Kasalukuyan akong nakatingin sa dalawang armchairs sa harap ko. May ilang scrap wood panels din. Nandito kami sa workshop ng SPU.Noong unang pasok ko rito, naalala ko iyong mga warehouse sa mga action movies, isang malawak na single storey building na may mataas na ceiling. Mayroong mga kahoy at metal na maayos na nakasalansan sa gilid kasama ng mga pintura. Samantala ang mga malalaking makina na ginagamit sa wood and metal works ay nakahilera sa pinakaloob na bahagi ng workshop.Ang class namin ay pinapwesto sa isang open space malapit sa entrance. Sa isang major subject namin, pinagagawa kami ng furniture gamit ang mga lumang armchairs at iba pang scrap materials. May ideya na ako kung anong gagawin ko kaso wala naman akong masyadong alam sa carpentry.Dumoble ang number ng class namin. Karamihan kasi ng mga classmates ko, may mga plus-one na galing sa Engineering and Architecture Department. Pwede kasing magsama ng isang assistant ang bawat student para tumulong sa labor works. Na
“Zane,” I mumbled.“Huh?”Enrique’s eyebrows met, then he looked around.“Ano ‘yon?” muli niyang tanong sa akin.I shook my head, closed my eyes and took a deep breath. Nang buksan ko ang mga mata ko, isang concerned na Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas ang nakita ko.“Are you okay?” he asked.I briefly smiled and nodded at him. Tumalikod ako kaagad sa kanya. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang pilit na pinakakalma ang sarili.What just happened?Natahimik ang lahat sa loob ng classroom noong pumasok na si Prof. Amore Castillo para i-check ang mga output namin. Umayos kaming lahat at inihanda na ang mga finished products for checking.To be honest, confident ako sa kinalabasan ng ginawa namin ni Enriqu
“Good morning, Peterfolks! It’s your man, DJ Rob Kane once again. I hope you guys are having a great day, ‘cause I tell ‘ya, I am! I just got a message from now a regular patron, the Heartbreak Prince. I bet y’all can guess to whom this goes out to. Yes, yes, yes, it is for you, Miss Anonymous.”“The Heartbreak Prince says: I know that you still have bad blood for me. Nevertheless, I enjoyed hanging out with you the last time— if we really can call it hanging out. I still don’t get what you are so mad about, thou. You are undeniably pissed at me but still, I was nice meeting you.”There I was again tonightForcing laughter, faking smilesSame old tired, lonely placeWalls of insincerity, shifting eyes and vacancyVanished when I saw your faceAll I can say is, it was enchanting to meet youNatigilan ako sa paglalakad ko sa kalagitnaan ng cobblestone walkway sa tapat ng main building noong narinig ko ang mensahe ni Heartbreak Prince para kay Miss Anonymous sa SPU campus radio.Nanlalak
Umaalingaw-ngaw ang buong gymnasium ng SPU habang nag-pe-perform ang SPU Kings cheering squad sa gitna ng basketball court. Mayroong practice match ang basketball team at habang naghihintay na magsimula ang game, ang cheering squad muna ang nagpakitang gilas. Punong-puno ang napakalaking gym ng mga manonood.Ang kanang bahagi ng gym ay napuno ng Peterfolks. Ngunit humakot din ng supporters ang kabilang team. Nagkayayaan kami ng mga classmates ko na manood muna. Dalawang oras pa kasi bago ang susunod na klase namin at wala naman kaming gagawin.Ang hirap pumasok sa gym kasi kahit sa entrance ay may mga nakatayong manonood. Ramdam na ramdam ko ang school spirit ng dalawang eskwelahan. Hindi ko nga lang sigurado kung anong team ang kalaban. Hindi ko makita ang banner nila kasi nahaharangan ng manonood.“All hail to the K to the I to the N, G, S,” masiglang sigaw ng mga cheerleaders sa gitna ng court.“KINGS!” sabay-sabay na sagot ng mga Peterfolks kasabay ng pagtaas ng kanang kamao sa e
