Ayla P.O.V‘Anong ginagawa niya d’yan?’ napunta ang tingin ko sa nakangiti niyang labi. Nataranta ako nang maisip kong nakatingin nga pala siya sa akin kaya daglian akong tumingin sa ibang direksyon. Narinig ko pang nagsalita ang isa sa kanila sa likod pero hindi ko na naintindihan pa dahil lamang ang nasa isip ko na kaharapan ko ang lalaking ‘to.Tsk. Bakit ang lapit niya sa ‘kin?“L-Layo.” Gusto kong mapapikit ng mariin ng mapansin kong nautal ako. Daglian siyang lumayo sa ‘kin matapos kong mahinang sabihin ‘yon sa kanya. Masyadong malayo pero mabuti na rin ‘to.Ang daming bakanteng upuan dito pa talaga siya naupo. Lagi na lang siyang gumagawa ng ikakapansin ng apat. Kanina, hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya. Nawala na sa isip ko na sumilip muna sa labas bago tuluyang lumabas. Ang nasa isip ko ay nasa kusina pa rin sila kaya siguro nawala na sa isip kong maaaring ang isa sa kanila ay makita ko. At talagang ang makulit na lalaki na ‘to talaga ang nagpakita sa ‘kin. Ginulat pa ako
“Ang galing niyo’ng lima!” natutuwang puri sa kanila ni Moreen habang papalapit ang lima sa ‘min.Nagthumbs up si Wendell at nginitian ng apat si Moreen. Napansin kong nakatingin si Shawn kay Moreen kaya napunta rin ang tingin ko kay Moreen.“Glad you’re here.” nakangiting sabi sa kanya ni Shawn. Matipid na ngumiti sa kanya si Moreen.Naagaw nilang lima ang puntos ng second quarter. Talagang malaki ang nakuhang puntos nilamang nang pumasok sa laro si Lordan. Tuwing nakakalusot si Lordan tuwing tinatambangan siya, mabilis siyang nakakatakbo at hirap nang habulin ng kalaban. Lahat nagsisiiritan, ultimong kabilang department at iba ibang mga college student ay napapahanga sa galing ng limang ‘to. Tumingin ako sa mga iba pa nilang myembro. Tingin ko’y mananatili silang bangko hanggang matapos ang laro.“Ayla?”Napunta ang tingin ko sa tumawag sa ‘kin.“Anong iniisip mo?” tanong sa ‘kin ni Lordan. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang pagtingin ko sa mga ka-member nila. Umiling ako haba
Mabilis akong tumakbo palabas ng basketball court kasunuran ko ang apat. Nasulyapan ko pa’ng nahirapan sila makalabas dahil maraming kababaihan ang humaharang sa kanila. Nang makalabas ako nang tuluyan sa building, naabutan ko silang pinapasok si Kael na walang malay sa puting van. “Habulin na ‘tin sila!” “’Wag na,” pagpigil ko kay Lordan na lumagpas na sa akin. “Hindi na natin sila maabutan.” Dire-diretso ang sinasakyan nilang van nang hindi ‘man lang nag-aalinlangan lumagpas sa mga nababantay sa main gate. “Who are they?” “Tauhan ng ama niya.” sagot ko kay Wendell na nasa tabi ko. “What?!” sabay nilang reaction ni Shawn at Wendell. “Hindi pwede ‘to.” “Paano mo nalaman na tauhan sila ng ama ni Kael?” dinig kong tanong ni Leonaire na nasa bandang likod ko. Humarap ako sa kanya, “I heard it while two of them were talking outside the comfort room. May kukunin daw silang basketball player, akala ko si Shawn ang kukunin nila dahil base sa sinabi nila ay kailangan siyang kunin ng
