Sige Cupcake, patunayan mo! Hahaha!
DracoPinanood ko kung paano tila batang nagmamaktol na ipinagpag ni Margaux ang kanyang mga paa. Akala mo ay isang sirenang malayang lumalangoy sa ilalim ng dagat. Nakadapa pa rin siya sa kama, ang polo kong suot niya ay lumilis nang bahagya, nagbigay ng mas matinding tukso sa harapan ko.“Fuck!” hindi ko napigilang ibulalas, bahagyang napalunok sa eksenang bumungad sa akin.Napalingon siya sa akin, ang inosenteng tingin niya ay parang hindi siya aware sa epekto niya sa akin. At mas lalo lang akong napamura nang lalo pang lumihis ang tela, bumuyangyang ang maputi niyang balat na lalong nagpainit sa akin.Napailing ako at mabilis na lumapit. Hindi ko kayang magpigil kapag ganito siya sa harapan ko. Bago pa siya makabangon, nasa harapan na niya ako, kitang-kita ko kung paano siya napatingala sa akin habang nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa kama.Hindi ko na pinagtagal pa at agad ko siyang binuhat, hinapit palapit sa akin. Ramdam ko ang kaunting pagkabigla niya, ngunit sa isang ig
Margaux“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin
MargauxGala night.Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.“Kanino pa ba ako magmama
Margaux “Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kit
MargauxPuno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng ti
Mature ContentMargauxHindi ko na alam kung paano kaming napunta sa isang silid matapos kong tugunin ang kanyang halik. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang aking likod sa nakasaradong pintuan habang patuloy kami sa paghahalikan.This man gives me an unexplainable feeling. Nakainom ako, lasing ako. But I know exactly what I'm doing. Hindi ko nga lang kayang utusan ang katawan ko na huminto sa ginagawa ko.“Sugar, are you sure about this?” tanong ng lalaki ng tumigil kami sa paghahalikan. Napangiti ako sa endearment na gamit niya. Kung endearment nga iyon ha.“I like the sugar thing. What do you want me to call you?” tanong ko.“Kahit ano wag lang ang pangalan ng ex mo or kung anumang tawag mo sa kanya.”Ang sexy ng dating ng kanyang boses habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking baba. Ang sarap sa pakiramdam dahil he's making me feel beautiful and wanted. Hindi kagaya ni Sam.Nalungkot ako ng maalala ko ang aking boyfriend. I mean, ex-boyfriend.“Don't think about him whe
Margaux“Okay, tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin. Kahit na midterm pa lang ay maigi nang handa kayo sa lahat, tandaan niyo graduating na kayo.”“Yes ma'am!” sabay sabay na tugon ng aming klase sa paalala ng aming prof.“Okay, dismissed.” Lumabas na ng silid si Ms. Cruz kaya nag sitayuan na rin ang mga kaklase ko.Ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upuan at humarap sa labas ng bintana at nagsimulang tumanaw sa malayo.Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat ng naging pag-uusap namin ng lalaki ng magising kami kinaumagahan…***Idinilat ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sakit ng aking katawan. Pumikit ulit ako dahil sa pagsalakay ng bahagyang sakit ng ulo.Doon ko naalalang uminom nga pala kami ni Yvonne. Tapos ay umalis ito at nagpaiwan ako.Parang rumaragasang tubig sa batis na nagsidaluyan ang mga nangyari. Agad akong napaupo at nasabunutan ang aking sarili.“Judging with your action, mukhang naalala mo ang nangyari kagabi.”Ang
MargauxPagkatapos ng aming break ay saglit lang kaming tumambay sa isa sa mga benches na nasa tapat lang din ng building para sa next class namin bago kami naghiwalay ni Yvonne ng tumunog ang bell.Block section kami pero kahit hindi kami magkaklase ni Yvonne ay nagkakasabay pa rin kami sa lahat.At ngayon nga, kakaalis lang ng aming prof para sa last subject matapos tumunog ang bell tapos heto na agad at nakangiting papasok ng aming classroom ang aking bestfriend.“Mag snack na muna tayo sa coffee shop dyan sa labas ng university.”Wala naman akong magagawa dahil talagang kami lang dalawa ang laging magkasama.May iba pa kaming kaibigan na nakikala namin sa Tennis Club ngunit iba ang kurso ng mga iyon at sa ibang building sila nagkaklase. Kadalasan ay sa coffeeshop nga sa labas din namin sila nakikita.“Mauna ka na at magsi-CR lang ako. Save ka na ng upuan natin ha!” Punuan kasi ang lugar na yon at ginagawang tambayan ng mga estudyante.“Okay!” Tinalikuran ka na siya at naglakad na