Isinubsob ko ang aking mukha sa manibela dahil pagod na pagod na ako.“I don’t think that sleeping on the steering wheel is a good idea, Miss Anonymous.”Napamulat ang mga mata ko noong marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko naman na kailangang mag-angat ng tingin para malaman kung sino ang nilalang na bigla na lang sumulpot. Una, napapadalas ang pagsulpot niya sa landas ko. Pangalawa, siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Miss Anonymous.Nanatili akong nakasubsob sa manibela ng sasakyan ko at nahahapo akong sumagot sa kanya, “pwede bang time out muna, Heartbreak Prince? Hindi ko na kasi kaya, masyado na akong mahina kaya pass muna ako sa pakikipag-asaran sa iyo.”“Gano’n ba? Sayang naman, nasa mood pa man din ako para makipag-asaran,” tila natatawa pa niyang sabi.Napabuntong-hininga na lamang ako bago nag-angat ng ulo para isara ang pintuan ng kotse ko at para na rin itaboy ang mayabang na ito. Iyon nga lang, hindi ko natansya ang distansya sa pagitan naming dalawa. Nakadungaw pa
Simula noong sinabi ko kay Enrique na ex-boyfriend ko si Zane hindi na siya naka-imik. Honestly, gusto kong matawa sa tuwing bigla na lang kukunot ang noo niya na para bang nag-so-solve siya ng isang complicated Math problem habang nagmamaneho hanggang makarating kami sa isang Chinese Restaurant para mag-dinner. Gusto raw kasi niyang kumain ng turkey.Nakatitig lang siya sa akin na para akong isang puzzle.“Kanina ka pa ganyan makatingin, ah. Saka akala ko ba gutom ka? Kaina na,” paalala ko sa kanya habang hinihiwa ang turkey meat sa plato ko.“Ex mo si Zane Espinoja? Bakit?” manghang-mangha niyang tanong.Napa-ismid ako sa tanong niyang iyon. “Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung bakit.”Napabuntong-hininga siya at umiling pa bago binalingan ang pagkain sa harap niya.“Kaya naman pala umiiyak ka kanina noong nakita mo siyang nakikipag landian sa iba,” sabi ni Enrique.“Two years kaming hindi nagkita tapos sa ganoong paraan kami magkikitang muli. Ang unfair lang kasi bakit siya ma
“See, I told you. Kung gago ako, mas gago si Espinoja,” komento ni Enrique.Napangisi lang ako kasi parang hindi naman. “Saang banda ka naman naging mag-okay kaysa sa kanya,” hamon ko.“I don’t commit and I don’t make promises I can’t keep,” simpleng sagot ni Enrique habang sumusubo ng turkey.“You think that you are less gago than Zane because you do not commit? Pero pareho naman kayong pinagsasabay ang mga babae sa buhay ninyo.”Umiling sa akin si Enrique, “nope. Huwag mo akong itutulad sa isang iyon dahil nakaka-insulto iyon. Una pa lang, malinaw sa mga nakakasama kong babae na ang relasyon namin ay landian lang, walang personalan.”“Pumayag sila. At saka hindi ako nakikipagrelasyon tapos makikipag-sex sa iba. Isa pa, labag sa paninindigan ko ang patulan ang best friend ng girlfriend ko.”Itinuro ni Enrique ang billboard sa aking likuran.“Look, Miss Anonymous. Nakikita mo ba ang lalaking iyon?”Nasa rooftop ng isang eighteen storey building ang Chinese Restaurant na kinakainan nam
