Autumn's POV
"Ano na Autumn!?" malakas na sigaw ng editor ko sa akin sabay hampas din sa lamesang pumapagitan sa aming dalawa. Halos makita ko na ang utak niya sa laki ng pagkakabukas ng ilong niya. Magkahalong inis at galit ang nakikita ko sa kanya ngayon at sobrang kaba ang nararamdaman ko lalo na at ayokong matanggal sa trabaho ko bilang isang journalist dito sa Alire Points. AP ang pinaka sikat na news agency sa buong siyudad ng Alire o baka nga sa buong bansa pa, mapa dyaryo o online platform man yan, Alire Points ang nangunguna. Pahirapan na nga ang pagkakapasok ko dito at isang malaking salamat na rin sa apelyido kong kilala na sa industriya ng pamamahayag. Paniguradong nakakalungkot at nakakawasak ng puso kung sakaling alisin nila ako sa agency. At ayokong mangyari yon dahil hindi yon ang ipinangako ko kay daddy. Mabilis na tinignan ko si Mr. Ramos sa gilid ng mga mata ko habang hindi inaangat ang ulo ko. Sa totoo lang, kakasya na nga yata ako sa butas ng ilong niyang nanlalaki sa galit. Isang singhot lang ay siguradong may paglalagyan ang kaawa-awa kong sarili. Ano ba yan? Autumn! Nasa gitna ka na't lahat ng problema puro kalokohan parin ang iniisip mo? Peste! "S-Sir! Believe me! I'm really looking for that kind of story! Yung sobrang newsworthy and catchy! Ilang beses ko na nga yatang nalibot ang buong Alire pero hanggang ngayon hindi ko parin yon makita!" pagpapaliwanag ko kay Mr. Ramos na lalo pa yatang nagpagalaiti sa kanya. “Sir! Please give me another chance, I would make it this time!” "Autumn! Tanga ka ba o ano?" bulyaw niya sa akin, "Kahit libutin mo pa ang buong bansa kakahanap sa istoryang sinasabi mo ay walang kwenta, alam mo kung bakit?" naiinis na turan niya. "Bakit po?" "Because you are too gullible and stupid to be a journalist!" "Sir naman-" "No! Listen!" saad niya habang nakaharap sa akin ang isang kamay at sabay kuha ng isang folder sa ibabaw ng lamesa niya at galit na binuklat ito. "That story about Mrs. Romualdez, yung misis na iniwan ng kanyang congressman na asawa para sa isang menor. You have enough information that time. You were the first one who got to interview her along with her 22-year old daughter and a toddler. Pero anong ginawa mo?" sigaw na naman niya sabay hagis ng isang papel, "You threw all the recorder and the written report about that just because Mrs. Romualdez ask you in the name of her children!""Pero Mr. Ramos! How can I say no to a down and very depressed mother? How can I say I would still publish it despite the daughter asking me to atleast save their honor?" nakatayo nang sagot ko sa kanya na siya namang nagpanganga ng bahagya kay Mr. Ramos. “With all due respect sir, yes, I am a journalist and I know, I have to deliver those kinds of newsworthy stories. Those eye-catching articles that feed the public interest, but have you seen the face of her daughter and son? Have you seen the pain, the weak and the vulnerable face of a seven-year old child who just lost his sense of family?” saad ko at saka napasapo sa sariling noo. “How can I deprive them of that favor?” Napatingala si Mr. Ramos at napabuntong hininga. Marahan na inilagay niya ang kamay sa kanyang noo at bahagya siyang tumawa. Dahan-dahan siyang umupo sa kanyang swivel chair at saka ipinatong ang kanyang baba sa magkataklob niyang mga kamay. “You know what? You are a spitting image of your late father.” natatawang sambit niya. “Jusmiyo Ricky! Ang anak mo ay katulad mong siraulong journalist at sakit sa ulo at bagang.” saad niya habang nakatingin ng diretso sa itaas na akala