Share

'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)
'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)
Author: aurxxm

Simula

Author: aurxxm
last update Last Updated: 2022-03-01 08:51:08

Stay.

It’s an oxymoron. The word and the thought contradicts. It’s like a secret curse, a promise to hold yet is destined to be broken. Like the petals of a tiny flower that grows, but sooner falls down.

It shouldn’t be always spoken, for it rarely becomes fulfilled.

Sa mahihinang yabag ng mumunting paa ay dahan dahan akong naglalakad lagpas sa mga taong nasa simbahan. Ang hawak na mga bugkos ng sampaguita ay iniaangat sa mga dumaraan. Halos lahat sila ay nakasuot ng mamahaling damit. I shivered as I felt the eyes around me, probably wondering why a young girl like me is selling sampaguitas here. Binalewala ko na lamang ang mga tumitingin sa akin.

They will never understand.

“Hija, ang bango naman ng mga ‘yan. Pabili nga akong tatlo.” Ngumiti ako sa aleng lumapit sa akin. Gamit ang maliliit na mga daliri ay iniabot ko iyon sa kaniya. She smiled at me and ruffled my hair. Tumango ako bago patuloy na naglakad, inililibot ang paningin sa tanawing hindi ko madalas na makita.

The smell of foods sold here and there mixed with the scent of the flowers I sell. Bumaba ang tingin ko sa hawak na mga barya. Nagugutom na ako. Gusto ko sanang bumili nung binebentang pancake pero kulang ang dala kong pera. Hindi rin gaanong naging mabenta ang mga sampaguita no’ng araw na ‘yon kaya napagpasyahan ko na lamang na umuwi.

“Saan kaya napupunta ang mga tao kapag nawawala sila?” Bumaling ako kay Baron. His forehead creased. He looked at me slowly and after a long drawn of silence, he shrugged his shoulders.

“Hindi ko rin alam.”

“Hmm, sa tingin mo ba masaya ro’n? Maganda kaya ro’n sa tinutukoy nila?” I said as I reminisced the place my grandmother told me about. She said it’s peaceful there. Na sa lugar na ‘yon ay wala nang gulo at away — purong katahimikan at kapayapaan nalang.

He shrugged again.

“Bakit mo natanong?” He drawled.

“Curious lang ako. Kasi kung hindi katulad ng tinutukoy ni lola ang lugar na pinupuntahan ng mga tao kapag namamatay sila, masaya kaya si mama ngayon? Nagsisisi ba siyang wala na siya rito?” He looked taken aback of what I said. After looking at me intently, he ruffled my hair and smiled at me. His eyes gleamed beautifully, they were so genuine.

“’Wag mo nang isipin ‘yon. Bata ka pa, malalaman mo rin ang sagot kapag tumanda ka na.”

Pero hindi ko mapigilan. Gusto kong malaman kung nagsisisi ba si mama na lumaki akong wala siya. Na sa paggising ko sa bawat umaga, walang nariyan para magluto ng almusal. Walang sumusundo sa’kin sa eskwelahan, walang pumupunta kapag kailangan ng magulang. Walang nagsasabit ng medal sakin kapag recognition, hindi katulad ng iba. They say death is inevitable, but I want to know why. I want to know the reason behind me growing without her. I smiled bitterly.

At sa pangalawang pagkakataon, hindi ko inaasahang mauulit pang muli ang tanong kong iyon.

“Ano pong nangyari?” Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang picture ni lola sa harap namin. The scent of candles burn filled the whole place. Ngumiti nang malungkot si lolo sa akin.

“Wala na siya.” His eyes were teary.

“Huh? Bakit po?” Ang inosente kong isip ay hindi maproseso ang mga nangyayari. I held my grandfather’s hand as he cried harder. Naramdaman ko ring nagtubig ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang nanghihina at nangangayayat sa harap ko. I have never felt this same pain before. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga tumayo kong magulang na unti-unting nawawala sa harap ko. Like a tree so old that its leaves become crunchy and crisp. Kailangan na nilang mahulog. Hindi na kaya pang kumapit. Oh how I wish I can lend a help.

“Matulog ka muna, Eli.” Yakap-yakap ako ni Aling Martha, kapitbahay namin at kaibigan ni lola habang pinagmamasdan ko ang malamig na katawan ni lolo sa harapan ko. He passed away a week later too. Ang sabi nila’y dahil daw sa labis na kalungkutan at depresyon.

