Share

CHAPTER 4

Author: Mitchifuri
last update Huling Na-update: 2021-08-03 21:02:37

Hinintay nya munang maisuot ko ang seatbelt bago sya nagsimulang magdrive. Umayos ako ng upo at nakailang lunok pa ako habang deretsong nakatingin sa daan. Ramdam ko din ang pangangatog ng binti ko at ang dibdib kong kanina pa nagwawala.

Parang ito yung unang pagkakataon na kami lang talagang dalawa. Unang pagkakataon na nakasakay ako sa kotse niya.

"Don't worry, konti lang yung nainom ko" basag niya sa katahimikan. 

Ramdam ko din na mas mabagal na ang takbo ng sasakyan ngayon kumpara kanina. Mas okay na din to para naman mabagal din ang takbo ng sasakyan nila Kuya na nakasunod samin.

Napatingin naman ako sa kanya ngunit sa kalsada lang nakatuon ang kanyang atensyon.

"You look...worried" wika niya at tumingin sakin bago niya sinabi ang huling kataga. 

Mas lalo lang naghuhurumentado ang puso ko sa tingin niya. Parang sasabog na ang puso ko anumang oras. Sa totoo lang, nagwawala at nagsisigaw na siguro ako ngayon dito kung wala sya. Pero kailangan ko lang kalmahan. 

Kalmahan lang natin, Addie.

Dahan dahan lang akong tumango at nag iwas ng tingin. Pero deep inside, gustong gusto ko na talagang sumigaw sa kilig.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko inikot ang tingin sa loob ng sasakyan niyang nasa harap ko. The scent of the car smells like him. Napangiti ako saking isipan dahil talagang nakakaadik ang bango niya.

Napasimangot ako ng biglang maalala ang girlfriend niya.

Nakasakay din ba sya dito sa kotse niya? Dito din ba sya umuupo sa inuupuan ko ngayon? Nababango-han din ba sya sa bango ni Zim?

Malamang Addie, malamang. Ikaw nga hindi girlfriend nakasakay na, pano pa kaya yung girlfriend diba?

Naiinggit tuloy ako isiping susunduin o ihahatid niya ang girlfriend nya tapos dito sya uupo sa inuupuan ko ngayon tapos magki-kiss sila.

Wait. What?

Nagulat ako ng mapalingon sya sakin. Ngayon ko lang napagtantong nakatingin na pala ako sa kanya. Naramdaman ko din ang pagkunot ng noo kaya kaagad din akong nag iwas ng tingin.

Wala naman akong pakialam kung magki-kiss sila. May relasyon naman sila kaya normal lang iyon para sa kanila. But I wonder how his lips tasted like.

Napangiti ako saking naisip lalo na't navi-vision ko ang mga labi niya. Huli na ng mapagtanto kong napalakas pala ang hagikgik ko. Kaagad ko ding tinikom ang bibig ko gamit ang aking kamay.

Hala ang tanga, Addie.

Bigla niyang tinigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada kaya nagulat ako sa ginawa niya. Napalingon ako sa likod dahil baka may makabunggo samin dahil sa ginagawa niyang paghinto. Mabuti naman at wala masyadong mga sasakyan dahil dis-oras na ng gabi. Hindi ko na din matanaw ang sasakyan nila Kuya mula sa side mirror ng sasakyan ni Zim.

Binalik ko ang tingin sa kanya. Seryoso na pala syang nakatingin sakin at bahagyang nagpang abot ang dalawa niyang kilay.

"Bakit ka--"

"Anong nasa isip mo?" putol niya sa sasabihin ko.

And now you're curious, huh. 

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo dahil sa tanong niya. Umiling lang sya at nag iwas ng tingin bago dahan dahang nagdrive ulit.

Weird.

Nakasunod na pala samin sila Kuya dahil sa ilaw na nakita ko mula sa side mirror.

"Bakit mo natanong?" 

"Wala. It's just, it's bothering me" sagot niya sabay sulyap at iwas ng tingin sakin.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko makuha yung sinabi niya.

"Bakit ka nabo-bothered?" 

"You're here" sambit niya at hindi man lang sinagot ang tanong ko. 

Hindi ko man lang namalayang nakarating na pala kami sa tapat ng bahay. Binuksan niya ang bintana ng kanyang sasakyan na malapit sa kanya. Ilang saglit lang din ay tinabi din ni Kuya ang sasakyan namin sa kanya.

"Salamat pre" wika ni Kuya sa kanya.

"No problem, Chant" sambit niya kay Kuya at hindi man lang niya ako binalingan pang muli.

