May bahay na kayo agad! Susme, nagpaka-gentleman si Cupcake!
MargauxYumuko ako para tignan ang aking paa at hindi ko napigilan ang isang munting ngiti na sumilay sa aking mga labi ng mapansin ang lilac na tsinelas na suot ko. Ang lambot nito sa ilalim ng aking mga talampakan, para bang dinuduyan ako sa bawat hakbang. Isang kilig na hindi ko maipaliwanag ang gumapang sa aking puso. Ganito pala ang pakiramdam na mapahalagahan, ang matanggap ang kapalit ng damdaming ibinibigay mo.Napatingala ako, saka dahan-dahang lumakad patungo sa walk-in closet na tinutukoy ni Draco. Halata sa kilos niya na gusto na niyang makalayo sa akin ng iwan ako kahit na kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa para sa akin.Napangiti ako nang bahagya, hindi ako makapaniwala na kahit halata na ang pang-aakit ko sa kanya, pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili.Sige na nga, hayaan ko ng parusahan niya ang kanyang sarili. At least alam niyang napabayaan niya ako sa loob ng kung ilang araw na nasa Germany siya.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang napakaluwag na wal
DracoHindi ko alam kung talagang mapapanindigan ko ang sinabi kong matutulog lang kami. Napakamapanukso niya kasi at shit, gusto ko ‘yung side niyang ‘yon.‘Yung mga tingin niyang parang hinahamon akong kalimutan ang sarili kong salita, ‘yung mga kilos niyang tila sinasadya pero alam kong hindi… o baka nga sinasadya niya talaga?Damn it.Agad akong bumaba at dumiretso sa kusina, pilit na ibinabalik ang atensyon ko sa pagkain. Hindi ko naman sinasadya, pero kagabi, wala akong magawa kaya naisipan kong mag-marinate ng beef para sa Sauerbraten. Ngayon, iihaw ko na lang iyon. Mabuti na lang at may potato dumplings na rin ako kaya hindi na ako matatagalan sa paghahanda.Pero kahit anong gawin kong pagtuon sa pagluluto, hindi pa rin mawala sa isip ko ang aking Sugar. Napailing ako habang binubuksan ang griller, nababaliw na ba ako? Lalo na’t alam kong naliligo siya sa itaas, at ang imahe niyang walang saplot ay tila demonyong bumubulong sa akin na iwan ang ginagawa ko.Malamang, basa na ang
DracoPinanood ko kung paano tila batang nagmamaktol na ipinagpag ni Margaux ang kanyang mga paa. Akala mo ay isang sirenang malayang lumalangoy sa ilalim ng dagat. Nakadapa pa rin siya sa kama, ang polo kong suot niya ay lumilis nang bahagya, nagbigay ng mas matinding tukso sa harapan ko.“Fuck!” hindi ko napigilang ibulalas, bahagyang napalunok sa eksenang bumungad sa akin.Napalingon siya sa akin, ang inosenteng tingin niya ay parang hindi siya aware sa epekto niya sa akin. At mas lalo lang akong napamura nang lalo pang lumihis ang tela, bumuyangyang ang maputi niyang balat na lalong nagpainit sa akin.Napailing ako at mabilis na lumapit. Hindi ko kayang magpigil kapag ganito siya sa harapan ko. Bago pa siya makabangon, nasa harapan na niya ako, kitang-kita ko kung paano siya napatingala sa akin habang nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa kama.Hindi ko na pinagtagal pa at agad ko siyang binuhat, hinapit palapit sa akin. Ramdam ko ang kaunting pagkabigla niya, ngunit sa isang igl
