Wala ng atrasan 'yan Margaux! Pa-like and comment naman po sa bawat chapter. And kung may gems po kayo ay pa-vote na rin. Maraming salamat!
MargauxTwo days after ng dinner na yon ay lagi na akong tinetext ni Draco at hindi pwedeng hindi ko siya reply-an lalo na kung ang tanong ay kung nasaan ako. Naiinis ako dahil ang mga magulang ko ay hindi ako tinatanong ng ganon dahil kusa naman akong nagsasabi at nagpapaalam.Although hindi ko gusto na gawin sa kanya ang ganon ay parang nakakaasar pa rin na kailangan kong magreply sa kanya. Hindi ko naman siya kaano-ano.“Come to my condo, let’s talk about us.” Titig na titig ako sa cellphone ko habang inuulit-ulit ko ang pagbasa ng text ng manyak na Draco na ‘yon.“Reply, Sugar.” Utos yon. Sigurado ako.Wala akong nagawa kung hindi ang tumipa sa aking cellphone.“K.” Isinilid ko na ang cellphone sa aking bag at tsaka nagpatuloy na sa paglakad papunta sa aking klase. Ang aga aga ay text pa niya ang makikita ko.Naiinis ako ng maalala ko kung paano niya sabihin sa aking mga magulang na ako daw ang date niya sa party ng Alegre Construction eh wala naman siyang sinabi. Sinamantala niya
MargauxNasa condo na kami at magkaharap. Nauna siyang umupo kaya sa katapat na sofa ako pumwesto. Naglabanan kami ng titigan at wala akong balak magpatalo.“Get that folder at basahin mo ang content.”“Please…” sabi ko at alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.“I don't beg, Sugar.”“Hindi pag beg yon, sign na nakikisuyo din yon.”“Hindi ako nakikisuyo. That's our contract kaya kailangan mo talagang basahin,” tugon niya kaya dinampot ko na ang folder na nasa center table. “I will beg kapag close na tayo.”“Sus, kinain na at lahat ang pearly shell ko hindi pa close.” Bulong lang ang pagkakasabi ko non dahil para sa sarili ko lang din yon talaga. At wala akong intention na iparinig sa kanya.Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi sa sarili ko yon. Siguro ay dahil nakakainis na malaman na kung ano ano na ang ginawa namin sa ibabaw ng kama ay may pa hindi close pa kaming nalalaman ito.“When you suck my dick, ‘yon close na tayo.”Agad na lumipad ang tingin ko sa kanya at kung p
Margaux“Pinayagan ko ang mga conditions mo, paano naman ang sa akin?” tanong ko.“You have signed already. Wala na tayong dapat pang pag-usapan.” Ngiting ngiti ang moklong kaya mas lalo akong nanggigil sa inis. Kanina lang ay hindi ako mapalagay sa pagbabago ng kanyang expression, pero ngayon, hay naku, ewan!“Ang selfish mo!”“Hindi ko kasalanan na pumirma ka ng hindi sinisiguro ang kapakanan mo. Bakit mo ko sinisisi sa sarili mong kapabayaan?”“Draco!” asar ko ng sabi. Nawala ang ngiti niya sa mga labi kaya medyo kinabahan ako. Mayaman siya at may pangalan na rin na iniingatan hindi lamang dito sa bansa pati na rin sa kung hanggang saan nakakarating ang mga sasakyan niya. Hindi naman niya siguro ako sasaktan or gagawan ng hindi maganda, right?“Hindi mo kailangan magalit sa akin. Why not use your charm? Malay mo, mapapayag mo akong pakinggan ka.”Ano yon?Ano ang gusto niyang mangyari, akitin ko siya?No way!“You know what, fine. Kung ayaw mo, huwag. Hindi ako luluhod sayo para mag