Pabitin naman ng isang to.

"Thank you" sambit ko bago lumabas ng kanyang sasakyan. Hindi ko na din hinhintay pang may sabihin siya. Narinig niya naman siguro yon diba?

Tss, bahala na. Nagpasalamat na din naman si Kuya sa kanya.

Hindi ako nakatulog kaagad dahil andami pang prinoseso ng utak ko. Lalo na yung bothered thingy na sinabi Zim kagabi. I'm super curious like hell para malaman kung ano yun. Masyado ata akong assuming at binigyan ng meaning iyon kaya ang ending, late ako nagising. 

"Ate Beth, dapat ginising nyo ako kanina" sabi ko kay Ate Beth. Kasabay ko syang kumakain ngayon ng agahan. 

Nauna na dawng pumasok si Kuya kanina lang. E, anong oras na nga ba? Nine thirty lang naman at absent na ako sa dalawang klase ko this morning. 

"Ginising kaya kita bebegurl, nakailang gising pa nga ako sayo e at ginising ka din ng Kuya mo kaso tulog mantika ka"

"Hindi siguro ganon ka effort yung pag gising nyo sakin kaya hindi ako nagising" reklamo ko sa kanya. Ako na nga yung ginising tapos ako yung nagrereklamo,just wow Addie.

"Asus, kulang na nga lang hilahin ka namin papuntang banyo e" pailing iling na sabi niya.

Kasalanan talaga yun ni Zim, hmp!

"Bilisan mo para makahabol ka pa sa klase mo" aniya bago tumayo upang dalhin ang pinagkainan niya sa lababo.

"A-absent nalang ako whole day" wika ko.

Nahihiya na akong pumasok ng late. Baka pagtinginan lang ako ng mga classmate ko don pag pasok ko tas tatanungin kung bakit late. Kaya mas okay ng absent the whole day, sasabihin ko nalang na masama yung pakiramdam ko.

"Sige ka, baka hindi kana payagan ng Kuya mo sa susunod pag nalaman nyang umabsent ka kasi late kana nagising dahil sa pinuntahan nyo kagabi" 

"I'm not feeling well Ate Beth, kasi may hang over pa ako" pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi naman ako nalasing kagabi e, konti lang yung nainom ko. 

"Anong oras ba kayo umuwi kagabi? Bakit nagising ng maaga yung Kuya mo tas ikaw hindi" saad niya habang nakatalikod sakin.

"Eleven" at bandang 1am na ako nakatulog dahil sa kakaisip ko sa mga nangyari.

"Hi Ate Beth, goodmorning. Yo, Addie" Biglang dumating si Sev at nakangiti pang bumati samin. Sanay na kami sa kanila na pumupunta dito kahit wala si Kuya. Pinsan sya ni Zim at isa din sa barkada nila Kuya na nadoon kagabi sa park.

Nakasuot pa ito ng complete uniform at parang bagong ligo lang. Umiba naman ang timpla ng mukha niya ng makita ang suot ko. Nakapajama pa ako at medyo gulo gulo ang buhok dahil kakagising ko lang.

"Hindi ka pa naligo?" gulat na tanong niya sakin.

E ano naman kung hindi pa ako naligo. Hindi naman ako papasok so okay lang.

"Ginagawa mo dito?" nakapamewang na tanong ko sa kanya.

"Sabi ng Kuya mo daanan daw kita para sabay na tayo pumuntang school" wika niya at naglakad papunta saming ref. 

"Pahingi ako ng dutchmill nyo dito ah" ngiti nya saka binuksan iyon,

"A-absent daw yan" si Ate Beth ang sumagot habang naghuhugas ng plato.

"Yun oh" ngiting wika nya ng may makita ang dutchmill sa loob ng ref.

"Hindi ka din pumasok kanina?" pangumpirma ko sa kanya. Pinanood ko syang umupo sa sofa ng aming sala habang sumipsip ng isang dutchmill.

"Omsim Addie, omsim"

"Bakit?" tanong ko at umupo na din sa harap niya.

"Mamaya ko sasabihin, maligo ka muna" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

"A-absent nga ako. Hindi ako papasok" wika ko at parang naliwanagan din ang mukha niya. Hindi niya ba narinig yung sinabi ni Ate Beth kanina?

May pagulat gulat pa e, alam kong gusto din naman niyang umabsent.

"Masama pakiramdam ko" dagdag ko pa.

"Sige, hindi nalang din ako papasok. Parang wala din namang maayos na klase ngayon. Baka pati nga prof namin hang over kagabi" tawa niya at napailing pa.