“Nagpapatawa ka ba?!” galit na galit na tanong ko sa kanya. “Pa’no kung manganib ang buhay ng auntie ko?! Kaya ba ng isang tulad mo maligtas siya kapag napahamak siya?!” Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Gustong gusto kong saktan siya matapos kong marinig ang sinabi niyang pinilit niya ang auntie Madeline ko na kunin ang anak niya. Dama ko ang mga kamay na nasa braso at balikat ko. ‘Ni hindi ko ito dinapuan ng tingin dahil nasa babaeng ‘to pa rin ang paningin ko. Nag-aalab ang damdamin ko. Bakit kailangan pa’ng idamay ng babaeng ‘to Auntie Madeline ko sa sitwasyon niya?! “Magpapabuntis ka sa isang criminal tapos paaalagaan mo sa isang Dawson?! Nagpapatawa ka ba?!” may diin at galit na mga tanong ko sa kanya. Nangangati na ang kamay kong saktan siya. Hindi ko na mapigilan kun’di ang simulang ambain siya ng palad ko na ikinangiwi ng mukha niya. May pilit na bumababa ng kamay ko ngunit mabilis ko ‘yon piniglas. Nakarinig ako ng malalakas na katok na nagmula sa labas n
Lordan Point of ViewSumakay kaming lahat sa loob ng sasakyan maliban kay Auntie at Ayla. Tauhan ni Auntie ang nagmaneho kaya nasa passenger seat kaming apat. Pinakausapan muna namin ang dalawang tauhan ni auntie na kasama namin na i-face-to-face ang apat na seat.Sinusundan namin ang kotse na sinasakyan ni Auntie Crissa. ‘Ni hindi kami nilingon ni Ayla habang pumapasok sa mas magarang van ni Auntie kumpara sinasakyan namin.Mukhang malalim ang iniisip niya. Baka iniisip pa rin niya ang manikang binigay sa kanya ni Kael.“Be thankful, Shawn, that Kael's mother didn't screw you up!” natatawang sabi ni Leonaire kay Shawn.Nilingon ni Shawn si Leonaire na katabi lang niya. “Kahit na nakakaoffend yung sinabi ko, posibleng tama naman ang sinasabi ko di ‘ba?”“Kung totoo ‘man ‘yon, hindi dapat magbago ang tingin natin kay Kael.”“Yeah.” pagsang-ayon ni Leonaire kay Wendell.“Pero what if…”“Ano na naman ang ihihirit mo, Shawn?”Napanguso si Shawn matapos siyang mapigilan ni Leonaire. “Iniis
Chapter 31 Auntie Madeline’s sideAyla Point of ViewSumakay ako ng sasakyan habang si Kael pa rin ang nasa isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Kael pala ang batang sumagip sa ‘kin. Nang makita ni Kael ang mukha ko, takot ang namuo sa mukha niya hindi ang pagkilala niya sa ‘kin. Gustong gusto ko na masagot ang nakakapagpagulo sa isip ko sa mga oras na ‘to. Gusto ko na siya makita.Inilinga ko ang ulo ko sa itim na bintana ng sasakyan na nasa tabi ko. Pinagmasdan ko ang reflection ng itsura ng aking muka.Malayong malayo na nga ang itsura ko sa dating pasaway na paslit. Mukhang dahil sa pag-iba ng appearance ko ay hindi na niya ko nakilala pa. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili kong walang seatbelt. Tanda pa kaya niya ang araw na ‘yon?Sana ay oo.“Something wrong, Ayla?” may pag-aalala sa tono ng tanong ni AuntiInalis ko na ang tingin ko sa salamin at ibinaling na sa harap. Nakasara ang maliit na bintana sa harap ko. Kita ko kung paano mag-ingat magmaneho ang driver na sina
Pagpasok ko ng dining area ay saktong pagtama ng paningin namin ni Lordan. Napatigil ako sa pintuan. Para siyang nag-aalala nang makita ako.Delusyon na naman ‘tong dumidikit sa ‘kin.Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya saka mabilis na nagtungo sa pwesto nila at naupo sa bakanteng upuan na nasa kanan ni Wendell. Sinadya kong dito maupo para makaiwas ng tingin kapag kumakain na kami. Paniguradong puno ng katungan ang isip niya kung bakit ga’non na lang ang ipinakita kong reaksyon sa pag-alok niya ng bulaklak sa ‘kin.Tumabi ngayon sa ‘kin si Leonaire, pinaggigitnaan ako ni Wendell at Leonaire na kaharap si Lordan. Hindi ako nagdedelusyon, dama ko ang tingin sa ‘kin ni Lordan. Halos matunaw na ang platong malinis sa harapan ko kung pakatitigan ko ‘to.“Hey, that’s my place Leonaire!” bagong dating na si Shawn.“May upuan pa sa kabila, doon ka na!” pagturo ni Leonaire sa katabing upuan ni Lordan.Tatlong upuan lang ang kasya sa hilera ng upuan at tag-isang upuan sa magkabilaang du
