Magkasabay kaming lumapag sa airport sa iisang plane, ngunit nilihis namin ang isa't-isa pagbaba namin para hindi kami mahuli ng pamilya niya. Diretso lang ako sa paglalakad dala ang bagaheng katamtaman ang bigat at itinuon ang tanaw sa labas ng airport. Agad kong nakita ang kaibigan kong si Dahlia na kumakaway sa 'di kalayuan, na sa likod niya'y nakaparada ang pulang kotse. Nilapitan ko siya at binati."Good morning, Dahlia. Mag-isa ka lang ba?""Ah, oo. Si Fin, iniwan ko muna sa mama mo dahil mukhang naaaliw pa siya sa lola niya. Kumusta ang honeymoon?"Hindi ko kaagad siya sinagot dahil nahahalata ko sa kaniyang mukha ang bakas ng pagkabahala. Alam ko ang facial expression ni Dahlia kapag lubos siyang nasisiyahan na makita ako o napipilitan lang dahil sa may ibang iniisip. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong niya ay nilihis ko iyon sa isang tanong din."May nangyari ba, Dahlia? Si Antonette, inaalagaan niyo ba siya nang mabuti?"Hindi siya makasalita. Dinig ko lang ang malalim niy
Andrew's POV"Anong klaseng anak ka ba, Andrew. Hindi ka ba nag-iisip?""Sorry, dad," mahinang tugon ko.Dinig hanggang labas ng living room ang tunog ng sampal ni dad sa akin. Hindi isang beses kundi bali-baligtad niyang niyupi ang aking mga pisngi na sinabayan pa ng kabi-kabilaang suntok.First time ko iyong maranasan sa buong buhay ko. Kaya, nabigla at nasaktan talaga ako sa ginawa niya."Binigay ko sa 'yo ang buong pagtitiwala ko, pero ano? Sinira mo lang dahil lang sa babaeng iyon!" Dinuro-duro niya ako na para bang walang kabayaran ang naging kasalanan ko na talagang bakas sa awrahan niya ang labis na pagkamuhi sa akin."Dad, I'm sorry. Talagang minahal ko na siya ulit at—""Stop explaining...""Dad, I want you to know how much I love her coz—" Muntikan na akong lumuhod sa harapan niya, ngunit pinigilan niya akong gawin iyon."I said, stop explaining. Bingi ka ba?" Nanlilisik na ang mga mata ni dad, pero agresibo pa rin ako sa pagsasagot sa kaniya."Dad, hindi naman puwedeng ik
Hinarap ko ang mga shareholders sa isang pulong. Bilang kinatawan ni Dad, pinanindigan ko ang responsibilidad ko sa kompanya habang nagpapahinga pa siya sa bahay. Kasamang dumalo in priority ay ang mag-amang Reyman at iba pang bigateng investors.Tumayo sa unahan si Hailey, ang assistant ko, na noo'y kabado na makaharap ang board. Nasa isipan niya kasing sesesantihin siya pagkatapos ng pag-uulat niya dahil sa kaniyang pagiging kasangkot sa nangyaring dayaan sa kasal namin ni Antonette.Inilahad niya ang buong detalye tungkol sa financial status ng kompanya na bahagyang lumaki ang pagbaba nito. Halos kalahati ang nawalang pera sa kompanya. Paano nangyari kaya iyon?Umalma ako, "No way, how come na sobrang laki naman ng nawalang pera sa atin?"Nagsipagtahimik lang ang lahat. Naghahanap ako ng kasagutan sa kahit isa sa kanila na dumalo roon, subalit walang gustong magsalita. Kaya, nagtaka na ako."Hailey, baka mali iyang data na napulot mo. Hindi yata ganyan kababa ang dapat na makuha ng
