siya. Ang mga talukap ng kanyang mga mata ay gusto ulit mag-sara. Ang likod niya ay gusto ulit mahiga sa komportableng kama.Kama?Mabilis na inayos niya ang takbo ng kanyang utak. Pilit ina-alala ang huling nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay hinahanap niya si Greene. Dahil nawawala ito. Nilibot na niya halos ang buong park pero hindi niya ito makita. Binundol muli ng takot ang puso niya. Nasaan ba siya? Paano niya hahanapin ang anak niya?Akma siyang bababa sa kama nang mapuna ang suot niya.Red see-through lingerie?Kanino ito? Wala siyang matandaan na may ganoon siyang damit pantulog. Mahilig siya sa pajamas kaya hindi niya alam kung kanino ang damit na suot niya. Halo-halo na ang takot sa puso niya. Takot para sa anak niya at takot para sa kanyang sarili. Ngayon siya naniniwalang na-kidnap nga siya. Iginala niya ang paning

    Last Updated : 2021-10-21
  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER FOUR

    Ang matayog at mahabang hagdan ay walang pinagbago, maski ang kulay niyon at ang disenyo ay walang naging pagbabago sa nakalipas na taon. Even the antique vase ay naroon pa rin sa gilid ng hagdan. Pero hindi niya na masyadong pinansin ang lahat. What matters to her right now is to get her son away fromhim.Mali na ma-punta pa sila dito at maibalik. Mali na naririto sila. At lalong mali na magkasama pa sila ni Greg. Maling-mali na makita nito ang anak niya dahil hinding-hindi siya papayag na mapunta ang anak niya sa lalaking iyon. She heard some laughters. And it came outside the living room. Dahan-dahan niyang binuksan ang screen door at saka lumabas. Bumigat ang dibdib niya when she saw her son Greene laughing while hispapaislifting him in the air. May butil nang luha ang nag-landas sa pisngi niya. Kung sana sa ibang pagkakataon ay masisiyahan siya sa nakikita pero iba ngayon. Takot ang nararamdaman niya. Lalo pa't napakaramin

    Last Updated : 2021-10-21
  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER FIVE

    Tatlong araw nang wala si Greg. At kahit ganoon, mahigpit ang bantay nilang mag ina. Kulang nalang kahit sa pagtulog ay may bantay sila. Naiinis na siya dahil tila nawalan na sila ng karapatang makalabas at sumagap man lang ng hangin sa labas. Tila sila isang mga preso sa loob ng kulungan na ang tawag ay, tahanan. Umalis nga si Greg pero ikinulong naman sila nito sa bahay. At si Greene ay mukhang nasanay na sa presensya ng ama nito kaya palaging umiiyak sa gabi. Hindi naman dating ganoon ang anak niya. Nagpasya siyang bumaba ng hagdan. Ang una niyang gustong gawin ay magpahangin sa pool area at tanawin ang maliliwanag na bituin sa kalangitan. Iniwan niyang natutulog si Greene sa silid nila kaya malaya siyang nakalabas upang makapagpahangin. Gabi na at tahimik na ang buong kabahayanan. Dati-rati, natutulog siya sa sofa makita lamang niyang dumating ang asawa niya tuwing gagabihin ito. Hindi siya makatulog ng mahimbing hangga’t di niya alam kung ku

    Last Updated : 2021-10-25
  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER SIX

    "Baby..." Humakbang siya palayo kahit nangingig ang mga tuhod niya. "W-Wag kang lalapit sa ‘kin," sabi niya. Her voice were shaking. Parang may mga yelo sa balat niya. Hindi niya rin alam paano niya ito titigan sa mga mata nito nang hindi niya naiipakita dito ang kakaibang trauma niya. Pumataysiya.Pumataysiyang tao. He killed someone right in front of me. Right in my eyes!Humakbang siya. Akala niya, bali-balita lang na kaya nitong gumawa ng ganoon klaseng bagay, pero kaya nga nito. Kaya nitong pumatay nang walang babala. "Baby, It's me." Humakbang pa ito papalapit sa kanya. Bumaha ang liwanag at nagmamadaling pumasok ang mga tauhan nito na may dalang kanya kanyang armas. Hindi na siya nagulat na makita sa mukha nang mga tauhan nito na tila sanay na sila sa mga ganoong aktibidades. Wala man lamang kahit na anong pagkagulat sa kanila na makakita sila nang bangkay na nakahandusay at nagkalat na dugo. Bumaling ang mg