mo ay naririnig siya ni Daddy Agad na napalo ko siya sa braso at saka mabilis na umupo sa bangkong kaharap ng kanya. “Nako ninong! Kinabahan ako sa’yo! Akala ko patatalsikin mo na ako sa AP. Alam mo bang handa na akong magmakaawa sa’yo pag nagkataon?” Yes. Ninong ko si Mr. Ramos, Arthur Ramos. Kababata siya ni Daddy at isang dating sikat din na journalist katulad ng daddy ko. Pero hindi tulad ni dad, strict at seryoso si ninong sa loob ng trabaho. Walang kamag-anak o inaanak pagdating sa trabaho. Kapag may nagagawa akong mali o hindi niya nagugustuhan, higit pa sa doble ang inaabot kong parusa at sermon.Sabi niya nga, dahil sa anak ako ng isang sikat at magaling na journalist at inaanak ng isang sikat na chief editor ng isang sikat din na news agency, maraming mata ang siyang nakamasid sa akin at higit na malaki ang dapat kong patunayan at gawin upang hindi makutya at isultuhin ng iba. Kung soft and gentle ang klase ng pagpapalaki sa akin ni Dad, karinyo brutal naman ang ibinigay ni ninong sa akin simula ng mamatay si daddy. “Hindi kita patatalsikin sa AP at baka multuhin pa ako ng daddy mo pero…” “Pero?”“Asahan mong sangkatutak na sermon naman ang aabutin mo sa tuwing magkakamali ka.” natatawa ngunit puno ng awtoridad na saad niya. Napatango na lang ako at muling humarap sa kanya. “Pero ninong, pasensya na talaga at hindi ko natapos ang assignment na yon. Hindi ko lang talaga kayang isulat ‘yon lalo na nung makita ko ang kalagayan nilang magi-ina.” Marahan na hinimas ni ninong ang ulo ko. “Ay sus! sa totoo lang, kung ako lang naman ay walang naman talagang problema pero, sana lagi mong aalalahanin na maraming mata ang siyang nakatingin parati sa iyo, hindi lang ang mga mata ko. Hindi ka lang sa akin makakarinig ng kung ano-ano, kung hindi sa lahat ng taong nakapaligid sayo, sa atin at iyon ang katotohanan.” “Alam ko naman yon, ninong.” tipid na sagot ko sa kanya. “Pero Autumn, kailangan mong makasulat. Hindi lamang para sa AP, kung hindi para na rin sa iyo.” saad niya at saka bumuntong hininga at umayos ng upo. “Sa mundong ginagalawan mo, natin, kailangan ay mabilis ka sa kahit na anong klaseng istorya at artikulo. Idagdag pa na anak ka ni Richard Taylor, kailangan ay mapatunayan mo ang sarili mo sa landas na pinili mo.” “Meaning ninong?” medyo natatawang sagot ko sa kanya dahil hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ng mga salita niya. “Meaning, ilang buwan ka na rin nandito pero kahit na isang article ay walang nakapangalan sa iyo. Ano ba talagang balak mo?” medyo inis pero puno nang concern na sambit ni ninong habang diretsong nakatingin sa akin. “Habang buhay ka na lang bang magiging researcher at hindi na magsusulat pa?” Agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Para akong sinampal ng katotohanan sa magkabilang pisngi ko at hindi pa doon nakuntento, binuhusan pa ako ng nagyeyelong tubig. Ano nga bang gusto kong gawin sa buhay ko? Sapat na ba sa akin na maging isang anino ng iba at habang buhay nang hindi sumikat at magliwanag? “Hi-Hindi ko rin a-alam, ninong,” nakayukong sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. “Gusto ko lang naman sumulat ng mga istoryang makaka-inspire sa iba, pero kung paano ko magagawa yon ay hindi ko na alam.” “Ba’t hindi mo simulan ulit sa paghahanap ng istoryang kaya mong isulat. Isang artikulo na hindi kailangang baliin mo ang mga prinsipyo mo? Just write an inspiring feature story." Matagal na napatitig ako kay ninong. Kuha ko naman talaga kung ano ang sinasabi niya. Sa totoo lang, natutuwa nga ako na marinig yon galing sa kanya. Imagine, pagkatapos niya akong sermonan, susuportahan niya rin naman pala ako pero napapaisip lang ako. Kaya ko kaya? Kaya ko kayang gawin yung mga bagay na nagawa na ni Daddy noon? You see, my father is one of the famous journalists that mainly focus on writing feature-like stories. Nagsusulat din naman siya ng mga balita pero higit na sumikat lang siya sa mga feature articles na na-publish noon under his name. I want to be like him but I still don’t believe na kaya ko.