Isang lingo ang nakalipas at muling nakabalik sa trabaho si Phoebe. Hindi siya nakapasok dahil sa nangyari, nagpasalamat naman siya dahil kahit paano ay nakontrol nila Thomas at Albus ang patungkol sa dati niyang buhay. Walang nag-ingay sa mga bisita nila ngunit hindi nila hawak ang isip ni Fiona.“Were you able to handle the posts in social media?” tanong ni Thomas kay Albus.“It handled already, I thought you took care of it.” Sagot ni Albus.Napaisip si Thomas sa sagot ng kaibigan. “If neither of us, I’m sure not even Clark and Lloyd did it.”“I don’t think Fiona will just back off like that.” Muli niyang sagot saka pinatong sa mesa ang isang envelope.“What’s this?” kunot-noong tanong ni Thomas.“Astrid offered help. See for yourself. I’ll go on my desk.”Tumango lamang si Thomas saka tiningnan ang laman ng envelope paglabas ni Albus.*****“I had every posts deleted.” Nag-unat si Luna ng braso pag-tayo. Inabutan naman siya ng pinsan ng maiinom.“You’re so good at your job yet see
Pagpasok ni Phoebe sa unit ni Thomas ay saktong kakalabas lamang nito ng kwarto hawak ang susi ng kotse. Napahinto ang binata ng makita siya. Gabi na ng umuwi siya dahil nagpahupa muna siya ng bigat ng dinadala. “Yara…” agad siyang nilapitan ni Thomas at niyakap ng mahigpit. “Where have you been?” hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at pinagmasdan ang matamlay niyang mukha. “O-Okay lang ako.” Muli niyang hinaplos ang pisngi nito at hindi nakapagpigil na hinalikan ang dalaga. Sinandal siya nito sa pader habang gutom na gutom sa mga labi niya. Sa isang iglap ay nawala lahat ng pag-aalala ni Phoebe. Muli na naman siyang dumedepende sa lalaking hindi niya alam kung ano ang halaga niya. Nahinto ito sa paghalik sa kanya nang tumunog ang doorbell. “Who the heck is that?” inis na sabi ni Thomas. Pagkabukas nito ng pinto ay agad na pumasok si Fiona sa loob ng unit. “Do you have no shame?” “Why would I? I’m your soon-to-be-wife.” Ngumisi ito. Nakita niya si Phoebe na nakatayo at g
Hinagis ni Thomas ang maleta sa likod ng sasakyan habang siya ay tahimik na naupo lamang sa loob. Hindi siya iniimik ng binata hanggang sa makababa sila sa parking lot. Pinaandar nito ang sasakyan, paglabas nila ay may ilang media na malapit sa building at inaabangan sila malamang.“Fix the mess in my unit, I will call you when we get there.” Sabi niya sa kausap sa cellphone. Si Albus lang naman ang alam niyang uutusan nito ng ganon.Malalim ang kunot ng noo ni Thomas kaya minabuti niyang hindi na magsalita. Ni hindi na siya nakapagbihis ng damit o nakapag-bra man lang.Nakalayo-layo na sila at napansin ni Phoebe na palabas sila ng siyudad. Nakatulog siya sa byahe dahil sa nakakabinging katahimkan.Isang marahang tapik ang nagpagising sa kanya.“C’mon, let’s have dinner.” Aya ng binata.Umayos naman siya para tanggalin ang seatbelt. Pagbaba nilang dalawa ay nakita niyang nasa tapat sila ng isang grilling restaurant malapit sa dagat. May ilang grupo ng kalalakihan at kababaihan sa laba
