Malamig na simoy ng hangit dala ng gabi at tunog ng umaandar na mga sasakyan ang gumising sa mahimbing kong tulog. Bahagya kong inilinga linga ang paningin ko sa paligid kasama na ang mga kasama kong sakay din ng jeep.
"Inay na saan na ho tayo?" tanong ko sa aking ina na katabi ko't kandong ang dalawa kong nakababatang lalaking kapatid.
"Kakalagpas lang natin ng ikatlong bundok mula sa maynila" sagot ni inay sa akin saka muling pumikit na tila pinahihiwatig na inaantok siya kaya wag ko siyang kausapin.
Nanatili na lang akong nakadungaw sa bintanang nasa likuran ko upang makita ko ang daan patungo sa destinasyon namin na sa totoo lang ay hindi ko alam.
"Mama para ho!" pasigaw na wika ni inay sa mamang driver. Itinigil ng mamang driver ang jeep saka kami bumaba dala dala ang mga gamit namin. "Ikaw bata ka, alam mo ng natutulog ako bakit hindi mo agad pinara, ayan nakalagpas tuloy tayo" pagalit niya sa akin.
Grabe hindi ko naman alam yung lugar paano ko ipapara? Si inay talaga oh!
Matapos ang pagkahaba habang paglalakad ay narating na namin nila inay ang isang munting bahay na walang ilaw.
"Hala pasok na mga anak" utos ni inay sa amin habang pinaflashlightan ang loob ng bahay.
"Inay, bakit ho tayo nandito sa pangit na bahay?" tanong ni Lunar matapos makapasok at luminga linga.
"Ang baho dito inay, uwi na tayo" singit pa ni Solar na nakatakip pa ang ilong gamit ang dalawang kamay.
Hay nako, ang mga nakababatang kapatid ko talaga pero tama nga naman sila, napakapangit ng bahay at talagang may amoy.
"Mga anak, ito na ang magiging bahay natin" sagot ni inay na nakapagpalaglag ng mga panga namin.
"Paki-ulit nga inay" sabi ni Lunar na lumapit pa kay inay.
"Ito na ang bahay natin" ulit naman ni inay.
"Pakisampal nga ako ate" utos pa niya sa akin matapos niyang makalapit sa akin.
"Ang arte mo totoy, maglinis na lang tayo para mawala ang bantot nitong bahay" suhestyon ko saka ko inilabas ang kandila sa bag ko. Sinindihan ko ang isang pirasong may katabaang kandila saka ko itinayo sa puwetan ng baso at ipinatong sa sahig.
Marahan akong umupo sa di gaanong maduming parte ng bahay at doon nagkalkal ng gamit ko.
"Ate, ayoko dito" pabulong na sabi akin ni Solar matapos umupo sa sahig katabi ko.
"Di ako tatagal sa amoy taeng bahay na ito" singit pa ni Lunar.
"Tigilan mo nga yang kaartehan mo Lunar" binatukan ko siya na ikinareklamo niya. "At ikaw Solar, ito na ang bahay natin, aayusin natin ito pero sa ngayon matulog muna kayo sa nilalatag ni inay na banig"
Nakasimangot man, ay sumunod din sa akin ang mga kapatid ko.
"Isha anak, matulog ka na rin, bukas na tayo mag asikaso ng mga gamit" tinapik tapik ako ni inay sa balikat saka niya isinara ang pintuan.
"Inay, paano mo nga pala nakuha itong bahay? I mean pwede ba talaga tayong tumira dito?" tanong ko dahil sa totoo lang, sawang sawa na akong mapalayas. Simula't sapol kasi ay NPA kami o no permanent address kaya hindi na bago sa amin ang mapaalis sa tinitirahang bahay.
"Dating bahay ito ng mga magulang ng kaibigan" sagot niya. "Mabuti nga at nagkita kami sa palengke noong isang araw at naisip niyang patirahin tayo dito tutal wala na naman daw tumitira"
Bahagya akong tumango tango sa kwento ni inay saka ako humiga katabi ng mga kapatid ko. "Matulog na tayo" sabi niya saka humiga at hinipan ang kandila.