DracoPinanood ko kung paano tila batang nagmamaktol na ipinagpag ni Margaux ang kanyang mga paa. Akala mo ay isang sirenang malayang lumalangoy sa ilalim ng dagat. Nakadapa pa rin siya sa kama, ang polo kong suot niya ay lumilis nang bahagya, nagbigay ng mas matinding tukso sa harapan ko.“Fuck!” hindi ko napigilang ibulalas, bahagyang napalunok sa eksenang bumungad sa akin.Napalingon siya sa akin, ang inosenteng tingin niya ay parang hindi siya aware sa epekto niya sa akin. At mas lalo lang akong napamura nang lalo pang lumihis ang tela, bumuyangyang ang maputi niyang balat na lalong nagpainit sa akin.Napailing ako at mabilis na lumapit. Hindi ko kayang magpigil kapag ganito siya sa harapan ko. Bago pa siya makabangon, nasa harapan na niya ako, kitang-kita ko kung paano siya napatingala sa akin habang nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa kama.Hindi ko na pinagtagal pa at agad ko siyang binuhat, hinapit palapit sa akin. Ramdam ko ang kaunting pagkabigla niya, ngunit sa isang ig
DracoHindi ko alam kung talagang mapapanindigan ko ang sinabi kong matutulog lang kami. Napakamapanukso niya kasi at shit, gusto ko ‘yung side niyang ‘yon.‘Yung mga tingin niyang parang hinahamon akong kalimutan ang sarili kong salita, ‘yung mga kilos niyang tila sinasadya pero alam kong hindi… o baka nga sinasadya niya talaga?Damn it.Agad akong bumaba at dumiretso sa kusina, pilit na ibinabalik ang atensyon ko sa pagkain. Hindi ko naman sinasadya, pero kagabi, wala akong magawa kaya naisipan kong mag-marinate ng beef para sa Sauerbraten. Ngayon, iihaw ko na lang iyon. Mabuti na lang at may potato dumplings na rin ako kaya hindi na ako matatagalan sa paghahanda.Pero kahit anong gawin kong pagtuon sa pagluluto, hindi pa rin mawala sa isip ko ang aking Sugar. Napailing ako habang binubuksan ang griller, nababaliw na ba ako? Lalo na’t alam kong naliligo siya sa itaas, at ang imahe niyang walang saplot ay tila demonyong bumubulong sa akin na iwan ang ginagawa ko.Malamang, basa na an
MargauxYumuko ako para tignan ang aking paa at hindi ko napigilan ang isang munting ngiti na sumilay sa aking mga labi ng mapansin ang lilac na tsinelas na suot ko. Ang lambot nito sa ilalim ng aking mga talampakan, para bang dinuduyan ako sa bawat hakbang. Isang kilig na hindi ko maipaliwanag ang gumapang sa aking puso. Ganito pala ang pakiramdam na mapahalagahan, ang matanggap ang kapalit ng damdaming ibinibigay mo.Napatingala ako, saka dahan-dahang lumakad patungo sa walk-in closet na tinutukoy ni Draco. Halata sa kilos niya na gusto na niyang makalayo sa akin ng iwan ako kahit na kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa para sa akin.Napangiti ako nang bahagya, hindi ako makapaniwala na kahit halata na ang pang-aakit ko sa kanya, pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili.Sige na nga, hayaan ko ng parusahan niya ang kanyang sarili. At least alam niyang napabayaan niya ako sa loob ng kung ilang araw na nasa Germany siya.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang napakaluwag na wa
Margaux“Come.” Iniumang ni Draco ang kanyang kamay nang tumayo siya mula sa sofa. Nagdalawang-isip ako sandali bago ko iyon hinawakan, at sa isang iglap, itinayo niya ako. Nagtaka ako kung bakit.“Piggyback or bridal style?” tanong niya, nakataas ang isang kilay.Kumunot ang noo ko dahil hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang sabihin.“Come on, Sugar,” aniya, tinatapik ang sarili niyang balikat. “I’ll carry you paakyat para makapagpalit ka ng damit. Nandoon din ang slippers mo, at ayaw kong maglakad ka nang nakayapak sa malamig na sahig. Kaya mamili ka na kung paano mo gustong buhatin kita.”Napatitig ako sa kanya bago napayuko sa suot kong damit. Napangiti ako. Noon, sa tuwing nakakapanood ako ng piggyback rides sa KDrama, iniisip kong kaartehan at ka-OA-yan lang iyon.Pero ngayon, biglang nag-iba ang pananaw ko. Siguro kasi si Sam ang boyfriend ko noon, at alam kong hindi niya kayang gawin ang bagay na 'yon sa akin.“Turn around,” nakangiti kong sabi.Kumindat muna siya sa akin
Margaux“Sugar,” tawag niya sa akin, malambing at may bahid ng paglalambing. Nakayapos ako sa kanya, nakasiksik sa kanyang dibdib, ramdam ko ang init ng kanyang katawan na parang kumot sa malamig na gabi. Nagtaas ako ng tingin, hinayaang mahulog sa malamlam niyang mga mata.“Hmm?” tugon ko na tila inaantok pero ang sa totoo ay nasasarapan lang ako sa ayos namin ngayon. Kapag ganito ay mukhang sisikapin ko ang manatiling gising kahit na gaano pa ako kaantok kung sakali.“Can you sleep here tonight?” tanong niya, may bahagyang pag-aalinlangan sa tinig. “I miss you so much at gusto kong makabawi sa mga araw na hindi kita nakita.”Napasinghap ako nang marinig iyon. Alam kong totoo ang sinasabi niya, pero hindi ko maiwasang sumimangot ng maalala ko na ang tagal nga niya sa Germany at namiss ko rin siya ng sobra dahil hindi man lang siya gumawa ng paraan para magkausap kami. Ako pa ba ang dapat na kumilos noong mga panahon na 'yon?“Sa sobrang pagkamiss mo, ni hindi mo ako ginawang i-text o