“Bakit po kailangan nilang umalis?” Bumaling ako sa kanya gamit ang mga matang punong-puno ng luha.

“Napagod na sila. Kailangan nilang magpahinga.” Aniya habang nakatingin sa kabaong na nasa harapan namin.

Napagod. Inulit ko iyon sa isipan ko.

Nakakapagod ba ang alagaan ako?

“Matagal na nilang pinipilit na maghanapbuhay kahit na matanda na. Para sa’yo.” Tumango ako ro’n.

“Kung hindi ba naman dahil sa hayop mong ama na iniwan kayo ng nanay mo noon.” I felt teardrops falling in my fingers. Tumango akong muli. Alam ko ‘yon. Ang kwento’y namatay si mama ilang araw matapos akong maipanganak. My father left her while she was pregnant for an unknown reason. She grew rage for him and it brought bad on her labor. Kinupkop ako ni lolo’t lola pagkatapos no’n.

I wonder if there’s something wrong with me? Like a bad luck or something related? Dahil lahat ng taong napapalapit sa’kin, iniiwan din ako.

“Sa tingin niyo po ba ay malas ako?” Hindi ko na napigilang itanong ‘yon sa kanya. She looked at me shocked and immediately shook her head. Ang mga magulang ko, mga nag-alaga sa’kin, nawala silang lahat. Iniwan ako.

“’Wag ka ngang ganyan mag-isip. Namamatay sila dahil matanda na sila. Hindi na kaya ng katawan nila.” I played with fingers while she’s looking intently at me. Ang kanyang mga kamay ay humahaplos sa’king buhok. Yumuko ako, naaalala ang lola. Gano’n rin kasi ang ginagawa niya sa’kin kapag malungkot ako.

“Isipin mo nalang na parang bulaklak ang buhay. Nagsisimula sa maliit at mumunting halaman hanggang sa lumaki ito at maging makulay ito. At times where the blooming starts, that’s where the challenge becomes harder. Hanggang sa dumating ang oras na hindi na ito naaalagaan at nahuhulog na ang mga petal nito.” Her voice was convincing, it was a like a mellow tune of a calm song I’m sure I’ve heard somewhere. Kakaiba ang boses niya sa madalas na naririnig ko kapag nakikipagkwentuhan siya sa mga kapitbahay. It was like she’s saying these out of an experience that she’s been discreetly bearing.

“This is the real life, Eli. It’s not all rainbows and unicorns. The real thing happens once you step out of your comfort. Bata ka pa at hindi mo pa ‘yon maiintindihan.”

Sa mga sumunod na linggo, malungkot ang buhay ko. I would always find myself spacing out while looking at the window of my room. Ang marahang huni ng mga ibon ay nakakakalma at nakakaantok. The trees’ leaves ruffled together, forming a crisp sound of friction that fills the idea of a common rural place.

I know that life flows endlessly and that it has stop points. It’s a little bit complicated and the only thing I know is that when you finally finished your goal, you’ll finally achieved peace and unending happiness. I wonder if what my mom’s goal was? ‘Yon ba ang buhayin ako? Ang ipanganak ako? Kaya ba sinundo na siya pagkatapos akong mabuhay? Malungkot akong bumaba sa pagkakatayo sa upuan na kanina’y ginagamit ko upang pagmasdan ang labas. Umupo ako sa kamang nasa gilid at tumingin sa kawalan.

I suddenly remembered my father. Madalas kong narinig na pinag-uusapan siya nila lola kapag nababanggit ang pangalan ko. They say he chickened out. Biglang tinauhang hindi pa handa sa buhay may anak kaya umalis at lumayo. He’s a coward. An asshole. A mere example of why people should reconsider their choices and decision when they’re up to something. The consequences of their action. The outcome.

And I would always stay silent and speechless. I hate getting mad at people. I just believe everyone deserves a second chance. But when I hear his name, the name of the man who left us even before I was born at this world, I would rethink about my beliefs. Is it wrong to blame someone for leaving your family without a concrete reason? The action that cost your mother her life and your deprivation of childhood and a family figure?