MargauxHinalikan niya ako at tinugon ko naman siya ulit. Nakakaliyo at ang sarap sa pakiramdam. Dama kong sabik na sabik pa rin siya kahit na katatapos lang namin non. Ganito ba ang damdamin na lagi niyang bubuhayin sa akin?Nananabik at natutukso?“Do we have a deal?” tanong niya ng tumigil na kami. Seryoso ang kanyang mukha pero hindi naman nakakatakot. Parang gusto lang niya masiguro na maayos na ang aming usapan.Umatras ako ng isang hakbang upang bahagyang mapalayo sa kanya at hinayaan niya naman ako.“Ayaw kong malaman ng mga magulang ko ang tungkol sa atin.”“Why not just tell them na boyfriend mo ako?”“Ano?” bulalas ko.“Why? Ayaw mo?” tanong niya.“I don’t like you,” sagot ko sabay yuko. Mahina lang ang pagkakasabi ko pero sigurado akong narinig niya. Matalas ang tenga niya, kanina nga umabot pa rin sa pandinig niya ang sinabi ko kahit halos bulong ko na sa sarili ko eh.“Are you still thinking na magkakabalikan pa kayo ni Samuel?” tanong niya sa mababang tono pero halata an
MargauxNalaman ko na ang party palang sinasabi ni Draco ay medyo matagal pa. Isang buwan pa to be exact. May kailangan daw siyang ayusin pa sa kumpanya na siya na rin daw ang mamamahala.Hindi ko alam kung bakit sinasabi pa niya sa akin ang mga bagay na ‘yon habang kumakain dahil wala naman akong paki doon. Pero siguro para may mapag-usapan lang.Nang matapos kami sa pagkain ay nagpahinga lang kami saglit at hinayaan na rin niya akong makauwi. Ihahatid daw niya ako pero tinanggihan ko na. Buti na lang at hindi na rin siya nagpilit pa pero ibi-nook niya ako ng sasakyan.Hinatid pa niya ako hanggang sa ibaba ng building at nanatili doon hanggang sa makasakay ako sa sasakyan.Pag-uwi ko sa bahay ay pinag-isipan ko ng mabuti ang naging pag-uusap namin.Ang naging dating ay parang kami na hindi. Alam mo yon, ano ba ang eksaktong term para sa relasyon namin?Hindi naman friends with benefits na peg dahil hindi naman kami friends at mas lalong ayaw niya may iba ako. So, hindi ako malaya.Exc
MargauxMatapos ang break ay agad na akong bumalik sa aming classroom. Wala naman si Yvonne kaya hindi na ako nagtangka pa na tumambay.Kakaupo ko lang ng makatanggap ako ng text mula kay Draco.“Done eating, Sugar?” tanong niya.Bakit ganon? Bakit kung sino pa yung hindi ko inaasahan na mag-care sa akin ay siya pa yung gumagawa non?“Sugar.”Grabe, period talaga. Baka magalit ay tumipa na ako para magreply sa kanya.“Kakatapos lang.” Bahala siya, tagalog ko siya lagi kakausapin tutal nakakaintindi naman siya.“Where are you now?”“Classroom.”“No teacher yet?”“Yes.”“How about your friend?”“Wala.”“Hindi mo ba ako kakamustahin?”Ito na nga ang sinasabi ko eh. Magde-demand siya. Bumuntong hininga ako bago nag-type.“Kamusta, kumain ka na?” tanong ko.“???” Anong klaseng reply ‘to! Tatlong question mark?“Ano?” tanong ko.“May kulang.” Oo nga pala.“Kamusta, kumain ka na, Cupcake?” Grabe ang hirap i-type ng last word.“Tapos na rin, Sugar. I'm in a meeting and it's boring.”Sira ba si
MargauxKagaya ng yaya ni Alexis ay nanatili kami sa ground at nanood lang ng naglalaro ng football. Hindi ko naiintindihan yon pero nakakatuwang tingnan ang mga ito.“Panay ang tingin sayo ni Hendrix oh!” sabi ni Alexis sabay nguso sa lalaking dumampot sa bola at bumati sa akin kanina.“Sus, nagkataon lang.” Hindi naman din kasi ako assuming kaya ayaw kong mag-isip ng iba. Isa pa, kakatapos ko lang sa masakit na relasyon with Sam kaya ayaw ko na munang kiligin sa ibang lalaki lalo at alam kong may usapan pa kami ni Draco.“Pupusta ako, may gusto sayo ‘yan,” sabi pa ni Alexis.“Sa palagay ko din,” susog ni Tessa.“Hay naku, tigilan niyo ako ng panunukso niyo. Huwag niyong bigyan ng kulay ang gawi ng iba,” sabi ko na iiling-iling pa.“Ayaw mo pa talagang maniwala sa kanila!” sabi ni Yvonne na nasa likuran ko na pala na may kasama pang panggugulat.“Ay! Ikaw na babae ka talaga!” Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil talagang ginulat niya ako.“Hi!” bati niya kila Alexis. “Mabuti naman a
