Share

Tightrope (Tagalog)
Tightrope (Tagalog)
Author: Teej Jay

Chapter 01

Author: Teej Jay
last update Last Updated: 2020-07-29 15:55:17

Napairap si Grace nang marinig na naman ang pagtatalo ng kanyang mga magulang. For her grandfather's sake, nasa hapag-kainan sila.

"No, Luci. I will not agree in that stupid idea of yours," wika ng kanyang ina, si Veronica.

Tiningnan niya ang ina. Her mother was very beautiful. She was once a human, a tough one, but her dad fell in love with her and made her immortal.

Nilipat niya ang tingin sa ama. Tila isang action star ito sa Hollywood. He looked like Tom Ellis and no wonder her mother fell in love with him. Mabait naman ang ama kahit may cold personality ito.

"But V—" angal nito.

"Enough, Luci! I won't risk my daughter to go after my son. I would rather go there."

"No! Don't leave me here!" wika ng kanyang ama na tila isang bata na ayaw mawalay sa ina.

Napabuntong-hininga siya. Why would humans fear her father when all he feared is her mother?

Napatingin sa kanya ang ama. Humihingi ito ng tulong. Lihim siyang napailing.

"Mom, kaya ko naman, eh!" wika niya.

"See, sweetheart? All we have to do is to trust our Gracie!" sulsol ng ama niya na agad naman natikom ang bibig nang tinapunan siya nang masamang tingin ng kanyang ina.

"Shut up, Luci!" saway nito. Binalingan siya ng ina. "You stay here, Grace. Babalik rin naman ang kuya mo."

"V, sweetheart, there are so many paperworks to do. Kailangan ko si Gavin. Promise, I'll send someone along with our daughter to make sure she's safe."

Marahang inilapag ng kanyang ina ang kutsara at tinidor nito sa gilid ng plato. Tinanggal na rin nito ang napkin na sa dibdib nito at inilagay sa mesa.

"I'm done here, Luci. Don't talk to me about that matter again," wika nito at umalis na sa dining area.

The room felt cold na tila nasa loob sila ng isang blokeng yelo. Ganyan ang epekto sa kanila ng kanyang ina na maski ang ama niya ay wala nang magawa upang baguhin ang isip nito. Narinig niyang huminga nang malalim ang ama kaya napatingin siya rito.

"Do you regret marrying her?" tanong niya na may naglalarong ngiti sa mga labi.

Natawa na siya nang lumabi ang ama. "No," wika nito nito na halos hindi na niya marinig.

"So you did slightly regret. You did not see this kind of future, do you?" wika niya.

"Shut up, my Gracie! I love your mom!" wika nito.

Napailing na lamang siya. "Don't worry, I'll try to convince mom."

Nagliwanag ang mukha nito. "Really?"

"The word there is try."

Nagkibit-balikat ito. "Make it successful. You can do all things."

"We'll see," wika niya at tinapos na ang pagkain.

Hell was her home for 16 years now. Kahit kailan ay hindi pa siya nakatapak sa Earth at kung papayag ang kanyang ina, then it'll be her first time. Mahirap intindihin ang kanyang tahanan pero nasanay naman siya. All seasons were there, wala nga lang araw at gabi pero sa bahay nila may ginawa ang ama upang magkaroon ng liwanag at kung matutulog na sila ay pwede nilang patayin ito. May kalayuan ang bahay nila at ang punsihment area nang sa ganoon ay hindi nila maririnig ang sigaw ng mga punsihed souls.

She had seen souls being punished for what they did on Earth. May light punishment at heavy punishment. Her dad was really ruthless in dealing with those souls. Kahit anong pagmamakaawa ng mga ito ay hindi matitinag ang kanyang ama.

Nagpasya siyang bisitahin si Oscar. Ang guard dog nila na may dalawang ulo. One head can detect souls that are entering the punishment area. Ang isang ulo naman nito ay nakabantay kung may mga tumatakas. So far, wala pa namang nakatakas.

"Oscar, what's the news?" wika niya at hinagod ang harapang ulo ng aso. Masayang tumahol si Oscar. Ang ibig sabihin noon ay wala naman daw nagtangkang tumakas. Tumango siya. "Mabuti naman kung ganoon."

"Gracie!"

Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Si Maya na papalabas na sa punishment area. May bitbit itong latigo at may nakasukbit namang espada sa balikat nito. Ngumiti siya at kumaway rito. Hinintay niya itong makalagpas kay Oscar bago ito niyakap.

"How's your day?" wika niya.

Napairap ito. "Duh! May isang taong hindi tumupad sa usapan nila ng daddy mo. Kaya iyon, isandaang palo nito kada araw," wika nito at itinaas nito ang latigo.

"Aw!" wika niya. "Ang sakit naman. Ano daw ang usapan nila?"

"In exchange of wealth noong nabubuhay pa ito, kailangan nitong ibigay ang kayamanan nito sa mga nangangailangan kapag dumating ang araw na mamamatay na ito. Pero hindi niya ginawa. Ipinamana nito ang pera sa mga anak nito."

"Hmmn, that's what he gets for not doing his end of the deal. By the way, may bagong kanta ang BTS! Tara, pakinggan natin."

Kahit nasa Hell sila, may alam sila sa kung ano na ang nangyayari sa mundo pero limitado lang.

"Mom..." wika niya nang matagpuan niya ito sa garden matapos nilang makinig ni Maya ng mga musika. Mahilig ito sa mga halaman at kung may bumabagabag sa isipan nito ay dito ito naglalagi.

"Don't ever convince me, Gracie. Tapos na ang usapang iyon kanina."

"Don't you trust me? Mas pinaniniwalaan mo ba si kuya kaysa sa akin?"

Hinaplos nito ang kanyang pisngi at saka ngumiti. "No, it's not that. You are my daughter, Gracie, and the Earth is dark and dangerous for a girl like you."

"Mom, that's not fair. Paano ako magtitiwala sa sarili ko kung kayo mismo hindi naniniwala sa akin?"

"You do not understand, my Grace. I've been there at doon ako lumaki. Your father saved me countless of times from those humans with dark souls."

"The world has changed, mom! Matagal na panahon na iyon."

"Forms of evil may change, Gracie but that is still evil. Your father is the punisher of all evil. Kung wala ng masama sa mundo bakit may mga tao pang dumarating dito?"

Napayuko siya at bumuntong-hininga. "You're right. But can you please give me a chance to see Earth, mom! Alam ko namang hindi ninyo ako papabayaan, eh."

Ngumiti ito at napailing. "You're not giving up, are you?"

Tumawa siya. "Nope."

"Oh, well. Kung iyan ang gusto mo, I might as well talk to your father again."

"Yes!" wika niya at napasuntok siya hangin. Kinabig niya ito upang yakapin. "Thanks, mom!"

"All for you and for Gavin!" wika nito. Kinuha nito ang kwentas na may pendant na metal na pito. Maliit lang iyon at parang cylinder ang hugis. Pagkatapos nitong gamitin ang pito ay may isang puting uwak ang paparating sa kanilang pwesto.

"Long time, no see, Kap!" bati niya rito at pabirong sumaludo.

"Hello, Gracie! Masaya akong nakita kang muli." Binalingan nito ang ina. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo kamahalan?"

"Tawagin mo rito si Lucifer," wika ng ina.

"Masusunod!" sagot ni Kap at lumipad na patungo sa punishment area.

Ilang minuto pa lang ay nasa harap na nila ang amang si Lucifer. Abot-tenga ang ngiti nito na tila alam na nito ang nangyayari. Kumindat sa kanya ang ama na ikinatawa niya. Palihim siyang nag-thumbs up rito.

"Let's talk!" malamig na wika ng kanyang ina.

Ngunit binalewala ito ng ama at tinawid ang pagitan nito ng kanyang ina. "Thank you, sweetheart!" masayang wika nito at niyakap ang kanyang ina.

Napailing na lamang siya. Her mother was a pretentious being while her father acts like a child. They're cute, though.

Pagkatapos mag-usap ng mga ito ay napagpasyahan nitong makipag-usap sa mga sasama sa kanya.

Kaya naman natagpuan niya ang sarili na katabi si Maya at si Bruce sa isang kwarto habang kaharap ang kanyang mga magulang.

Bruce looked like Dwayne Johnson at naiinis itong makumpara. Pero nang minsang isinama nila ito ni Maya para panoorin ang Rampage movie, naging idol na nito ang Hollywood star.

