"Tulog pa ba ang baby ko?"Tanong ko kay Yulie pagkapasok ko rito sa bahay,habang nanonood ito ng korea movie habang kumakain ng cracklings."Mahimbing na mahimbing ang tulog niya,mas mabuti pa kung puntahan muna siya sa kwarto pero,kumain ka na ba?""Ah,bakit nga pala ngayon ka palang umuuwi eh alas nwebe na oh!?"Di niya talaga ko pinasalita."Yon na nga eh,ito kasing bhos ko,nakipagkarera tas ayon,naligaw kami,at naubusan ng gasolina ang sasakyan niya at ang mas nakakaloka ay walang cignal sa natigilan namin!""Hay nako,alam mo rin ba,na,marami na kung paliwanag sa anak mo pero nakikipagtalo na siya kanina sakin,buti nalang at nakatulog na siya!""Pasensya ka na ha,di ko naman talaga akalain na ganon ang mangyayari!"Tinabihan ko siya sa pagkakaupo."Ano ka ba,okay lang yon,kumain ka na ba?"Tanong niya ulit saakin."Kumain kami kanina sa kanto,pero hindi iyon sapat kaya nakakaramdam parin ako ng gutom!"Pagkasabi ko non ay agad siyang tumayo,at inihandaan ako ng makakain,talagang
Gibo POV Dumiretso ko sa kompanya at gusto ko pa sanang manatili sa private room ko pero hindi ako mapakali dahil hindi parin ako maka move on sa naganap samin ni Sheena.Dito ko ngayon sa bahay namin at gusto kung makausap si mama."Nasaan si mama?"Tanong ko sa kapatid kung nakahiga sa sofa at nagcecellphone."Nasa kusina,nagluluto!"Hindi man lang siya sakin lumingon."Teka,kuya,alam muna ba ang balita?"Napahinto ako sa paglalakad papunta sa kusina,at ng lingunin ko siya ay nakaupo na ito."Anong balita na naman ba yan ha?""Huli ka na naman nga,si Tristan pala ay girlfriend niya si Sheena,tingnan mo to oh!"Napalapit ako sa kaniya at tiningnan ko ang cellphone na hawak niya,at nakunot nalang ang noo ko dahil sa mga ritrato na parang masaya itong pamilya,hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang nanikip ang dibdib ko."Ano naman ang pakialam ko diyan,buhay nila yan at wala tayong karapatan na pakialaman sila!""Bakit galit ka,pinakita ko lang naman sa'yo to,para meron karing
Kabanata 45"Ryan,may alam ka ba kung nasaan ngayon ang ama ng anak ni Sheena?"Diretso kung tanong kay Ryan,ng makaupo siya sa harap ko."Huh?,sir bakit mo naman po yan natanong sakin?!"Nalilito niyang tanong saakin,habang kunot ang noo."Dahil gusto ko ng masagot ang mga tanong na pumapasok sa isipan ko."Pinapunta ko siya rito sa sarili kung pamamahay,gusto ko kasing masinsinan kung makausap ngayon si Ryan,dahil baka alam niya kung sino ang ama ng batang iyon,dahil pinamanmanan ko sa kaniya dati si Sheena."Ahm,parang wala naman po akong napapansin na merong ama ang anak niya,kasi po parati ko pong nakikita na silang tatlo lang ang palaging magkasama!""Sinong tatlo?""Si Sheena po at ang anak niya,tapos yong pangatlo po ay yong kaibigan niyang feeling maganda,p-pero,maganda naman po talaga yong kaibigan niyang yon na si Yulie!"May ngiti pa sa labi ng sabihin niya na maganda daw ang kaibigan ni Sheena."Pero baka nagtatrabaho lang po,pero kung nagtatrabaho yong ama ng anak niya,e
Kabanata 46Sheena POVHindi ko nagustuhan ang damit na pinadala ni Gino kay Ryan,si Yulie,oo,siya pa nga ang sumukat non,maganda naman sana talaga ang dress na binili ni Gino,pero halos kita na lahat ng kaluluwa ko non,at mas ikinaayaw ko pa sa dress na iyon ay kita ang malalaki kung piklat sa katawan,dahil paikis-ikis ito sa likod at s harap naman ay malalantad na ang malulusog kong dibdib.Buti nalang at merong mgagandang dress si Yulie,pumunta pa kami sa bahay niya,dahil doon nakastock ang mga dress niya,kaya naman ang dress na suot ko ngayon ay kulay pink na,litaw na litaw ang kaputian ko at kasexyhan ko,hanggang pulsohan ang haba,kaya balot na bqlot ang katawan ko pero bagay naman saakin tong napili ko,ang style niya at lampas tuhod ang haba nito,minake-upon ako ni Yulie,at kinulot pa niya ang buhok ko,halos dalawang oras akong inayusan ni Yulie,gusto niya raw kasi na ako ang pinakamaganda sa lahat ng pupunta sa party.Kung ako lang talaga ang masusunod ay hindi ako aattend sa p