I think not. Pero kahit na gaano ako kainis sa kanya, kahit na gaano ko kagustong tanungin siya tungkol do’n, alam ko sa sariling hindi ko magagawang tanungin siya. I don’t even know a piece of information about his whereabouts, nor does if he’s still alive or what. It’s frustrating. Like I’m talking to someone invisible. Someone that doesn’t exist near my area. Or in my life.

Napatalon ako nang makarinig ng kalabog at ingay sa labas. I stood up and slowly walked towards the door, heartbeat getting faster as if sensing something like a danger. That I should not open the door and go out. So I stood behind and put my hand in the doorknob before placing my ear near the wooden door. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses.

“Hanggang kailan mo ba balak patirahin dito ‘yan, Ma?” It was Tricia, panganay na anak ni Aling Martha. I held on my chest as I felt a sting in there. Parang kilala ko kung sino ang pinag-uusapan nila.

“Dito muna siya. Wala na ang lolo’t lola niya, wala siyang kasama sa bahay nila, okay? ‘Tsaka may iniwan namang pera ang mga ‘yon para sa kaniya. Hindi naman nakaka-apekto sa’tin ‘yon.” Rinig kong sagot ni Aling Martha sa anak.

“Kahit na, Ma. Tignan mo mga, hindi tumutulong sa gawaing bahay. Palagi nalang nakamukmok. Hindi naghuhugas ng pinagkainan, naglalaba, o kahit anong gawaing bahay lang!” I felt tears falling down. Ang kamay na nakahawak sa doorknob ay unti-unting nanghina. I put my hands in my face to stifle my cries and prevent them from knowing that I’m eavesdropping. I know it’s bad, but then these are unsaid thoughts about me.

“Akala ko pa naman may makakatulong ako rito. Jusko, napaka walang kwenta! Kaya siguro namatay ang mga nag-aalaga ay dahil sa kawalang kwenta! Mabuti nga at iniwan at nang ma-“ Napatalon ako nang makarinig ng sampal. Namilog ang mga mata ko. I felt the need of getting out and defending myself but then I don’t want them to know that I’m listening.

“Patricia! ‘Yang bibig mo, ha. Namatayan yung bata! Wala nang kasama. Kaya rito ko muna pinatira. Hindi pa maayos ‘yong lagay niya, kaya sana naman maintindihan mo. Kawawa yung bata. Iniwan na ng mga kasama niya sa bahay. Maswerte ka nga’t may kasama ka palagi, habang siya, naiwanan na naman. No’ng una, mga magulang, ngayon naman, mga lolo’t lola.” Her voice was shaky.

“Dito muna siya titira. Inihabilin siya ni Dolores sa’kin.” Nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag paalis at pagbagsak ng pinto pagkatapos no’n.

I hugged my knees while silently crying on the floor. For the first time after years of feeling belonged, I felt unwanted. Na pinipilit ang sarili. Pinagsisiksikan sa hindi naman gusto. Memories of my thoughts weeks ago flashed again. How I was left by the people I treasured so much, how I was left alone again and again. Ang hanging pang-gabi ang bumalot sa’kin, parang alam ang sitwasyon ko at pilit na pinapagaan ang damdamin.

That night, the sky wasn’t wonderful. It’s a bit gray and dark. Like the colors of sorrow and pain. The moon was covered by the thick clouds and after some moment of thundering, the heavy rain poured endlessly. It was as if they knew what I’m going through. Na alam nila ang sitwasyon ko kaya pati sila ay nakikiramay.

I have long ago accepted that my life’s like this. My fate is being played by destiny. Iniwan ng ama, namatayan ng ina, namatayan uli ng lolo’t lola, it’s like a neverending cycle that is so exhausting. Ang akala ko noo’y ayos lang ang lahat. Life is a continuous stream of inevitable and that the things ahead are unsure but I have my grandparents around me to be my companion. They can protect me from it. Be my back for it.

But then they’re all gone again.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang kahel na kalangitan sa lakad pauwi. The flashing embers of the calm heated sun shined on me. I winced when I felt a slight portion of heat there. Ang hanging pang hapon ay maaliwalas at nakakagaan.

“Sigurado ka bang hindi ka sasama bukas?” Baron said beside me. Umiling ako. Nag-aaya kasi sila ng mga kaklase namin ng swimming sa isang resort na nasa malapit. I quickly refused — I had always been refusing. Mas gugustuhin ko pang tumulong kina Aling Martha kaysa gumala o kung ano.