Trinah's POVUmuwi akong durog ang gising na gising kong puso dahil mas pinili ni Andrew makasama ang babaeng karibal ko. Si Antonette lang naman ang isinama niya sa kaniyang bahay. Kaya, ako na lang muna ang dumistansya sa kanila.Pagkarating ko sa bahay, nakita kong nakatayo sa labas ng condominium si Dahlia na karga pa si Fin, ang anak kong naiinip na sa kakahintay sa akin. Umiiyak ang bata, kaya kinuha ko na siya kaagad mula sa kaibigan ko at binuhat sabay tanong na rin kay Dahlia sa nangyari."Anong ginagawa ba ninyo rito sa labas, Dahlia?" Tahimik lang siya at nakaturo ang direksyon ng mga mata niya sa kasama kong si Hailey."Ahm, anong tinginan ba iyan? Makapasok na nga para makapag-usap kayong dalawa—""Trinah, No!" magkasabay nilang bigkas."Oy, nahihiya sila sa isa't-isa," pagbibiro ko pa."Trinah, hindi... Eh kasi—" magkasabay nilang sinabi ulit, na sa pagkakataong ito'y nahahalata ko na ang mga mukha nilang may bakas ng sikreto na hindi nila masabi sa akin.Umandar ang mot
"Namumukhaan kita, iha," wika ni Mr. Awman, sabay turo sa akin.Iniwas ko ang aking mukha sa mga mata niya at 'di ko maggawang itaas ang tingin ko dahil sa hiyang inabot ko.Tinitigan ako sa mata ng papa ko habang ako'y tahimik pa rin na umiiwas sa kaniya. Dumagdag pa siya sa pagsasabing, "Ikaw iyong babaeng nagpupumilit na pumasok sa opisina ko, pero umalis din nang walang sinasabi noon 'di ba?"Tinapik ni Ms. Jazmine ang kaliwang kamay ko, nagpapahiwatig na tumugon ako sa mga tanong ng ama niya. Ngunit, nanginginig na ako. Hindi ko na alam ang aking sasabihin. Gusto kong magpalipad ng mga katanungan kay Mr. Awman kung ano ba talaga ang tunay na relasyon nila ni Ms. Jazmine, subalit may bumabagabag sa loob ko.Hindi na makapaghintay si Ms. Jazmine na magsalita pa ako. Inaliw na lang niya ang kaniyang ama at iniba ang usapan."Dad, kamukha lang siguro niya iyon.""By the way, ipinapakilala ko siya sa 'yo dad dahil gusto kong sabihin sa 'yo na siya ang napili ko na isama sa pinakamalak
Andrew's POVPinauwi ko si Antonette sa kanilang bahay matapos niyang ginamot ang sugat sa bibig ko. Ayaw ko lang kasi dagdagan ang pighati ni Trinah, kapag nalaman niyang doon sa bahay ko pinatulog ang taong kinaiinisan niya. No choice lang naman talaga ako sa lahat ng mga ginawa ko. Kailangan ko munang magsakripisyo sa ngayon para maisalba ang kompanya namin.Lumipas ang dalawang araw, nabalitaan kong isinugod daw sa ospital si Fin, ang anak ni Trinah, dahil sa labis ang pagdurugo ng kaniyang ulo bunga ng pagkakauntog nito sa sahig. Ayon kasi sa source ko, hindi raw nabantayan ni Dahlia ang bata na natumba habang pinipilit na tumayo.Abala kasi si Dahlia sa paglalaba ng mga damit nito at inakala niya'y natutulog pa ang bata sa lalagyan nito. Subalit, narinig na lang niyang umiiyak nang malakas ang bata na agad namang pinuntahan niya at nang makita't duguan na ang noo nito.Pumunta ako sa ospital kung saan na-confine si Fin. Nakita ko sa loob si Trinah, na lumuluha habang hinahawakan
Trinah's POVLumipat na kami ni Fin, kasama si Dahlia sa isang maliit na bahay, kung saan kami pinatira ni Jazmine. Laking pasasalamat ko na naging boss ko siya dahil bukod sa hindi ko pa nasimulan ang pagtatrabaho sa kaniya, ay ang dami na niyang naitulong sa akin.Ang bahay na iyon ay ang lumang bahay na pinagawa ni Jazmine para sa kaniyang kaibigan noon na isang ulila raw, ngunit sa kasamaang-palad ay maagang namayapa dahil sa sakit na leukemia. Dahil bakante na ito, minabuting doon kami pinatira ni Ms. Jazmine para mapanatili itong malinis at buhay pa rin bilang alaala niya sa kaniyang namayapang kaibigan.Binilhan niya kami ng iba't-ibang gamit sa bahay, pati na rin mga groceries at mga palamuti nito. Wala akong nilabas na kahit isang duling na pera dahil pinasave niya iyon para raw sa gatas at diaper ng anak ko.Matapos naming mag-ayos ng bahay, kumain kami ni Jazmine ng pananghalian sa in-order pa niyang pagkain. Nauna nang kumain si Dahlia at Fin dahil pinauna ko na sila upang