Kabanata 47Namamanhid na ang pwet ko dahil kanina pa ko nakaupo,at itong si Gino parang wala ng balak na balikan ako rito,naiinis narin ako dahil halos lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya ay bumebeso pa ito sa kaniya,at nag-eenjoy na ang mokong na iyon,samantalang ako naiinip na,siguro ang purpose ko lang rito ay pagmasdan lang siya,silang lahat rito.Tumayo ako at kumuha ng pagkain,at napakabongga ng mga pagkain rito ah,iniikot-ikot pa,kung ano ang gusto mo iikot molang,nagugutom nako kaya marami-rami ang pagkaing kinuha ko,kumuha narin ako ng dessert at tubig para hindi nako bumalik mamaya,kanina ko pa gustong tawagin yong waitress kaso,nahihiya ako,iwan ko ba sa sarili ko."Hey,baka matapunan ka nyan,akin na,ako na ang dadala nito,saan ka ba nakaupo?"Hayst,nakaramdam tuloy ako ng hiya,siguro nahirapan siya ng makita niya ang kalagayan ko,pano kasi hawak nong isa kung kamay yung pagkain,at ang isa naman ay yung tubig at dessert at yung wallet ay inipit ko nalang sa kilikili ko,bi
Kabanata 48Hindi pa natatapos ang party,at nangangalay ang mga kamay ko dahil mahaba ang napag-usapan nila,at parang naghahabol lang ako ng last trip dahil sa kakasulat,sa kabilang yunit sila nag-usap-usap kaya hindi maingay.Ngayon ay bumalik ulit ako rito sa pwesto ko,at hindi ko na nakita pa ang emahe ni Tristan,napakadaldal kasi niya kaya gusto ko sana siyang kausap.Luminga linga ako,dahil parang mas dumami ang mga tao kesa kanina,at nagkakagulo ang mga camera man,at ang mga tao rito ay panay ang kuha rin ng litrato gamit ang cellphone nila."Ahy wow,totoo pala talaga ang balita na sobrang ganda niya no!""Oo nga eh,bagay na bagay sila ni daddy Gino!""Sinabi mo pa ses,sana ako rin ganyan rin kaganda!"Yan ang mga naririnig ko sa mga katabi ko,hindi ko kasi makita kung sino ang tinutukoy nila dahil nahaharangan nila ko.Kesa sa makipagsiksikan sa kanila,ay umupo nalang ako,napahikab narin ako dahil nakakaramdam nako ng antok.Pero ng umupo na ang mga katabi ko sa kani kanilang u
Kabanata 49Dinala ko ni Gino rito sa maraming puno,meron kasi ditong maliliit na upuan."Bumalik ka na ron sir,okay nako,uuwi narin po ako,pasensya na ulit sa nangyari!"Sabi ko habang hinahaplos haplos ko ang balikat ko,malamig kasi ang hampas ng hangin sa balat ko.Mag-aalas siyete narin ng gabi,baka hinahanap nako ng anak ko,buti nalang at dala ko parin hanggang ngayon ang maliit kung wallet."Sa susunod kapag ganong klaseng mga hitsura ng lalaki ay huwag kang sasama agad,huwag mo agad ibibigay yang mga kamay mo!"Napatingin ako sa kaniya dahil sa sermon niya,nakikita ko sa mga mata niya na labis siyang nag-aalala saakin,pero bakit?"Hindi naman sana talaga ko papayag eh,kaso kinukulit niya ko,ayaw kung kinukulit ako kaya pumayag nako,pero-!"Napapikit ako ng mariin,ng maalala ko na naman ang ginawa nong manyakis nayon.Napamulat ulit ang mga mata ko ng ilagay niya ang coat na suot niya saakin sa likod at inayos pa niya iyon sa harap."Sir!""Kanina ka pa nilalamig!""Okay na po t
Kabanata 50Gino POV"Bakit mo ba sinundan ang babaeng iyon ha, love?"Iritang tanong sakin ni Cindy pagkabalik ko rito sa loob ng hotel.Kanina hindi ko inasahan na ngayon siya uuwi,akala ko isang buwan siya sa america pero nasolusyunan niya daw kasi agad ang problema sa business niya."Umuwi na tayo,gusto ko naring magpahinga!"Kinuha ko na ang kamay niya para lumabas na."Sagutin mo muna ang tanong ko love,bakit mo siya sinundan,at bakit nandito siya ha?"Nabitawan ko ang kamay niya at tumigil sa paglalakad."Dahil secretary ko siya,meron siyang trabaho rito,kaya isinama ko siya,at sinundan ko siya dahil alam kung takot siya sa nangyari dahil sa manyakis na lalaking iyon!"Nag-iinit ang ulo kung sagot."Parati talagang may mangyayaring gulo kung siya parin ang secretary mo,sinabihan na kasi kita na tanggalin mo na siya sa trabaho niya,hindi papatahimikin ng babaeng iyon ang buhay natin,sisirain at sisirain lang niya ang kaligayahan natin, love!""Hindi naman magkakagulo kung hindi