Lordan Point of View“Magpadala ng 20 guards sa Laguna. I’ll send the exact location of the bahay ampunan.”“Yes, ma’am.” sagot ng nasa kabilang linya. Ibinababa na ni Auntie ang cellphone.“Nga pala, Lordan. Itong guest room na ‘to ang place niyong apat tapos dito si Ayla.” Tinuturo ni Auntie ang bawat pinto na papasukan namin at papasukan ni Ayla. Tinanguan ko si Auntie bilang sagot. “She’s not comfortable kapag may kasama siya.”‘Alam ko po, Auntie.’ sagot ko sa isip ko.Tumango lang ako sa kanya. Pagkakataon ko na ‘to para maitanong.“Auntie,” pagpigil ko kay Auntie bago pa ‘man siya magpunta sa hagdan para bumaba. “Pwede ba kita makausap saglit?”“Yeah, sure.” pagpayag niya. “About what?”“Uh, kay Ayla po.”“Kay Ayla?” kuryosong tanong niya.Tumango ako. “Inalok ko po kasi ng bulaklak si Ayla,” tumaas ang kilay ni Auntie. “U-Uh, kanina kasi tingin ko gusto niya p ‘yung bulaklak na nasa hardin ni tita Crissa tapos bigla na lang po niya pinalo ang bulaklak.”Napakunot ng noo si Aun
Lordan’s P.O.V“Be my date on February 28, Ayla.”Natigilan siya sa pagkakataong ito. “28? In two weeks?”“Nagkaroon ng announcement sa campus. May grand ball na magaganap for all year level.” Masayang anusyo ko sa kanya.Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at umiwas siya ng tingin. “Ayoko.”Nadismaya ako sa sagot niya. “Ayla naman.” Hinarap ko ang mukha niya. “Gusto ko ikaw ang maging partner ko, ayaw mo ba?”“Hindi sa gano’n.” maikling sagot niya. “‘Wag mo ng ipilit.”Ipipilit ko kung kaya ko’ng ipilit. Gusto ko, siya lang ang maisayaw ko sa gabing 'yon.“Mas sasaya kaming lima kung makikita ka naming na’ron.” Mahinahong sabi ko.Binalikan niya ako ng tingin. “Umamin ka nga…”“Umamin? Anong aaminin?” nagtatakang tanong ko.Ikinagulat ko ng i-alis niya ang kamay niya sa kamay ko. Napalitan ng seryosong tingin ang mga mata niya.“Hindi mo talaga ako gusto.” walang anu-ano'y sabi niya.Naguluhan ako sa sinabi niya.“Sinabi mo lang na gusto mo ko dahil alam mo’ng gusto kita.”“Ano ba’
Ayla’s P.O.VAno ba’ng pumasok sa kokote niya at nagawa niya akong yakapin sa harap ng apat na ‘yon?!Nakakahiya!“Ayla!”Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang marinig ko ang pagtawag niya.‘Bakit pa ba niya ako sinusundan?!’ bulong ko sa isip.Nanlaki ang mata ko nang makuha niya ang kamay ko at agad na hinarap sa kanya. Nakangiti na para ba’ng nagtagumpay siyang mahuli ako. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya.“Na-miss kita.”Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Naiilang ako sa mga tingin niyang hindi ‘man lang maalis kahit na isang beses sa ‘kin. Gusto ko’ng sampalin ang sarili ko, dahil paniguradong nagmumuka akong ewan na hindi alam ang gagawin. Sinubukan ko’ng kumalas sa pagkakayakap niya ngunit hindi naman ako nagtagumpay.“Sabi ko na-miss kita.”Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng ayos sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Dalawang linggo mo na ko’ng iniiwasan, ‘ni lingunin ‘man lang hindi mo nagawa.”Tss, para naman sa kanya ang g