Nagprisinta si Phoebe na maghugas ng pinagkainan nila dahil si Thomas naman ang naghanda non. Natanaw niya ang binata sa may pool side kaharap ang laptop nito habang may kausap. Muli na naman niyang naisip ang agwat ng estado nilang dalawa.Thomas is just twenty-seven at malapit na ang birthday nito, at his age he is handling their family business. Sila yung tipo ng pamilya na hindi mamomroblema ng trabahong papasukan, kung may kakainin o wala, kung may pera o wala. Ang problema nila ay kung ano ang pipiliin nila sa dami ng choices na meron sila.Samantala ang mga kagaya niya ay kailangan magsumikap, kumayod umaga at gabi para lang sa pangarap. Ni ang pampalibing eh problema pa nila, kung walang Thomas Preston sa buhay niya, hindi niya alam kung ano ng kalagayan niya nong nagkasakit at nawala ang kapatid.“Hello buddy, kamusta jan sa vacation house?” tanong ni Max kay Thomas ng tawagan nya ito.“Good, we like the place.”“Siyempre naman, hindi ka ipapahiya ng properties ko. Since, nan
Pag gising ni Phoebe kinabukasan ay wala na si Thomas na tabi niya. Bigla siyang nalungkot dahil hindi man lang siya nito inantay na magising o di kaya ay gising para magpaalam. Habang pababa ng hagdan ay tinatawagan niya ang phone nito ngunit nakapatay naman. Lalo siyang nalungkot at napaupo sa hagdan. Yumuko siya na parang bata.“What are you doing there?”Napaangat agad ng mukha ang dalaga.“Are you crying? Anong nangyari?” nag-aalalang lumapit sa kanya si Thomas na nakatopless ulit ng umagang iyon.Napahibi siya at pinunasan ang luha.“Akala ko umalis ka na eh.”Napamaang si Thomas sa sinabi ni Phoebe. She’s a cry baby. Natawa siya dito.“I went down to make some juice for my diet.”“Eh bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”Tumaas naman ang kilay ng binata. “My phone is upstairs, I’m charging it.”Tumayo si Phoebe at yumakap sa kanya. Gumanti naman ang binata ng mas mahigpit na yakap at hinalikan ang mga labi.“How does it taste?”“Carrots.” Sagot niya.“Let’s go up and change ou
“I didn’t see Preston around the building but I saw his dog na may kinuhang gamit.” Sabi ni Raf kay Fiona ng magkita sila sa isang coffee shop.Kumunot ang noo ni Fiona. “And?”Nagkibit-balikat naman si Raf. “I don’t know, hindi ko na nasundan. I had to meet Luna.” Ngisi niya.“What the hell? Inuuna mo pang mambabae kaysa tulungan ako?”“Fiona, I like this girl, she reminds me of someone. But this one is so submissive. Besides, I need money.” Sagot lamang ni Raf.“Tsk.” Kinuha ni Fiona ang cheke sa bag at sinulatan iyon.“Oh!” hinagis niya sa lalaki ang cheke.“Hmmm…this is just fifty-thousand.”“I’ll pay you every month.” Inis na sagot niya dito. Noong una ay sapat na ang katawan niya pambayad dito. Matapos ang aksidente na kinasangkutan nilang dalwa ay natuto itong hingian siya ng pera.“Okay, call me when you need me.” Tumayo ito at iniwan siya sa coffee shop. Inirapan niya ang lalaki. Nakita niyang may tinawagan Raf, sigurado siyang ang bagong laruan na naman nito ang pupuntahan n
“How are you?” tanong ni Thomas kay Phoebe nang sagutin nito ang tawag niya. Nakita niyang nakahiga pa ang babae sa kama at mukhang nagising niya ito. “Hi! Okay lang ako, medyo malungkot dito sa bahay. But I got a job so may mapaglilibangan naman ako.” “I see, congratulations! I’ll do what I can para makabalik agad.” “Sige, I’m not used to be alone.” Lumabi siya dito. Natawa si Thomas sa inasal niya. “Okay, go back to sleep. I’ll rest when I get to the hotel.” “Okay, bye.” I love you. Nais sana niyang idagdag iyon ngunit wala naman siya sa lugar. UK Napatingin ang driver ni Thomas sa kanya, nang umaliwalas bigla ang mukha nito nang tumawag sa isang babae. Pagdating na pagdating kasi nito ay binriefing na siya ng acting CEO ng kumpanya habang wala siya. Kunot ang noo nito at seryosong-seryoso. Dumaan ito saglit sa kumpanya nila para kausapin ang ilang tao saka nagpahatid sa hotel. Pagkalapag ni Thomas ng mga gamit ay tumunog ang cellphone niya at nakita na tumatawag ang daddy n