"So kaya ka um-absent dahil sa hang over?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya at tumayo na din ako. 

"Ayan, inom pa" nakangising wika ko at tumalikod na.

"Hindi ah. Lintek lang nong pinsan kong moody, iniwan ako kagabi sa park. Diko kasi dinala yung sasakyan ko kaya nakisabay ako sa kanya" paliwanag niya tsaka kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa.

"Si Zim?" 

Pagkumpirma ko kahit alam kong wala naman syang ibang pinsan na nandon kagabi bukod kay Zim.

"Oo, ewan ko kung anong nakain non. Binigyan lang nya ako ng pera at pinagcommutte. Gagong yun tas wala ng tricycle. Napasama pa't nakita ko ex ko kagabi kaya wala akong ibang choice kundi makipagbalikan para lang mahatid niya ako pauwi. Ampota! " wika niya habang nakatuon ang kanyang atensyon sa cellphone nya.

Nakapagtataka lang. Bakit niya iniwan si Sev sa park kagabi? Pero sabay naman kaming umuwi ah.

Kaugnay na kabanata

  • Thrill of Chase   PROLOGUE

    [DISCLAIMER: This is a work of fiction. All names and characters are either invented or used fictitiously. No names have been changed in order to protect the innocent. All characters have been created for the sake of this story. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.] ~∆•∆~Patuloy lang siya sa pakikipag usap sa akin ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. Naaaliw akong pinagmasdan ang kaniyang mapupula at basang labi na bumubuka sa tuwing may sinasambit siyang mga salita."Stop fantasizing my lips Doctora," narinig ko ang mahina niyang pagtawa ng mapagtantong kanina ko pa pinagmamasdan ang labi niya.Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at ininom ang cocktail na nasa ibabaw ng bar counter."A

    Huling Na-update : 2021-08-02
  • Thrill of Chase   CHAPTER 1

    "Masyado mo namang ni-literal 'yong pagiging dry mo, teh. Talagang diniligan mo 'yong sarili mo," halakhak ni Cyd.Lunch time at nandito kami sa student lounge na tinatambayan namin palagi kapag walang klase. Kinikwento ko kasi sa kanila ang kahihiyang nagawa ko kahapon. Para malaman niyo, halos lahat ng pangyayari sa buhay ko lalo na't may koneksyon kay Zim, ay alam nila. Si Zim na lang talaga iyong walang alam tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya, chos!"Iyon siguro ang tinatawag nilang wet look sa umaga," gatong ni Satana at nagtawanan sila.Mga walang hiya!Nakitawa na lang ako sa kabaliwang naisip nila. Hindi ko talaga malimutan iyong katangahan ko kahapon. Hanggang ngayon nagtatakha pa din ako sa sarili ko kung bakit ko naisip iyon. Duh! Nevermind, basta tapos na yon."Ano ba kayo! Pang bata lang 'yang mga crush crush na iyan. Dapat deretso na sa jowaan.

    Huling Na-update : 2021-08-02
  • Thrill of Chase   CHAPTER 2

  • Thrill of Chase   CHAPTER 3

    Nagpaalam na rin si King samin na bumalik sa table nila Kuya matapos ko siyang maipakilala sa mga kaibigan ko tulad ng gusto niyang mangyari. Nahiya pa siya ng makitang may kasama kaming mga lalaki sa table namin."Sino ang ka-date mo d'yan?" bulong niya sakin sabay nguso sa mga lalaking nasa harap namin."Wala. Barkada 'yan ng boyfriend ni Samien," wika ko sa kaniya sabay nguso kay Samien habang nakikipag-usap kay Kenneth."Akala ko puro girls," dismayadong saad niya at natawa lang ako.Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na kasama namin sila Kenneth at ang mga barkada niya. Ngayon ko lang napagtanto noong makita na namin sila sa table habang papalapit kami. Tumungga si King ng ilang shots bago nagpaalam sa amin na bumalik sa table nila."King is funny, huh?" ngisi ni Satana."May sense of humor," kumento ni Samien.