    Last Updated : 2021-10-26
  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER SEVEN

    "Isla Rosal?" Ulit ni Shane sa sinabi ni Gregory nang sa wakas ay makababa ang helicopter na sinasakyan nila. Ngayon lang kasi umimik si Gregory pagkatapos ng pagtatalo nila kagabi at ang mga binitiwan nilang salita sa isa’t isa na alam niyang hanggang ngayon ay nasa isip pa rin nito. Maging ang huling sinabi nito ay nasa isip pa rin niya. Pero hindi na niya ipinilit ang gusto niya na umalis na hindi ito kasama dahil kahit anong gawin niya ay alam niyang hindi ito papayag. Mula Maynila ay sumakay sila sa isang private plane patungong Palawan at saka doon sumakay ng helicopter patungo dito sa isla. Maaga siyang ginising ng isang kasambahay upang sabihin na mag-empake na daw siya ng mga gamit nila ni Greene kaya kanina ay mabilis siyang gumayak. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya nab aka may isa pa sa mga tauhan ng asawa niya ang mag-tangka sa buhay niya o sa kanilang mag-ina sa oras na malingat si Greg. Isang tagong isla na nasa dulong bahagi ng Palawan ang

    Last Updated : 2021-10-26
  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER EIGHT

    “Can we talk?”Shane stood up from her seat when she heard what Greg have said. They had a normal dinner along with their helpers. Nalaman niya kasi na malapit si Greg sa mga kasama nito sa bahay kaya normal palang sumabay ang mga ito sa hapag. Pero mukhang mahiyain ang mga kasama nila kaya mabilis din silang namaalam matapos kumain.Si Greene naman ay nakatulog na ng maaga pagkatapos niyang ipagtimpla ng gatas.“Para saan?” tanong niya.When he rose up to his seat ay humarap ito sa kanya. “Us. Let’s talk about us,” he said.“Us? Hindi ba’t tapos na tayo?” may diin niyang sabi.She avoided his stares para hindi niya makita ang mga emosyong iniiwasan niyang makita sa mga mata nito. Hanggang sa papel na lamang ang kasal nila at hindi na babalik iyon sa dapat asahan nila dahil matagal nang tapos ang pagsasama nila.“Pero wala akong sinabi sa ‘yo na tapos na tayo. I a

    Last Updated : 2021-10-29
  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER NINE

    Alas diyes na pasado na nang magmulat siya ng mga mata. Ang mga maliliit na daliri ni Greene ang gumising sa kanya."Mimi-mi" narinig niyang sabi nito habang nakapasok sa ilong niya ang daliri nito. Sinusundot-sundot niya iyon at sabay hahagikhik na akala mo’y kinikiliti.Humalik muna siya sa pisngi nito. "How's your sleep little Man?"Tumawa si Greene sa kanya. Nilingon niya ang katabing bahagi nila pero bakante na iyon. Gising na marahil si Greg at nasa baba na. Nilinis muna niya ang bata. Pinalitan niya ang diaper nito pati na rin ang damit na naipantulog niya. Saka siya nag-ayos ng sarili. Isang simpleng floral dress lamang ang naisipan niyang suotin kung saan siya presko at komportable.Nang makababa silang mag-ina ay hindi nila naabutan si Greg sa baba. "Wala na po si Sir Ma'am," ani ng kasambahay na dinatnan niya sa kusina."S-Saan siya nagpunta?" di niya mapigilang itanong. Iniisip niya na baka nasa Maynila na ito at iniwan na sila sa

    Last Updated : 2021-10-29

Latest chapter

  • UNFAITHFULLY YOURS   AUTHOR'S NOTE

    Hello Good novelist!This is Ai, I'm very new here at ito ang unang nobela ko dito sa Goodnovel. Gusto ko ring bigyan ng pasasalamat ang mga readers dito na binigyan ng oras at pagkakataon na basahin ang kwento ni Greg at Shane. Alam ko ang ilan sa inyo ay nabasa na ito sa wattpad noon. But still, nag-effort pa rin na basahin ang bagong bersyon nito dito. Thank you so much for the opportunity. If someone will ask about Cain and Gen's cameo, please read the Gentlemen series para aware din kayo. It's posted on Wattpad.Also, thank you for Ms. Zey, my editor and Sir Luigi for the chance to be part of Goodnovel and allowed me to showcase this talent here. Thank you, to all readers who added this novel to your libraries. This mean so much to me. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako naiinspire to write more, to dream more.Again, thank you so much sa lahat ng mga nagtiyaga na basahin ito. At sa mga magbabasa pa, maraming salamat sa inyo.