Malamya ang araw ni Phoebe dahil hindi sila nagkausap ni Thomas, hanggang makarating siya sa trabaho ay wala pa din itong chat sa kanya. “Uy Phoebe, parang kulang ka sa sustansya ah.” Biro ni Alex. “Eto oh mainit na cheese pandesal.” Alok ng binata. Lumapit naman siya sa maliit na table sa loob opisina, doon sila nagkakape minsan ni Alex habang naka-break. “Hiindi kayo nagkausap ng jowa mo no?” muling hirit neto. “Ah hindi, busy kasi siya eh. Nag-overtime.’ Pagdadahilan niya. “Ganyan talaga pag LDR, kailangan maging matatag kayong dalawa.” Payo naman nito. “Bababa pala ako sa production ikaw muna dito. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka.” “Sige.” Tango niya. Wala naman sila masyado gagawin kaya kinuha muna niya ang phone para silipin kung may message si Thomas. Gayun na lang nag pagkadismaya niya ng wala pa din itong mensahe sa kanya. Isang lingo mahigit ng nasa ibang bansa ito. Habang nag i-scroll sa social media ay tumambad naman sa kanya ang rumored wedding nila Fiona
Few days ago… “Nasan ba tong babae na to?” asik ni Phoebe habang dahan-dahan pababa ng apartment ni Angelie. “Wala naman sa loob eh.” Nag ring ang phone niya. “Yaya Lita?” “Hija nasan ka ba? Hinahanap ka ni Sir Thomas.” “Pauwi na po, dumaan lang ako kay Angelie.” Nagpunta siya non sa kumpanya ni Mr. Llave at si Yaya Lita ang pansamantalang nagbabantay kay Pierre. Pagbaba niya ng apartment ay may nakita siyang pamilyar na sasakyan sa gilid ng building. Nilapitan niya iyon at laking gulat niya ng makitang tulog si Angelie at Clark sa loob ng sasakyan. Hindi siya agad nakagalaw. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang kaibigan. Napakurap-kurap ito at alam niyang bigla itong sumigaw ng makilala siya. “OMG! OMG! Anong ginawa mo sakin?” tanong niya kay Clark na nagising sa sigaw niya. Bumaba naman agad si Angelie ng sasakyan. “Pheobe…that man…that man…” “Arghhh…you reek of alcohol.” iwas niya sa kaibigan. “Exactly, Phoebe. At eksaktong nandon sila ng mga katrabaho niya
Maaliwalas ang bahay nang datnan nila. Four years ago ay pinapagawa pa lamang iyon ni Thomas. Ngayon ay buong-buo na ito. Siya ang pumili ng furnitures at appliance kahit nasa England sila at si Albus ang nag-asikaso non sa tulong nila Astrid at Angelie. “Welcome home!!!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan.“Hello Pierre! I’m your tita Angelie and this is Tita Astrid.” magiliw naman silang binati ng tatlong taong gulang na bata at agad nilang nahuli ang loob nito. Maya-maya lang ay kalaro na sila ni Pierre. Habang nagpapalit ng damit si Phoebe mula byahe ay narinig niya ang splash ng tubig at malakas na tawanan ng mga kaibigan. Pagsilip niya ay basang-basa na si Lloyd na umaahon sa pool. Malamang ay naitulak ito ng anak. “Got you uncle Lloyd!” tawa ng bata. Binuhat ito ni Thomas.“So you’re enjoying them?”“Yes dad.”“Why don't you change your clothes before you get wet too?”“Okay.” tango nito. Maya-maya ay dumating ang lolo at lola ni Pierre, kaagad naman sumalubong ang bata sa
