Share

Chapter 5

Shyria's POV

Ilang minuto akong napatahimik at hindi alam ang isasagot kay Logan. Narinig ko ang mahina nitong pagbuntong hininga habanga ko ay dinadaga na ng kaba.

Sa totoo lang kaya ako tahimik ay hindi ko alam ang isasagot ko.

Hindi ba sinabi ni Rhys sa kaniya na pinatawag ako ng agency?

"Rhys told me na pinatawag ka ng agency. Hmm ano ba nangyari? Bakit ka pinatawag?" sunod-sunod na tanong ni Logan.

Huminga ako ng malalim at inipon ang buong lakas ng loob.

"May bagong offer na project," Pagsisinungaling ko.

Sana hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako. This is the first time that I lied to my husband.

"Pero babalik ako diyan mamaya kapag tapos na meeting namin," dagdag na sabi ko.

Of course walang meeting na magaganap dahil makikipagkita lang naman ako kay David.

"Anong oras?" tanong nito muli.

"Kung anong oras matapos iyong meeting. Andito pa ako ngayon sa condo nagpapahinga. The meeting will starts at 4:30 in the afternoon," sagot ko.

As of now gusto kong kastiguhin ang sarili dahil sa pagiging sinungaling ko.

Artista nga pala ako kaya sanay na sanay na ako sa pag-arte.

Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga mula sa kabilang linya. I know he is frustrated right now.

"Wife, are you hiding something from me?" he asked that made stop for a second.

Tila ba ay para akong kinakapos ng hangin at hindi alam kung saan kukuha ng sagot.

I forgot the he's a lawyer and he's not stupid at all. But of course! Walang aatras dahil buo na ang desisyon ko.

"I am not hiding something from you, Logan. It's just the agency called a meeting," sagot ko na pagalit ang tono ang boses.

Pinikit ko ang aking mata dahil sa konsensya na nararamdaman ko ngayon.

I'm sorry, Logan but I have to do this.

Just wait for me until everything is going to be fine. I will marry you again and I will announce to the world that you're mine.

"Pupuntahan naman kita mamaya kapag tapos na kami."

"Okay, I'm sorry." Paghingingi nito ng tawad sa akin bago pataying ang tawag.

Isang malakas at marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Hinayaan ko na lang na maglaglag ang cellphone ko sa kama at tumitig sa kisami.

He's indeed mad right now.

Babawi na lang ako sa kaniya mamaya kapag tapos na ang pakikipagkita ko kay David.

I will just think kung paano ako babawi sa kaniya mamaya kapag nagkita na kami.

Bumangon na ako at napagdesisyunan na wag na lang matulog. Nagtungo ako sa loob ng bathroom upang gawin ang routine ko.

Matapos ang trenta minutos ay natapos na ako. Isang fitted jeans at round neck fitted shirt lang ang sinuot ko. Naglagay na ako ng make up sa mukha para magmukha naman akong tao.

Mukha naman talaga akong tao, sobra pa sa tao.

Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ko ay kumuha na muna ako ng dinem jacket sa loob ng closet ko.

Nadatnan ko ang buong team sa living room na tanging pambahay lang ang suot nila.

"Myrtle, did you set me an appointment with David?" tanong ko kay Myrtle at nagtungo sa kusina.

Kumuha ako ng baso sa kabinet at nilagyan ito ng tubig. Uminom ako ng dalawang baso ng tubig bago ito nilagay sa sink.

"David is out of the country. Next week pa raw ang balik niya," sagot ni Myrtle sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?" tanong ko na may bahid na inis sa tinig ko.

"Sinubukan ko namang sabihin sa 'yo kanina pero hindi mo ako pinansin," mahinang sagot ni Myrtle.

Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong mali ako. Umupo ako sa inuupuan kong single couch at sumandal sa headboard.

So, what should I do now?

Tumingin ako sa orasan at alas tres pa lang ng hapon. Hindi ako pwedeng bumalik sa hospital ng ganitong oras dahil ang alam ni Logan ay may meeting ako.

"Myrtle, enroll mo nga ako sa isang self defense martial arts class," utos ko kay Myrtle habang ang aking paningin ay nasa labas.

Nakabukas kasi ang kurtina dito sa condo namin at kitang-kita ko ang asul na kalangitan at puting ulap.

"Martial Arts Class?" nagtatakang tanong ni Myrtle.

Binalingan ko siya ng tingin bago tumango. "Yes, may problema ba ro'n?" tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling si Myrtle bilang sagot.

" Also enroll mo rin ako sa shooting academy. I want to learn how to hold a gun and protect myself," dagdag na sabi ko upang dahilan na malaglag ang panga ng mga kasama ko rito sa living room.

"Are you serious, Ria?" tanong ni Melisa sa akin.

Si Melisa Madreal ay ang make up artist ko slash kaibigan na rin.

"Mukha ba akong nagbibiro, Mel?" tanong ko pabalik sa kaniya.

Napairap ako sa hangin at nagpakawala ng buntong hininga.

"May nangyari ba, Ria?" tanong ni Martis, he is our driver.

"Walang problema, Martis," sagot ko.

"Walang problema pero bigla ka na lang nagkaganiyan. Hindi ka ganiyan, Ria. Ayaw mo nga humawak ng baril diba kahit laruan lang," sabat ni Myrtle.

"Just do what I say and you all stop asking," iritang sambit ko.

"Concern lang naman kasi sa 'yo, Ria," sagot naman ni Melisa.

"Sinabi ko ba na mag-alala kayo?" pataray na tanong ko sa kanila. Tinignan ko sila isa-isa bago nagsalita ulit, " I have to do this kasi wala akong choice... kailangan kong tulungan ang asawa ko."

"I know what happen to Logan, Ria but you don't have to do this. May authority naman at—”

"At hindi makukulong ang matandang iyon kapag walang ebidensya. Mr. Lufengco is good at hiding evidence at hindi namin makukuha iyon kapag walang lalapit sa tigre," usal ko.

"They don't deserve to be free, Myrtle. My husband doens't deserve to be hidden. The whole world should know our relationship yet we can't do it dahil sa katulad nila," dagdag na wika ko, may bahid na galit sa tono ng aking pananalita.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa kwarto ko. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko ay nagsalita muli ako.

"Don't tell Logan about my plan. He doesn't know anything and one more thing gisingin niyo ako kapag six o'clock na." Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.

Agad kong tinapon ang aking sarili sa kama. Niyakap ang isang human size teddy bear na bigay ni Logan sa akin.

I'm really sorry, Love that I have to lied to you. I have to do this for us. Alam kong mali itong gagawin ko pero kailangan kong gawin. If you'll get mad at me, maiintindihan ko naman. Pero sana kapag dumating ang araw na malaman ko ay sana maintindihan mo ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status