Paktay ka na, Cupcake!!!
MargauxAng sarap talagang bigwasan ng gurang na 'to! Nakatayo siya ngayon sa tabi ni Chiara, nakatitig sa akin at mabuti naman at mukha siyang guilty. Pero wala akong balak bigyang-pansin ang ekspresyon niya. Sa halip, pinili kong ngumiti at magpakaswal, kahit pa sa loob-loob ko ay gusto ko siyang tignan nang masama."Mr. Zaffiri, I didn’t expect to see you here." Totoo naman, hindi ko talaga inaasahang andito siya. May bahagyang inis sa tono ko, pero sinigurado kong hindi ito halata. Ngunit bago pa siya makasagot, si Chiara na ang sumingit, tila sabik na sabik ipakita na may koneksyon silang dalawa."I invited him. He’s so busy working and I thought he needed some fresh air." May pahawak-hawak pa siya sa braso ni Draco, na lalong nagpasingkit sa bilugan kong mga mata. Ang landi! Parang sinasadya niya pang ipakita sa akin kung gaano sila ka-close.Napansin ko ang tila pagpihit ni Draco kasunod ang marahang pagtanggal ng kamay ni Chiara sa kanyang braso. Parang gusto niyang magpaliwana
DracoBakas ang pagtataka sa mukha ni Kevin nang bumalik ako sa opisina mula sa coffeeshop. Nasa kabilang building lang naman iyon, pero hindi na ako pumayag na lumayo pa. Sinabi ko na rin kay Chiara na gusto ko nang umuwi pagkatapos."Oh? Akala ko diretso uwi ka na?" tanong ni Kevin, pero hindi ko siya pinansin. Patuloy akong naglakad papasok sa opisina at pasalampak na naupo sa aking upuan, ramdam ang bigat ng mga nangyari."May nangyari ba?"Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I saw Margaux."Saglit siyang napatigil, tila iniisip ang susunod niyang sasabihin. "So?"Tiningnan ko siya nang masama. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ba dapat magkasama na kayo ngayon? Bakit hindi kayo dumiretso sa bahay niyo?""Nakita ko siya... at nakita niya akong kasama si Chiara. Sinabi ko sa kanya noong gabi ng party na babalik na ng Germany ang babae in two days.""Owww...""Oww?" tumaas ang kilay ko."I’m sure galit siya," aniya, sabay ngisi. Masamang tingin ang binigay ko sa kany
DracoSakay ng motor ay lumabas ako ng basement parking. Sa likod ang exit kaya kailangan kong umikot upang mapuntahan ang coffeeshop. Huminto ako sa tapat lang din, sa kabilang kalsada nga lang kung saan kitang-kita ko ang loob ng coffeeshop. Doon siya nakaupo, si Margaux.Nakangiti siya habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan, at sa kabila ng ingay sa paligid, tila naririnig ko ang mahagikhik niyang tawa. Ang lambing sa kanyang mga mata, ang ningning ng kanyang mukha, hindi ba siya talaga naaapektuhan sa nangyayari sa amin?I thought she liked me too.Mabigat ang loob kong dinukot ang cellphone mula sa aking bulsa. Halos mabutas ang screen sa diin ng mga daliri kong nagtipa ng mensahe.“Meet me at the next street. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo na uuwi ka na.”Nang maipadala ko na ang mensahe, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mula sa kanyang masayang pakikipag-usap, bigla siyang natigilan at kinuha ang kanyang phone. Sandali niyang tiningnan ang screen, ngunit ag
Third Person“Sa condo lang naman umuuwi si Draco. Pagdating niya ay hindi na rin siya umaalis pa,” ani ng lalaki, bahagyang nakangisi habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.Ang babae ay walang bahid ng interes sa kanyang tinig. Abala ito sa paghithit ng sigarilyo, tila ba walang ibang iniintindi kundi ang lasang naiwan sa kanyang mga labi. Ngunit sa kabila ng tila kawalang-pakialam, may ningning sa kanyang mga mata, isang bagay na hindi nakaligtas sa lalaking kaharap niya.Para sa kanya, tila isang diyosa ang babaeng ito na nakaupo sa trono. Ang matinding pang-akit nito ay hindi matatawaran. Ang mapanuksong kutis, ang hugis ng katawan na tinampok lalo ng suot nitong tube na bestida. Hanggang kalahati lang ng hita ang haba nito, ngunit dahil sa paraan ng pagkakaupo ng babae, bahagya iyong lumilis, nagbigay ng silip sa makinis nitong balat.Bahagyang nakabuka ang kanyang mga hita, isang pang-aakit na hindi sinasadya, o marahil sadya. At doon nakapako ang tingin ng lalak