MargauxNa-touch ako sa sinabi ni Draco. Hindi ko napigilan ang mahulog na naman sa kanya.Bakit ganon? Bakit siya ang kailangang magparamdam sa akin ng ganito? Naiyapos ko sa kanya ng mahigpit ang aking mga braso habang bumababa kami ng hagdanan at buhat buhat ako.Iniupo niya ako sa upuan pagdating namin sa dining area. Nakahain na at kakain na lang kami. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na pinagsisilbihan.Pero teka, bakit prinsesa? Siya ang hari kaya dapat ako ang reyna! Tama, isa akong reyna na pinagsisilbihan ng aking hari. Ng gwapo at mapagmahal kong hari.“Ang dami mong damit doon, why my polo?” tanong niya ng nakaupo na kami at nilalagyan ng karne ang aming pinnggan. “At bakit hindi ka nag-underwear?”Mahihiya sana ako pero parang wala naman na sa akin ang tanong niya na ‘yon. Nginitian ko siya at tinugon.“Ang akala ko ay tayo lang ang nandito so I feel comfortable. Hindi ba okay yon?”“Okay na okay, Sugar.” Ang bilis ng naging pagtugon niya kahit na nga naghihiwa pa siya
Margaux“Bruha ka!” nanlalaki ang mga matang sabi ni Yvonne ng makita niya ako sa school. Hindi talaga ako nagpakita sa kanya before magsimula ang klase pero heto siya at saktong kalalabas lang ng aming teacher ay pumasok na sa aming classroom.“Bakit?” patay malisya kong tanong.“Huwag mo akong ma-bakit-bakit na babae ka. Sabihin mo, sino ang kasama mo nung Friday night? Bakit mo ako kailangan kuntsabain about your parents?”Inaasahan ko naman na ito. At sure ako na hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“Let’s go sa labas at magkape.”“Ano? Tanghaling tapat, kape?” bulalas ko. Lunchtime kasi sana namin, ano ang naisip ng bruhang ito at kape pa talaga ang in-offer sa akin?“Tinignan ko lang kung nasa tamang pag-iisip ka pa. Since nasa wisyo ka naman pala, ibig sabihin ay masasagot mo ng tama ang mga katanungan ko.”Natawa na lang ako sa sinabi niya at tsaka ako tumayo mula sa aking upuan. Dinampot ang aking bag at isinukbit iyon sa aking balikat.“Let
MargauxMasaya at puno ng kulay ang bawat araw ko. Para bang may bagong sigla ang mundo, isang ningning na hindi ko noon napapansin. Lahat ng ito, dahil kay Draco.Araw-araw, hindi nawawala ang kanyang mensahe. Minsan isang simpleng, "Good morning, Sugar," na tila isang mainit na halik sa aking noo, sapat na upang magdala ng ngiti sa aking mukha hanggang sa paglubog ng araw.Minsan naman, mahahabang kwento ang ipinapadala niya, mga random na bagay na nagpapaalala raw sa kanya sa akin. Parang kahit saan siya mapunta, kahit anong gawin niya, ako ang laman ng isip niya.At sa tuwing magkausap kami sa video call bago matulog, ang boses niya, kahit nasa kabilang linya lamang ay tila yakap na bumabalot sa akin ng kakaibang kapanatagan.Yung mga "I fvcking miss you" na text message niya ay nagbibigay ng kakaibang kilig sa akin. Kasunod ang pag-alala sa mga araw na nagsolo kami sa kanyang condo at sa bago naming bahay.Bago naming bahay. Kinilig talaga ako doon. Hindi pa man kami kasal ay kasa
DracoIlang araw ko nang hindi nakikita ng personal ang aking Sugar, at sa totoo lang, naiinis na ako. Hindi pa kasi umaalis ng bansa si Chiara, at sa tuwina, lagi siyang nakabuntot sa akin.Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan, lalo na’t hindi ko magawang makita o makausap ng maayos si Margaux. Nag-aalala na rin ako, hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nang hindi siya magagalit o mag-iisip ng kung anu-ano ang pananatili ng kaibigan ko dito sa bansa hanggang ngayon.“Draco, what do you think of this?” tanong ni Chiara, hawak ang brochure ng isang condominium complex. Nakaupo siya sa tapat ng aking desk dito sa DZ Construction, waring hinihintay ang aking opinyon.“I don’t know, Chiara.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa folder na nasa harapan ko, isang report mula kay Kuya Dennis tungkol sa financial status ng kumpanya noong Alegre Construction pa ito. Mas importante ito kaysa sa kung anumang gusto niyang ipakita.“How would you know when you’re not looking?” reklamo
