"D-Dahlia?" "Kumusta ka, bestfriend? LONG TIME, no see," aniya."Ganoon pa rin, tulad ng dati. Laging sinusundan ng malas. Bakit ka nga pala naparito? At kasama mo pa si Hailey?" usisa ko. Nagtinginan ang dalawa, wari'y may ipinapahiwatig sa isa't-isa. Isinalaysay ni Dahlia ang pag-uusap nila ni Hailey tungkol sa paghihikayat sa akin na tumigil na sa kahahanap kay Andrew. Naawa 'di umano ang assistant ng ex-husband ko sa akin dahil buong maghapon akong naghahanap sa boss niya. Kaya, ang tanging solusyon na lang niya ay tawagan si Dahlia, na kaibigan ko, at pinapunta kung saan ako naroroon upang i-comfort ako sa mga nangyari.Hindi ko alam kung ano ang naging kasunduan ng dalawa sa parteng iyon. Ang nararamdaman ko lang ay sa lahat ng oras ay sinusundan pala ako ni Hailey, sa kung saan ako pumupunta at kung ano ang mga ginagawa ko. Sa tingin ko'y may alam siya kung saan ko matatagpuan si Andrew. Ayaw lang niyang sabihin."Hailey, bakit 'di mo na lang aminin sa akin kung saan ko matat
"Pasensya na po kayo, ma'am. Hindi po kasi pinapayagan ang sinuman na makausap si boss kapag walang appointment sked. Lalong-lalo na kung sa low class galing.""Ano? low class? Aba'y matindi 'to makapanglait ng kapuwa. Eh kung upakan na lang kita." Pinigilan ko si Dahlia na gawin ang gusto niya dahil ayaw kong magkagulo roon.It was my first time to meet my biological father pa naman kung papalarin. Kaya, imbis na makipag-away sa assistant niya ay kinakalmahan ko ang pakikipag-usap sa kaniya."Pasensya na po sa kaibigan ko, ma'am. Mahilig kasi talaga 'tong magjoke. Ahm, sige na po, ma'am, payagan niyo na po akong makausap boss niyo. I assure you na madali lang ako. Importante kasi ang sasabihin ko sa kaniya," mariing pakiusap ko.Sa pangalawang pagmamakaawa ko, pansin ko'y nakukunsensya na ang babaeng humarap sa akin. Alam kasi niyang hindi gaano kastrict ng boss niya pagdating sa bisita. Sumusunod lang daw siya sa rules ng kumpanya. Kaya, nagpaalam muna siyang iwan kami para humingi
Napabalita sa telebisyon ang pag-aatras ng mga investments ng mga investors sa kumpanya ng mga Adamo. Mula sa pitong malalaki at kilalang negosyante ay dalawa na lang ang natitira na nagtitiwala pa ring malampasan ng mga Adamo ang kanilang dagok na kinakaharap. Lubhang nag-alala ako sa kanila dahil kasaling maaapektuhan ang ina ko na walang ginawa kundi maghanap ng paraan para isalba ang negosyong kanilang pinaghirapan.Pagkabasa ko sa screen ang pangalan ni ina, nasagip sa aking isipan ang sinabi ng midwife sa akin na ang palayaw ng babaeng nawalan ng anak ay Abby, bagay na nagkaroon ako ng pagtataka dahil Abegail Adamo ang full name ng nanay ko. Siya kaya ang tinutukoy na inang nawalan ng anak 26 years ago?***Nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay Janette, hindi ko kilalang tao, na isang imbitasyon para sa isang meeting kung saan I am directly hired ng kumpanya as writer ng kanilang sariling magazine. J and P Entertainment magazine ang pangalan ng nakalagay sa ibaba ng pangalan