Trinah's POVTulala ako kaharap ang mesa, habang pinaikot-ikot ang plumang kulay asul ang tinta. Unang araw pa lang ng trabaho ko sa opisyal na pagsusulat sa bagong project ni Ms. Jazmine, subalit ang espiritu ko'y lumilipad nang malayo, wari'y naghahanap ng kasagutan sa blood donor ni Fin na misteryo pa rin.Sa blanko kong pag-iisip, biglang umihip ang hangin, dala ang lamig nito, na dumaan pa sa malaking butas ng bintana. Napukaw ang natutulog kong isipan nang maramdaman ko nang pagdampi nito sa aking malambot na balat. Dagdag pa ang pagtayo ng mga buhok sa ibabaw nito.Inaantok na ako.Ang mga pilikmata ko'y titiklop na para ipahinga ang napapagod kong katawan. Niyupi ko na lang ang magkabilang braso ko, saka sinandalan ng ulo ko at tuluyang hindi na makakita ng liwanag.Nakatulog na ako.Nakita ko sa aking panaginip ang mukha ng aking ama. Siya ang tugma sa imaheng binuo ko sa aking isipan. Tinawag niya akong 'anak' nang magkasalubong kami sa opisina. Niyakap niya akong mahigpit
Isa, dalawa, at tatlong putok pa ang umalingawngaw sa loob ng condo habang ipinikit ko ang aking mga mata at tinatakpan ang tainga ng anak ko. Mahigpit ang pagyakap ni Dahlia sa akin, at nagtago siya sa likuran ko."Aaaaaaaah," isang sigaw ng babae ang sumunod na narinig ko.Kasabay ng pagtaas ko ng noo at tingin sa harapan ko, ay pagsimula nang malakas na paghikbi ng anak ko. Niyakap ko siya at tinakpan ang mukha ng panyo habang sinayaw-sayaw ko.Isang lingon ko pa, nakita kong duguan ang mga kamay ni Antonette, at ang baril niya'y nakalatag sa sahig. Nanlisik ang mga mata ko. Nanginginig na ako sa takot. Sa may pinto, nakita kong nakatayo roon ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket na may hood.Nang inangat niya ang kaniyang mukha, sumigaw siya ng, "Trinah, lumabas na kayo. Tara na!"Agad na kumilos kami at iniwan doon si Antonette. Tumatakbo kami papuntang garahean. Doon, nakita ko ang kapatid ko na naghihintay sa amin."Ate, pasok," nagmamadaling wika niya na sinabayan ng
Trinah's POV"Doctor Alfred," sambit ng isang babaeng kapapasok lang sa room.Lumingon ang doctor na kasama ko at naputol ang aming kuwentuhan. Nagsipagtinginan kaming lahat sa isa't-isa at natahimik bigla.Bumalik ako sa clinic ni Doc. Alfred dahil sa last treatment na ibibigay niya sa mga sugat ko. Tatanggalin din niya ang mga bandages nito. Matapos niyang naisagawa ang trabaho niya, ay nagkaroon kami ng maikling kuwentuhan. Hindi ko naman alam na may client pala siyang aasikasuhin next to me.Nakatitig lang sina Antonette at Andrew sa binti kong sugatan habang ibinaba ko na iyon para umiwas na sa kanila. Nagmistulang pilay ako kung maglakad papuntang pinto, bunga ng naramdaman ko pang kirot sa mga binti ko. Nasa process of healing pa kasi ang mga sugat kong natamo mula sa pagkadisgrasya ko sa sasakyan ng doktor.Sinundan nila ako ng tingin mula sa paglalakad ko sa loob hanggang palabas ng pinto sa emergency room. Binilisan ko ang paghakbang sa takot na baka pigilan pa nila ako at m