Draco Fuck, two weeks. Dalawang linggo ko nang hindi nakikita nang personal si Margaux, at pakiramdam ko’y mababaliw na ako sa labis na pananabik. Hindi ako makuntento sa video call at text lang. Iba pa rin ang makita siya, mahawakan, at maramdaman ang init ng kanyang presensya. Gustuhin ko mang puntahan siya, sunduin sa school, at dalhin sa bahay upang makasama kahit sandali, hindi ko magawa. May kung anong bumabagabag sa akin. Pakiramdam ko ba ay may mga matang laging nakamasid sa akin. Sa tuwing sinusubukan kong sipatin ang paligid upang hanapin ang anino ng maaaring nagmamanman, wala akong makita. Baka guni-guni ko lang, epekto ng nangyari kay Gertrud. Pero hindi ko rin pwedeng ipagsawalang-bahala ang kutob ko. Kaya sa ngayon, titiisin ko muna ang pananabik. Sugar: School cafeteria ako kasama ang mga friends ko. Draco: Dahan-dahan sa pagkain, and make sure na healthy. Alam kong kasabay ng pagbabasa niya ng text ko ay ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Napangiti ako habang hin
MargauxPagbukas ni Draco ng pintuan, agad kaming pumasok habang buhat niya ako. Hindi pa rin natatapos ang halikan namin, bawat dampi ng labi niya ay tila apoy na nagpapaliyab sa bawat hibla ng aking pagkatao. Ramdam ko ang init, ang pananabik, at ang bugso ng damdamin. Sa isip ko, ito na. Walang makakapigil. Ngunit bigla siyang tumigil.“I want you, Sugar,” bulong niya sa pagitan ng mabibigat naming hininga. “Pero may mas kailangan muna tayong unahin.”Napakunot ako ng noo. Nalito ako, at sa totoo lang, medyo nadismaya. Anong kailangan unahin? Sa gitna ng ganitong tagpo?Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa sala, karga pa rin ako na parang ayaw niya akong bitawan, at sa kabila ng kalituhan ko, may kakaibang kilig akong naramdaman. Para akong prinsesang ayaw niyang dumikit sa lupa.Maingat niya akong inihiga sa sofa, saka kumuha ng folder mula sa center table. Tumabi siya sa akin, hawak pa rin iyon.“You will have to sign this,” mahinahon niyan
Margaux“So. ito ang bahay niyo ni Draco?” tanong ni Dad. Nasa sasakyan kami at nagpahatid ako sa kanila ni Mommy after ng event. Ngumiti ako bago tumugon.“Yes, Dad. Our little modern love nest,” sagot kong may halong biro.“Modern love nest ka pa dyan. Ano ngayon ang gagawin mo sa bahay natin kapag nawala na kami ng Mommy mo?” tanong niya.“Dad!” bulalas ko.“Nagtatanong lang…”“Ayaw kong magtanong ka ng ganyan,” nag-aalala kong sabi.“Sus, akala mo naman mahal na mahal mo kami.” Ang itsura ni Dad ng tignan ko ay tila ito nagtatampo. Ng tumingin ako kay Mommy ay para naman itong nagpipigil ng tawa.“Mahal na mahal ko naman talaga kayo,” sabi ko agad. Ayaw kong isipin nila kahit na isang saglit na hindi.“Kaya ba may Draco na?”“Dad naman eh…” Biglang tumawa ng malakas ang aking ama at tuluyan na akong hinarap. Nasa driver’s seat siya at si Mommy ay katabi niya na ansa passenger seat habang ako naman ay nasa back seat.“I love you, anak. Kahit na anong mangyari ay lagi mong tatandaan
