Hindi alam ni Sabrina kung ano ang mararamdaman niya. Lalo siyang nanghina at pabagsak na nahiga sa higaan. Nag-uumapaw na sakit ang kaniyang nararamdaman, tila kinuha ang kalahati ng kaniyang buhay. Hindi niya alam kung paano siya hihinga o hihikbi, hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang kaniyang paningin, hindi niya alam kung sino ang hihingan niya ng tulong.
“A-Ang anak ko! T-Tulungan niyo ako!”
Pilit niyang inaabot ang daan na pinagdaanan ng tatlong babae na siyang kumuha sa kaniyang mga anak. Pinipilit niyang maabot kahit hindi abot. Pinipilit niyang bumangon ngunit hindi niya kaya, pinipilit niyang maging matatag ngunit hindi niya magawa.
“T-Tulungan niyo ako!”
Tuluyan na siyang napahiga at hindi na nakaya pa ang sarili kahit na i-angat pa niya ito. Napatakip siya sa kaniyang bibig upang hindi kumawala ang kaniyang iyak, natatakot siya na hindi lang ang pagkuha sa anak niya ang gawin ngunit hindi ‘rin siya papaya
“HANNAH,” Napalingon si Hannah ng marinig niya ang tumawag sa kaniya at nakita niya si Aichan at Xenna na malungkot ang itsura. “Aichan! Xenna! Wag muna tayng maingay. Doon tayo sa sala,” dali-daling sabi ni Hannah sa mga ito at tinulak sila palabas ng kwato ni Sabrina. Nakatulog na ang dalaga matapos nitong mailabas ang placenta. Marahil sa sobrang pagod ay kusang sumara ang talukap ng mga mata nito habang si Hannah ay naiwan at naglinis ng nagkalat na dugo. “Anong nangyari nasaan ang babay?” Baling na tanong ni Hannah ng makarating sila sa sala. Nagkatinginan si Aichan at Xenna dahil doon at sabay na napabuntong hininga. “Sorry Hannah pero hindi naming nakita,” Napabagsak ang balikat ni Hannah dahil sa kaniyang narinig at napaupo na lamang sa upuan na andoon. Natahimik din sila Aichan dahil sa nagging reaction ni Hannah, kita nila ang naguguluhang isip nit. Iniisip niya kung paano niya maipapaliwanag ng maayos kay Sabrina na hindi ito magwawala. “Pero may nakita kaming isang
“MA’AM, naghihintay parin po ang tatlong babaeng kumuha sa sanggol sa sala’s.” Nawala ang ngiti sa labi ni Angeline ng biglang may sumingit sa kaniyang pagkilatis sa baby. Napalingon siya dito at nakita niya ang kaniyang kanang kamay at sinamaan ito ng tingin. “Tell them to wait!” “Yes ma’am,” magalang na sagot nito at umalis na doon at sinara muli ang pinto. “I’m sorry baby Jared, ibababa muna kita okay? I still have business to do,” Maamo niyang sabi at naglakad papunta sa isang crib na nasa tabi ng kaniyang higaan. It’s color pink dahil akala niya babae din ang anak ni Sabrina ngunit nagkamali siya. Pagkahiga niya sa baby ay mahimbing na itong natutulog at hindi umiiyak. “Kamukang-kamuka mo ang iyong ama. At sisiguraduhin ko na siya ang kikilalanin mong ama,” nakangising sabi nito at tumayo na ng maayos pagkatapos ay maingat na lumabas ng silid upang hindi magising ang sanggol. Naglakad siya sa isang mahabang hallway at bumaba ng hagdan kung saan nasa sala sa ibaba ang kaniya
Nagkatinginan ang mga ito habang nakangiti at tumango kay Angeline, humarap siya sa isang parte kung saan alam niya na andoon ang secretary at tinawag ito.“Monica!”Isang tawag lang ni Angeline ay agad na lumabas si Monica na siyang serkretarya nito at patakbong pumunta sa harap niya’t yumuko bilang paggalang at bati.“Ano pong maipaglilingkod ko ma’am?”“Ihatid mo na ang ating bisita siguraduhin mong makakarating sila ng safe sa bahay nila.” Nakangising sabi ni Angeline na ikinaangat ng tingin ni Monica sa kaniya at ngumiti.“Masusunod ma’am.”Naglakad ito papunta sa tatlo at itinuro ang daan palabas. Nagpaalam pa sila kay Angeline na nginitian lamang ng dalaga at tinanaw ang mga ito na papalabas ng kaniyang bahay.“Have a safe trip…In heaven, hahahha!”Tumatawang bumalik sa itaas si Angeline habang ang tatlong babae ay sumakay na sa isang kotse at nasa pinakang harapan si Monica na tumango sa driver at umandar na ang sasakyan. Si Monica ang inutusan ni Angeline na maghanap ng taong
DAHIL sa gulat ay hindi agad nakareact ang babae. “Isa…dalawa…” Napatingin ang babae sa kaniya at agad na tumayo. Sa takot ay patalikod siyang naglalakad. “Tatlo…” tatalikod na sana ang babae ngunit nagulat siya ng barilin siya ni Monica sa bandang puso. “Sampu! Opss, di ata ako marunong magbilang hahahha!” tawang sabi no Monica at tumalikod na ng makita niyang bumagsak na ang babae. Tumatawa siyang umalis sa lugar na iyon at bumalik sa sasakyan na hindi naman talaga nasira dahil palabas lamang nila iyon at umuwi sa mansion ni Angeline. Naabutan niya ang babae na buhat buhat ang anak ni Sabrina at hinehele. “Ma’am, tinapos ko na po ang tatlong babae,” napalingon si Angeline sa kaniya at ngumiti. “Good job Monica! Sige na magpahinga ka na,” tumango si Monica sa babae at bumalik ang tingin ni Angeline sa muka ng baby. Napailing nalamang si Monica dahil sa kaniyang nakikita at pumunta na s akaniyang kwarto. *** ISANG linggo ang lumipas at patuloy na inaalagaan ni Angeline ang baby
