"Baby, bakit ayaw mo na makipag-usap kay Ma'am Divina? Natatakot ka ba sa kanya, huh?" tanong ni Stella kay Elmo matapos nilang mag-sex isang gabi. Kinunutan muli ni Elmo ang girlfriend niya na si Stella sa tanong nitong 'yon sa kanya."Of course not. Hindi ako natatakot sa kanila, okay? Ba't naman ako matatakot sa kanila? Ayaw ko naman na makipag-usap pa sa kanya. Wala naman kaming kailangan na pag-usapan ng babaeng 'yon," nakangusong sagot ni Elmo kay Stella. "Gusto ka lang naman niya makausap, baby. Wala namang masama doon, 'di ba? Ba't hindi mo na lang kasi pagbigyan si Ma'am Divina, baby? You have to do that for me, please. Hindi ka naman niya sasaktan o ano pa, eh. Gustong-gusto ka lang talaga niya na makausap," sagot ni Stella sa kanya. "Hindi mo ba puwedeng pagbigyan siya, baby? Nakikiusap ako sa 'yo na baka puwedeng pagbigyan mo naman siya sa nais niya. Alam ko ayaw mo ngunit wala namang masama kung gagawin mo 'yon. Isipin mo na gagawin mo 'yon para sa akin. Mahal mo naman a
"May chance po ba tayong dalawa na makausap si Elmo, mom?" tanong ni Richard kay Divina na mom niya. Huminga muna nang malalim si Divina bago sinagot ang katanungan na 'yon ng kanyang anak sa kanya."Nakausap ko muli kahapon si Stella," dahan-dahan na nitong sabi sa kanya na nakanguso. He saw the facial expression of his mom and he knows that there's something else."Talaga po? E, ano po ang update? Nakagawa ba siya ng paraan para makausap natin si Elmo? Did she do something, mom?" tanong nito sa kanya."Son, she did everything she can but your son Elmo is as hard as stone. Ayaw niya talaga na makipag-usap sa akin. Matigas siya. Sad to say that she did nothing. Walang nagawa si Stella sa kahit anong pakiusap niya sa anak mo. Ayaw talaga niya. Wala tayong magagawa kung ayaw ng anak mo na makausap ako. Kahit papaano ay naiintindihan ko naman siya kung bakit ganoon siya. Alam naman niya ang totoo kaya siguro ay ganoon siya na ayaw niya na makausap tayo o kahit ako man lang. We can't blam
Um-order si Stella ng pagkain nila. In a few minutes ay ide-deliver na 'yon. Naisipan niya na utusan si Elmo na boyfriend niya na bodyguard niya na personal assistant pa niya na abangan sa baba ang in-order niya na pagkain na para sa kanila. "Puwede mo bang abangan sa baba ang in-order kong pagkain natin, baby? On the way na 'yung magde-deliver," sabi ni Stella kay Elmo nang pumasok ito sa loob ng opisina niya. Elmo nodded immediately. "Puwede naman, baby. Puwede naman nga na sa baba ko hintayin 'yung order mo. Wala namang problema 'yon sa akin at isa pa ay trabaho ko naman 'yon, 'di ba?" nakangising sabi ni Elmo sa kanya. Ngumiti rin si Stella sa kanya. "A, sige, baby. Salamat.""Walang anuman 'yon, baby." Mabilis naman nga na lumabas si Elmo sa opisina ng girlfriend niya na si Stella para kunin o abangan sa baba ng in-order nito na pagkain nila. Tamang-tama pagkababa ni Elmo ay kararating lang ng magde-deliver ng in-order ni Stella na pagkain nilang dalawa. Kinuha kaagad niya 'y