“Hay nako Autumn..” biglang sambit ni ninong at saka lumipat sa bangkong katabi ng inuupuan ko. “I didn’t know you had this kind of attitude. Kailan ka pa nawalan ng tiwala sa sarili mo? Nasaan na yung Autumn na matindi ang paniniwala sa mga prinsipyo niya?” saad niya nang nakangiti. “Pero kasi ninong, you know how hard it is to write those kinds of stories. Effort, time, patience, research at vocabulary, yon ang kakailangan ko once I decided to write. How could you think na-”“Autumn, kaya mo,” pagpigil ni ninong sa kung ano mang sasabihin ko. “You have all those, lahat yon nasa iyo na. All you have to do is take a risk and believe in yourself.” nakangiting sambit ni ninong. Natatawang napailing na lang ako at napaabay kay ninong. “Hay nako! Mananalo ba naman ako sa inyo? Malakas kayo sa akin eh.” tumatawang sagot ko sa kanya. “Okay! I have decided. I would write stories like Dad. Kaya ko yon!” “Yan!” napapatayong saad ni ninong sabay kinuha ang isang itim na folder. “Bueno, dahil okay ka na, aralin mo ang mga information na ito. Ito ay research pa ng Daddy mo bago siya…. mawala.” sabi niya sabay abot sa akin ng folder. Nagitla ako ng bahagya. Hindi ko rin kasi inaasahan ang pasabog ni ninong ngayon. “Research? So ibig sabihin susulat pa dapat siya?” halos pabulong na sagot ko kay ninong. Daddy died almost a decade ago while covering a story about a certain corporation. It was after he published one story about how political marriage affected the success of that corporation then after that, he died. Sa totoo lang, I knew his death was connected to that published article pero wala naman kasi kaming nakuhang ebidensya to sue the corporation of any crime. Ayoko man na sukuan ang nangyari kay daddy, ninong suggested na mag lay low muna kami at baka kami naman ang maging target ng mayamang korporasyon na yon.To think that he has been researching? Isa lang ang ibig sabihin noon, there is a foul play in my father’s death. He’s healthy, he’s kind and nice. Wala siyang kaaway maliban sa corporation na yon. For sure, they’ve done something bad to my father. “Yes, Autumn. He has been preparing for another article in that corporation series. Too bad, he died.” malungkot na sagot sa akin ni ninong habang marahan na hinihimas ang aking ulo. Napahigpit ang kapit ko sa folder at bahagyang napayuko. These damn rich assholes. “I know what you’re thinking, Autumn.” biglang saad ni ninong. “Whatever it is, hinay-hinay. We are part of a news agency, lahat ng gagawin mo makakaapekto hindi lang sa image mo, natin pero lalo na sa daddy mo.” “Pero ninong… Now that I know about this, how could you expect me to stay silent?”“I’m not telling you to keep silent.