    Huling Na-update : 2021-08-02

Pinakabagong kabanata

  • Thrill of Chase   CHAPTER 4

    Hinintay nya munang maisuot ko ang seatbelt bago sya nagsimulang magdrive. Umayos ako ng upo at nakailang lunok pa ako habang deretsong nakatingin sa daan. Ramdam ko din ang pangangatog ng binti ko at ang dibdib kong kanina pa nagwawala.Parang ito yung unang pagkakataon na kami lang talagang dalawa. Unang pagkakataon na nakasakay ako sa kotse niya."Don't worry, konti lang yung nainom ko" basag niya sa katahimikan.Ramdam ko din na mas mabagal na ang takbo ng sasakyan ngayon kumpara kanina. Mas okay na din to para naman mabagal din ang takbo ng sasakyan nila Kuya na nakasunod samin.Napatingin naman ako sa kanya ngunit sa kalsada lang nakatuon ang kanyang atensyon."You look...worried" wika niya at tumingin sakin bago niya sinabi ang huling kataga.Mas lalo lang naghuhurumentado ang puso ko sa tingin niya. Parang sasabog na ang puso

  • Thrill of Chase   CHAPTER 3

    Nagpaalam na rin si King samin na bumalik sa table nila Kuya matapos ko siyang maipakilala sa mga kaibigan ko tulad ng gusto niyang mangyari. Nahiya pa siya ng makitang may kasama kaming mga lalaki sa table namin."Sino ang ka-date mo d'yan?" bulong niya sakin sabay nguso sa mga lalaking nasa harap namin."Wala. Barkada 'yan ng boyfriend ni Samien," wika ko sa kaniya sabay nguso kay Samien habang nakikipag-usap kay Kenneth."Akala ko puro girls," dismayadong saad niya at natawa lang ako.Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na kasama namin sila Kenneth at ang mga barkada niya. Ngayon ko lang napagtanto noong makita na namin sila sa table habang papalapit kami. Tumungga si King ng ilang shots bago nagpaalam sa amin na bumalik sa table nila."King is funny, huh?" ngisi ni Satana."May sense of humor," kumento ni Samien.

  • Thrill of Chase   CHAPTER 2

    "Masyado mo namang ni-literal 'yong pagiging dry mo, teh. Talagang diniligan mo 'yong sarili mo," halakhak ni Cyd.Lunch time at nandito kami sa student lounge na tinatambayan namin palagi kapag walang klase. Kinikwento ko kasi sa kanila ang kahihiyang nagawa ko kahapon. Para malaman niyo, halos lahat ng pangyayari sa buhay ko lalo na't may koneksyon kay Zim, ay alam nila. Si Zim na lang talaga iyong walang alam tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya, chos!"Iyon siguro ang tinatawag nilang wet look sa umaga," gatong ni Satana at nagtawanan sila.Mga walang hiya!Nakitawa na lang ako sa kabaliwang naisip nila. Hindi ko talaga malimutan iyong katangahan ko kahapon. Hanggang ngayon nagtatakha pa din ako sa sarili ko kung bakit ko naisip iyon. Duh! Nevermind, basta tapos na yon."Ano ba kayo! Pang bata lang 'yang mga crush crush na iyan. Dapat deretso na sa jowaan.

  • Thrill of Chase   CHAPTER 1

    "Masyado mo namang ni-literal 'yong pagiging dry mo, teh. Talagang diniligan mo 'yong sarili mo," halakhak ni Cyd.Lunch time at nandito kami sa student lounge na tinatambayan namin palagi kapag walang klase. Kinikwento ko kasi sa kanila ang kahihiyang nagawa ko kahapon. Para malaman niyo, halos lahat ng pangyayari sa buhay ko lalo na't may koneksyon kay Zim, ay alam nila. Si Zim na lang talaga iyong walang alam tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya, chos!"Iyon siguro ang tinatawag nilang wet look sa umaga," gatong ni Satana at nagtawanan sila.Mga walang hiya!Nakitawa na lang ako sa kabaliwang naisip nila. Hindi ko talaga malimutan iyong katangahan ko kahapon. Hanggang ngayon nagtatakha pa din ako sa sarili ko kung bakit ko naisip iyon. Duh! Nevermind, basta tapos na yon."Ano ba kayo! Pang bata lang 'yang mga crush crush na iyan. Dapat deretso na sa jowaan.

  • Thrill of Chase   PROLOGUE

    [DISCLAIMER: This is a work of fiction. All names and characters are either invented or used fictitiously. No names have been changed in order to protect the innocent. All characters have been created for the sake of this story. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.] ~∆•∆~Patuloy lang siya sa pakikipag usap sa akin ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. Naaaliw akong pinagmasdan ang kaniyang mapupula at basang labi na bumubuka sa tuwing may sinasambit siyang mga salita."Stop fantasizing my lips Doctora," narinig ko ang mahina niyang pagtawa ng mapagtantong kanina ko pa pinagmamasdan ang labi niya.Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at ininom ang cocktail na nasa ibabaw ng bar counter."A

DMCA.com Protection Status