MargauxNakakagigil talaga ang gurang na 'yon!At ako pa talaga ang kailangang lumapit sa kanya?Sinubukan kong balewalain ang text niya. Gusto ko sanang ipakita na wala akong pakialam, pero hindi rin ako mapalagay. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya, at ayokong bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at baka kung ano pa ang sabihin niya sa mga magulang ko.Hindi ko gusto na makarating sa mga mahal kong magulang ang isang bagay na tungkol sa akin sa bibig ng ibang tao. Ang gusto ko, ako mismo ang magsabi sa kanila ng lahat ng nangyayari sa akin.Ako dapat. Dahil ganun ko sila kamahal at nirerespeto. Pero habang tumatagal, mas lumalalim ang guilt na nararamdaman ko. Paano kung malaman nila ang lahat mula sa iba? Lalo na ng gurang na ‘yon?"Assume anything about me. Kahit ano, isipin mo tungkol sa akin.Kahit ang pinakamasama. Huwag lang 'yung may iba akong babae ako."Bago pa tuluyang lamunin ng kaba ang isipan ko at bago pa ako makaiwas ay hinalikan na niya ako.Mapanuyo. Matin
DracoKitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at tangina, gusto kong parusahan ang sarili ko sa bawat patak ng luhang pilit niyang ikinukubli. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko kayang ilarawan dahil alam kong ako ang dahilan nito, at wala nang mas masakit pa roon.Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata, at mas lalo akong binalot ng guilt. Putangina naman, alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang kahinaan niya kaya nakakakunsensya talagang makita siyang ganito.Sinubukan kong lumapit, pero agad siyang umatras na akala mo ay meron akong nakakahawang sakit. Gusto kong hatakin siya pabalik, yakapin siya, pakalmahin, pero sa bawat hakbang kong palapit, mas lalo siyang lumalayo.“Sugar, please don’t—”“Don’t what?” matalim ang kanyang boses, ni hindi man lang ako pinatapos.“Don’t cry,” mahina kong sagot. “Ayaw kong makitang umiiyak ka.”“At bakit ako iiyak? Dahil sa’yo?” Mariin niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mata. “Manigas ka!”Madiin ang kanyang tono, pero k
Margaux“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin
MargauxGala night.Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.“Kanino pa ba ako magmama
DracoKitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at tangina, gusto kong parusahan ang sarili ko sa bawat patak ng luhang pilit niyang ikinukubli. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko kayang ilarawan dahil alam kong ako ang dahilan nito, at wala nang mas masakit pa roon.Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata, at mas lalo akong binalot ng guilt. Putangina naman, alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang kahinaan niya kaya nakakakunsensya talagang makita siyang ganito.Sinubukan kong lumapit, pero agad siyang umatras na akala mo ay meron akong nakakahawang sakit. Gusto kong hatakin siya pabalik, yakapin siya, pakalmahin, pero sa bawat hakbang kong palapit, mas lalo siyang lumalayo.“Sugar, please don’t—”“Don’t what?” matalim ang kanyang boses, ni hindi man lang ako pinatapos.“Don’t cry,” mahina kong sagot. “Ayaw kong makitang umiiyak ka.”“At bakit ako iiyak? Dahil sa’yo?” Mariin niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mata. “Manigas ka!”Madiin ang kanyang tono, pero k