"Bata pa silang dalawa ng mga panahon na 'yon. Ayaw ko pa sila na pumasok sa isang bagay na alam ko na hindi pa sila handa. Oo. Aaminin ko na ayaw ko sa ina mo dahil mahirap lang siya. Hindi silang dalawa nararapat na magsama ng anak ko kaya ko silang dalawa pinaghiwalay! Minahal ng anak ko ng ina mo kaya ka nga nabuo, 'di ba?" sabi ni Divina sa kanya. "Dahil nand'yan ka na at kahit ganoon man ako sa ina mo ay ayaw ko na hindi ka kilalanin bilang apo ko. Kikilalanin kita na apo ko na anak ng anak ko na si Richard. Kung ano ang dugong dumadaloy sa mga ugat mo ay ganoon rin naman sa amin, eh. Magkakadugo tayo. Kung wala rin ako, wala rin ang anak ko na si Richard na ama mo at wala ka rin naman, Elmo."Kumunot pa lalo ang noo ni Elmo sa panghuling sinabi ni Divina sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin sa akin? Kailangan ko ba na magpasalamat ako sa 'yo? No! Hindi ko gagawin 'yon! Ayaw ko sa inyong dalawa! Masasama kayo at 'yon ang totoo! Umalis na kayong dalawa! 'Wag na kayong magpakita p
Nagpupuyos sa galit si Elmo habang nasa loob siya ng elevator at kulang na lang ay sipain niya ang dingding nito. Dala-dala pa rin niya ang pagkain na in-order ni Stella para kainin nila. Wala siyang ideya na pupuntahan pala siya ng dalawang mag-ina. Nabigla nga siya. Ayaw pa naman niya na makita pa ang mga ito ngunit nagkita pa rin sila. Kunot-noong pumasok si Elmo sa loob ng opisina ng girlfriend niya na si Stella. Nakanguso pa nga siya na kaagad naman na napansin 'yon nito. Nagpasalamat muna si Stella sa kanya. Maayos naman na inilapag ni Elmo ang pagkain sa may mesa na nasa gilid."Ba't ganyan ang mukha mo, baby?" nagtatakang tanong ni Stella sa kanya na tumayo pa nga mula sa pagkakaupo nito sa kanyang swivel chair. "May nangyari ba na hindi maganda o ano, huh?"Elmo breathes deeply before he speaks to her. Napahilamos pa nga siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang mga palad. "Oo! May nangyari talagang hindi maganda!" singhal niya sa harapan ni Stella na girlfriend niya
Hanggang sa makauwi nga si Stella sa kanyang bahay ay hindi pa rin niya matawagan ang boyfriend niya na si Elmo. Nakapatay pa rin ang cell phone nito kaya hindi niya matawagan. Hindi tuloy maiwasan na mag-alala siya para dito sapagkat hindi niya alam kung nasaan talaga ito. Hindi niya rin inaasahan na gagawin nito ang sinasabi sa kanya na makipaghiwalay na ito sa kanya. She can't believe it. Halu-halo ang emosyon na nararamdaman ni Stella. Ang mas nangingibabaw ay ang pag-aalala at takot na nararamdaman niya na baka hindi na talaga bumalik si Elmo sa kanya. Tuluyan na siya nitong iniwan. Iniisip niya na hindi totoo ang lahat ng nangyayaring 'yon at umaasa siya na babalik muli si Elmo sa kanya para magsama silang dalawa.Kaunti lang ang kinain na pagkain ni Stella kinagabihan. Hindi siya makakain ng marami dahil walang ibang laman ang isipan niya kundi si Elmo lamang. Nag-aalala siya para dito. Nagtataka tuloy ang mga kasambahay niya kung bakit hindi niya kasama si Elmo. Ang sabi lan
Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin mahanap ni Stella kung nasaan si Elmo. Bigo ang mga inutusan niya na mahanap kung nasaan man nga ito. Nahihirapan sila. Pinatigil na lang ni Stella ang mga ito sa paghahanap kay Elmo kung nasaan man nga ito naroroon dahil bayad lang siya nang bayad ngunit hindi naman nahahanap nito kung nasaan ang lalaking minamahal niya. Miss na miss na nga niya si Elmo. Gabi-gabi siya na umiiyak. Ayaw niyang mawala ito sa buhay niya nang tuluyan. Hindi niya kakayanin. Hindi siya maka-focus sa kanyang trabaho at pag-aaral. Pinalabas niya sa mga empleyado niya na nag-resign na si Elmo sa kanya bilang bodyguard niya kaya hindi na nila ito nakikita na kasama siya. Naniwala naman nga ito sa sinasabi niyang 'yon. Wala naman kasing alam ang mga ito kaya madaling paniwalaan ang mga sinasabi niya. Isang gabi tumawag sa kanya ang kaibigan niya na si Janice. Hihiga na sana siya sa kanyang kama ngunit tumunog ang cell phone niya. Hawak-hawak lang naman niya ang ka
