“Manang nasan si Thomas? Wala siya sa kwarto niya.” Tanong ni Fiona kinaumagahan sa katulong sa villa.“Ah umalis po si sir Thomas kagabi mam.” Sagot nito.“At hindi umuwi?” namewang siya sa harap ng katulong.“H-Hindi ko po napansin mam.”“What? Paano kung may manloob dito sa villa hindi mo din alam?” pinandilatan niya ng mata ang katulong.Natahimik ito at dumating naman ang mayordoma.“Miss Fiona, kung gusto niyo pong malaman kung anong oras umaalis at lumalabas si Sir Thomas, pwede po ninyong tanungin sa security guard.” Sabi nito ng makita ang pagtataray niya sa isa sa mga katulong. “Pero ang pagkakaalam ko hindi siya umuwi kagabi. Kung kakain na po kayo nakahanda na ang almusal.” Sabi nito bago umalis kasama ang isang katulong.Napabuga ng hangin si Fiona at inis na inis ng umagang iyon.“What the hell Thomas? Akala ko ba dito ka na uuwi? I’m sure nandyan ka na naman sa babae mo.” Umakyat siya sa silid niya at naligo para pumasok na lamang.Pag baba niya ay nakasalubong niya ang
“Ahm…Mr. Llave, I’m sorry to ask, pero hindi ba ako magca-cause ng problem sa workplace? I know you are aware of what’s going on.” Sabi ni Phoebe sa lalaki habang nasa kotse sila. Ngumiti ito. “I assure you, hindi. I know the Prestons, matagal na, actually the company was formerly owned by a children’s book publication pero soon kasi eh nalugi, Ben Preston helped it out and later on sold that to me. That is when I started my business too. I changed the name and syempre the contents of the books for kids.” Paliwanag naman ng lalaki. “I am actually planning to start a team for a different style, as you see we focus on children. Gusto kong palawakin ang scope ng company, not just for kids but for teenagers and adults too.” “So what exactly should I do Mr. Llave?” “Hmmm…we have an online platform for aspiring writers, nagsisimula pa lang ito Miss Guiron. Ila-launch pa lang next week and I saw your profile from Zeus and you are also recommended by Mr. Preston, so I wanted you to look af
Mabilis na nilisan ni Phoebe ang kumpanya ni Thomas. Mabigat na mabigat na ang dibdib niya na tila sasabog ano mang oras.Paakyat na siya ng apartment ni Angelie nang saktong nakasalubong niya ang kaibigan. “Phee? OMG Ikaw nga!” agad siya nitong nilapitan at niyakap. “Anong ginagawa mo dito?”Nagkibit-balikat lamang siya. “Hmmm…I have a feeling na nag-away na naman kayo ni Thomas, halika sasabihan ko si Astrid na nandito ka.” Pag-akyat nila ay binuksan agad niya ang fridge ni Angelie para humanap ng beer. “No beer?”“Huy anong tingin mo sakin lasinggera?”Marahan siyang natawa. “I know you’re not fine Phoebe.” niyakap niya ang best friend niya. “Gusto mo bang tumakas? Lumayo? Tutulungan kita, just for you to be free jan sa Preston na yan.” Napabuntong hininga si Phoebe. “And how will I live? As you can see walang ibang company ang tatanggap sakin. Maliban na lang na irefer niya ako.”“I can’t take this anymore, kung kasing-yaman niya lang ako.” malungkot na sabi ni Angelie.“Do
Today is the big day for Fiona. Ilang oras na lamang ay Mrs. Fiona Alvarez-Preston na siya. “You are so gorgeous hija.” puri ng ginang sa kanya pagpasok sa bridal room. “Thank you tita.” “Call me mom, para na din kitang anak.” “Sure…mom.” ngumiti siya dito at niyakap ang babae. “Maiwan na kita at iche-check ko ang daddy niyo kung nakapag-ayos na din.” “Sige po.” Pagkalabas ng ginang ay sumunod na din ang make-up artist na nag-ayos sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Raf. “Hello, make sure na hindi ka na sasablay sa araw na ito ha. Wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo sa mismong kasal ko.” “Relax, baka mamaya magka-wrinkles ka kakaisip jan.” “Tsk. Umayos ka Raf.” “Yeah.” tamad na tamad na sagot nito. “Sige na bye, I’ll meet you guys next week.” “Okay.” Pagkababa ng tawag ay may narinig siyang katok, bumukas ang pinto at sumilip si Anne. “Hey! Congrats Fiona!” bati nito sa kanya. “Thanks, akala ko hindi ka na darating.” “Ako pa ba? I’m the maid-of-