MargauxNaging sobrang busy at hectic ang mga araw ko. Parang wala nang patid ang pag-ikot ng mundo ko. Meetings, preparations, at kung anu-ano pang kailangang asikasuhin. Buti na lang at kahit papano, nakakausap ko pa rin si Draco. Through call, text, at sa gabi ay video call. Doon lang ako kumukuha ng lakas. Nakakabaliw na nami-miss ko na talaga ang gurang na 'yon, pero alam kong kailangan kong magtiis. May mas mahalaga akong kailangang harapin.Ang issue ko kina Mommy ay isinantabi ko muna. Hindi pa rin ako kampante dahil iba talaga ang tinatakbo ng isip ko. And if I'm like this, talagang hindi ako napapalagay. Ang tanging kahit papaano ay nagpapakalma sa akin ang ang mga ngiting ibinibigay nila ni Dad sa akin.Dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Nasa aking silid ako, nakaharap sa salamin habang inaayos ang sarili. Hinihila ko ang sarili kong mag-focus. Kailangan kong maging presentable dahil simula ngayong araw, hindi na ako si Margaux na college student lang. Ako na
Margaux“Another trip?” tanong ko sa aking ama, bahagyang nagtaas ang kilay. Nasa hapag-kainan kami at kapwa bagong dating mula sa opisina na feeling pagod pero masaya. Nagulat ako sa sinabi niya, pero tinawanan lang niya iyon. Si Mommy, nakangiti rin habang nagsasalin ng sabaw sa mangkok ko.“Bakit, ayaw mo bang maglamyerda naman kami ng Daddy mo?” tanong ni Mommy, nakakunot ang noo pero may lambing sa boses.“Hindi naman sa ayaw ko,” sagot ko habang hinahalo ang kanin sa ulam. “Kataka-taka lang kasi. Hindi kayo usually nagta-travel, lalo na’t out of the country pa. Business trips lang ‘yung madalas.”“Exactly!” sabat ni Dad, sabay abot ng baso kay Mommy. “Ngayon na malaki ka na, at sa tingin namin ng Mommy mo ay kaya mo na ang company, hindi ba dapat naman na ang isa’t isa naman ang intindihin namin? You should understand us lalo na at may Draco ka na sa buhay mo.”Napakagat ako sa labi at saglit na natahimik. Totoo naman ang sinabi nila. Noon, halos hindi sila makaalis dahil ayaw ni
MargauxMasaya ang bawat araw namin ni Yvonne. Kahit na kasama namin sila Draco at Kevin ay hindi naman iyon naging dahilan upang hindi rin kami mag-enjoy.Hindi na nga namin namalayan ang araw at huling araw na pala namin dito at bukas ay babalik na kami ng Manila.Nagkakaroon lang kami ng “alone” time ni Draco sa gabi.Ngayon ay nasa dagat na kami. Natapos namin ang iba’t-ibang klaseng activity at water adventure at sa lahat ng ‘yon ay may mga kuha kami.Na-in love ako lalo sa Cupcake ko dahil siya pa ang nagprisinta na maging official photographer at cameraman namin.Kapag kumakain ay magkakasama kaming apat syempre at sa tuwina ay katabi ko pa rin si Yvonne.“Ang bilis ng araw, Bruh, uuwi na agad tayo bukas…”“Isang linggo na ba talaga tayong nandito?” tanong ko pa bilang pagsang-ayon sa kanya.“Kung gusto niyo pang mag-stay ay pwede naman kayong mag-extend,” sabi ng aking Cupcake.“Wait, pinapaalala ko lang sayo na marami ka pang gagawin sa opisina,” singit naman ni Kevin.“Eh di
MargauxNakikiliti ako sa bawat banayad na halik ni Draco sa aking balikat. Mainit, magaan, pero may kasamang intensyong hindi ko maikakaila. Napapikit ako sa sarap ng sensasyong hatid ng kanyang mga labi. Pansamantala kong nakalimutan ang aking mga pangamba,, ang mga tanong tungkol sa amin, sa kung anong kahihinatnan ng relasyon namin. Sa sandaling ito, ang tanging mahalaga ay kami.His featherlight kisses send a tingling warmth all over my skin. Nakakakiliti, oo, pero higit doon ay nakakagising. Parang isang apoy na unti-unting sinisilaban ang damdamin ko, na parang may gusto pa siyang iparating, na gusto pa niya ako, nang buo, nang paulit-ulit.Nagtama ang aming paningin. Minsang titig na parang may sinasabi. Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa akin, at sa paglalapat ng aming mga labi, isang matamis at mainit na pagsabog ang bumalot sa akin.Napapikit ako, ninanamnam ang bawat segundo ng paghihinang ng aming mga labi. Sa simula ay banayad lang iyon na tila sinusuyo, dinadama.