MargauxNakakagigil talaga ang gurang na 'yon!At ako pa talaga ang kailangang lumapit sa kanya?Sinubukan kong balewalain ang text niya. Gusto ko sanang ipakita na wala akong pakialam, pero hindi rin ako mapalagay. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya, at ayokong bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at baka kung ano pa ang sabihin niya sa mga magulang ko.Hindi ko gusto na makarating sa mga mahal kong magulang ang isang bagay na tungkol sa akin sa bibig ng ibang tao. Ang gusto ko, ako mismo ang magsabi sa kanila ng lahat ng nangyayari sa akin.Ako dapat. Dahil ganun ko sila kamahal at nirerespeto. Pero habang tumatagal, mas lumalalim ang guilt na nararamdaman ko. Paano kung malaman nila ang lahat mula sa iba? Lalo na ng gurang na ‘yon?"Assume anything about me. Kahit ano, isipin mo tungkol sa akin.Kahit ang pinakamasama. Huwag lang 'yung may iba akong babae ako."Bago pa tuluyang lamunin ng kaba ang isipan ko at bago pa ako makaiwas ay hinalikan na niya ako.Mapanuyo. Matin
Third Person“Sa condo lang naman umuuwi si Draco. Pagdating niya ay hindi na rin siya umaalis pa,” ani ng lalaki, bahagyang nakangisi habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.Ang babae ay walang bahid ng interes sa kanyang tinig. Abala ito sa paghithit ng sigarilyo, tila ba walang ibang iniintindi kundi ang lasang naiwan sa kanyang mga labi. Ngunit sa kabila ng tila kawalang-pakialam, may ningning sa kanyang mga mata, isang bagay na hindi nakaligtas sa lalaking kaharap niya.Para sa kanya, tila isang diyosa ang babaeng ito na nakaupo sa trono. Ang matinding pang-akit nito ay hindi matatawaran. Ang mapanuksong kutis, ang hugis ng katawan na tinampok lalo ng suot nitong tube na bestida. Hanggang kalahati lang ng hita ang haba nito, ngunit dahil sa paraan ng pagkakaupo ng babae, bahagya iyong lumilis, nagbigay ng silip sa makinis nitong balat.Bahagyang nakabuka ang kanyang mga hita, isang pang-aakit na hindi sinasadya, o marahil sadya. At doon nakapako ang tingin ng lalak
DracoSakay ng motor ay lumabas ako ng basement parking. Sa likod ang exit kaya kailangan kong umikot upang mapuntahan ang coffeeshop. Huminto ako sa tapat lang din, sa kabilang kalsada nga lang kung saan kitang-kita ko ang loob ng coffeeshop. Doon siya nakaupo, si Margaux.Nakangiti siya habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan, at sa kabila ng ingay sa paligid, tila naririnig ko ang mahagikhik niyang tawa. Ang lambing sa kanyang mga mata, ang ningning ng kanyang mukha, hindi ba siya talaga naaapektuhan sa nangyayari sa amin?I thought she liked me too.Mabigat ang loob kong dinukot ang cellphone mula sa aking bulsa. Halos mabutas ang screen sa diin ng mga daliri kong nagtipa ng mensahe.“Meet me at the next street. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo na uuwi ka na.”Nang maipadala ko na ang mensahe, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mula sa kanyang masayang pakikipag-usap, bigla siyang natigilan at kinuha ang kanyang phone. Sandali niyang tiningnan ang screen, ngunit ag
DracoBakas ang pagtataka sa mukha ni Kevin nang bumalik ako sa opisina mula sa coffeeshop. Nasa kabilang building lang naman iyon, pero hindi na ako pumayag na lumayo pa. Sinabi ko na rin kay Chiara na gusto ko nang umuwi pagkatapos."Oh? Akala ko diretso uwi ka na?" tanong ni Kevin, pero hindi ko siya pinansin. Patuloy akong naglakad papasok sa opisina at pasalampak na naupo sa aking upuan, ramdam ang bigat ng mga nangyari."May nangyari ba?"Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I saw Margaux."Saglit siyang napatigil, tila iniisip ang susunod niyang sasabihin. "So?"Tiningnan ko siya nang masama. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ba dapat magkasama na kayo ngayon? Bakit hindi kayo dumiretso sa bahay niyo?""Nakita ko siya... at nakita niya akong kasama si Chiara. Sinabi ko sa kanya noong gabi ng party na babalik na ng Germany ang babae in two days.""Owww...""Oww?" tumaas ang kilay ko."I’m sure galit siya," aniya, sabay ngisi. Masamang tingin ang binigay ko sa kany