“Do you really have to do this?” naiiyak na tanong ni Mrs. Annabelle sa anak. “Mom, you can go visit us anytime.” tinapik niya ang balikat ng mommy niya. Nag-eempake pa lamang sila ng gamit ay umiiyak na ito. “We can visit them anytime hon.” pang-aalo naman ng asawa niya. “We just have to help Albus here because this time he won’t be around our son.” dagdag ni Ben. Bakasyon lang dapat sa England ang balak ni Thomas para sa kanilang dalawa pero matapos malaman ang pinagdaraanang trauma ng asawa na dinagdagan pa ng negatibong balita ng OB ni Phoebe ay minabuti niyang asikasuhin ang papeles ni Phoebe. “It’s been only two months na kasama ka namin dito hija yet heto at aalis naman kayo ni Thomas.”“Babalik din naman po kami mom. Just stay healthy po.”“I wanted to see my apo habang nagbubuntis ka.”Natigilan si Phoebe. “Mom…” saway ni Thomas. Nasabi na din kasi niya sa mommy niya ang kondisyon ni Phoebe. “Okay, alright. We’ll be there pag meron na ha.”“Yes Mom.” niyakap niya ang m
Isang pribadong seremonya ang naganap sa loob ng bakuran ng mga Preston. Tanging pamilya, malalapit na kaibigan nila Thomas at Phoebe ang naroon. Kinuha pa nga nilang ninang at ninong sa kasal ang mga magulang ni Angelie. Si Albus ang best man at si Angelie ang maid of honor sa kasal nila. Hindi lalampas sa trenta ang mga naroon. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Thomas at samu’t saring issues ay mas pinili na lamang nila ang tahimik na kasal, dahil kung tutuusin kung sino ang mga naroon ay sila din ang makakasama nila sa bagong yugto ng buhay nila. Aanhin mo ang madaming bisita at engrandeng kasal na alam ng halos ng buong Pilipinas kung sa huli ay hindi maayos ang pagsasama?Nang magsimulang umere ang bridal song ay bumilis ang tibok ng puso ni Thomas, alam naman niyang nasa area lang si Phoebe pero hindi mawala ang takot na baka hindi niya ito muling makita. Paano kung umatras na ito? Paano kung may dumakip na naman dito?Nahawakan niya ang dibdib at pilit inalis ang masasamang ima
Isang linggo ng hindi pumapasok si Thomas sa opisina, mabuti na lamang at naroon si Albus para i-represent ang kompanya.Nagpupunta-punta na lamang si yaya Lita sa condo dahil bumalik na ito sa villa. Malungkot na tinanaw ng yaya niya ang saradong silid nang matapos siyang maglinis sa kabuuan ng unit ng binata. Ibang-iba na ang itsura ng lugar kumpara nong naroon si Phoebe. Hindi nauubos ang upos ng sigarilyo na halos dumikit na sa bawat sulok ng lugar. Tila bar ang lugar dahil sa hindi nauubos na bote ng iba’t ibang alak ang nagkalat sa wine bar at sa kusina. Napabuntong hininga na lamang si yaya Lita. Matapos niyang tupiin at ayusin ang mga bagong nalabhan ay kumatok siya sa silid ni Thomas. “Hijo…Thomas, mauna na ako. Tawagan mo ako kung may ipapagawa ka dito ha.” ilang segundo siyang nakatayo sa labas ng silid ngunit walang tugon ang binata kaya nilisan na niya ang unit nito. Sunod-sunod ang buga niya ng sigarilyo, hindi niya gusto ang makapit na amoy non pero nasanay na siya
“Castillo, may bisita ka!” tawag ng pulis sa kanya. Dahan-dahan bumangon si Rafael sa sahig. Hinang-hina pa ang katawan niya mula sa pambubugbog sa kanya dalawang-araw na ang nakakalipas. “Dito.” utos sa kanya ng pulis, napatingin pa siya dito ng alanganin dahil hindi sa karaniwang lugar kung san naroon ang bisita siya nito tinuro.“Bilis.” Binuksan nito ang pinto at pumasok siya. Isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya doon. “B-Benjamin?” aniya, puro pasa pa din ang mukha at namamaga pa ang isang mata niya.“Take a seat.” Parang robot na sumunod siya dito.“I…I just wanted to talk to you after I heard you’re one of the masterminds.” sabi ng tatay ni Thomas. “You’re the reason why my father died. You took our business na pinaghirapan niya.”“I’m sorry for what happened Raf, but it went through a process. You were at the right age at that time and now, a man whom I know can understand how business runs.”“Hindi mo siya binigyan ng chance!” galit na sabi niya. “I gave him s
