Share

Chapter 3

Shyria's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto namin ni Logan. Umalis siya at naiwan akong mag-isa dito sa Villa. May biglang tumawag kasi sa kaniyang client, may bagong case sa law firm niya.

My husband is a CEO of his own company and he's also a lawyer. His father own the law firm he was working with.

Logan is very hardworking person. Sa totoo lang ay hindi ko na kailangang magtrabaho at magka-anak ng marami kasi kayang-kaya niya naman kaming buhayin. Ako lang kasi talaga 'tong gustong-gusto umarte at makita ang mukha sa television. It's my dream and my husband support me.

I was looking at our wedding portrait. Nakangiti kaming dalawa at ito ang pinakamasayang araw namin. Our wedding day... simple yet full of happines. Lahat ng bisita namin ay family and friends lang. Artista na ako nong nagpakasal kaming dalawa at tinago din namin sa media iyong kasal namin. Kinasal kaming dalawa sa isa sa mga private island ni Logan.

Beach wedding and it was my dream wedding. I want to experience the church wedding but this is not the right time. I promise to Logan that after we will have another wedding in the church when I'm ready to public our relationship in the media.

Hindi sa ayaw kong ipakilala si Logan sa buong mundo. Natatakot kasi ako sa mga possible na sasabihin ng mga tao sa relasyon naming dalawa ni Logan lalo na ngayong maraming kalaban iyong asawa ko.

Yes, our lives is in danger dahil sa mga nakalaban ni Logan na kaso. All of them are threatening husband to back off, na ilaglag ang kaso. But my husband had a principle at ilalaban niya talaga ang kaso kapag nasa tama ang clients niya.

Kaya pumayag si Logan na itago muna ang relasyon naming dalawa dahil sa mga panganib na nasa paligid namin. Ayaw niya akong mapahamak ganon ako kamahal ng asawa ko.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Nakita ko ron si Manang Lolita dala-dala ang mga nakatuping damit namin ni Logan.

"Ah manang ilagay mo na lang diyan. Ako na po mag-aayos niya," nakangiting wika ko kay Manang Lolita.

"Sure ka ba diyan, hija? Alam kong pagod ka—”

"Nakapagpahinga naman po ako, Manang," putol ko kay Manang habang may ngiti pa rin sa labi.

"Baka kasi magalit si Logan eh." Napakamot pa ng ulo si Manang tila ba ay hindi alam ang gagawin.

Bumuntong hininga ako at saka tumayo. Naglakad ako patungo sa direksyon ni Manang at kinuha ang basket sa kamay niya.

"Hindi naman niya malalaman, Manang," nakangiting sambit ko.

"At saka you don't have to worry. Ako ang bahala sa 'yo, sagot kita kasi malakas ako sa kaniya," dagdag na turan ko pa sabay taas ng kamay ko.

Napailing-iling na lang si manang Lolita sa akin sabay buntong hininga. "Ikaw na bata ka... kapag nagalit si Logan sa 'yo nako!"

"He wouldn't trust me. My husband loves me that much, so he wouldn't be mad at me," I replied to her.

Walang magagawa si Manang sa kakulitan ko kaya sumuko na lang siya. Hinayaan niya na lang na ako ang mag-aayos ng mga damit sa dressing room namin.

Ang boring kaya kapag walang ginagawa at saka sobrang basic lang namang gawain 'to. Tulong ko na rin sa mga katulong dito sa Villa kasi alam kong pagod rin sila. Its just a simple chores anyway.

Lumabas na si Manang Lolita sa aking kwarto at ako naman ay binuhat ang basket na may lamang mga damit namin ni Logan patungo sa dressing room namin. Pinatong ko muna sa upuan ang basket dahil aayusin ko pa iyong ibang cabinet dito kasi sobrang kalat.

Kahit saan na lang nakasampay ang ibang damit ni Logan. Sumasakit ang ulo ko kung alin ang uunahin ko. Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala kung gaano kakalat si Logan sa kaniyang mga damit, or maybe naging ganito lang kakalat dahil sa pagmamadali niya. Inuna ko na iyong sa right side na cabinet na ayusin dahil ilalagay ko ron ang mga damit na andito sa loob ng basket.

Mahigit trenta minutos kong inayos ang buong dressing room at hindi ko mawari ang saya na nararamdaman ko habang nakatingin sa malinis na kabuuhan nito. I'm satisfied at the same time ay pagod but its worth it.