  • UNFAITHFULLY YOURS   SPECIAL CHAPTER: FINALE

    Inilapag ni Shane ang tray na may laman na mga tea cup, teapot, and sugar bowl for their guests. Habang ang asawa naman niyang si Greg ay abala sa pakikipag-usap sa mga bisita. After the dinner ay nag-aya ang mister niya ng tsaa sa kanilang salas. And she prepared the famous brewed tea na mismong isine-served nila sa kanilang café. Tagumpay ang naging first lauched nila ng La Cuisson Café branch sa Manila at ngayon nga’y mayroon na rin sila dito sa San Simon. Maglalabing-tatlong taon na sila na naninirahan dito sa San Simon buhat nang ipinanganak niya ang bunso nilang anak, at almost eighteen years na rin ang nakakalipas magbuhat nang matapos ang lahat ng mga unos sa buhay nila. Sa ngayon, ay nanatili silang matatag at buo ang pamilya. “You know what, Lopez? Isa ka sa masuswerten mister na kilala ko. You have a pretty and smart wife,” puri sa kanya ni Mr. Dela Rosa. Umupo siya sa armchair at mabilis naman na pumaikot ang isang

  • UNFAITHFULLY YOURS   SPECIAL CHAPTER: NUDE

    Marriage isn't just aboutLove.It's also about, trust and respect. Sabi nga nila, When bad things happen, continue to trust God. Hindi lang ang sarili mo ang dapat mong pagkatiwalaan. Hold on to the most powerful God. Instead of wondering why something has happened, ask God to help you move forward. He can turn it around and bring great gain to something you might consider loss.What may happened from the past was just only an old story written in the most painful way. Now, that book was finally closed. It would never get open again."Mr. Lopez?" Greg stood as the doctor inside the delivery room called him.Mabilis siyang lumapit. "Doc, how is she?"Kagabi pa dumadaing si Shane na masakit na ang tiyan. He was freaking panicking because she can't deliver their baby so soon. Sabi kasi ng OB niya next week pa ang labas ng bata. And he's in the important business conference outside the Metro. Kinabukasan pa a

  • UNFAITHFULLY YOURS   EPILOGUE

    Tumingin si Shane kay Greene na natutulog na. He is growing so fast, kalian lang ay sanggol lamang ito. But now, he’s becoming very jolly and extra playful. And he wouldn't go to sleep not until he will play his favorite lullaby. Lavender's blue,Dilly dilly,Lavenders green. When I am King,Dilly dilly,You shall be Queen. Who told you so,Dilly dilly,Who told you so? Hindi niya alam kung bakit paboritong pakinggan ni Greene ang kantang 'yon. Lavender's blue of Muffin songs was technically a female song and sang by a female artist. Ang sabi ng Daddy niya ay napagod daw ito ng husto sa paglalaro. Bukas ay darating na ang sinasabi ni Patty na magiging bagong yaya ni Greene. Kamag-anak daw iyon ni Patty kaya nagagarantiya niya na maayos at magagampanan niyon ang kanyang trabaho. Tumayo siya mula sa pa

  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER FORTY

    “Saan tayo pupunta?”Iyon ang unang tanong ni Shane sa asawa niya habang nakalulan sila sa sasakyan at marahan na nagmamaneho. Kanina matapos niyang basahin ang sulat sa kanya ni Veronica ay itinago niya iyon kasama ang kwintas na ibinigay nito sa kanya.Matapos naman nilang mag-agahan ay niyaya siya ni Greg, na ang sabi’y may pupuntahan daw sila. Agad naman siyang kumilos at nag-ayos ng kanyang sarili. Sandaling nawala ang dagan sa dibdib niya na maisip na baka mag-de-date sila ni Greg, nakaramdam naman siya ng kilig. Isang simpleng maong na pantalon lamang ang sinuot niya na tinernuhan lang niya ng isang grey sleeveless top na pinatungan naman niya ng isang itim na cardigan. Nakuha niya ang mga iyon sa closet na nasa loob ng kwarto niya. Mga lumang damit niya na hindi niya inaasahang kasya pa rin sa kanya, kahit pa ba may mga pagbabago na sa katawan niya dala ng panganganak niya matapos magbuntis. Ang sapin naman niya sa paa ay ang kanyang brown