Andrew's POVNakauwi na ako mula sa honeymoon week namin ng asawa kong si Antonette. Syempre, hindi ako na-enjoy sa mga araw namin kasi pinaninindigan kong hindi siya gagalawin at hindi ako magpapakita ng motibo sa kaniya na gawin ang bagay na hindi ko gusto. Wala siyang maggawa kundi irespeto ang desisyon ko at magkunwaring nasisiyahan sa aming bakasyon.Dumalo kaming mag-asawa sa isang dinner na sinet-up ng mga pamilya namin. Ito ay para usisain kami sa aming honeymoon.Habang kumakain, binuksan ni dad ang pagtatanong."Siguro naman, sa wakas ay nagkakamabutihan na kayong dalawa. Ibig sabihin ba niyan ay ang kasunod nito'y mabibigyan niyo na kami ng apo?"Bigla akong nabunulan sa aking kinakain. Nagi-guilty lang kasi ako sa totoong nangyayari na taliwas sa expectations ng mga pamilya namin."Okay ka lang, babe?" pagche-check sa akin ni Antonette.Uminom ako ng tubig, saka pinalinaw ang aking lalamunan at sumagot, "Okay lang ako. Nagugutom lang ako kaya hindi ko maiwasang sumubo nang
Pagbaba ko sa kotse sa pag-alalay ni Mr. Awman, diretsong nakatutok ang mga mata ko sa mukha ng babaeng nasa harapan ko limang hakbang mula sa aking kinatatayuan. Ang ngiti ko'y mas lumaki pa nang makita siyang naroroon na dadalo rin sa kasal. Sa wakas, buo na rin ang aking pamilya. Magkita-kita na rin kami sa iisang okasyon.Paglingon ko kay Mr. Awman, iba ang naging pinta ng kaniyang mukha. Hindi siya masayang makita si Mrs. Adamo. Ramdam kong may galit sa loob niya base sa titig ng mga mata niya kay ina. Baka, may hugot silang dalawa sa nakaraan nila.Nilapitan ko si ina at nagsabing, "Mom, tanggap na niya ako." Masayang-masaya kong ibinalita iyon sa ina ko dahil matagal na rin niyang gustong mangyari iyon sa akin."Mukha nga," tugon ni ina na nakangiti lang sa akin at pasulyap siyang tumingn kay Mr. Awman.Kita kong umiwas si ama sa mga mata niya. Hindi ko lang pinansin iyon dahil baka naiilang lang sila sa isa't-isa.Ilang saglit pa, tinawag ako ng kapatid kong si Jazmine dahil m
Andrew's POVIsinuot ko na ang mabangong toxido ko na gawa pa mula sa Germany ng isa sa pinakasikat na designer. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, inayos ko ang buhok ko, at saglit pa'y ipinikit ang mga mata para hanapin ang kapayapaan sa sarili.Mabigat sa loob kong magpakasal sa isang taong hindi ko mahal. Wala na akong choice dahil ito na ang ikalawang pagkakataon na binigay sa akin ng pamilya ko para tuluyang isalba ang negosyo namin.Nakagayak na ako, pati na rin ang bride ko na nasa kabilang silid lang katapat ng sa akin. Nauna na akong pumunta sa simbahan para roon hintayin ang bride ko para sa isang seremonya na gaganapin sa eksaktong alas dyes ng umaga. Labinlimang minuto na lang ang natitira para sa aming paghahanda.Katabi ko si Richard, ang best man ko, na nakatayo isang hakbang mula sa akin. Nginitian niya ako at gano'n din ako sa kaniya, saka bumulong siya sa akin."Pare, sigurado ka na ba rito?" Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon."Puwede naman akong humalili r
Trinah's POVTanghali na nang namalayan kong wala na si Fin sa tabi ko. Nagpanic ako. Dali-dali akong bumangon at hinanap ang anak ko.Narinig ko ang malakas na halakhak ng isang boses bata mula sa labas ng pinto. Tumakbo ako at kaagad na pinuntahan siya, sa takot na ano pang nangyari sa kaniya roon.Matapos kong binuksan nang maluwag ang pinto, natulala akong bigla sa nakita ko. Nawala na iyong kaba sa dibdib ko, ngunit ang inis at galit ang humalili nito."Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo rito, Andrew?" malakas na bulyaw ko sa kaniya.Magkasabay na nakatuon ang tingin ng mag-ama sa akin. Tumigil na rin si Fin sa pagtawa."T-Trinah, sinadya ko talagang pumunta rito dahil—"Isang matunog na sampal ang inabot niya sa akin. Hindi na ako makagpigil pa. Kung nagagawa kong pigilan ang sarili ko sa party kagabi dahil sa malaking respeto ko kay Jazmine, na boss ko, ngayong nagpakita siya ulit ay hindi ko na kayang magtimpi pa."Trinah, I'm sorry," mangiyak-ngiyak na pakisuyo pa niya.Nagm