DracoNag-angat ng mukha si Margaux at naghinang ang aming mga mata.“I hate you,” sabi niya sabay hampas ulit sa dibdib ko.Habang ang isang kamay ko ay nasa bewang niya sa bandang likod ay hinuli ko naman ang kamay niyang sige ang paghampas sa akin gamit ang isa pa. DInala ko iyon sa aking bibig at ginawaran ng magaan na halik ng hindi inaalis ang pagkakahinang ng aming mga mata.“Hate me all you want Sugar, but you’re still mine,” sabi ko.Pinahiran ko gamit ang aking dalawang hinlalaki ang kanyang pisngi na tigmak na ng kanyang luha. Nagkalat ang makeup niya but I don’t want to tell her that. Kahit na ganon ay napakaganda pa rin niya sa paningin ko.“Chiara is just a friend. And yes, may nangyari na sa amin but it was years ago at fling lang. Nothing serious at sex lang.”“Just like me to you,” garalgal ang tinig na tugon niya.“No, never. Hindi ka pang kama lang, Sugar.” Tinignan niya akong mabuti na tila hindi makapaniwala. “Pang sa couch, sa floor, sa lahat ng bahagi ng bahay na
DracoHindi ko kayang iwan si Margaux, lalo na at ganon ang suot niya. Para siyang isang diwata sa gitna ng kaguluhan, isang paraisong gusto kong pagmasdan nang walang hanggan. Ngunit sa kabila ng paghanga ko, may kirot na bumabara sa dibdib ko. Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko maitatanggi ang katotohanang magkaterno na naman sila ni Samuel ng damit. Ang sakit na dulot ng selos ay parang matalim na patalim na unti-unting tumutusok sa puso ko.Napakaganda niya. Napakasexy. Pero ang gusto ko ay ako lang ang makakita non at wala ng iba.Napabuntong-hininga ako bago bumaling kay Chiara, na tila naghihintay ng kasagutan mula sa akin."You’re being unfair, Draco." Hindi man niya sabihin nang diretso, alam kong iyon ang iniisip niya."I'm sorry, Chiara. I’ll have my driver send you to your hotel." Malamig ngunit matigas ang aking tono. Ayaw ko na ng mahabang usapan. Hindi ko kayang magtagal pa rito at nag-aalala na baka maantig ang babaeng mahal ko sa mga salitang bibitawan sa kanya ng pa
Margaux“Let's go,” nakangiti niyang sabi sa akin matapos ang ilang segundong paghahalikan namin. Parang hangin lang na naglaho ang galit ko, at aminado akong naiinis ako sa sarili ko dahil doon. Paano niya nagagawang tunawin ang galit ko nang ganoon kabilis?Pero hindi ako dapat bumigay. Hindi ako dapat magpakita ng pagsuko sa kanya. Kailangang malaman niya na naiinis at nagseselos ako kahit hindi ko ito aminin nang diretso.Nakakahiya kasi kung malalaman niyang nasasaktan ako. Sinabi ko na sa kanya noon na hindi ko siya gusto. Kung ipapakita ko ngayon ang nararamdaman ko, baka sabihin niyang pakipot lang ako at hindi ko hahayaang mangyari iyon.Wala akong imik habang sinimulan niyang imaneho ang sasakyan. Itinuon ko ang tingin ko sa kalsada, kahit pa ramdam kong panay ang sulyap niya sa akin. Masyadong tahimik ang sasakyan, pero hindi ako papayag na ako ang unang bibigay. Pinilit kong hindi siya lingunin, kahit pa parang nagkaka-stiff neck na ako sa pagpipigil.Subalit, may napansin
Margaux“A-Anong ginagawa mo dito?” tanong ko, pilit pinipigilan ang kaba sa aking boses. Ngunit hindi niya ako sinagot. Sa halip, isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago niya ako iniurong nang bahagya palayo sa sasakyan.“Grab?” tanong niya, at tumango ako bilang sagot. Mabilis niyang dinukot ang kanyang kamay sa likod ng kanyang pantalon, hinugot ang kanyang wallet, at walang pag-aalinlangang kumuha ng isang libong piso. Binuksan niya ang passenger seat door at iniabot ito sa driver.“Here, do whatever you want. Hindi na siya sasakay. Keep the change.”Napasinghap ako sa sobrang gulat.“Draco, ano ba?!” inis kong sabi, ngunit binalewala niya lang ako. Mabilis niya akong hinawakan sa pulso at hinila palayo sa sasakyan. Lalong tumindi ang galit na bumalot sa aking dibdib.“Saan mo ba ako dadalhin?!” Pilit kong pinipigilan ang sarili kong pumalag nang husto, ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin.Hindi pa rin siya nagsalita. Mas lalo akong nainis. Na