"Hinaan mo boses mo baka may makarinig sa atin. Marami pa namang alagad iyan si Antonette kahit saan," pagdidiin niya, habang unti-unting lumalapit ang katawan niya sa akin para ibulong na lang ang sasabihin niya."Pinuntahan ako ni Nathan sa opisina kahapon at kinausap tungkol sa bago mong trabaho. Naintindihan niyang kailangan mo ng trabahong iyon ngunit labag naman sa kalooban mo at siguradong kapag makikita ka ni Antonette sa kasal niya ay palalayasin ka lang doon. Kaya, kailangan mong magbalat-kayo o kaya magtakip ng mukha para 'di ka makilala nila," dagdag pa niya.Tumango ako sa kaniya. Naintindihan ko ang situwasyon ko sa selebrasyong iyon. Gusto ko lang naman kumita. Gusto ko lang naman mairaos sa hirap kaming mag-ina. Subalit, anong magagawa ko kung 'di ko makayanan ang inggit ko sa bride sa pagkakataong iyon?Samantala, ang espesyal na okasyon ay sumapit na. Umaga pa'y inihanda ko na ang mga paraphernalia kong dadalhin para wala akong makaligtaan bawat mahalagang parte ng e
Trinah's POVIt was unintentional na ako ang humalili bilang bride in behalf of Antonette. Mabigat kasi ang kamay ng babaeng iyon na kahit pang ikakasal na sa taong pinapantasyahan niya ay insecure pa rin sa akin. Noong pinasok ko kasi ang room niya for documentation, naabutan ko siyang pinapagalitan ang kaniyang make-up artist.Hindi kasi niya nagustuhan ang simpleng eyeshadow na ginamit sa kaniya na galing sa New York pa ang brand nito. Nais niyang punuin ang mata ng makapal na eyeshadows, subalit hindi naman iyon nababagay sa puting gown na suot niya. Pilit na nililinaw ng make-up artist niya ang tungkol sa pagbabagay niya sa make-up at suot ni Antonette, ngunit sa halip na sumunod ay nakipagtalo ang bride sa kaniya.Kaya, hindi nakapagtimpi ang sikat na make-up artist dahilan na tuluyang iniwan niya ang bride sa room. Naroroon na ako na nakatayo sa may pintuan nang dumaan sa akin ang babae. Sadyang nabigla ako sa nangyari, kaya hindi ko siya napigilan.Nabaling sa akin ang galit n
Magkasabay kaming lumapag sa airport sa iisang plane, ngunit nilihis namin ang isa't-isa pagbaba namin para hindi kami mahuli ng pamilya niya. Diretso lang ako sa paglalakad dala ang bagaheng katamtaman ang bigat at itinuon ang tanaw sa labas ng airport. Agad kong nakita ang kaibigan kong si Dahlia na kumakaway sa 'di kalayuan, na sa likod niya'y nakaparada ang pulang kotse. Nilapitan ko siya at binati."Good morning, Dahlia. Mag-isa ka lang ba?""Ah, oo. Si Fin, iniwan ko muna sa mama mo dahil mukhang naaaliw pa siya sa lola niya. Kumusta ang honeymoon?"Hindi ko kaagad siya sinagot dahil nahahalata ko sa kaniyang mukha ang bakas ng pagkabahala. Alam ko ang facial expression ni Dahlia kapag lubos siyang nasisiyahan na makita ako o napipilitan lang dahil sa may ibang iniisip. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong niya ay nilihis ko iyon sa isang tanong din."May nangyari ba, Dahlia? Si Antonette, inaalagaan niyo ba siya nang mabuti?"Hindi siya makasalita. Dinig ko lang ang malalim niy
Andrew's POV"Anong klaseng anak ka ba, Andrew. Hindi ka ba nag-iisip?""Sorry, dad," mahinang tugon ko.Dinig hanggang labas ng living room ang tunog ng sampal ni dad sa akin. Hindi isang beses kundi bali-baligtad niyang niyupi ang aking mga pisngi na sinabayan pa ng kabi-kabilaang suntok.First time ko iyong maranasan sa buong buhay ko. Kaya, nabigla at nasaktan talaga ako sa ginawa niya."Binigay ko sa 'yo ang buong pagtitiwala ko, pero ano? Sinira mo lang dahil lang sa babaeng iyon!" Dinuro-duro niya ako na para bang walang kabayaran ang naging kasalanan ko na talagang bakas sa awrahan niya ang labis na pagkamuhi sa akin."Dad, I'm sorry. Talagang minahal ko na siya ulit at—""Stop explaining...""Dad, I want you to know how much I love her coz—" Muntikan na akong lumuhod sa harapan niya, ngunit pinigilan niya akong gawin iyon."I said, stop explaining. Bingi ka ba?" Nanlilisik na ang mga mata ni dad, pero agresibo pa rin ako sa pagsasagot sa kaniya."Dad, hindi naman puwedeng ik