It’s been years since my grandparents died yet everything still felt like yesterday. Ang mga alaala ng pag-iyak at pangungulila ko sa mga nagdaang taong iyon ay hindi ko makakalimutan. The nights where I’d always find myself crying after a horrifying nightmare lives in my head, rent-free. Countless times did I imagine just leaving the house and heading to nowhere. Pero palagi ko iyong iwinawaksi. Not yet. Ang mga panahong tiniis ko ang pangungutya ni Tricia ay nakakapagod. Those times where she’d call me an outcast or a heavy member were painful, but then I have to remain silent and composed. I need to knock up some sense and realization that I’m living in their house. With the same roof.

I shouldn’t be bothered. Until I became used to it. To being an outsider. A black sheep. Unwanted. And now that I’m fifteen years old, more rational things started to hit me.

“Busy ako, eh.”

“Come on, Elisha. Loosen up a bit.” Tinignan niya ako. I smiled awkwardly at him. It feels bad to turn down my childhood friend but then I have to draw lines.

“Next time nalang.”

“Yeah, tapos sa susunod ay ‘yan ulit ang sasabihin mo.” Umirap siya sa’kin. Humalakhak ako sa ginawa niya.

“Kapag nagkita tayo ulit, I’ll treat you. Tandaan mo ‘yan.”

“Why do you sound like you’re saying goodbye?” Kumunot ang noo niya. Hindi ko nalang siya sinagot at inakbayan nalang siya habang pauwi kami. Grabe ang tangkad niya! Buti nalang ay ibinaba niya nang kaunti ang sarili kaya naabot ko ang batok niya.

“Ang liit mo kasi,” aniya nang magreklamo ako sa height difference namin.

Batukan ko ‘to, eh.

It’s hard to lie to him. Baron has always been there for me even at my lowest. He has always been a good friend. A crying shoulder to lean on. But I have to. The lesser people would know, the less pain it would get.

Naramdaman kong tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa natutulog na si Aling Martha. I covered my mouth so I wouldn’t wake her up with my sobs. She had always been so good to me. Kinupkop ako, pinakain at inalagaan. The missing part of a mother for me was fulfilled by her. She was a loving and nice mother. I can’t help but smile bitterly.

Ang mga kulubot sa mukha at kalyo sa mga kamay ay hindi niya maitatago sa’kin. I know it — the funds my grandparents left wasn’t that big. Hindi no’n kayang buhayin ako nang higit sa isang taon. So she worked hard to sustain the three of us. I have always known it. I’ve seen it in my bare eyes.

“Nako, Martha, iyong utang mo ha. Kakailanganin ko ng pera sa susunod na linggo.” Nagwawalis ako sa bakuran nang marinig ko iyon.

“Oo, babayaran ko rin.” Pagod ang boses niya. Nang balingan ko ay nakita ko siyang naglalaba habang ang mga mata’y inaantok at gusto nang matulog. I hated her. She had always been so selfish and carefree of herself. Inuuna ang kapakanan ng iba — ang kapakanan ko, kaysa sa kanyang sarili.

I silently placed an envelope near her. It was half of the earnings I had through the years. Kasama no’n ang sulat kong pasasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa’kin. Alam kong hindi sapat ‘yon, pero ‘yon lang ang makakaya ko. I am too young to have a decent job. Pag-aaral lang nang mabuti ang tanging focus ko.

Napatalon ako nang makitang gumalaw nang bahagya si Aling Martha. Pinunasan ko ang mga luha at dahan dahang naglakad papalayo, bitbit ang mga damit at iilang gamit. I was about to go to Patricia’s too but then she’s not here yet. Napaisip ako. Siguro’y mas maganda na ‘yon kaysa sa magkasalubong kami rito.

I know it’s a dumb decision to do this. But then I can’t take seeing other people suffer because of me. I hate seeing them wreck themselves to feed me. I can manage to not eat a day, not drink, nor do anything, but then I can’t stand seeing others have a hard time because of me.

Napatawa ako habang naglalakad papuntang bus station. It’s ironic how I hate people who leave me without a proper goodbye but then here I am now, repeating what they just did. Pero sa tingin ko’y kakaiba naman itong ginagawa ko. I left for a reason. I left because I want them to go back to their usual lives without me.