Kinaumagahan, maaga akong ginising ni inay para maglinis. Kuskos dito, punas dito, walis dyan ang ginawa ko buong umaga kasama si inay. Hindi na nga namin naisip magkape o kumain muna ng tinapay bago kumilos dahil nagtitipid kami ng pera. Matapos kasi naming mapaalis sa tinitirahan namin sa maynila ay nawalan na rin ng trabaho si inay.
"Isha, bumili ka nga muna ng trenta pesos na kanin at limang pirasong chichirya dyan sa kalapit tindahan, nagugutom na ang mga kapatid mo" utos ni inay na agad ko naman tinugon.
Wala pa man akong ligo ay lumabas na ako ng bahay at nagtungo sa tindahan na may kalapit na karendirya.
"Magandang umaga ho, pabili nga ho ng lima nitong tigpipisong chichirya" turo ko sa bibilhin kong chichirya.
"Ito na ineng oh" kasabay ng pagkabigay ni manang ng binibili ko ay napansin kong nakatingin sa akin ang ilang kalalakihan sa may gilid ko. "Bago ka dito ineng, ano? Ngayon lang kita nakita rito eh"
"Opo" sagot ko saka siya tumango tango kaya lumipat na ako sa katabing karendirya at bumili ng kanin. "Inay nandito na ako" bungad ko pagpasok ko ng bahay.
"Kumain na kayo dyan, nahugasan ko na iyang mga pinggan na nandyan" matapos niya iyang sabihin ay hinanda ko na ang mga pagkain.
"Mabuti may tubig tayo inay" wika ko habang sabay sabay kaming kumakain.
"Mabait ang kapit bahay natin, pinayagan niya akong kumuha ng tubig sa kanya habang wala pa tayong tubig" kwento niya.
"Wag ka mag-alala inay, gagawa ako ng paraan para makapagtrabaho at hindi matigil sa pag-aaral sila Lunar at Solar, ayoko namang kasing tumigil sila ngayong mag gre-grade 2 pa lang sila" nakangiti kong sabi.
"Pasensya na anak ha, ang bata bata mo pa pero kailangan mo ng tumulong sa akin magpalaki ng mga kapatid mo" madramang sabi ni inay.
"Ang drama inay, wag ka ngang ganyan" singit ni Lunar na panay ang subo ng kanin.
"Wag kang umepal sa usapan ng matatanda" pagalit naman ni Solar sa kakambal.
"Hindi naman ako umeepal, sinasabi ko lang" depensa naman niya.
"Oh wag na mag-away, kayo talaga" saway ko sa dalawa.
"Pagkatapos kumain, maligo na kayong dalawang kambal at lumabas muna pero wag lalayo, tatapusin lang namin ni ate nyo ang paglilinis dito" kanya kanyang pagsang ayon naman ang ginawa ng kambal sa sinabi ni inay. Maya maya pa'y natapos na kaming kumain at gaya ng sabi ni inay, naligo't lumabas agad ang kambal saka kami nagsimulang maglinis muli.
"Inay, kung hindi siguro ako nahinto sa pag-aaral ko, kolehiyo na sana ako no?" biglang kumento ko habang nagwawalis.
"Pasensya na talaga anak kung kinailangan mong mahinto sa pag-aaral mo, alam mo naman ang sitwasyon natin, simula noong namatay ang ama ninyo ay naghirap tayo" napabuntong hininga si inay saka nagpunas ng pawis.
"Alam ko naman iyon inay, naisip ko lang na kung nakatapos siguro ako kahit ng highschool ay mas malaki ang posibilidad na makakakuha ako ng trabahong malaki ang sahod at matutulungan ko na kayo" sagot ko.
"Inay, may naghahanap ho sa iyo" napalingon kami bigla sa sigaw ni Solar. Agad lumabas si inay sa labas upang makita ang naghahanap samantalang ipinagpatuloy ko naman ang paglilinis.
Hay. Sana lang kaya kong tulungan ang inay sa pagpapalaki ng mga kapatid ko gaya ng sabi ko sa kanya.