Sa tulong ni Ayla nakalaya kami sa mga taong ‘to. Dahil sa takot ni 4’11 kahit may panlaban ang baril niya, nagawa na niya ibaba ang baril pero hindi pa rin inaalis ni Ayla ang patalim niya.“Labas.” Sinunod agad ng driver ang sinabi ni 4’11.“Buksan mo.” Hindi maayos ang pagkakasabi ko dahil sa busal.Nang makababa kami, agad kaming nagpunta sa likod ni Ayla na nasa unahan ng sasakyan. Hindi ko maipaliwanag, sobrang angas niya!“Baba.” Maawtoridad na utos ni Ayla.Sumunod agad sila kay Ayla. Pinaluhod ni Ayla ang mga ito sa harap niya.“Ako si Ayla Desire Yamamoto.” Taas-noo pakilala ni Ayla.Nagpalitan kami ng mga tinging lima dahil sa pagtataka na ibang apilyido ang ginamit niya.“Pamangkin ni Madeline Dawson.” Dagdag pa niya.Nan’laki ang mata nila nang marinig kay Ayla. Anong ba talagang may’ron kay Ayla? Kung hindi makapaniwala, pagkagulat naman.Matunog na napangisi at napailing si Ayla. “Matagal nang nahanap ang lungga niyo, talagang nakipagkasundo pa kayo sa may ari ng hotel
Lordan P.O.VIisang sasakyan lang ang dinadala namin pagpapasok kami sa trabaho. Pang-apat na gabi na namin dito sa hotel, sabi nila kaya madalas sila kumuha ng part timer dahil madalas ma Hindi naman ga’non kahirap ang trabaho dahil hindi lang naman kami ang nagt-trabaho. May Narito kami ngayon sa isang room para magbihis ng uniporme pa’ng waiter.“Guys hindi ba kayo nagtataka simula nang magtrabaho tayo?” panimula ni Shawn. “Tayo lang ang gwapong empleyado nila.”Natawa kami sa sinabi niya pero hindi sa panghuhusga ay masasabi ko’ng may punto nga siya.“Tinatarantado lang ata nila ‘yung mga taong gusto rin mag-apply sa kanila.” Komento ni Leonaire. Kakatapos lang niya magsuot ng uniporme.“Huy Wendell, kanina ka pa tahimik. Anong nangyayari sayo?” si Shawn. Napunta ang atensyon namin kay Wendell na nakaupo sa isang bench sa dulo nang kwarto’ng ‘to.Inisa isa niya kaming tiningan. “I feel so worried, guys.” Nangangambang sabi niya. “I think one guest is observing us from far. Ilang b
Kasama naming umuwi si tita Crissa ng mansion, pati na rin ang pa’ng bodyguard ni auntie. Nalungkot pa ko dahil nagpabukod si Ayla ng sasakyan, hindi ko ‘man lang siya nakausap nang umaga dahil para ba’ng iniiwasan niya ko. Dali-dali pa siyang pumasok sa loob ng mansion nang makababa sasakyan.May sinasabi pa si tita Crissa kanina sa ‘min pero hindi ko na maintindihan ang ilan dahil si Ayla ang nasa isip ko. Ang nagkausap sila ni Ayla at ayos na rin raw sila.Matamlay ako’ng nakahilata ngayon sa sofa. Nasa taas ang tingin, nasa balikat ng long sofa ang ulo, at ang isang paa ko ay laylay sa sahig. Dumagdag pa sa isip ko na hindi ko siya makikita tuwing may trabaho kami.“Oh, hindi lang kayo nagka-eye contact ni Ayla para nang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo.”Hindi ko siya sinagot.“Ba’t mo kasi pinakilig? Tapos alam pa niyang narinig namin.” nabaling agad ang tingin ko kay Shawn. Nagningning bigla ang mata ko. Kanina ko pa tinatanong sa sarili kung bakit hindi niya ‘man
Mabuti na lang may pagkukusa ang kasama ko. Hindi naman masyado naglagyan ng dumi ang pool dahil may kalayuan naman naman kung saan pumesto ang helicopter ni Auntie. Nagbabasaan pa si Leonaire at Shawn sa pool area kaya bago itago ang panlinis ng pool. Nagwawalis naman si Kael at Wendell sa magkaibang pwesto.Tumigil ako sa pagsungkit ng dahon sa pool. “Huy! Tama na ‘yan!” saway ko sa dalawang nasa dulo ng pool.Biglang nagkatinginan ang dalawa at para ba’ng iisa sila ng nasa isip, may samang balak to’ng mga ‘to panigurado. Humarurot silang tumakbo papunta sa ‘kin.“Peste sabi na.” sambit ko bago mabilis ako’ng tumakbo papalayo sa kanila.Baka nakakalimutan nilang runner ako! Sa lugar namin, ako ang pinakamabilis tumakbo. Walang nakakatalo sa ‘kin. Utas na ko kakatawa dahil naghihingalo na ang dalawa kakahabol sa ‘kin.“Ako pa talaga ang hinabol niyo! HAHAHAHA!” tawang-tawa sabi ko habang nakapamewang pa.Muli silang tumakbo kaya agad akong tumalikod para tumakbo pero ang hindi ko ala