Sina Stella at Divina lang ang magkasama na kumain ng dinner sumunod na gabi dahil may date si Janice. Sinabi naman ni Stella kay Divina ang totoo tungkol sa kaibigan niya na si Janice. She was so happy when she heard that. Sa ibang restaurant silang kumain ng dinner. The food was so delicious. Expected ni Stella na hahanapin ni Divina si Elmo dahil bodyguard niya ito sa pagkakaalam nga nito. "Nasaan pala si Elmo? Bakit hindi mo siya kasama? Mag-isa ka lang, Stella," tanong nga nito sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain nila ng dinner na dalawa. Nilunok muna ni Stella ang pagkain na nginunguya niya at uminom ng tubig bago sumagot sa tanong na 'yon ni Divina sa kanya na handa naman nga niyang sagutin. "Wala na po si Elmo, Ma'am Divina," mahinang sabi ni Stella kay Divina na napakunot-noo kaagad sa sinabi nga niyang 'yon na wala na si Elmo."Huh? Ano'ng ibig mong sabihin na wala na siya, Stella?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Nagpakawala muna si Stella nang malalim na buntong-hinin
Habang nagpapahinga si Elmo ay tumungo si Stella sa may terasa para magmuni-muni doon. May maliit na upuan doon kaya umupo siya. Walang ibang laman ang isipan niya kundi ang nalaman niya mula kay Elmo. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga nalaman na 'yon. Una, ang sinabi nito sa kanya tungkol sa malaking bag na kinuha niya na ito lang naman pala ang naglagay sa may mga basurahan na ninakaw nga nito. Akala niya ay kung sino ang lalaking 'yon ngunit ito lang pala na matagal na niyang kasa-kasama na naging boyfriend pa nga niya. Pangalawa naman ay ang pagsabi sa kanya na deserve niya ang perang kinuha niya dahil galing naman 'yon sa totoong mga magulang niya at ang pangatlo ay alam nito kung sino ang mga magulang niya na umampon nga dito na ninakawan pa niya ng pera. Ang pang-apat na panghuli naman ay ang pagsabi sa kanya ni Elmo kung paano nito nalaman na siya nga ang nawawalang anak ng dalawang mag-asawa na umampon sa kanya dahil kay Beverly na nagligtas sa kanya mula sa nasusunog na
"May nakilala akong babae doon sa probinsiya. Siguro nasa mid-30s na 'yon na nakausap ko. Nagkuwentuhan kaming dalawa. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa buhay niya tapos ako naman ay nagkuwento naman kahit kaunti. Hindi ko sinabi sa kanya ang hindi ko puwedeng sabihin dahil mahirap magtiwala lalo na wanted ako ng mga pulis. Sinabi niya sa akin na nagtatrabaho siya dati bilang isang nurse ngunit umalis siya matapos ang isang nakakapangilabot na nangyari habang nagtatrabaho siya sa isang hospital. Nagkaroon ng sunog sa hospital na pinagtatrabauhan niya. Marami raw ang namatay ngunit may mga nakaligtas rin naman. Hindi raw niya makakalimutan ang pangyayaring 'yon sa buhay niya. Papalabas na siya para umalis doon sa nasusunog na hospital nang makarinig siya na umiiyak na babaeng sanggol. Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng umiiyak na sanggol kahit na lumalaki na ang apoy sa loob ng hospital na 'yon. Nakita nga niya ang babaeng sanggol na umiiyak doon. Naawa siya kaya kinuha niya ito. Kil