Si Bruce ang nakatokang mag-alaga kay Oscar at isa rin ito sa mga punisher ng heavy sins. Kaya walang sinumang masamang tao ang magkamaling kalabanin ito.

"I will trust the two of you to take care of my daughter," wika ng kanyang ama.

"Makakaasa po kayo, kamahalan," wika ni Bruce.

"Pagkatapos ninyong matagpuan si Gavin, bumalik agad kayo rito at siguruhin ninyong walang masamang mangyari sa mga anak ko," wika ng kanyang ina.

Sumang-ayon naman ang dalawa.

"And Bruce, I don't trust men other than the ones that came here kaya pakibantayang mabuti ang anak ko. You will be given things to let us communicate with you at kung kinakailangan kong pumunta roon, gagawin ko. Kaya don't hesitate to contact me when things are not in your control anymore," dagdag ng ama.

Tumango si Bruce at lumuhod bilang paggalang. "Huwag po kayong mag-alala, kamahalan. Gagawin ko ang lahat upang maging ligtas ang anak ninyo."

"My Gracie, I wish you would change your mind," wika ng kanyang ina.

"I apologize to disappoint you, mom, but I won't!" sagot niya. "Don't worry, I will take care of myself and bring back my brother safe and sound."

Related chapters

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 02

    "Do we even have a house to stay there?" tanong ni Grace nang nasa elevator na sila.They were moving up at hindi niya alam kung kailan ito titigil. Sa kanilang tatlo, si Bruce lang ang may experience na sumakay rito. He were once a grim reaper at sinusundo niya ang mga patay but her dad promoted him kaya matagal-tagal na rin itong hindi nakabalik sa Earth."Yes, Gracie! May isang bahay na inilaan ang ama mo sa bawat bansa.""Wow!" bulalas ni Maya. "Your family is really rich, Gracie!"Nagkibit-balikat siya dahil siya mismo ay walang kaalam-alam sa kayamanan ng ama."Hanggan kailan ba ito?" wika niya na ang tinutukoy ay ang pag-andar ng elevator."Oh!" Napatingin si Bruce sa relo "Five more minutes, Gracie!"Abot-tenga ang ngiti niya. "Okay! Five more minutes and we'll see the world," excited niyang wika at pinagkiskis ang mga palad.

    Last Updated : 2020-07-29
  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 03

    That night wasn't a good night for her. Hindi siya makatulog. Marahil ay naninibago siya sa lugar. Her heightened senses doesn't let her sleep. Dahil nagigising siya kapag may dumadaang sasakyan sa harap ng hotel o kahit anumang ingay sa labas ng kwarto niya.Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang isipin ang nangyaring pag-uusap nila ni Peter kanina."Me, too!" Iyan ang naalala niyang sagot nito kanina nang sinabi niyang she was from Hell.Tatanungin pa sana niya ito kung saan banda dahil kung nanggaling rin ito sa tahanan niya, bakit hindi niya ito nakita? Pero hindi na niya nagawang magtanong dahil pumasok na ito sa kwarto nito.Kinabukasan ay maagang dumalaw si Maya sa kwarto niya. Bruce was off to find cleaners. Nilapag nito sa kama ang kanyang susuotin sa araw na ito. Pagkatapos niyang mag-shower at magbihis ay pumanaog sila upang mag-breakfast."Wow! Buffet style," komento

    Last Updated : 2020-07-29
  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 04

    Tahimik lang silang sumusunod kay David habang papunta sa magiging room nila. Pinindot nito ang number 6 nang nasa elevator na sila. Si Maya, as always, hindi mapakali kung sobrang tahimik. "Have we met?" tanong nito sa lalaki. Palihim niya itong siniko. Ano na naman bang plano nitong babaeng 'to? Lumingon si David sa kanila habang nakakunot ang noo. Tiningnan nitong mabuti ang mga mukha nila. Napataas ang isang kilay niya. For a human, he sure is intimidating. "That's what I was thinking but it's imposible," tugon nito. Nang marinig niya ang boses nito ay sumang-ayon siya kay Maya. Pamilyar nga ito sa kanya. "Oh, ikaw iyong tumawag ng ambulansya noong Biyernes ng

    Last Updated : 2020-07-29
  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 05