Hinarap ko ang mga shareholders sa isang pulong. Bilang kinatawan ni Dad, pinanindigan ko ang responsibilidad ko sa kompanya habang nagpapahinga pa siya sa bahay. Kasamang dumalo in priority ay ang mag-amang Reyman at iba pang bigateng investors.Tumayo sa unahan si Hailey, ang assistant ko, na noo'y kabado na makaharap ang board. Nasa isipan niya kasing sesesantihin siya pagkatapos ng pag-uulat niya dahil sa kaniyang pagiging kasangkot sa nangyaring dayaan sa kasal namin ni Antonette.Inilahad niya ang buong detalye tungkol sa financial status ng kompanya na bahagyang lumaki ang pagbaba nito. Halos kalahati ang nawalang pera sa kompanya. Paano nangyari kaya iyon?Umalma ako, "No way, how come na sobrang laki naman ng nawalang pera sa atin?"Nagsipagtahimik lang ang lahat. Naghahanap ako ng kasagutan sa kahit isa sa kanila na dumalo roon, subalit walang gustong magsalita. Kaya, nagtaka na ako."Hailey, baka mali iyang data na napulot mo. Hindi yata ganyan kababa ang dapat na makuha ng
Isa, dalawa, at tatlong putok pa ang umalingawngaw sa loob ng condo habang ipinikit ko ang aking mga mata at tinatakpan ang tainga ng anak ko. Mahigpit ang pagyakap ni Dahlia sa akin, at nagtago siya sa likuran ko."Aaaaaaaah," isang sigaw ng babae ang sumunod na narinig ko.Kasabay ng pagtaas ko ng noo at tingin sa harapan ko, ay pagsimula nang malakas na paghikbi ng anak ko. Niyakap ko siya at tinakpan ang mukha ng panyo habang sinayaw-sayaw ko.Isang lingon ko pa, nakita kong duguan ang mga kamay ni Antonette, at ang baril niya'y nakalatag sa sahig. Nanlisik ang mga mata ko. Nanginginig na ako sa takot. Sa may pinto, nakita kong nakatayo roon ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket na may hood.Nang inangat niya ang kaniyang mukha, sumigaw siya ng, "Trinah, lumabas na kayo. Tara na!"Agad na kumilos kami at iniwan doon si Antonette. Tumatakbo kami papuntang garahean. Doon, nakita ko ang kapatid ko na naghihintay sa amin."Ate, pasok," nagmamadaling wika niya na sinabayan ng
Trinah's POV"Doctor Alfred," sambit ng isang babaeng kapapasok lang sa room.Lumingon ang doctor na kasama ko at naputol ang aming kuwentuhan. Nagsipagtinginan kaming lahat sa isa't-isa at natahimik bigla.Bumalik ako sa clinic ni Doc. Alfred dahil sa last treatment na ibibigay niya sa mga sugat ko. Tatanggalin din niya ang mga bandages nito. Matapos niyang naisagawa ang trabaho niya, ay nagkaroon kami ng maikling kuwentuhan. Hindi ko naman alam na may client pala siyang aasikasuhin next to me.Nakatitig lang sina Antonette at Andrew sa binti kong sugatan habang ibinaba ko na iyon para umiwas na sa kanila. Nagmistulang pilay ako kung maglakad papuntang pinto, bunga ng naramdaman ko pang kirot sa mga binti ko. Nasa process of healing pa kasi ang mga sugat kong natamo mula sa pagkadisgrasya ko sa sasakyan ng doktor.Sinundan nila ako ng tingin mula sa paglalakad ko sa loob hanggang palabas ng pinto sa emergency room. Binilisan ko ang paghakbang sa takot na baka pigilan pa nila ako at m