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni ninong. He wants me to take it easy pero hindi ang tumahimik? Ano ba talagang gusto ni ninong? “Beat them with your facts. Strike them with the most surprising information you could find. Siguradong mas magugustuhan ng daddy mo kung lalabas ang katotohan sa paraang legal at tama.” nakangiting saad ni ninong. “Tch. Yes ninong, noted po.” Mabilis na binuklat ko ang folder. Napangiti at napatinging muli kay ninong. “Alcantara Group of Companies? Revenge is coming your way.”Third Person POVNaiinis man sa ginawang paggising ni Emman sa kanya, mabilis na kumilos na si Phoenix upang ayusin ang kanyang sarili. Ayaw niyang paghintayin pa ng husto ang board of directors at group of investors na paniguradong bwisit na bwisit na sa kanya. Ang Alcantara Corporation and Group of Companies ang pinaka mayamang korporasyon hindi lamang sa Grindle kung hindi sa buong bansa. Binubuo ito ng ilang five-star hotels, restaurant, banks, trading at kung ano-ano pa. Ang Alcantara rin ang pinaka kilalang supplier ng motor and computer parts sa buong bansa. Parang may kung anong swerte nga naman ang Alcantara Corporation at kahit na anong pasukin nitong negosyo ay lumalago, lalo na nang si Phoenix na ang tumayo bilang CEO at Chairman ng kompanya at ng korporasyon ilang taon na ang nakakalipas. "What will those good-for-nothing men do this time? Talk about my so called 'family'? My image or maybe their plan to take me down? Tss. Two hours? Marahil ay nagngingitngit na sila s
Phoenix's POV"Ano ka ba!?" malakas na sigaw ni Emman sa akin pagkapasok namin sa kwarto.Isang oras din yata ang itinagal ng meeting na yon, malapit na nga akong makatulog sa upuan ko kanina, buti na lang at nandun si Emman para magalit at yugyugin ako.Agad na dumiretso ako sa corner table ko at nagsalin ng brandy sa aking baso."I said what are you doing?!" sigaw na naman ni Emman sa akin. "Do you really want those people to know your secret? Do you!?" nanlalaking matang sigaw niya.Agad akong napatingin sa kanya at bahagya pang natawa. "I know it will never be good to let them discover that but.. like what I've said, I actually would not mind. I just need to capture that goddamn dirty rat before I let out that 'secret'.""Hindi nila dapat na malaman kahit pa mahuli mo na siya," kunot-noong wika ni Emman. "After you catch that goddamn traitor, you should take it slow and listen to me well!" muling sigaw niya at saka inis na ibinato sa akin ang hawak niyang ballpen na madali ko naman
Phoenix's POV “Sino ka ba!? Sino ka ba!?” paulit-ulit niyang sambit habang patuloy na sinusuntok ang mukha ko. “Wala kang kwenta! Katulad ka lang ng nanay mo!”Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang tumama sa aking mukha ang matitigas na kamao niyang lalo pang pinatitigas ng galit at poot na hindi ko rin naman alam kung para sa akin. Ilang beses na rin naman niya akong nasasaktan, kahit noon pa man, pero kakaiba ang isang ito. Bawat suntok niya ay may galit. Bawat sampal at igkas ng kanyang malalapad na kamay ay parang bakal na siyang tumatama sa bawat parte ng aking katawan, na hindi lang pasa at sugat ang iniiwan, parang may kung ano ito na unti-unting dumudurog sa aking pagkatao. Bawat palo ay ipinararamdam niya sa akin na isa akong basura. Bawat sakit na mararamdaman ko tuwing lalatay sa aking katawan ang galit niyang mga kamay ay parang may piraso rin ng pagkatao ko ang nadudurog at nasisira.At hindi ko alam kung mabubuo ko pa ba. Malakas niya akon