  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER THIRTY NINE

    Marahan na bumangon si Shane sa kama upang hindi magising ang asawa niya. Dahan-dahan niya rin na inaalis ang braso at binti nito na nakapulupot sa katawan niya. Mahimbing pa rin na natutulog si Greg at makikita sa mukha nito ang pinaghalong pagod at saya.She could still remember the night they shared together. Ang unang gabi na pagsasama muli nila. Greg was still gentle na ingat na ingat na masaktan siya. The room only filled with their moans and the passionate love making.Nakita niya na namumula ang pisngi niya nang malingunan niya ang sarili sa salamin na malapit sa kama. Dama niya ang mainit na magkabilang pisngi niya nang maalala kung paano niya muling isinuko ang sarili sa kabiyak. Inayos niya ang sarili at tsaka sinulyapan muli si Greg na mahimbing pa na natutulog. Balak niyang ipaghanda ito ng breakfast at sa kauna-unahang pagkakataon ay mag-aalmusal sila ng sabay-sabay at sama-sama.Muli niyang hinaplos ang pisngi ni Greg, bahgay itong gumalaw ngunit

  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER THIRTY EIGHT

    Shane is still screeming her husband’s name while she’s holding him. Nakalaylay na ang mga braso nito and his eyes are tightly closed. She’s looking at their surroundings, pilit niyang isinisigaw sa mga tao na kailangan nila ng tulong. That they need an immediate response to help her husband at madala agad ito sa ospital.“Wake up, baby. Please come back to me,” she pleads.Hinahaplos niya ang mukha nito at pilit itong pinamumulat. A police officer told her na malapit na ang ambulansya.“Hang on there, baby. Dadalhin ka namin sa ospital. Just please don’t leave us.”Nataranta naman siya when she saw the blood coming out his mouth. Umaagos na iyon na parang hindi nauubos and it was welling out his mouth continuously.“G-Greg? W-What’s happening? Greg?” Tinatapik-tapik niya ang pisngi nito and once again, Shane yelling out the people around to help them.

  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER THIRTY SEVEN

    Shane’s body swung in fear as Hernan pulled her up from the loader and dragged her somewhere. She could feel her legs tense in fear. She had been praying countless times, umaasa siya na isa man sa dasal niya ay mapakinggan. Pero mukhang milagro na lang ang makakapagsalba sa tiyak niyang kamatayan, lalo pa’t panay na ang pakikipagpalitan ni Hernan ng bala ng baril sa mga otoridad. Kinatatakot niya na baka isa sa mga bala ng baril ay sa kanya tumama."L-Let me go." Shane said. There's a police men running around. And Hernan has exchanging bullets. She was so scared.“Shut up!" Sigaw nito.He dragged her with one hand and pushed her inside the van. Nakita niyang may kinuhang two-way radio phone ito sa gilid ng baywang nito."Ready the chopper," utos nito sa kausap.Nangingilabot siya sa takot habang nakikita niya na isa-isang nababaril sa harapan niya ang mga tauhan ni Hernan.Nangilid ang luha niya. Mukhang dito na nga ang ka

  • UNFAITHFULLY YOURS   CHAPTER THIRTY SIX

    "I-Ikaw?!"Parang lumaki ang ulo ni Shane nang makilala niya ang tao na nasa harapan niya ngayon. Inaalala niya sa isip niya ang mga magagandang kwento na naririnig niya dito kaya hindi niya pa rin mapaniwalaan ang nakikita.“Great twist, right?” narinig niya ang nakakalokong tanong nito sa kanya.Bumuka ang bibig niya pero walang salita maski isa ang lumabas doon. Hindi niya kayang paniwalaan ang lahat ng mga narinig niya at nakikita niya ngayon.Oh! Dear God wake me up please…Umaasa siyang panaginip ang lahat. At gigisingin siya mula sa malalim niyang pagkakatulog. At gaya nga na tila binabangungot siya, nang hawakan siya ng tauhan nito at itayo sa pagkakasalampak niya. Tsaka niya naramdaman ang sampal ng reyalisasyon sa kanya, na totoo ang lahat ng mga nagaganap sa kanya.Nang makatayo siya ay agad siyang nagpumiglas."Pakawalan mo ako hayop ka!""Hahaha! At bakit k

DMCA.com Protection Status