Margaux“What is it?” tanong ko ng tuluyan na kaming iwan nila Yvonne at nauna na silang pumunta sa coffee shop.Nanatiling nakatayo si Sam at nakatingin sa akin. Tumitingin pa ito sa paligid kaya naisip kong baka hinahanap pa si Chloe dahilan upang mainis ako. Kaharap na ako at gusto daw akong kausapin tapos naghahanap at tumitingin pa sa iba?“Kung wala kang sasabihin ay mauna na ako at—”“I’m sorry.” Natigilan ako ng bigla siyang magsalita at putulin ang iba ko pang sasabihin. Anong nakain niya? Hindi ko alam.Bakit siya nag so-sorry? Mas lalong hindi ko alam.“Dahil?” tanong ko. “Nag so-sorry ka dahil? Alin sa mga ginawa mo ang dahilan ng paghingi mo ng sorry, Sam?”Muntik pa akong pumiyok dahil sa pagpipigil ko na maiyak. Alam kong ilang linggo pa lang kami ng magkahiwalay, pero nasasanay na ako na hindi siya hinahabol. Nagsisimula ko ng magustuhan na tumingin sa paligid at may makitang ibang bagay na nakaka-enjoy palang tignan.Masarap pala na may ibang pinag-uusapan maliban sa s
Third Person“Sa condo lang naman umuuwi si Draco. Pagdating niya ay hindi na rin siya umaalis pa,” ani ng lalaki, bahagyang nakangisi habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.Ang babae ay walang bahid ng interes sa kanyang tinig. Abala ito sa paghithit ng sigarilyo, tila ba walang ibang iniintindi kundi ang lasang naiwan sa kanyang mga labi. Ngunit sa kabila ng tila kawalang-pakialam, may ningning sa kanyang mga mata, isang bagay na hindi nakaligtas sa lalaking kaharap niya.Para sa kanya, tila isang diyosa ang babaeng ito na nakaupo sa trono. Ang matinding pang-akit nito ay hindi matatawaran. Ang mapanuksong kutis, ang hugis ng katawan na tinampok lalo ng suot nitong tube na bestida. Hanggang kalahati lang ng hita ang haba nito, ngunit dahil sa paraan ng pagkakaupo ng babae, bahagya iyong lumilis, nagbigay ng silip sa makinis nitong balat.Bahagyang nakabuka ang kanyang mga hita, isang pang-aakit na hindi sinasadya, o marahil sadya. At doon nakapako ang tingin ng lalak
DracoSakay ng motor ay lumabas ako ng basement parking. Sa likod ang exit kaya kailangan kong umikot upang mapuntahan ang coffeeshop. Huminto ako sa tapat lang din, sa kabilang kalsada nga lang kung saan kitang-kita ko ang loob ng coffeeshop. Doon siya nakaupo, si Margaux.Nakangiti siya habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan, at sa kabila ng ingay sa paligid, tila naririnig ko ang mahagikhik niyang tawa. Ang lambing sa kanyang mga mata, ang ningning ng kanyang mukha, hindi ba siya talaga naaapektuhan sa nangyayari sa amin?I thought she liked me too.Mabigat ang loob kong dinukot ang cellphone mula sa aking bulsa. Halos mabutas ang screen sa diin ng mga daliri kong nagtipa ng mensahe.“Meet me at the next street. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo na uuwi ka na.”Nang maipadala ko na ang mensahe, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mula sa kanyang masayang pakikipag-usap, bigla siyang natigilan at kinuha ang kanyang phone. Sandali niyang tiningnan ang screen, ngunit ag