At paano ako? I have a little money to rent an apartment while looking for a job suitable for my age. Alam kong parang imposible at walang patutunguhan, but then I’m already at the bus while looking pass the scenery I’ve been used waking up to, there’s no backing down now.

This could go bad or either way nice, but that is none of my concern for now. Tomorrow’s about to come and I live to see another day, sa tingin ko.

“Uhm… uh… prank ba ‘to?” Naguguluhang tinignan ako ng isang staff ng isang fast food chain habang nakatayo ako ngayon sa harap niya.

“Nako, beh, kung prank lang ‘to, pakiusap ‘wag niyo na kaming idamay. Ang daming customer, oh. Wala kaming oras para makipagbiruan.”

Umiling ako at ngumiti ulit sa kaniya.

“Wala na ho ba talagang fit na job para sa’kin? Kahit tagalinis lang po ng table o ano? Masipag po ako!”

“Ilang taon ka na nga pala? Ah... fifteen.. bata ka pang masyado. Baka makasuhan kami ng child labor.” She smiled awkwardly at me, naaawa. She courtly gestured the exit door and I immediately got her hint. Umiling ako, dismayado dahil wala akong nakuhang trabaho no’ng araw na ‘yon. Nagugutom na pa naman ako.

Malas nga yata talaga ako. I tried different to go to different places but then either get rejected or told to go back to our house dahil baka raw naglayas ako. No’ng una, akala ko natanggap na ako ro’n sa babysitting pero pinatira lang pala ako ng may-ari dahil naaawa siya sa kalagayan ko. I was exhausted everyday, parang bagong graduate na nahihirapang maghanap ng trabaho dahil wala raw experience.

Eh kaya nga nagtatrabaho para magkaexperience, e’.

Hapong hapo ako habang pagod na pumasok sa isang coffee shop. Mabuti nalang at may natitira pa kong pera mula sa mga failed kong pagaapply. Umiling ako nang maisip kung ilang araw na akong nandito at wala pa ring nahahanap na kahit ano. Well, I was right. It’s either imposible o walang patutunguhan ang ginagawa kong ito. Though I don’t regret it. I’d rather do this over and over again rather than let others experience it.

“Ano pong sakanila?” Ngumiti nang malapad ang staff sa’kin nang dumiretso ako sa counter. Kinapkap ko muna ang wallet sa bulsa bago ngumiti at sinabi ang order ko.

“Name po?”

“Eli.”

Tumango siya kaya naman umupo muna ako at pinagmasdan ang mga tao sa paligid ko.

This is a whole different environment now. Malayo sa probinsyang pinuntahan ko na tahimik at malumanay, dito ay maingay at maraming naglalakihang gusali. Kakaiba rin ang mga tao rito. Malilikot at palaging balisa. Parang palaging may dalang mabigat na problema sa buhay.

I suddenly miss my hometown. A sad smile formed in my lips as I traveled back to the past where my life was still so happy and carefree. Where my only problem was if people would like to buy sampaguitas or what. They say change is inevitable and it happens unconsciously. Mabilis lamang magbago ang mga bagay-bagay lalo na kapag hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin.

I don’t know how I will last here. Baka sa daan nalang ako matulog nito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang ang isip ay umiikot sa mga mangyayari sa’kin sa susunod na araw.

“Iced americano for ‘Eli’” Tumayo na ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ‘yon. Hell, I don’t even know what coffee that is! Basta ‘yong nakita ko lang sa menu!

“One double espresso for Mr. Kairo.”

I smiled at the barista as I got my coffee out of his hand. Napabaling ako sa paligid nang makarinig ng mga bulung-bulungan nang tumayo iyong tinawag kanina.

“Oh My God.”

“Ang hot! Shit!”

“Kai-ro? Gusto mong maging Kay-Janice? HAHAHAHA”

Nang tignan ko iyong pinag-uusapan nila ay namilog ang mga mata ko. He was wearing a suit, para bang kagagaling lang sa isang meeting. His clean cut hair was pushed back while his face remained emotionless and unreadable. Gwapo pala kaya pinagkakaguluhan. Umiling ako at naglakad palayo.

I sat down while looking at the window behind me. I wonder how’s Aling Martha right now? Maayos kaya siya ngayon? Ano kayang reaksyon niya nang umalis ako? Si Baron?