Lordan P.O.VKita ang saya sa mga mata ni Kael habang yakap ang ina. Mabuti na lang naging maayos na sila mag-ina at mabuti na lang din nalaman ni tita Crissa ang totoong nangyari sa nakaraan nila tatay ni Kael. Wala ako’ng karapatan husgahan ang ama niya pero sana maisip ng tatay niya na piliin ang sarili niyang anak kaysa illegal niyang gawain.Papaalis si tita Crissa dahil tumawag ang isang international foreign country sa kanya. Napili siyang ilaban sa isang cooking show sa America. Urgent meeting pa nga kaso ayaw ni tita dahil ngayon lang ulit sila magkakasama ni Kael. Kung hindi pa siya pilitin ni Kael ay hindi ito pupunta.“Intayin niyo ako mamaya okay? Ihahatid ko kayo pauwi.” Nakangiting sabi niya sa ‘min at nakangiti kaming tumango sa kanya.“Good luck Crissa!” Napalingon agad kami sa likod nang marinig ang boses ni auntie.Nagbigay kami ng daan para mayakap nila ang isa’t isa.“See you in…” nagbilang pa si Auntie sa daliri.“7 years and 3 months again.” nakangising nakakalo
Hihiga na sana ako sa kama para matulog nang may biglaang kumatok. Iisipin ko pa sana na si Auntie 'yon pero bigla siyang nagsalita. Si Lordan.“Ayla, hindi ka ba lalabas?" Parang may saya pa sa tono ng pananalita niya. “Paalis na si Auntie."Hindi ako nagsalita at tinuloy na lang ang balak ko'ng pagpahiga para matulog. Naririnig ko pa ang maliliit na boses nila pero hindi ko naman lubos na naintindihan. Pinabayaan ko na lang sila. Ayoko na munang humarap sa kanila.Tinalikuran ko na ang pinto. Hindi ako nagkamali sinilip nila ako. Kitang kita ko ang pumasok na kaunting liwanag sa kwarto 'to.“Tulog s'ya, 'wag na natin gisingin baka lamunin pa niya tayo kapag nagambala pa natin siya.” dinig na dinig ko ang kalokohang sinabi ni Shawn. Hindi na nabago ang tingin niya sa 'kin. ‘Di ko rin naman sila masisisi.Binalot na ulit ng dilim ang silid.Ayoko rin harapin ang lalaking kakaiba ang kilos kanina. Napapikit ako ng mariin nang maalala naman ang nangyaring 'yon. Nababaliw na ata siya. Si
Ayla Point of ViewMabilis ko’ng iniwas ang tingin ko nang magmumulat na s’ya ng mata. Parang mali pa na sa plato’ng ‘to ko nakatingin.Naramdaman ko ang dahan-dahan n’yang pagtayo, “W-Wala po. Tapos na po ako.” Natataranta ang mata niya habang sinasabi n’ya.Kumuha ng ulam sa harap ko at umalis.“Lordan! Hindi ka pa tapos kumain!” pahabol pa ni auntie kahit tuluyan nang nakaalis.“Anong nangyari ‘don?” nagtatakang tanong ni Crissa.Hindi ko na rin naiwasan mag-isip kung ano nga pa iniisip n’ya.O_oHindi kaya…Sandali ako napapikit nang mariin nang maaala ang nangyari kagabi.“Kailangan na ata ni Lordan ng psychiatrist, auntie.” sabi ni Leonaire.Napatingin ako sa glasswall kung saan makikita si Lordan. Nagsasalita mag-isa.“Talk him later… baka matuluyan nang mabaliw ‘yon.” sagot ni auntie habang pinagpapatuloy ang pagkain.Tumawa ang apat na lalaki. Nang matapos kuman, niligpit na ng mga kasam-bahay ni Crissa ang nasa mesa, napresinta pa si Wendell pero hindi ni-refuse ni Crissa. N