“Shit! What an asshole.”Tumaas ang kilay ko sa reaksyon ni Enrique noong ikinwento ko kung papaano nag-offer ng friendship ni Zane pagkatapos niyang wasakin ang puso ko.“Sa’yo talaga nanggaling iyan, ha? Ipapaalala ko lang sa’yo, Heartbreak Prince. Nasaksihan ko kung papaano mo ginawa sa isang babae iyong ginawa sa akin ni Zane. Parehong-pareho kayo ng linya. Una, ‘it’s not you, it’s me,’ tapos ‘we can still be friends.’”“Aha!”Bahagya pa akong nagitla sa bulalas ni Enrique. Talagang nakaturo pa siya sa akin.“Kaya ka galit na galit sa akin dahil pakiramdam mo magkatulad kami ni Zane Espinoja. Wow, Miss Anonymous, you are unfair! Sabi ko naman ‘di ba, napakalaking insulto sa akin na ikumpara ako sa hayop na iyon. Mag-sorry ka sa akin!”“Ma-una ka! Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa akin.”“Oi, bawi na ‘yon, ah.”Umiling ako sa kanya.“Wala pa nga akong naririnig na ‘sorry,’ eh. Saka, nag-thank you ako sa tulong mo. Ikaw, may utang ka pang ‘sorry’ sa akin.”Enrique just ma
Inilahad ni Enrico sa harapan ni Enrique ang dalawang bags ng Nike. Nang suriin ni Enrique, isang Air Jordan 1 at isang Lebron 10 and laman ng mga bag.“Kararating lang ni Dad galing business trip sa US. Pasalubong daw niya sa atin ‘yan. Ma-una ka nang pumili,” anunsyo ng nakatatandang si Enrico.Hindi napigilan ni Enrique ang mapangisi. “Hinintay mo talaga akong maka-uwi para papiliin ng sapatos?”Umiling si Enrico. “Huwag kang feeling. May tinapos lang ako, hindi kita hinintay.”Ang totoo, parehong gusto nina Enrico at Enrique iyong Air Jordan. Iyon nga lang, alam rin nilang pareho nilang gusto iyon kaya nag-aalangan sila sa pag-pili.“Air Jordan 1, Kuya. Ang tagal mo nang naghahap nito, and look, it’s our size… Pero papaano ba ‘yan, gusto ko rin.” Isang makahulogang tingin ang ipinukol ni Enrique sa kapatid pero hindi iyon pinatulan ni Enrico..“Eh, ‘di sa’yo na. Wala namang problema sa akin ‘yon. 'Yong Lebron na lang ang sa akin. Pero pahiram naman ako paminsan-minsan,” nakangitin
Pag-ibigLumapag na ang isang private charter plane sa runway ng NAIA.“Ah! It’s so good to be back home,” maligayang bulalas ng isang magandang babae habang inaalis ang aviator sunglasses mula sa kanyang mata. Liningon ng babae ang lalaking bumababa sa hagdanan ng sinakyan nilang private plane.“Hey Enrico! Lunch muna tayo sa Polo Club.”Ngumiti at tumango na lamang si Enrico bilang pagsang-ayon. Sinalubong ang dalawa ng kailang mga assistants nila na kumuha ng kanilang mga gamit. Hindi nagtagal, isang asul na Rolls Royce ang sumundo kina Enrico sa mismong runway ng paliparan.“Welcome home, Sir Enrico. Miss Margaux,” nakangiting bati ng chauffer.“Thank you, Billy. I’ll take it from here.”Tumango lamang ang chauffer na si Billy at ibinigay kay Enrico ang susi ng sasakyan. Inilagay na rin ng assistants sa trunk ng sasakyan ang maleta ng dalawa. Pumasok na sa driver side ng Rolls Royce si Enrico at binuksan naman ni Billy ang pintuan ng passenger side para kay Margaux.“Kailan ka sus