Nagpalipas pa ako ng ilang oras kakapanood sa labas hanggang sa biglang bumulusok ang malakas na ulan. Shit! Wala akong dalang payong! Ni wala ako no’n! Irita kong sinikop ang gamit at naghintay pang muli na tumila ang ulan pero mukhang malas talaga ako dahil kahit anong dasal kong tumigil ‘yon, mas lalo lang lumalakas.

I looked around and saw that there are just a few who are still in here. May mga nagrereview at nakikipagkwentuhan. Nakita ko rin iyong lalaking pinag-uusapan kanina ng mga babae. He was now standing while arms are crossed on his chest. Ang mga mata’y nanonood sa unti-unting pagbagsak ng ulan. He was slightly seated in the table while the nearer customers are drooling over him.

Nag-iwas ako ng tingin.

A long stretched of silence echoed with the only vibration of the outside rain reverberating around the coffee shop. And at that time, I knew we were all just waiting for the rain to stop.

Related chapters

  • 'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)   Kabanata 01

    Bumuntong hininga ako habang nakatitig sa dalawampu’t isang notebook na nasa harap ko. Patung-patong silang nasa lamesa na parang naghihintay na isa-isa kong sagutin. ‘Yong iba pa ay parang mas mahal pa ang halaga kesa sa normal na baon ko araw-araw.I sighed heavily. Mga mayayaman nga naman. May pera na nga’t pribilehiyo, tamad pa ring mag-aral. Gusto ko tuloy magwala dahil ang dami nito para sa ngayong araw lang, kaso nasa library ako kaya dapat tahimik lang. Though that’s kind of contradictory. This is how I earn my allowance, mas maraming magpapagawa ng homeworks at activities, mas maraming pera.“Mr. Ignacio! Last warning na ito. Kung pumunta ka lang dito para makipagkwentuhan sa mga kaibigan mo, lumabas ka nalang.” Bumaling ako sa grupo nila Creed. Natigil ang kanina pa nilang kaingayan nang pagalitan sila ng librarian. Their faces looked so embarrassing after that. I can’t help but laugh. Mukha silang binuhusan ng malami

    Last Updated : 2022-03-01
  • 'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)   Kabanata 02

    What was that?” I held at my chest while looking dramatically at him. The scene earlier kept playing in my mind like a broken disco cd! Kung hindi lang kaagad umalis yung babae pagkatapos ko silang makita, baka hindi ko na alam ang gagawin ko!Nagtaas siya ng kilay sa akin.“That was making out, Elisha. If you haven’t seen one.” He even had the guts to wash his hands while looking directly in my eyes. His eyes lingered on me as he let the water flow in his hands. Umakyat ang tingin niya sa mop na hawak ko. He’s probably weirded why I’m throwing frustrations at him while holding this.Umirap ako. He should not be surprised. He had always known me to do things that pay off money. Halos lahat ay pinapasukan ko. I have no choice. Besides, I should be the one surprised here. Seeing him making out with some girl here is such a scene. Baka nga kung iba pa ‘yong nakakita ay mahimatay sila. That’s too exaggerated, though.

    Last Updated : 2022-03-01
  • 'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)   Kabanata 03

    Tumatagaktak ang pawis ko habang bahagyang tumatakbo sa blankong daan. Walang katao-tao, mga nakaparada lang na sasakyan sa gilid. Hinihingal kong binagalan ang pagtakbo, catching my breath immensely. The cold wind bore in my skin. I shivered as it touched me. I was wearing a black sando with a light-weight leggings so it was easy to get cold, and that’s why you need to run faster so that you will heat up more than how the temperature seeks you. I was doing it, alright, napagod lang ako dahil kanina pa ako nagjojogging dito. I took my bottled water and drank it as I sat on the wooden bench. The street light are still flashing their luminescence spontaneously. Maaga pa kasi. Sa pagkakatanda ko, bumangon ako ng 4:30 para lumabas muna at tumakbo saglit. Masyado yatang maaga pero mukhang ayos na rin ‘yon. May mga gagawin pa akong schoolworks. Tinambakan na nga iyong desk ko, e’. Napatingin ako sa bulsa ko nang magvibrate iyong phone ko. Kinapkap