    Hindi naman pinalaking spoiled si Gracie ng mga magulang niya pero kung halos ubusin na niya ang mga displays ng mga department stores ng mall na ito, siya na yata ang pinaka-spoiled sa mundo. Halos magkandaugaga si Bruce sa pagbitbit ng mga paperbags na may lamang mga damit, sapatos, at iba pang makamundong gamit. Nakadalawang balik na ito dahil inilagay nito sa van ang unang set ng mga pinamili niya. Binilhan rin niya ito at si Maya ng mga gamit kaya hindi makareklamo ang mga kaibigan niya. "Saan tayo?" wika ni Maya nang makitang tumigil na siya sa pagbili ng mga gamit. Sandali siyang nag-isip. "Hmn, I've always wanted to try the arcade kaya doon tayo." Bumalik ulit si Bruce sa parking lot upang ilagay sa van ang mg

    Last Updated : 2020-07-29
  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 06

    Masiglang hinawakan ni Grace ang braso ni Peter. "I never thought I would see you again!" Nasa cafeteria sila at nakaupo sa isa sa mga mesa doon. Si Maya ang um-order ng makakain nila. Napangiti ito sa kanya pero nag-iwas ng mga mata. Hinawakan nito ang kamay niya at inalis sa pagkakahawak sa braso nito. "What's wrong?" nag-alalang wika niya. "Do you realize that firstly... I'm trying to conceal what I really am. Secondly, you know so much about me but I don't even know your name." She pursed her lips and nodded. "I apologize for the late introduction. But here," inilahad niya ang kanang kamay rito, "my name is Gracie." Tinanggap naman nito iyon at nakipagkamay. "N

    Last Updated : 2020-07-29
  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 07

    "Hello, my favourite niece!" nakangiting bati ni Uncle Gabriel kay Gracie nang makalapit na ito sa kanya. "Uncle Gab, if I remind you, I'm your only niece," wika niya at lumabi. Natawa ito nang malakas at ginulo ang buhok niya. "What's the matter? I've felt your anger from above." Humalukipkip siya. "Kuya is being a stubborn, hard headed brat. Pinapauwi na siya nina mom and dad pero hindi pa rin niya gustong umuwi." "Hmm... I saw it in Gavin. He's the type of divinity that likes to explore the world's desires. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi mo pa mapipilit ngayon na umuwi ang kuya mo." "But Dad needed him..." "Lucifer managed Hell on his own before he made

    Last Updated : 2020-07-29
  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 08

    Buong araw ng klase ay tanging sa harapan lang nakapukos ang mga mata ni Gracie. Kahit nakatingin siya sa whiteboard ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Maya kahapon."He likes you, Gracie!" Iyan ang mga katagang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan.Marahan niyang hinawakan ang sintido at pumikit. Hinilot niya nang paikot ang gilid ng noo."He likes you, Gracie!" Pero parang tinutukso pa siya dahil kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin itong sumasagi sa kanyang isipan.Kaya naman ay galit niyang hinampas ang desk at napatayo. "Damn it, stop!"Sumunod niyon ay isang malalim na katahimikan. Unti-unti niyang minulat ang mga mata. Sumalubong ang masamang tingin ng guro at lahat ng mga classmates niya ay nakatingin sa kanya.Kinagat niya pang-ibabang labi. Lihim niyang binatukan ang sarili. Why did she do that? Buti na lang a

    Last Updated : 2020-07-29
  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 09

    First subject ni Gracie ang Math na ang Kuya Gavin niya ang nagtuturo pero hindi siya pumasok. Nagtambay siya sa library. Tanging ang tatlong librarian lang ang kasama niya. Pinili niya ang pinakamalayong sulok para hindi siya maistorbo. Every corner has an area where you can sleep. Maraming bean bags na pwedeng gawing unan kaya kumuha siya ng libro at humilata doon. Pinag-attend niya si Maya sa klase at hindi naman ito kumontra. Hindi na rin ito nagtanong kung bakit dahil na rin siguro sa nangyaring sagutan nila kahapon. Pero hindi naman ito nagtanim ng sama ng loob sa kanya. She knew better than that. Tiningnan niya ang relo. Wala pang isang oras kaya paniguradong hindi pa tapos ang kuya niya sa pagtuturo. Nangangalahati na siya sa pagbabasa ng libro nang may lumapit sa kanyang kinaroroonan. Isang matangkad na lalaki na m