Lumabas na ako ng dressing room habang nagpupunas ng pawis. Umupo ako sa kama at inabot ang cellphone ko upang tignan kung may mensahe ba ako mula kay Logan.

I have 10 missed calls, 3 messages from him and 2 messages from Myrtle.

Inuna ko munang buksan iyong mensahe ng manager ko.

Myrtle: Ria, may meeting tayo sa lunes sa head.

Myrtle: 10 am sunduin na lang kita diyan sa Villa.

Napairap na lang ako sa hangin dahil buong akala ko ay makakasama ko na si Logan ng matagal.

I composed a reply message to Myrtle.

Ria: Ok, I will be there and be careful when you go the Villa baka may media na nakasunod.

Pagkatapos kong i-send iyon ay agad kong tinawagan ang asawa ko dahil sobrang miss na miss ko na siya.

Isang ring pa lang ay agad na niyang sinagot kaya hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Hi, hubby, I miss you," I said while having a huge smile plastered on my lips.

"Awww my wife miss me," he uttered from the other line, and I know he's making some face right now.

I rolled my eyes. "Look who's talking..."

I heard him laugh from the other line, his hot voice while laughing. Gosh! Its making me turn on.

"Fine! Fine! I miss you more, wife. isang segundo ka lang mawala sa paningin ko ay mamimiss na agad kita," malumanay nitong sabi kaya hindi ko mapigilan na kiligin.

Omg! Ang sweet talaga ng asawa ko.

"Umuwi ka na...." may himig na pang-aakit mong turan.

He groaned from the other line. " Wife!"

"What?" tumatawang tanong ko sa kaniya.

"Stop teasing me, please!" he uttered, and I know he is clenching his jaw.

Mahina akong napatawa sa sinabi niya.

Am I teasing him? Of course not!

"I am not teasing you kaya, pinapauwi lang naman kita," nakangusong wika ko.

He heaved a sigh. "Wife, I know that your teasing me. Your voice say it loud and clear," he uttered.

"I just want you, hubby..." I pouted my lips again. "But you are busy right now, so it's fine."

"Babawi ako sa 'yo mamaya, wife. Kahit buong gabi pa tayo gumawa ng milagro," usal nito mula sa kabilang linya.

"You can't come today?" Tanong ko sa kaniya.

Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa bed side table at mahigit dalawang oras pa lang pala siya wala sa tabi ko.

"I'm sorry, wife but I can't. I have clients to met later and it's important," he said sadly.

"Mas mahalaga pa sa akin?" parang batang tanong ko sa kaniya, and of course nagbibiro lang ako.

I know I am more important for him and its his work.

"You are more important in my life, Wife. But this is my job," he said.

"I know, Hubby. I love you," I said while having a smile on my lips.

"I love you more, wife. I promise babawi ako sa 'yo mamaya..." usal nito mula sa kabilang linya.

Napangiti na lang ako habang tumango-tango. Alam na alam niya talaga kung paano ako papasayahin.

"Sige na, Hubby baka marami ka pang ginagawa diyan..."

"I love you so much, wife. You know how much I love you," he uttered in a hushed tone.

"I love you more, hubby. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hangang sa pumuti ang mga buhok natin..." Humiga ako sa kama at tumingala sa kisami dito sa kwarto namin. Nasa tenga ko pa rin ang cellphone ko habang nakikinig sa boses ni Logan.

"Wife, I'm going to hang up the call." Pagpapaalam nito sa akin.

"Sige po ingat ka palagi ha. Don't make me worried," I told him kasi minsan na siyang nabaril at ang salarin ay iyong mga kalaban ng clients niya.

I was so damn worried that time but he said it's fine dahil part daw iyon ng trabaho niya as lawyer.

"Yes, I will, wife."

Hindi na ako sumagot pa at ako na ang bumaba ng tawag. Bumangon na ako at iniwan sa kama ang cellphone ko. Lumabas ako ng kwarto ko upang magtungo sa living room.

Ginutom ako bigla eh, magpapagawa na lang ako ng makakain kay Manang Lolita.

"Manang, can you make me food?" Agad na tanong ko kay Manang Lolita ng makapasok ako sa kitchen.

Ngunit napatigil ako dahil lahat pala sila ay andito sa kusina at kumakain ng tanghalian.

"Wag na lang pala, Manang. Ako na lang po," biglang bawi ko sa utos ko kay Manang Lolita.

"Nako, Ria, ako na bumalik ka na sa kwarto mo at iha—”

"No, Manang." Agad kong pinutol ang sasabihin ni Manang dahil magpupumilit na naman siya. She's eating and she need to finish her food.