Andrew's POVNakauwi na ako mula sa honeymoon week namin ng asawa kong si Antonette. Syempre, hindi ako na-enjoy sa mga araw namin kasi pinaninindigan kong hindi siya gagalawin at hindi ako magpapakita ng motibo sa kaniya na gawin ang bagay na hindi ko gusto. Wala siyang maggawa kundi irespeto ang desisyon ko at magkunwaring nasisiyahan sa aming bakasyon.Dumalo kaming mag-asawa sa isang dinner na sinet-up ng mga pamilya namin. Ito ay para usisain kami sa aming honeymoon.Habang kumakain, binuksan ni dad ang pagtatanong."Siguro naman, sa wakas ay nagkakamabutihan na kayong dalawa. Ibig sabihin ba niyan ay ang kasunod nito'y mabibigyan niyo na kami ng apo?"Bigla akong nabunulan sa aking kinakain. Nagi-guilty lang kasi ako sa totoong nangyayari na taliwas sa expectations ng mga pamilya namin."Okay ka lang, babe?" pagche-check sa akin ni Antonette.Uminom ako ng tubig, saka pinalinaw ang aking lalamunan at sumagot, "Okay lang ako. Nagugutom lang ako kaya hindi ko maiwasang sumubo nang
Pagbaba ko sa kotse sa pag-alalay ni Mr. Awman, diretsong nakatutok ang mga mata ko sa mukha ng babaeng nasa harapan ko limang hakbang mula sa aking kinatatayuan. Ang ngiti ko'y mas lumaki pa nang makita siyang naroroon na dadalo rin sa kasal. Sa wakas, buo na rin ang aking pamilya. Magkita-kita na rin kami sa iisang okasyon.Paglingon ko kay Mr. Awman, iba ang naging pinta ng kaniyang mukha. Hindi siya masayang makita si Mrs. Adamo. Ramdam kong may galit sa loob niya base sa titig ng mga mata niya kay ina. Baka, may hugot silang dalawa sa nakaraan nila.Nilapitan ko si ina at nagsabing, "Mom, tanggap na niya ako." Masayang-masaya kong ibinalita iyon sa ina ko dahil matagal na rin niyang gustong mangyari iyon sa akin."Mukha nga," tugon ni ina na nakangiti lang sa akin at pasulyap siyang tumingn kay Mr. Awman.Kita kong umiwas si ama sa mga mata niya. Hindi ko lang pinansin iyon dahil baka naiilang lang sila sa isa't-isa.Ilang saglit pa, tinawag ako ng kapatid kong si Jazmine dahil m
Andrew's POVIsinuot ko na ang mabangong toxido ko na gawa pa mula sa Germany ng isa sa pinakasikat na designer. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, inayos ko ang buhok ko, at saglit pa'y ipinikit ang mga mata para hanapin ang kapayapaan sa sarili.Mabigat sa loob kong magpakasal sa isang taong hindi ko mahal. Wala na akong choice dahil ito na ang ikalawang pagkakataon na binigay sa akin ng pamilya ko para tuluyang isalba ang negosyo namin.Nakagayak na ako, pati na rin ang bride ko na nasa kabilang silid lang katapat ng sa akin. Nauna na akong pumunta sa simbahan para roon hintayin ang bride ko para sa isang seremonya na gaganapin sa eksaktong alas dyes ng umaga. Labinlimang minuto na lang ang natitira para sa aming paghahanda.Katabi ko si Richard, ang best man ko, na nakatayo isang hakbang mula sa akin. Nginitian niya ako at gano'n din ako sa kaniya, saka bumulong siya sa akin."Pare, sigurado ka na ba rito?" Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon."Puwede naman akong humalili r
Trinah's POVTanghali na nang namalayan kong wala na si Fin sa tabi ko. Nagpanic ako. Dali-dali akong bumangon at hinanap ang anak ko.Narinig ko ang malakas na halakhak ng isang boses bata mula sa labas ng pinto. Tumakbo ako at kaagad na pinuntahan siya, sa takot na ano pang nangyari sa kaniya roon.Matapos kong binuksan nang maluwag ang pinto, natulala akong bigla sa nakita ko. Nawala na iyong kaba sa dibdib ko, ngunit ang inis at galit ang humalili nito."Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo rito, Andrew?" malakas na bulyaw ko sa kaniya.Magkasabay na nakatuon ang tingin ng mag-ama sa akin. Tumigil na rin si Fin sa pagtawa."T-Trinah, sinadya ko talagang pumunta rito dahil—"Isang matunog na sampal ang inabot niya sa akin. Hindi na ako makagpigil pa. Kung nagagawa kong pigilan ang sarili ko sa party kagabi dahil sa malaking respeto ko kay Jazmine, na boss ko, ngayong nagpakita siya ulit ay hindi ko na kayang magtimpi pa."Trinah, I'm sorry," mangiyak-ngiyak na pakisuyo pa niya.Nagm