“I’m sorry Mr. Preston, but my team checked underneath carefully pero–”“And you call yourself a professional, when you cannot find her?!” galit na sigaw niya. “Dude, my team is helping, don't worry.” tapik ni Lloyd sa kanya. Napalingon sila sa naghy-hysterical na babae palapit sa kanila. “Oh my God! Oh my God! Phoebe!” sigaw ni Angelie, sinalubong naman agad siya ni Astrid. “Lee…they’re looking for her.” pinunasan nito ang luha na nagsisimula na namang tumulo.“Kanina pa yan diba? Ano na Astrid?” hindi mapakali si Angelie. Nahagip ng mata niya si Thomas. “Ikaw! Ikaw! Kasalanan mo to eh. Kung pinalaya mo lang yung kaibigan ko hindi magkakaganito. Edi sana hindi siya papatayin ng obsessed na obsessed pabagsakin ka!” Hindi umimik si Thomas. Kahit siya ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. “Kasalanan mo to Preston! May gimik ka pa sa kasala niyo kunware edi sana diba pinaliwanag mo don sa kaibigan ko! Ano maibabalik mo ba siya?!” sigaw muli si Angelie, habang yakap siya ni Astr
“Doc! Doc!” tumakbo ang nurse patungo sa silid niya ng makitang nagkamalay ang pasyente nila. “Bakit? Is there something wrong?”“May malay na siya doc.” balita ng nurse. Agad siyang napatayo at lumabas sa study room niya. Tiningnan niyang mabuti ang response ng dalagang nakahiga sa kama.“Thank God!” napaupo si Drew sa tabi ni Phoebe ng makitang nagrerespond ito. “D-Drew…” mahinang sabi nito. “Yeah…ako nga…just take a rest okay. We’ll talk when you’re fine.” Tumingin lamang ito sa kanya at muling pumikit. *****Thomas’ Wedding Day…Hindi mapakali si Drew, alam niyan ngayon ang kasal ni Thomas. Alam niyang sobrang nasasaktan ngayon si Phoebe kaya’t kahit imposible ay pupuntahan niya ito sa condo. Sa di kalayuan ay natanaw niyang sumakay ito ng taxi, may kung anong nagtulak sa kanya para sundan iyon. Hanggang biglang bumilis ang takbo non at patungo sa kung saang lugar. Nakita niyang biglang napahiga si Phoebe sa taxi, kanina lamang ay nakaupo iyon. Kinabahan siya agad at lihim
“Castillo, may bisita ka!” tawag ng pulis sa kanya. Dahan-dahan bumangon si Rafael sa sahig. Hinang-hina pa ang katawan niya mula sa pambubugbog sa kanya dalawang-araw na ang nakakalipas. “Dito.” utos sa kanya ng pulis, napatingin pa siya dito ng alanganin dahil hindi sa karaniwang lugar kung san naroon ang bisita siya nito tinuro.“Bilis.” Binuksan nito ang pinto at pumasok siya. Isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya doon. “B-Benjamin?” aniya, puro pasa pa din ang mukha at namamaga pa ang isang mata niya.“Take a seat.” Parang robot na sumunod siya dito.“I…I just wanted to talk to you after I heard you’re one of the masterminds.” sabi ng tatay ni Thomas. “You’re the reason why my father died. You took our business na pinaghirapan niya.”“I’m sorry for what happened Raf, but it went through a process. You were at the right age at that time and now, a man whom I know can understand how business runs.”“Hindi mo siya binigyan ng chance!” galit na sabi niya. “I gave him s
Isang linggo ng hindi pumapasok si Thomas sa opisina, mabuti na lamang at naroon si Albus para i-represent ang kompanya.Nagpupunta-punta na lamang si yaya Lita sa condo dahil bumalik na ito sa villa. Malungkot na tinanaw ng yaya niya ang saradong silid nang matapos siyang maglinis sa kabuuan ng unit ng binata. Ibang-iba na ang itsura ng lugar kumpara nong naroon si Phoebe. Hindi nauubos ang upos ng sigarilyo na halos dumikit na sa bawat sulok ng lugar. Tila bar ang lugar dahil sa hindi nauubos na bote ng iba’t ibang alak ang nagkalat sa wine bar at sa kusina. Napabuntong hininga na lamang si yaya Lita. Matapos niyang tupiin at ayusin ang mga bagong nalabhan ay kumatok siya sa silid ni Thomas. “Hijo…Thomas, mauna na ako. Tawagan mo ako kung may ipapagawa ka dito ha.” ilang segundo siyang nakatayo sa labas ng silid ngunit walang tugon ang binata kaya nilisan na niya ang unit nito. Sunod-sunod ang buga niya ng sigarilyo, hindi niya gusto ang makapit na amoy non pero nasanay na siya