Share

Kabanata 29 - Other Side Of Faber

"Hindi ko ito sinasabi sa'yo para takutin ka kung hindi para mas mag-ingat ka sa bawat galaw na gagawin mo sa mundong 'to. Naririto ang Uno para samahan ka." Napalingon ako kay Wyomia.

"Salamat," wika ko at bahagya naman itong tumango.

Napatakip ako sa aking tenga noong may biglang tugtog na umalingawngaw. "Magandang gabi muli sa inyong lahat." Nakita ko ulit 'yong kaninang nagsalita sa unahan.

"Pagkatapos ng mahabang pag-iintay ay ibinibigay na namin ang pagkakataon na ito sa inyong lahat upang isayaw ang inyong mga natatanging kapareha o iniirog." Nagpalakpakan ang lahat at kita ko ang tuwa sa mukha ng mga bampira.

"Alam kong ito na pinakahihintay n'yo kaya naman..." Tumingin ang nagsasalita sa banda at awtomatikong nag-iba ang genre ng tugtog. Napalitan ito ng himig na sobrang lamig sa pakiramdam at napakasarap pakinggan. Nag-iba rin ang awra ng buong paligid.

Napalingon naman ako sa aking mga kasama sa lamesa. Isa isa silang tumayo at kumuha ng kanilang kapareha. Teka? Paano ako?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status