“Lorryce, I’m breaking up with you.”Muntik ko nang maibuga ang beer na iniinom ko sa sinabi ni Enrique. Hindi ko ma-iwasa ang bumaling sa kanya. He was staring at me dead serious.“Let’s break up,” ulit niya.Pinilit kong itulak ang beer na nasa bibig ko papasok sa aking katawan.“Huh?” was all that I can say. Bakit feeling ko disappointed ako na matatapos na itong pagpapanggap namin?Well, guess what, reality check is real, Lorryce Cologne Manansala Rivera.“Mildred knows. All this time, she knows.”Kung gano’n, wala palang kwenta iyong mga pagpapakasweet namin ni Enrique sa isa’t isa sa harapan ni Mildred. Alam naman na pala niya.“I-I’m sorry, E. Mukhang nagsayang tayo ng effort. Kung alam pala ni Mildred baka—”“No. Nag-usap kami. Sabi niya, naiintindihan na niya at tanggap na niya. We succeeded on my part of the deal. Gusto kong marinig mula sa’yo kung ako ba, nagtagumpay na tulungan kang makalimot sa ex mo?”Saglit akong natigilan sa tanong ni Enrique. Talaga bang seryoso siya
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na natapos na ang unang semester ko sa SPU. I can’t deny that my first semester in SPU was really fun and I am looking forward to my second.Two weeks ago, I took my final exams. Kahit na burntout kami sa dami ng mga last minute requirements, masaya pa rin ang experience. Sobrang thankful rin ako kay Enrique dahil tinulungan talaga niya ako sa ilan sa mga projects ko, lalong-lalo na sa Math. I don’t know how he did it but he made me a master of functions and derivatives in like two hours!I got a text from our class representative this morning. Ngayong araw ilalabas ang official grades namin. We can check it online but I opt to go to school and get my grade card. Ewan ko ba, basta gusto kong ma-experience iyong feeling ng pumila sa window ng Record’s Section para kumuha ng grade. Hindi naman hassel iyon kasi wala masyadong pila sa SPU at wala rin naman akong gagawin. I can’t hang-out with Hannah Banana kasi nasa Tagaytay sila ng fami
LorryceNandito kami ngayon sa bahay nina Ate Pia. Nag-invite kasi siya para sa isang dinner date bago kami sumabak sa final exams next week. We are here with her closest friends. Narito rin sina Enrique at ang mga kaibigan niya.Busy sa kitchen si Ate Jewel. Siya kasi ang incharged sa menu. Kahit may mga cook dito sa bahay nina Ate Pia, nagprisinta pa rin si Ate Jewel para magluto. Sinamahan namin siya sa kusina para tumulong. Nag-bo-bonding kaming mga girls dito sa kusina habang naghahanda ng dinner. Nasa pool side naman ang mga boys at nagchichismisan.Kanina lang rin namin nalaman ni Hannah na dito sa mansion nina Enrique nakatira si Ate Pia. Kaya naman hot topic para sa amin ni Hannah kung papaano nangyari iyon.“Sandali. Ate Pia, ikwento mo naman kung bakit dito ka nakatira sa bahay nina Enrique. Magkamaganak ba kayo?” tanong ni Hannah.“Hindi. Magkakaibigan ang parents namin. But my parents died when I was thirteen years old. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan namin. Hindi na
LorryceNandito kami ngayon sa Blackhole. Nag-pa-party ang mga Peterfolks dahil sa pagkakapanalo ng Kings kanina. Nag-e-enjoy ang mga tao sa loob, sobrang hype nila. Sabagay, kahit naman ako naki-sali rin sa hype. Lumabas muna ako para magpahangin.“Hey beautiful.”I heared someone talk behind me. Pagkalingon ko, nakita ko si Zane na may hawak na drinks while smiling at me.You see, Zane is somewhat a two faced creature. Ang unang mukha niya ay isang alpha male na feeling God’s gift to women. Ang ikalawang mukha ay isang simpleng lalaki na sweet and caring, such a knight in shining armor. The second one is the Zane that I fell in love with; the one that only comes out when it’s just the two of us; the one that not a lot of people know; and also the one in front of me.“Iced Tea?” he offered. Kinuha ko naman iyon saka kami parehong naglakad ng kaunti papunta sa sasakyan niya at sumandal sa hood nito.“Anong ginagawa mo rito? No girls?” tanong ko.“Natalo kami kanina. I need a drink. Ma