    Last Updated : 2020-07-29

Latest chapter

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 18

    Kinabukasan ay nagpasya si Gracie na hindi na muna papasok. Hindi naman sa iniiwasan niya si David pero parang ganoon na nga. Nasa hapag-kainan silang tatlo nina Bruce at Maya habang tahimik na nag-aalmusal."David kissed me," bigla niyang wika habang nakayuko. Pinaglalaruan niya ang pagkain gamit ang kutsara at tinidor.Narinig niya ang pagkasamid ni Bruce. Inabot nito ang tubig at madaling ininom."What?" nanlalaking mga matang tanong ni Maya.Huminga siya nang malalim. "You heard me right.""Aba! Walang modo ang lalaking iyon, ah!" wika ni Bruce na halatang nakabawi na. "Anong gagawin natin sa kanya, Gracie?""Wala," wika niya. Sa tingin tuloy niya ay para siyang isang bata na hindi gustong pumunta ang mga magulang sa skwelahan dahil sa nang-away na kaklase."Anong wala? Hindi pwede iyon. He just kissed you at ni hindi pa nga kayo. Sarap hawakan sa kali

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 17

    Linggo ng tanghali at naghahanda na ang lahat para sa kanilang pag-alis. Tiniyak muna ni Gavin na nakaalis na ang lahat ng mga estudyante at maayos na nasundo na ng kani-kanilang driver.Nasa kwarto pa sila Gracie at Maya. Naghihintay sila sa hudyat ng kuya niya para makaalis na rin.Nagtinginan sila nang may kumatok. Agad na binuksan iyon ni Maya. Iniluwa noon sina David at Peter.Lihim siyang napangiti. Balita niya'y iisa ang kwarto ng mga ito. Ano kayang pinag-usapan ng dalawa?"Pasok muna kayo," imbita ni Maya. "Hindi pa naman nag-text si Kuya Gavin na dumating na si Bruce."Hindi tumanggi ang mga ito at agad na inilapag ang mga gamit sa sahig."Balik naman tayo sa realidad sa Lunes," wika ni Peter at nahiga sa bakanteng kama."Kaya nga! Nakakaaliw ang mga activity," ani Maya.Nagkasalubong naman ang paningin nila ni David. Binigyan ni

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 16

    "Diane, I meant no harm," wika ni Gracie. Pinunit niya ang papel pagkatapos niyang basahin ulit."No. You're just pretending to be good. Layuan mo na si Sir Gavin. He is not your brother because you're a devil. Layuan mo na kami. Umalis ka na rito."Huminga siya nang malalim. This was getting out of control. Mataman niyang tinitigan ito sa mga mata."Since you already know my secret, I need to know yours," wika niya.Gaya ng kay Farah, hindi malabanan ni Diane ang pwersang nagpapasabi nito ng totoo."My s-secret?""Yes, Diane. I need to know the secret that you wrote last night. Are you familiar with Hammurabi? I'm a fan of that!"

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 15

    "What's your door number?" wika ni David.Kahit anong pilit ni Gracie rito na ibaba siya, hindi nito iyon pinakinggan. Nag-init ang pisngi niya nang nagpaalam ito sa lahat na masama ang kanyang pakiramdam at hindi na sila makakasali pa sa next activity. Agad namang pumayag ang kuya niya pero hindi nakaligtas sa kanya ang kindat ni Maya."3," sagot niya. "Pwede mo na akong ibaba. Okay lang naman ako. Makakalakad pa.""No. Open the door for me," matigas nitong wika.Inabot naman niya ang doorknob at itinulak ang pintuan."Which one is your bed?" tanong nito."Ibaba mo na ako.""Tell me first."Napairap siya. "No. Bahala kang mangalay diyan."He laughed in disbelief. "Fuck!" anas nito. Dahan-dahan siya nitong ibinaba. "You're heavy."Tiningnan niya ito. "It's the first time I heard you saying that word."