DracoDinala ko si Margaux sa cottage ko habang si Kevin naman ay sumama kay Yvonne sa cottage nilang magkaibigan. Buti na lang at dalawa ang kwarto roon kaya hindi ko na kinailangang mag-alala pa.Isa pa, buo ang tiwala ko kay Kevin. Alam niya kung gaano ko kamahal si Margaux at alam kong hindi siya kailanman gagawa ng kahit anong bagay na maaaring makasira sa amin.Kagagaling ko lang sa banyo matapos maligo, ang lamig ng tubig ay tila hindi sapat upang maibsan ang pagod at pagkasabik na maramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Paglabas ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig, nakaharap sa lamesita kung saan nakapatong ang kanyang iPad. Wala siyang kamalay-malay sa presensya ko at masyado siyang nakatuon sa screen.Tahimik akong kumuha ng suot kong paboritong sando at lounge pants, ang mga panandaliang nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng bahay, bago ako marahang naupo sa tabi niya. Inalalayan ko ang sarili kong huwag agad siyang gambalain. Pero ang totoo, namimiss ko na agad ang aten
DracoHindi ko na talaga matatagalan ang hindi ko siya makita. Parang may kulang sa bawat segundo kapag wala si Sugar sa paningin ko. Kaya kahit medyo alanganin, agad kong niyaya si Kevin na sundan namin sila ni Yvonne.Nagulat ako nang hindi man lang siya nagdalawang-isip. Bigla na lang siyang pumayag. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko kung paano siya tahimik na nakatingin kay Yvonne mula sa kinauupuan namin, parang biglang luminaw ang lahat, may gusto ang loko sa kaibigan ng mahal ko.Pero kailangan ko siyang balaan. Hindi pwedeng makompromiso ang relasyon ko kay Sugar kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa pagitan nila ng kaibigan ng mahal ko. Ayokong masaktan si Margaux dahil lang sa kapilyuhan niya.Ngayon ay nasa isang bar kami na may disco, hindi kasing-ingay ng mga tipikal na club, pero sapat para malibang. Pinagmamasdan ko ang dalawang babae habang sumasayaw sa gitna. Malaya, masaya, at walang inaalala.Parang binabalikan ako ng alaala. Kagaya ito noong gabing nakita
Margaux“Draco!” gulat kong sabi ng pagharap ko ay makita ko ang aking Cupcake. Kahit si Yvonne ay hindi makapaniwala. “What are you doing here?”“Na-miss kita eh,” sabi niya. Napangiti ako sa kilig at pagtingin ko sa kaibigan ko ay kita ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata kaya natawa na lang ako.Agad akong yumapos sa aking Cupcake na akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita. Sinandig ko ang aking pisngi sa kanya at saglit na pumikit upang damhin ang init ng kanyang katawan.Naramdaman ko naman ang pagpulupot din ng kanyang mga kamay sa akin ang mahigpit na yakap kasunod ang paghalik sa aking pisngi.“Ano, busog ka na?” Agad akong bumitaw kay Draco ng magsalita si Yvonne at nilingon siya. “Ngising-ngisi?”“Extra happy lang,” tugon ko naman kasunod ang pagdantay ng kamay ni Draco sa aking likod.“Kung naiinggit ka kay Margaux eh nandito naman ako.” Sabay kaming napatingin ni Yvonne sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang nakangiting si Kevin.“As if naman, mapupunan mo ang narara