Elmo licked his lips and sighed deeply before he speaks to her again. May kailangan pa talaga siyang sabihin at ipaliwanag kay Stella na hindi pa nito nalalaman mula sa kanya na ngayon na niya gustong sabihin. "You have to know something. May kailangan akong sabihin sa 'yo na ngayon ko lang talaga masasabi sa 'yo. 'Wag kang magsabi na hindi mo deserve 'yon dahil deserve mo naman talaga. Wala ka pang alam kaya nasasabi mo 'yan pero kapag sinabi ko na sa 'yo ang tungkol sa bagay na 'yon ay nasisigurado ko na titigil ka na sa pagsasabi na hindi mo deserve 'yon. Deserve mo na sa 'yo napunta ang perang ninakaw ko," seryosong sabi ni Elmo sa kanya. "Wait lang, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo sa akin na 'yon. Bakit ko ba deserve 'yon, huh? Hindi ko maintindihan," reklamo pa ni Stella kay Elmo. "Deserve mo ang perang kinuha mo mula sa akin kahit ninakaw ko 'yon sa umampon sa akin dahil sila ang tunay mong mga magulang. Ang umampon sa akin ang tunay mong mga magulang. Ang perang 'yon
"Huwag kang magsabi na hindi ka nagkinabang sa perang 'yon na ninakaw mo dahil nagkinabang ka naman kahit papaano lalo na ngayon," sabi ni Stella sa kanya na ikinakunot pa lalo ng kanyang noo. Hindi niya maintidihan ang sinasabi ni Stella sa kanya na sinasabi nito na nagkinabang siya sa perang 'yon na ninakaw niya. Nagtataka talaga siya kung bakit ganoon ang sinasabi nito sa kanya. Ni singkong duling nga ay hindi siya nakahawak kaya paano naman raw masasabi nito na nagkinabang siya. Pinagloloko ba siya ni Stella?"A-Ano? Ano'ng ibig sabihin ng sinabi mong 'yon na nagkinabang ako ng perang ninakaw ko, huh? Ni singkong duling nga ay wala akong nahawakan kaya imposible na nagkinabang ako sa perang 'yon na ninakaw ko. Kailanma'y hindi ako nagkinabang sa perang 'yon," protesta ni Elmo sa kanya. "Why are you telling that to me? Pinagloloko mo ba ako?""Of course not. Hindi kita pinagloloko, okay? Totoo naman talaga na nagkinabang ka sa perang 'yon na ninakaw mo nang hindi mo namamalayan. Si
Bumuga muna si Elmo ng malamig na hangin bago nagsalita sa katanungan na 'yon ni Stella sa kanya. He's going to tell the truth to her. Wala na ngang dahilan pa para magsinunggaling pa siya dito lalo na may alam na ito tungkol sa kanya. Dahan-dahan na tumango si Elmo sa harapan niya at saka ibinuka ang kanyang mga labi para magsalita."Oo. Totoo 'yon. Totoo ang nabasa mo tungkol sa akin na kaya ako nakulong ay dahil nagnakaw ako. Hindi naman ibabalita 'yon kung hindi totoo 'yon. Iyon lang naman ang ibang dahilan kung bakit ako nakulong at wala nang iba pa," nakangusong sagot ni Elmo sa kanya."Bakit mo nagawa 'yon, huh? Akala ko ay hindi ka ganoon. Bakit mo nagawa na magnakaw? Nalaman ko kay Ma'am Divina na pinaampon ka raw ng tunay mong ina," tanong ni Stella kay Elmo."Totoo 'yon na pinaampon nga ako. Hindi ko lang talaga sinabi sa 'yo ngunit ngayon ay alam mo na," mahinang sabi ni Elmo sa kanya. "Wala akong ibang ninakawan kundi ang mag-asawa na umampon sa akin. Ninakaw ko ang pera
"Alam mo na ba pagkalabas mo na ako ang tumulong sa 'yo para makalaya ka, huh?" mahinang tanong ni Stella kay Elmo habang kumakain ito. Si Elmo lang ang kumakain habang siya ay nakatingin lang dito. Pinagmamasdan niya ito na kumakain. Saka lang sumagot si Elmo sa kanya matapos na uminom ito ng tubig. "Hindi. Hindi ko alam na ikaw ang nagpiyansa sa akin para makalabas ako. Tinatanong ko ang mga pulis ngunit hindi naman nila alam na ikaw. Saka ko lang naman nalaman nang lumabas ako at nakita ko ang kotse mo. Alam ko na ikaw nga 'yon at wala nang iba pa," sabi ni Elmo sa kanya. "Paano mo ba nalaman na nakakulong ako, huh?" tanong pa ni Elmo sa kanya. She let out a deep sigh. "Nabasa ko sa balita online kaya ko nalaman. Ilang araw ka na palang nandoon. Hindi ko alam. Mabuti na nabasa ko sa balita online dahil kung hindi ko nabasa 'yon baka nandoon ka pa ngayon. Magtitiis ka doon hanggang sa hindi ka nga makalaya."Dahan-dahan na tumango si Elmo at hindi na muna nagsalita. Pinagpatuloy n