“Doc! Doc!” tumakbo ang nurse patungo sa silid niya ng makitang nagkamalay ang pasyente nila. “Bakit? Is there something wrong?”“May malay na siya doc.” balita ng nurse. Agad siyang napatayo at lumabas sa study room niya. Tiningnan niyang mabuti ang response ng dalagang nakahiga sa kama.“Thank God!” napaupo si Drew sa tabi ni Phoebe ng makitang nagrerespond ito. “D-Drew…” mahinang sabi nito. “Yeah…ako nga…just take a rest okay. We’ll talk when you’re fine.” Tumingin lamang ito sa kanya at muling pumikit. *****Thomas’ Wedding Day…Hindi mapakali si Drew, alam niyan ngayon ang kasal ni Thomas. Alam niyang sobrang nasasaktan ngayon si Phoebe kaya’t kahit imposible ay pupuntahan niya ito sa condo. Sa di kalayuan ay natanaw niyang sumakay ito ng taxi, may kung anong nagtulak sa kanya para sundan iyon. Hanggang biglang bumilis ang takbo non at patungo sa kung saang lugar. Nakita niyang biglang napahiga si Phoebe sa taxi, kanina lamang ay nakaupo iyon. Kinabahan siya agad at lihim
“I’m sorry Mr. Preston, but my team checked underneath carefully pero–”“And you call yourself a professional, when you cannot find her?!” galit na sigaw niya. “Dude, my team is helping, don't worry.” tapik ni Lloyd sa kanya. Napalingon sila sa naghy-hysterical na babae palapit sa kanila. “Oh my God! Oh my God! Phoebe!” sigaw ni Angelie, sinalubong naman agad siya ni Astrid. “Lee…they’re looking for her.” pinunasan nito ang luha na nagsisimula na namang tumulo.“Kanina pa yan diba? Ano na Astrid?” hindi mapakali si Angelie. Nahagip ng mata niya si Thomas. “Ikaw! Ikaw! Kasalanan mo to eh. Kung pinalaya mo lang yung kaibigan ko hindi magkakaganito. Edi sana hindi siya papatayin ng obsessed na obsessed pabagsakin ka!” Hindi umimik si Thomas. Kahit siya ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. “Kasalanan mo to Preston! May gimik ka pa sa kasala niyo kunware edi sana diba pinaliwanag mo don sa kaibigan ko! Ano maibabalik mo ba siya?!” sigaw muli si Angelie, habang yakap siya ni Astr
Today is the big day for Fiona. Ilang oras na lamang ay Mrs. Fiona Alvarez-Preston na siya. “You are so gorgeous hija.” puri ng ginang sa kanya pagpasok sa bridal room. “Thank you tita.” “Call me mom, para na din kitang anak.” “Sure…mom.” ngumiti siya dito at niyakap ang babae. “Maiwan na kita at iche-check ko ang daddy niyo kung nakapag-ayos na din.” “Sige po.” Pagkalabas ng ginang ay sumunod na din ang make-up artist na nag-ayos sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Raf. “Hello, make sure na hindi ka na sasablay sa araw na ito ha. Wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo sa mismong kasal ko.” “Relax, baka mamaya magka-wrinkles ka kakaisip jan.” “Tsk. Umayos ka Raf.” “Yeah.” tamad na tamad na sagot nito. “Sige na bye, I’ll meet you guys next week.” “Okay.” Pagkababa ng tawag ay may narinig siyang katok, bumukas ang pinto at sumilip si Anne. “Hey! Congrats Fiona!” bati nito sa kanya. “Thanks, akala ko hindi ka na darating.” “Ako pa ba? I’m the maid-of-