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 14

    Sumapit ang gabi at pinatawag ang lahat na lumabas muna sa cottage dahil magkakaroon ng pagtitipon.Nakaupo silang lahat sa isang pirasong tela na kinorteng bilog. Napapagitnaan siya ni Maya at Peter habang katabi naman ni Peter ang Kuya Gavin niya. Nasa tapat niya si Diane at katabi rin nito si David na kausap ang isa pa nilang kaklase. Tuwing nakakasalubong niya ang tingin ng una ay agad nitong iniiwas ang mga mata.Nasa gitna nila ang isang artificial lights. Hindi kasi pwedeng magsunog sa lugar kaya imbes na bonfire, ito na lang daw ang pagtatiyagaan.Nilingon niya si Maya nang marahan siya nitong siniko sa gilid."Bakit?" tanong niya."Kanina ko pa kayo nakikitang ganyan ni Diane. Anong ginawa mo sa kanya?""Kinompronta ko lang.""Are you sure? Bakit parang takot na takot sa iyo?"Nagkibit-balikat siya. "Siyempre natalo siya. Magtatak

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 13

    Gracie's eyes just glued into David's. Ni hindi na niya napansin ang mahinang pagtili ni Peter sa likuran niya.Araw-araw naman silang nagkikita pero bakit ba ganoon na lang ang reaksyon niya rito tuwing makakasalubong niya ito nang hindi inaasahan?He was always fresh in everyone's eyes including hers. Tila bagong ligo ito palagi. His hair was probably more shinier than hers.Natauhan siya nang sikuhin siya nang marahan sa gilid ni Peter. Napakurap siya at tiningnan ito.Malawak ang ngiti nito sa kanya. "Papasukin mo na sila! Nakaharang tayo."Bahagyang nanginit ang kanyang pisngi nang makitang nasa harapan na pala nila ang mga ito. Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. Umatras siya upang luwaga

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 12

    "What do you think of Peter?" tanong ni Gracie sa kuya niya nang minsang mapadalaw ito sa bahay niya. Hapon na noon at hindi rin niya inaasahang pupunta ito dito.Umiinom ito ng orange juice habang nasa balkonahe sila sa ikalawang palapag ng bahay. At muntik na nitong maibuga ang iniinom. Nagtataka siya nitong tiningnan."What about him?" tanong nito.She shrugged her shoulders and smiled. "Kuya, he likes you. And you said you wanted to experience love. So, what do you think of him?"Napahalakhak si Gavin sa narinig. "He's not into girls?" hindi makapaniwalang tanong nito. "I thought he likes you kaya umaaligid siya sa iyo."Umiling siya at dumampot ng isang piraso ng butter cookies. Kinain muna niya iyon bago sumagot. "Nope. He sticks with me because of you. So, give him a shot!""Shut up, Gracie. I'm into girls."She squinted her eyes. "So you're into Di

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 11

    It has been three weeks since the investigation took place. Walang sinuman ang nanagot dahil hindi foul play. Trixie's death case was closed yesterday with a conclusion of a suicide. Her parents found a letter inside the drawer of her room. Kahit pa isa sa pinakamayaman sa bansa ang mga magulang nito, hindi nakaabot sa media ang pagkamatay ng anak. They wanted privacy and they all respect that.Back to normal ang lahat pwera sa kanya. Her classmates won't even dare to talk to her dahil natatakot na baka masunod kay Trixie. Well, she can't blame them. At least she had Maya, Peter and David in the room. Patuloy pa rin ang huli sa pagbibigay sa kanya ng ballpen at papel. She felt bad about it. Hindi na mabilang kung ilan na iyong mga nasayang niya kaya naman ay bumili na siya ng isang notebook at ballpen. Inilalagay niya iyon sa ilalim ng desk.Kasalukuyan sila ng

  • Tightrope (Tagalog)   Chapter 10

    "No! I didn't touch her. We didn't even meet this morning," wika ni Gracie. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Mukhang mauudlot pa ang balak niyang pag-uwi."I know. You and Trixie are the only ones missing in class so the blame is on you for those stupid humans. We need to ask Bruce at baka may alam siya.""Bakit n'yo naman nalaman na patay na si Trixie?"Umupo siya sa teacher's table habang si Maya ay nakaupo sa desk sa tapat niya. May kinalikot ito sa cellphone nito at pagkatapos niyon ay ipinakita sa kanya.Isang litrato ni Trixie na duguan habang nakahiga sa nayuping bubong ng sasakyan. It's either nahulog siya mula sa taas ng building o itinulak siya."What happened?" wika ni Bruce na ba

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status