DracoBakas ang pagtataka sa mukha ni Kevin nang bumalik ako sa opisina mula sa coffeeshop. Nasa kabilang building lang naman iyon, pero hindi na ako pumayag na lumayo pa. Sinabi ko na rin kay Chiara na gusto ko nang umuwi pagkatapos."Oh? Akala ko diretso uwi ka na?" tanong ni Kevin, pero hindi ko siya pinansin. Patuloy akong naglakad papasok sa opisina at pasalampak na naupo sa aking upuan, ramdam ang bigat ng mga nangyari."May nangyari ba?"Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I saw Margaux."Saglit siyang napatigil, tila iniisip ang susunod niyang sasabihin. "So?"Tiningnan ko siya nang masama. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ba dapat magkasama na kayo ngayon? Bakit hindi kayo dumiretso sa bahay niyo?""Nakita ko siya... at nakita niya akong kasama si Chiara. Sinabi ko sa kanya noong gabi ng party na babalik na ng Germany ang babae in two days.""Owww...""Oww?" tumaas ang kilay ko."I’m sure galit siya," aniya, sabay ngisi. Masamang tingin ang binigay ko sa kany
MargauxAng sarap talagang bigwasan ng gurang na 'to! Nakatayo siya ngayon sa tabi ni Chiara, nakatitig sa akin at mabuti naman at mukha siyang guilty. Pero wala akong balak bigyang-pansin ang ekspresyon niya. Sa halip, pinili kong ngumiti at magpakaswal, kahit pa sa loob-loob ko ay gusto ko siyang tignan nang masama."Mr. Zaffiri, I didn’t expect to see you here." Totoo naman, hindi ko talaga inaasahang andito siya. May bahagyang inis sa tono ko, pero sinigurado kong hindi ito halata. Ngunit bago pa siya makasagot, si Chiara na ang sumingit, tila sabik na sabik ipakita na may koneksyon silang dalawa."I invited him. He’s so busy working and I thought he needed some fresh air." May pahawak-hawak pa siya sa braso ni Draco, na lalong nagpasingkit sa bilugan kong mga mata. Ang landi! Parang sinasadya niya pang ipakita sa akin kung gaano sila ka-close.Napansin ko ang tila pagpihit ni Draco kasunod ang marahang pagtanggal ng kamay ni Chiara sa kanyang braso. Parang gusto niyang magpaliwana
MargauxLalabas daw sina Draco at Kevin, ibig sabihin ay hindi na naman kami magkikita.Hay naku, namimiss ko na ang gurang na ‘yon eh. Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong hahanapin ko ang presensya niya sa bawat araw. Gusto ko nang magkita kami ng personal, pero paano mangyayari ‘yon kung lagi siyang busy? Pakiramdam ko tuloy, ako lang ang may gusto sa aming dalawa.Ayaw ko namang magreklamo dahil baka sabihin niya ay masyado akong feeling-era. Kahit paano naman siguro, may karapatan akong umangal, ‘di ba? Dapat lang naman na madalas kaming magkita dahil, base sa pagkakaintindi ko, kami na. Pero bakit parang hindi ko nararamdaman?Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Samantalang noong kami ni Sam ay wala akong paki basta masundan ko lang siya. Siguro ay dahil hindi ko magawa ang gannon kay Draco ngayon.“Ano, sama ka na?” tanong ni Tessa habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang matagal ko nang desisyon. Saglit akong napabuntong-hininga bago tumango.Kakala
Draco Fuck, two weeks. Dalawang linggo ko nang hindi nakikita nang personal si Margaux, at pakiramdam ko’y mababaliw na ako sa labis na pananabik. Hindi ako makuntento sa video call at text lang. Iba pa rin ang makita siya, mahawakan, at maramdaman ang init ng kanyang presensya. Gustuhin ko mang puntahan siya, sunduin sa school, at dalhin sa bahay upang makasama kahit sandali, hindi ko magawa. May kung anong bumabagabag sa akin. Pakiramdam ko ba ay may mga matang laging nakamasid sa akin. Sa tuwing sinusubukan kong sipatin ang paligid upang hanapin ang anino ng maaaring nagmamanman, wala akong makita. Baka guni-guni ko lang, epekto ng nangyari kay Gertrud. Pero hindi ko rin pwedeng ipagsawalang-bahala ang kutob ko. Kaya sa ngayon, titiisin ko muna ang pananabik. Sugar: School cafeteria ako kasama ang mga friends ko. Draco: Dahan-dahan sa pagkain, and make sure na healthy. Alam kong kasabay ng pagbabasa niya ng text ko ay ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Napangiti ako habang hin