Doon na umiyak ang sanggol, iyak ng iyak dahil hinahanap ang kalinga ng isang ina. Sa isang banda naman ay nakasakay sa kotse si Sabrina na minamaneho ni Hoven habang katabi nito ang ama ni Sabrina at katabi niya ang tatlo niyang kaibigan na sina Hannah, Aichan at Xenna. Luluwas na sila ngayon papunta sa ibang bansa dahil doon nais ng ama ni Sabrina na magpagaling ang dalaga lalo na at tulala na ito magmula ng malamang hindi nakuha ang anak. Hindi na din bumalik pa ang nagngangalang Karina kung kaya’t nagpasiya na silang umalis ng bansa. Si Sabrina ay nakatanaw lamang sa bintana at tulala habang nasa unahan at likuran ng kanilang kotse ang itim na sasakyan na siyang mga tauhan ni Hoven na nakabantay sa kanila. Tila isang presedente ng pilipinas ang dumadaan sa tahimik na daanan sa probinsya ng Batanes. “S-Sandali ihinto niyo! Ihinto niyo may narinig akong iyak ng sanggol!” Agad na naapakan ni Hoven ang break ng kaniyang kotse ng biglang sumigaw si Sabrina. Dahil sa gulat kaya niya
-CANADA- “KAMUSTA princess?” Napahinto si Sabrina matapos niyang mailapag si Samantha sa bagong crib nito na kulay pink. Habang nasa byahe sila papunta sa Canada ay nagpabili siya ng crib na maaaring paghigaan ng baby at kauntig gamit nito. Ang gusto kasi ni Sabrina ay siya ang bibili ng iba pa nitong gamit. Napangiti siya dahil sa tanong nito at umayos ng tayo. “We’re fine daddy,” naglakad ito papunta sa ama at yumakap dito. “I want to say thank you daddy, hindi mo ako sinukuan.” Sincer na sabi ng dalaga habang yakap niya ng mahigpit ang ama. “Syempre hindi Sabrina, you’re my daughter. Masaya ako na makita ka ng masaya ngayon,” Napahiwalay si Sabrina sa yakapan nila at tinignan nila pareho ang baby. Lumapit sila sa crib nito at mahimbing na itong natutulog. “Hindi parin ako makapaniwala daddy na mayroong taong handing iwan o itapon ang anak niya, samantalang ako ay nawawala ang anak. Nagpapasalamat ako at dumating si Samantha. Nang dahil sa kaniya ay kahit papaano nabawasan ang
Agad na tumakbo palapit si Xenna kay Sabrina at yumakap ng mahigpit.“Natutuwa akong malaman na sasali kana sa organization ko Sabrina, kami mismo ang mag tetrain sayo.”Napatingin si Sabrina kay Hoven dahil sa sinabi nito and she mouthed ‘thank you’ to him. Ang dami niyang utang kay Hoven, he hated him for so long pero ngayon na nabuksan ang isip niya na wala naman itong ibang ginawa noon kung di iligtas siya at ang mahal niya sa buhay. Alam na niyang siya ang nagligtas kila Hannah, Aichan at Xenna.“Kami wala ba kaming yakap?”Natatawang tanong ni Aichan at lumapit kay Sabrina, humiwalay na si Xenna sa kanilang yakap at binigyan ng space si Aichan at Sabrina. Niyakap ng mahigpit ni Sabrina si Aichan at hindi niya na napigilan ang luha niya, buong buhay niya ay inakala niyang patay na ang mga ito kaya hindi siya makapaniwalang yakap na niya ito.“H-Hindi ako makapaniwala na buhay ka ate Aichan,” hinagod ni Aichan ang likod nito at sinubukan niyag pakalmahin ngunit hindi matigil ang m
Napabuntong hininga nalang si Aiden dahil sa sinabi ng kaniyang ama at wala siyang ibang choice kung di tanggapin kung ano ang sinasabi ng mga ito. “Okay fine. May pictures ba kayo niya? Baka makatulong saakin at isa pa bakit siya nawawala?” Natahimik sila matapos tanungin ni Aiden kung bakit nawawala ang asawa, napagpasyahan nil ana wag sabihin dito ang dahilan dahil malaking trigger iyon para magwala ito na pilit alalahanin ang lahat. Lalo na at hindi nila pwede sabihin ang buong katotohanan sa pagkakaroon niya ng amnesia. “I have videos! Noong ikinasal kayo ay nakunan ko ng video, wait a sec!” Laking pasasalamat nila ng magsalita si Addison at agad na nawala upang kunin ang kaniyang camera. Saglit lang ay bumalik na ito at plinay ang video sa harapan ng kambal, lahat sila ay nasa likuran ni Aiden upang makinood. Si Allistair at Allard ay nagpipigil ng tawa dahil sa nakikita nilang itsura ni Aiden, nakuhanan pal ani Addison ang mga panahon na unang beses niyang makita ang asawa.