Andrew's POVHindi nagbago ang aking pagtingin kay Trinah nang makita ko siya, kahit ang suot niyang gown ay medyo luma na. Maganda kasi pa rin siyang tingnan sa simpleng aura niya. Sinubukan kong lapitan siya upang tulungan siyang patahanin ang anak namin, subalit pinigilan ako ni Antonette. Ang sabi niya, "Huwag ngayon Andrew, nakakahiya sa mga bisita ni Jazmine."Matagal ng magkaibigan si Jazmine at Antonette. Simula high school hanggang college ay magkasama na silang lumalaki at nag-aaral sa iisang unibersidad. Kaya, nirerespeto ko ang mahalagang okasyon ng kaibigan niya.Nilunok ko na lang ng laway ang nararamdaman kong awa sa mahal ko dahil hindi ko siya maggawang alalayan o matulungan.Nakita kong lumapit sa kaniya si Richard, ang best friend ko. Nabuhayan ako ng loob na sa kabila ng kakulangan ko sa mag-ina ko ay napunan iyon ng kaibigan ko. Nakatanaw lang ako sa kanila habang naaaliw sa ngiti at halakhak ng anak ko."Anak, ako sana ang aaliw sa 'yo ng gan'yan," sabi ko sa s
AT JAZMINE'S BIRTHDAY RECEPTIONNakagayak na ang karamihan sa pinakamalaking selebrasyong magaganap sa ika-7 ng gabi sa hardin ng Awman's mansion. Trenta minuto na lang ang tatakbuhin ko, magsisimula na ang programang ako ang naghanda. Hindi pa kasi dumarating si Dahlia na inutusan ko pa na ipaayos ang napunit kong gown.Nakahanda na sana ang susuotin kong bestida sa okasyong iyon umaga pa lang, nang nalingat lang ako saglit dahil may kaunting inaasikaso sa ilang kulang pang mga materyales sa birthday venue na kaagad ko namang nasolusyunan, pagbalik ko para tingnan ulit ang nakahanger na berdeng bestida ay laking gulat ko na lang makitang may malaking punit na ito.Sinubukan kong tawagan si Dahlia para pabilisin siya, subalit hindi siya sumasagot. Ang huling sabi niya on the phone nang nasagot niya pa ay mayroong inilagay na ibang disenyo ang mananahi para takpan ang napunit kong bestida at pinapaganda pa ito.Nag-alala na ako na baka hindi na makaabot sa takdang oras, lalo na't walan
"Who is really Mr. Awman, in your past life, mom?" Diretsahang tanong ko sa kaniya."My past lover.""Ama ko ba talaga siya?""Oo." Bumuntong-hininga muna siya at nagpatuloy na sinabing, "Teka, bakit mo ba natanong iyan? Nakausap mo na ba siya tungkol sa katauhan mo?"Itinikom ko lang ang bibig ko sabay umirap, pahiwatig na ayaw ko nang magsalita, bagay na madaling naintindihan niya.Nilapitan niya ako ulit sabay sabing, "Saan—"Hindi niya naituloy dahil pinigilan ko siya kaagad. Pinabalik ko siya sa kaniyang kinauupuan at inulit kong muli ang pagtatanong sa kaniya."Mrs. Adamo, sagutin mo 'ko. Ama ko ba talaga siya?" Naging matalim na ang pagtitig ko sa kaniya at pati na rin ang pagsasalita."Oo. Oo," ganito pa rin ang sagot niya.Nagalit na ako sa kaniya. Hindi ko kasi makuha kung bakit hindi pa rin niya amining nagsisinungaling siya o baka nagkamali lang talaga ako ng pinaniniwalaan.Kinagat ko na ang aking labi dahil hindi ko mailabas ang galit sa loob ko. Kailangan kong magtimpi