Lorryce Ang ganda ng laro nila! Nakakadala kasi hindi nanatili sa court ang laban. Kanya-kanyang patusada rin ang fans sa bleachers.Hawak ni Enrique ang bola, double teamed nina Zane at no’ng pinakamalaki sa mga players ng Aragon. Noong mag-shooshoot na si Enrique, hinarangan siya ng kanyang dalawang bantay tapos nagkasikuhan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero binundol ako ng matinding kaba noong nakita ko ang pagbagsak ni Enrique.Unti-unting natahimik ang buong gym. Pakiramdam ko, nasa lalamunan ko na ang aking puso noong naglabas ng stretcher ang medic para kay Enrique. Gusto ko siyang daluhan doon at alamin kung kumusta siya. Pero hindi ko naman kailangang lumapit doon para malaman na nasasaktan si Enrique. I heard him grunt in pain a couple of times. I think he is just trying to look tough even though his feet really hurts bad.Nanatili siyang nakahiga sa sahig at tinitiis ang sakit, kitang-kita sa pagkusot ng mukha niya, habang dahan-dahan siyang inaayos ng medic sa
“So—Sorry,” nauutal kong paumanhin.Suddenly, his expression softened. Napayuko siya saglit at kinalma ang sarili.“Sorry din, napagtaasan kita ng boses.”He tried to be cool about this but I can still feel his nerves. Naguilty naman ako bigla. I tried to explain.“No, Enrique. Kaya ko lang naman siya naalala kasi—”“Lorryce,” he called my name exhaustedly to cut me off.“Sandali kasi patapusin mo muna ako,” agad-agad kong sabi.Wala na siyang nagawa kun’di makinig.“Masakit iyong naging ending namin ni Zane. Sinaktan niya ako ng maraming beses sa loob ng matagal na panahon. Pero kung papipiliin ako ngayon, ayaw kong burahin ang mga alaala namin kasi ‘yong ending lang naman ang masakit, eh. ‘Yong simula at saka ‘yong in between punong-puno ng mga magagandang alaala and those memories are worth keeping. Kaya ayaw ko siyang kalimutan. ‘Di bale nang may malungkot na alaala, basta manatili iyong mga masasaya.”Tinignan ko si Enrique. Nakatingin siya sa malayo. Kahit madilim nakikita ko an
Lorryce“Lorryce!”Nang lumingon ako pinanggalingan ng isang pamilyar na boses nakita ko si Enrique na tumatakbo palapit sa akin. Ginabi na ako dito sa SPU dahil may hinanap akong libro sa library. Hindi pa nga ako tapos sa ginagawa ko pero kailangan ko nang umuwi kasi inabutan na ako ng closing sa library.Hinihingal pa si Enrique nang makarating sa aking harapan. Naka demin pants siya at puting t-shit. Suot niya rin ang kanyang SPU Kings jacket at nakasabit sa balikat niya ang kanyang duffle bag. Halatang galing siya sa basketball practice.“Uwi ka na?” hinihingal niyang tanong.“Oo. Okay ka lang ba?” balik na tanong ko.“Oo naman.”Ilang segundo muna siyang nagpahinga tapos noong nakapaghabol na ng hininga, agad siyang tumingin at saka ngumiti sa akin.“Coding ka? Hatid na kita!” masigla niyang sabi.“Ha? Hindi na ‘no, ang layo ng bahay namin sa inyo. Okay lang ako, magta-taxi na lang ako.”Tumanggi ko pero parang hindi yata niya narinig ang mga sinabi ko. Pumunta siya sa likod ko