Share

Kabanata 27 - Cold Treatment

Tuluyan itong napatawa kaya naman bahagya rin akong natawa. 'Diko maitatanggi na minsan nga totoo 'yong sinabi n'ya pero kahit na gano'n ay hindi naman ako nagtatanim na malalim na galit kay Monica.

"Bakit kailangan mong harangan ang usapanan n'yo, Allecc?"

Mabilis na napalingon ako sa Prinsipe na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa aming dalawa ni Allecc. Narinig kong tumigil sa pagtawa ang aking katabi ganu'n din ang iba na napalingon na rin sa aming gawi.

Harangan?

Pinagkiskis nito ang dalawa nitong daliri at nagbigay 'yon ng matinis na tunog. Nagtaka naman ako at muling ibinalik ang tingin sa Prinsipe.

"May masama ba sa ginawa ko, Prinsipe?" Bakas ang nakakalokong tunog sa boses ni Allecc no'ng s'ya ay magsalita.

"Anong pinag-usapan n'yo? Bakit kailangan mo pang itago sa amin?"

Napalingon ako kay Allecc, huwag n'yang sabihin na ang pag-uusap namin ay hindi rinig ng iba?

Mabilis akong napatingin kay Monica na nakataas ang dalawang kilay na nakatingin din sa amin. Lihim akong napakag
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status