DracoIlang araw ko nang hindi nakikita ng personal ang aking Sugar, at sa totoo lang, naiinis na ako. Hindi pa kasi umaalis ng bansa si Chiara, at sa tuwina, lagi siyang nakabuntot sa akin.Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan, lalo na’t hindi ko magawang makita o makausap ng maayos si Margaux. Nag-aalala na rin ako, hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nang hindi siya magagalit o mag-iisip ng kung anu-ano ang pananatili ng kaibigan ko dito sa bansa hanggang ngayon.“Draco, what do you think of this?” tanong ni Chiara, hawak ang brochure ng isang condominium complex. Nakaupo siya sa tapat ng aking desk dito sa DZ Construction, waring hinihintay ang aking opinyon.“I don’t know, Chiara.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa folder na nasa harapan ko, isang report mula kay Kuya Dennis tungkol sa financial status ng kumpanya noong Alegre Construction pa ito. Mas importante ito kaysa sa kung anumang gusto niyang ipakita.“How would you know when you’re not looking?” reklamo
MargauxMasaya at puno ng kulay ang bawat araw ko. Para bang may bagong sigla ang mundo, isang ningning na hindi ko noon napapansin. Lahat ng ito, dahil kay Draco.Araw-araw, hindi nawawala ang kanyang mensahe. Minsan isang simpleng, "Good morning, Sugar," na tila isang mainit na halik sa aking noo, sapat na upang magdala ng ngiti sa aking mukha hanggang sa paglubog ng araw.Minsan naman, mahahabang kwento ang ipinapadala niya, mga random na bagay na nagpapaalala raw sa kanya sa akin. Parang kahit saan siya mapunta, kahit anong gawin niya, ako ang laman ng isip niya.At sa tuwing magkausap kami sa video call bago matulog, ang boses niya, kahit nasa kabilang linya lamang ay tila yakap na bumabalot sa akin ng kakaibang kapanatagan.Yung mga "I fvcking miss you" na text message niya ay nagbibigay ng kakaibang kilig sa akin. Kasunod ang pag-alala sa mga araw na nagsolo kami sa kanyang condo at sa bago naming bahay.Bago naming bahay. Kinilig talaga ako doon. Hindi pa man kami kasal ay kasa
Margaux“Bruha ka!” nanlalaki ang mga matang sabi ni Yvonne ng makita niya ako sa school. Hindi talaga ako nagpakita sa kanya before magsimula ang klase pero heto siya at saktong kalalabas lang ng aming teacher ay pumasok na sa aming classroom.“Bakit?” patay malisya kong tanong.“Huwag mo akong ma-bakit-bakit na babae ka. Sabihin mo, sino ang kasama mo nung Friday night? Bakit mo ako kailangan kuntsabain about your parents?”Inaasahan ko naman na ito. At sure ako na hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“Let’s go sa labas at magkape.”“Ano? Tanghaling tapat, kape?” bulalas ko. Lunchtime kasi sana namin, ano ang naisip ng bruhang ito at kape pa talaga ang in-offer sa akin?“Tinignan ko lang kung nasa tamang pag-iisip ka pa. Since nasa wisyo ka naman pala, ibig sabihin ay masasagot mo ng tama ang mga katanungan ko.”Natawa na lang ako sa sinabi niya at tsaka ako tumayo mula sa aking upuan. Dinampot ang aking bag at isinukbit iyon sa aking balikat.“Let