    Last Updated : 2022-04-10

Latest chapter

  • 'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)   Kabanata 03

    Tumatagaktak ang pawis ko habang bahagyang tumatakbo sa blankong daan. Walang katao-tao, mga nakaparada lang na sasakyan sa gilid. Hinihingal kong binagalan ang pagtakbo, catching my breath immensely. The cold wind bore in my skin. I shivered as it touched me. I was wearing a black sando with a light-weight leggings so it was easy to get cold, and that’s why you need to run faster so that you will heat up more than how the temperature seeks you. I was doing it, alright, napagod lang ako dahil kanina pa ako nagjojogging dito. I took my bottled water and drank it as I sat on the wooden bench. The street light are still flashing their luminescence spontaneously. Maaga pa kasi. Sa pagkakatanda ko, bumangon ako ng 4:30 para lumabas muna at tumakbo saglit. Masyado yatang maaga pero mukhang ayos na rin ‘yon. May mga gagawin pa akong schoolworks. Tinambakan na nga iyong desk ko, e’. Napatingin ako sa bulsa ko nang magvibrate iyong phone ko. Kinapkap

  • 'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)   Kabanata 02

    What was that?” I held at my chest while looking dramatically at him. The scene earlier kept playing in my mind like a broken disco cd! Kung hindi lang kaagad umalis yung babae pagkatapos ko silang makita, baka hindi ko na alam ang gagawin ko!Nagtaas siya ng kilay sa akin.“That was making out, Elisha. If you haven’t seen one.” He even had the guts to wash his hands while looking directly in my eyes. His eyes lingered on me as he let the water flow in his hands. Umakyat ang tingin niya sa mop na hawak ko. He’s probably weirded why I’m throwing frustrations at him while holding this.Umirap ako. He should not be surprised. He had always known me to do things that pay off money. Halos lahat ay pinapasukan ko. I have no choice. Besides, I should be the one surprised here. Seeing him making out with some girl here is such a scene. Baka nga kung iba pa ‘yong nakakita ay mahimatay sila. That’s too exaggerated, though.

  • 'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)   Kabanata 01

    Bumuntong hininga ako habang nakatitig sa dalawampu’t isang notebook na nasa harap ko. Patung-patong silang nasa lamesa na parang naghihintay na isa-isa kong sagutin. ‘Yong iba pa ay parang mas mahal pa ang halaga kesa sa normal na baon ko araw-araw.I sighed heavily. Mga mayayaman nga naman. May pera na nga’t pribilehiyo, tamad pa ring mag-aral. Gusto ko tuloy magwala dahil ang dami nito para sa ngayong araw lang, kaso nasa library ako kaya dapat tahimik lang. Though that’s kind of contradictory. This is how I earn my allowance, mas maraming magpapagawa ng homeworks at activities, mas maraming pera.“Mr. Ignacio! Last warning na ito. Kung pumunta ka lang dito para makipagkwentuhan sa mga kaibigan mo, lumabas ka nalang.” Bumaling ako sa grupo nila Creed. Natigil ang kanina pa nilang kaingayan nang pagalitan sila ng librarian. Their faces looked so embarrassing after that. I can’t help but laugh. Mukha silang binuhusan ng malami

  • 'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)   Simula

    Stay. It’s an oxymoron. The word and the thought contradicts. It’s like a secret curse, a promise to hold yet is destined to be broken. Like the petals of a tiny flower that grows, but sooner falls down.It shouldn’t be always spoken, for it rarely becomes fulfilled. Sa mahihinang yabag ng mumunting paa ay dahan dahan akong naglalakad lagpas sa mga taong nasa simbahan. Ang hawak na mga bugkos ng sampaguita ay iniaangat sa mga dumaraan. Halos lahat sila ay nakasuot ng mamahaling damit. I shivered as I felt the eyes around me, probably wondering why a young girl like me is selling sampaguitas here. Binalewala ko na lamang ang mga tumitingin sa akin. They will never understand. “Hija, ang bango naman ng mga ‘yan. Pabili nga akong tatlo.” Ngumiti ako sa aleng lumapit sa akin. Gamit ang maliliit na mga daliri ay iniabot ko iyon sa kaniya. She smiled at me and ruffled my hair. Tumango ako bago patuloy na naglakad, inililibot ang paningin sa tanawing hindi ko m

DMCA.com Protection Status