Andrew's POVHindi nagbago ang aking pagtingin kay Trinah nang makita ko siya, kahit ang suot niyang gown ay medyo luma na. Maganda kasi pa rin siyang tingnan sa simpleng aura niya. Sinubukan kong lapitan siya upang tulungan siyang patahanin ang anak namin, subalit pinigilan ako ni Antonette. Ang sabi niya, "Huwag ngayon Andrew, nakakahiya sa mga bisita ni Jazmine."Matagal ng magkaibigan si Jazmine at Antonette. Simula high school hanggang college ay magkasama na silang lumalaki at nag-aaral sa iisang unibersidad. Kaya, nirerespeto ko ang mahalagang okasyon ng kaibigan niya.Nilunok ko na lang ng laway ang nararamdaman kong awa sa mahal ko dahil hindi ko siya maggawang alalayan o matulungan.Nakita kong lumapit sa kaniya si Richard, ang best friend ko. Nabuhayan ako ng loob na sa kabila ng kakulangan ko sa mag-ina ko ay napunan iyon ng kaibigan ko. Nakatanaw lang ako sa kanila habang naaaliw sa ngiti at halakhak ng anak ko."Anak, ako sana ang aaliw sa 'yo ng gan'yan," sabi ko sa s
AT JAZMINE'S BIRTHDAY RECEPTIONNakagayak na ang karamihan sa pinakamalaking selebrasyong magaganap sa ika-7 ng gabi sa hardin ng Awman's mansion. Trenta minuto na lang ang tatakbuhin ko, magsisimula na ang programang ako ang naghanda. Hindi pa kasi dumarating si Dahlia na inutusan ko pa na ipaayos ang napunit kong gown.Nakahanda na sana ang susuotin kong bestida sa okasyong iyon umaga pa lang, nang nalingat lang ako saglit dahil may kaunting inaasikaso sa ilang kulang pang mga materyales sa birthday venue na kaagad ko namang nasolusyunan, pagbalik ko para tingnan ulit ang nakahanger na berdeng bestida ay laking gulat ko na lang makitang may malaking punit na ito.Sinubukan kong tawagan si Dahlia para pabilisin siya, subalit hindi siya sumasagot. Ang huling sabi niya on the phone nang nasagot niya pa ay mayroong inilagay na ibang disenyo ang mananahi para takpan ang napunit kong bestida at pinapaganda pa ito.Nag-alala na ako na baka hindi na makaabot sa takdang oras, lalo na't walan
"Who is really Mr. Awman, in your past life, mom?" Diretsahang tanong ko sa kaniya."My past lover.""Ama ko ba talaga siya?""Oo." Bumuntong-hininga muna siya at nagpatuloy na sinabing, "Teka, bakit mo ba natanong iyan? Nakausap mo na ba siya tungkol sa katauhan mo?"Itinikom ko lang ang bibig ko sabay umirap, pahiwatig na ayaw ko nang magsalita, bagay na madaling naintindihan niya.Nilapitan niya ako ulit sabay sabing, "Saan—"Hindi niya naituloy dahil pinigilan ko siya kaagad. Pinabalik ko siya sa kaniyang kinauupuan at inulit kong muli ang pagtatanong sa kaniya."Mrs. Adamo, sagutin mo 'ko. Ama ko ba talaga siya?" Naging matalim na ang pagtitig ko sa kaniya at pati na rin ang pagsasalita."Oo. Oo," ganito pa rin ang sagot niya.Nagalit na ako sa kaniya. Hindi ko kasi makuha kung bakit hindi pa rin niya amining nagsisinungaling siya o baka nagkamali lang talaga ako ng pinaniniwalaan.Kinagat ko na ang aking labi dahil hindi ko mailabas ang galit sa loob ko. Kailangan kong magtimpi