Phoenix's POV"Ano ka ba!?" malakas na sigaw ni Emman sa akin pagkapasok namin sa kwarto.Isang oras din yata ang itinagal ng meeting na yon, malapit na nga akong makatulog sa upuan ko kanina, buti na lang at nandun si Emman para magalit at yugyugin ako.Agad na dumiretso ako sa corner table ko at nagsalin ng brandy sa aking baso."I said what are you doing?!" sigaw na naman ni Emman sa akin. "Do you really want those people to know your secret? Do you!?" nanlalaking matang sigaw niya.Agad akong napatingin sa kanya at bahagya pang natawa. "I know it will never be good to let them discover that but.. like what I've said, I actually would not mind. I just need to capture that goddamn dirty rat before I let out that 'secret'.""Hindi nila dapat na malaman kahit pa mahuli mo na siya," kunot-noong wika ni Emman. "After you catch that goddamn traitor, you should take it slow and listen to me well!" muling sigaw niya at saka inis na ibinato sa akin ang hawak niyang ballpen na madali ko naman
Third Person POVNaiinis man sa ginawang paggising ni Emman sa kanya, mabilis na kumilos na si Phoenix upang ayusin ang kanyang sarili. Ayaw niyang paghintayin pa ng husto ang board of directors at group of investors na paniguradong bwisit na bwisit na sa kanya. Ang Alcantara Corporation and Group of Companies ang pinaka mayamang korporasyon hindi lamang sa Grindle kung hindi sa buong bansa. Binubuo ito ng ilang five-star hotels, restaurant, banks, trading at kung ano-ano pa. Ang Alcantara rin ang pinaka kilalang supplier ng motor and computer parts sa buong bansa. Parang may kung anong swerte nga naman ang Alcantara Corporation at kahit na anong pasukin nitong negosyo ay lumalago, lalo na nang si Phoenix na ang tumayo bilang CEO at Chairman ng kompanya at ng korporasyon ilang taon na ang nakakalipas. "What will those good-for-nothing men do this time? Talk about my so called 'family'? My image or maybe their plan to take me down? Tss. Two hours? Marahil ay nagngingitngit na sila s
Autumn's POV"Ano na Autumn!?" malakas na sigaw ng editor ko sa akin sabay hampas din sa lamesang pumapagitan sa aming dalawa. Halos makita ko na ang utak niya sa laki ng pagkakabukas ng ilong niya. Magkahalong inis at galit ang nakikita ko sa kanya ngayon at sobrang kaba ang nararamdaman ko lalo na at ayokong matanggal sa trabaho ko bilang isang journalist dito sa Alire Points. AP ang pinaka sikat na news agency sa buong siyudad ng Alire o baka nga sa buong bansa pa, mapa dyaryo o online platform man yan, Alire Points ang nangunguna. Pahirapan na nga ang pagkakapasok ko dito at isang malaking salamat na rin sa apelyido kong kilala na sa industriya ng pamamahayag. Paniguradong nakakalungkot at nakakawasak ng puso kung sakaling alisin nila ako sa agency. At ayokong mangyari yon dahil hindi yon ang ipinangako ko kay daddy. Mabilis na tinignan ko si Mr. Ramos sa gilid ng mga mata ko habang hindi inaangat ang ulo ko. Sa totoo lang, kakasya na nga yata ako sa butas ng ilong niyang nanlal
Phoenix's POV “Sino ka ba!? Sino ka ba!?” paulit-ulit niyang sambit habang patuloy na sinusuntok ang mukha ko. “Wala kang kwenta! Katulad ka lang ng nanay mo!”Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang tumama sa aking mukha ang matitigas na kamao niyang lalo pang pinatitigas ng galit at poot na hindi ko rin naman alam kung para sa akin. Ilang beses na rin naman niya akong nasasaktan, kahit noon pa man, pero kakaiba ang isang ito. Bawat suntok niya ay may galit. Bawat sampal at igkas ng kanyang malalapad na kamay ay parang bakal na siyang tumatama sa bawat parte ng aking katawan, na hindi lang pasa at sugat ang iniiwan, parang may kung ano ito na unti-unting dumudurog sa aking pagkatao. Bawat palo ay ipinararamdam niya sa akin na isa akong basura. Bawat sakit na mararamdaman ko tuwing lalatay sa aking katawan ang galit niyang mga kamay ay parang may piraso rin ng pagkatao ko ang nadudurog at nasisira.At hindi ko alam kung mabubuo ko pa ba. Malakas niya akon