MargauxAng sarap talagang bigwasan ng gurang na 'to! Nakatayo siya ngayon sa tabi ni Chiara, nakatitig sa akin at mabuti naman at mukha siyang guilty. Pero wala akong balak bigyang-pansin ang ekspresyon niya. Sa halip, pinili kong ngumiti at magpakaswal, kahit pa sa loob-loob ko ay gusto ko siyang tignan nang masama."Mr. Zaffiri, I didn’t expect to see you here." Totoo naman, hindi ko talaga inaasahang andito siya. May bahagyang inis sa tono ko, pero sinigurado kong hindi ito halata. Ngunit bago pa siya makasagot, si Chiara na ang sumingit, tila sabik na sabik ipakita na may koneksyon silang dalawa."I invited him. He’s so busy working and I thought he needed some fresh air." May pahawak-hawak pa siya sa braso ni Draco, na lalong nagpasingkit sa bilugan kong mga mata. Ang landi! Parang sinasadya niya pang ipakita sa akin kung gaano sila ka-close.Napansin ko ang tila pagpihit ni Draco kasunod ang marahang pagtanggal ng kamay ni Chiara sa kanyang braso. Parang gusto niyang magpaliwana
MargauxLalabas daw sina Draco at Kevin, ibig sabihin ay hindi na naman kami magkikita.Hay naku, namimiss ko na ang gurang na ‘yon eh. Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong hahanapin ko ang presensya niya sa bawat araw. Gusto ko nang magkita kami ng personal, pero paano mangyayari ‘yon kung lagi siyang busy? Pakiramdam ko tuloy, ako lang ang may gusto sa aming dalawa.Ayaw ko namang magreklamo dahil baka sabihin niya ay masyado akong feeling-era. Kahit paano naman siguro, may karapatan akong umangal, ‘di ba? Dapat lang naman na madalas kaming magkita dahil, base sa pagkakaintindi ko, kami na. Pero bakit parang hindi ko nararamdaman?Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Samantalang noong kami ni Sam ay wala akong paki basta masundan ko lang siya. Siguro ay dahil hindi ko magawa ang gannon kay Draco ngayon.“Ano, sama ka na?” tanong ni Tessa habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang matagal ko nang desisyon. Saglit akong napabuntong-hininga bago tumango.Kakala
Draco Fuck, two weeks. Dalawang linggo ko nang hindi nakikita nang personal si Margaux, at pakiramdam ko’y mababaliw na ako sa labis na pananabik. Hindi ako makuntento sa video call at text lang. Iba pa rin ang makita siya, mahawakan, at maramdaman ang init ng kanyang presensya. Gustuhin ko mang puntahan siya, sunduin sa school, at dalhin sa bahay upang makasama kahit sandali, hindi ko magawa. May kung anong bumabagabag sa akin. Pakiramdam ko ba ay may mga matang laging nakamasid sa akin. Sa tuwing sinusubukan kong sipatin ang paligid upang hanapin ang anino ng maaaring nagmamanman, wala akong makita. Baka guni-guni ko lang, epekto ng nangyari kay Gertrud. Pero hindi ko rin pwedeng ipagsawalang-bahala ang kutob ko. Kaya sa ngayon, titiisin ko muna ang pananabik. Sugar: School cafeteria ako kasama ang mga friends ko. Draco: Dahan-dahan sa pagkain, and make sure na healthy. Alam kong kasabay ng pagbabasa niya ng text ko ay ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Napangiti ako habang hin
DracoIlang araw ko nang hindi nakikita ng personal ang aking Sugar, at sa totoo lang, naiinis na ako. Hindi pa kasi umaalis ng bansa si Chiara, at sa tuwina, lagi siyang nakabuntot sa akin.Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan, lalo na’t hindi ko magawang makita o makausap ng maayos si Margaux. Nag-aalala na rin ako, hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nang hindi siya magagalit o mag-iisip ng kung anu-ano ang pananatili ng kaibigan ko dito sa bansa hanggang ngayon.“Draco, what do you think of this?” tanong ni Chiara, hawak ang brochure ng isang condominium complex. Nakaupo siya sa tapat ng aking desk dito sa DZ Construction, waring hinihintay ang aking opinyon.“I don’t know, Chiara.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa folder na nasa harapan ko, isang report mula kay Kuya Dennis tungkol sa financial status ng kumpanya noong Alegre Construction pa ito. Mas importante ito kaysa sa kung anumang gusto niyang ipakita.“How would you know when you’re not looking?” reklamo