"You finish your food na lang. I can make my food naman eh," I added while smiling to them.

Hindi ko na sila pinansin at nagtungo na lang sa fridge para maghanap ng pwedeng gawin. Napangiti ako ng malapad ng makakita ako ng mga sangkap para gumawa ng vegetables salad.

Siguro ito na lang ang kakainin ko at healthy pa. Hindi naman talaga ako gutom na as in gutom talaga.

Nilabas ko na iyong lettuce at ibang sangkap na gagamitin para sa paggawa ng pagkain ko. Hinugasan ko muna lahat bago nilagay sa plato na gagamitin ko. Inayos ko muna ang lettuce sa plato bago nilagay iyong mga pampalasa, which is the sauce and those ingredients that needed.

Nang matapos na ako at niligpit ko muna iyong kalat ko, binalik sa fridge iyong mga natirang sangkap at naghugas ng kamay. Lumabas na ako ng kusina bitbit ang vegetable salad ko at isang baso ng pineaple juice.

Umupo ako sa living room at doon nilantakan ang ginawa kong pagkain.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang biglang sumulpot si Manang Lolita sa harapan ko bitbit ang cellphone niya. Binigay niya ito sa akin at takang-taka naman akong kinuha sa kaniya.

Nakakunot ang noo ko habang nilalagay sa tenga ko iyong cellphone ni Manang Lolita.

"Ria, si Logan..."

Si Rhys lang pala.

"What happen to my husband, Rhys?" Kinakabahan kong tanong.

"Nabaril siya at andito siya ngayon sa St. Arkanghel Hospital..."

"Ano?! What happen, Rhys? Eh kanina magka-usap lang kami ah," usal ko.

Hindi ko mawari ang pagtahip ng kaba sa aking dibdib ngayon. Para akong hihimatayin sa sobrang kaba. Damn it! Not again!

"Iyon nga palabas na kami ng law firm kanina para kitain iyong clients pero may bigla na lang bumaril sa kaniya, it was a sniper," kwento ni Rhys.

"Fuck you, Rhys... I'll be there in 5 minutes."

Binaba ko na ang tawag at binalik na kay Manang Lolita ang cellphone niya.

Umakyat na ako sa kwarto namin para magpalit ng damit, tanging cap at shades lang ang gamit ko para itago ang tunay na katauhan.

Bahala na kung may makakilala sa akin, it was not my concern anymore. My concern is my husband.

Bumaba na ako at dumiretso sa garage. Sumakay na ako sa kotse ko at agad na itong pinaandar papalabas ng villa. Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan ko ngayon and I'm thankful na maluwag ang daan kaya nakarating agad ako ng hospital.

Pumasok na ako sa loob ng hospital at dumiretso sa emergency room dala-dala ang bag ko at cellphone. Mabuti na lang at nakita ko kaagad si Rhys kausap iyong doctor.

"How was my husband, Rhys?" tanong ko sa kaibigan ni Logan nang umalis na sa harap niya ang Doctor.

"He is fine now. Nakuha na iyong bala sa balikat niya at wala raw natamaan na ugat. Ililipat na raw siya sa private room niya mamaya," sagot naman nito.

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan.

"Sino sa tingin mo ang may kagagawan nito?" tanong ko kay Rhys habang nakakunot pa rin ang aking noo.

Medyo nabawasan na rin ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi na katulad kanina na halos liparin ko na papunta rito.

"Mr. Lufengco, siya lang naman iyong nagbanta kay Logan the last time. But we can't detain that old man dahil walang strong evidence," sagot naman nito.

Lufengco? It was David's father.

"That old man your saying is related to David right? The Rising actor?" I asked Rhys again, just to make sure that I was right in my thoughts.

"Yes, David is Mr. Lufengco's son..."

Tumango-tango ako bilang sagot. Hindi ako umimik at umupo na lang sa bench.

I am thinking on how can we collect some evidence for Mr. Lufengco's crime, or maybe he is not the one behind the shooting incident.

"What are you thinking, Ria?" Rhys asked me.

Hindi ako sumagot nanatiling nakakunot ang aking noo habang nag-iisip ng paraan para makatulong.

What if gamitin ko si David para makakuha ng evidence? But of course my husband wouldn't let me.

Hindi naman niya malalaman eh.

"Stop what you are thinking, Ria. Logan wouldn't let you to do that. We have ways to collect some strong evidence."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status