Tinawagan kaagad ni Stella ang kanyang mga abogado matapos na makausap niya ang kaibigan na si Janice sa kabilang linya. Pina-cancel na muna niya ang appointment niya sa araw na 'to dahil may kailangan siyang asikasuhin. Nagpaalaman naman nga siya sa kanyang secretary na lalabas siya dahil may importanteng aasikasuhin siya na walang kinalaman sa kompanya niya. Binilinan niya ito na kapag may kailangan ay tawagan lamang siya. Nakipagkita nga siya sa kanyang mga abogado at sinabi ang nais niyang mangyari na tulungan si Elmo na makalabas sa kulungan. Hindi pa man nga niya ito nakikita at nakakausap ngunit gusto niyang makawala ito mula sa pagkakakulong sa bilangguan kung nasaan man nga ito. May alam naman ang mga abogado niya tungkol sa sitwasyon ni Elmo dahil nabasa at nakita nila ito sa balita. Ang plano ni Stella ay hindi muna siya makikipagkita o makikipag-usap kay Elmo. Gusto muna niya itong makalaya mula sa pagkakakulong. May dala na rin siyang pera para sa pampiyansa nito. Bago
Dalawang araw na ngang nakakulong si Elmo sa bilangguan. Nalaman na rin ng kanyang ina na si Rosalina ang pagkakahuli sa kanya kaya pinuntahan siya nito. Umiiyak itong pumunta sa kanya. Kahit gusto niya na maluha sa harapan ng kanyang ina ay pinipigilan niya. Kailangan niya na magpakatatag sa harapan nito. Sinabihan naman nga siya ng kanyang ina na si Rosalina na wala siyang magagawa pa. Wala rin siyang pera na maitutulong dito para makapagpisensiya siya. Naisip ng kanyang ina na lumapit na lang kay Richard na tunay na ama niya para humingi ng tulong dito kahit ayaw nitong gawin 'yon ngunit wala siyang ibang magagawa kundi ang gawin 'yon upang masigurado na makakalabas ang anak nila sa kulungan. Ayaw niya na magdusa ito sa loob ng kulungan habambuhay ngunit pinigilan siya ni Elmo. "Huwag, huwag mo pong gagawin 'yon, ma. Nakikiusap po ako sa 'yo na huwag mong gagawin 'yon. 'Wag kang lalapit sa kanila. Alam mo naman po ang ginawa nila sa atin, 'di ba? Pagtatawanan lang po nila tayo
"Alam ko na kung nasaan si Elmo, hon?" sabi ni Alfred sa kanyang asawa na si Evelyn isang araw. Alam na niya kung nasaan si Elmo dahil may nakakita na isang pulis kung nasaan ito. Sa kaibigan ni Elmo na si Marco ito pansamantalang nakatira. "Talaga ba, hon? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka naman n'yan ay hindi totoo 'yan. Umaasa pa naman ako na mahuhuli na siya ng mga pulis. Totoo ba, huh?" paniniguradong tanong ni Evelyn sa kanyang asawa na si Alfred. Tumango pa nga na nakangiti si Alfred sa kanyang harapan bago muling nagsalita ito sa kanya."Oo, hon. Sigurado ako sa sinasabi ko sa 'yo. Totoo 'yon. Alam ko na kung nasaan si Elmo at sigurado ako na ngayong araw na 'to ay mahuhuli na siya ng mga pulis. Ikukulong na siya sa bilangguan. Doon na siya mabubulok, hon. Hindi man nga natin mabawi pa ang perang ninakaw niya mula sa atin ay ang maparusahan man lang siya ay sapat na akin 'yon," seryosong sabi ni Alfred kay Evelyn na asawa niya.Matapos ang sinabi nitong 'yon sa kanya ay na