"Magandang balita anak!" halos mabuwal ako sa biglang pagdamba sa akin ni inay matapos pumasok ng bahay."Ho? Bakit ho?" pagtataka ko. Itinigil ko muna ang paglilinis ko upang makausap si inay."Yung kapitbahay nating kinukuhaan natin ng tubig ay isa palang kasambahay sa maynila at alam mo ba? Naghahanap daw ang apo ng amo niya ng isa pang kasambahay kaya ang sabi ko, ipasok ka niya at pumayag naman siya" masayang pagbabalita ni inay. Malawak akong napangiti sa sinabi ng inay sa akin.Wala man sa plano ko ang maging kasambahay ay hindi ko ito tatanggihan.Matapos ang usapan naming iyon ay nagpatuloy na kami sa pag-aayos ng bahay kahit wala man kaming gamit pambahay ay may mga karton naman kaming nahingi sa mga kabitbahay na maari naming magamit pansamantala.Mahigit dalawang araw din ang lumipas simula noong sinabi ni inay ang magandang balita at ngayon nga ay pupunta akong maynila para ma
Maaga man ako umalis sa amin ay hapon pa rin ako nakarating sa bahay ng magiging amo kong si sir Spencer. Inihatid ako ng isang tauhan ng donya dito pagkatapos kong makarating at makakain sa kanila. Agad din akong iniwan ng tauhan ng donya matapos naming makarating sa harapan mismo ng tinitiharang bahay ng magiging amo ko.Marahan muna akong lumanghap ng hangin upang lumakas ang aking loob. Dumiretso na ako sa pinto ng mapansin kong bukas ang gate. Dahan dahan akong kumatok sa pintuan ng bahay saka nag-intay ng magbubukas. Matapos ang tatlong katok ay may nagbukas na ng pintuan at laking gulat ko na isa itong babae."Spens, may bisita ka yata" sabi ng magandang babaeng aligaga sa pagsasapatos."Wala akong inaasahang bisita, umalis ka na" pagtataboy niya sa babae ng di manlang nagtutungo sa pwesto namin."Magandang araw ho, ako ho si Isha ang magiging kasambahay ninyo na hinayr ni donya Alicia" pakilala ko
Talagang nahiya pa siya, sana sinabi na lang niyang bigtiin ko sarili ko kakatrabaho para sa kanya. Sorbang tamad niya!Reklamo ko sa isip habang binabasa ko ang schedule na ibinigay niya sa akin ngayong umaga eksakto pagkagising niya.Sabi dito sa schedule ko;Tuwing may pasok daw siya ay kailangan 6:30 am gising na ako para maglinis ng bahay, magluto ng agahan at magplantya ng damit niyang susuotin sa school. Di ko siya pwedeng gisingin habang natutulog pero kung malalate na daw siya, sige gisingin ko na siya dahil ayaw niyang malate at syempre kailangan kong ayusin ang pinaghigaan niya. Pag nasa school kami if ever na magtagpo daw kami, ayaw daw niyang may makakaalam na magkakilala kami kaya tumahimik daw ako at pag uwian na, hi
Sa wakas monday na. Maaga pa kaysa sa alasais ako ng umaga gumising dahil sa sobrang pagka-excite ko sa pagpasok. Naglinis agad ako, nagluto at nag-ayos ng mga gagamitin ng amo ko bago ako nag-asikaso ng itsura ko para sa pagpasok ko. Eksaktong alas siyete naman nagising ang amo ko at katulad ng lagi niyang ginagawa, tinaasan na naman niya ako ng isang kilay niya matapos akong makita."Ligpitin mo na yung kama ko, anyway magbus ka na lang para di ka maligaw papasok, sabihin mo lang iyong pangalan ng school sa kondoktor para maibaba ka" sabay abot niya sa akin ng isang libong piso habang humihikab."Sir, ang laki naman ho nito" sabi ko na di niya pinansin. "S-salamat ho" dagdag ko na lang dahil wala na yata siyang balak kausapin ako.Habang kumakain siya ay minabuti ko ng ligpitin ang kwarto niyang araw araw makalat."Napakabarubal talaga gumamit ng kama" sabi ko habang inaayos ang kamang hinigaan niya. Kap
Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang ako dahil hindi namang maiiwasan ang mapanghamak na mga tingin sa akin ng mga kaklase ko."Sir nandyan ka na pala" bungad ko kay sir Spencer na kakapasok lang ng bahay. Mabilis ko ng inayos ang mga pagkain sa mesa para makakain na siya."Anong section mo? Bakit hindi kita nakita kaninang break time? Hindi ka pumasok?" sunod sunod niyang tanong."Section one ho ako sir at nung break time, last minute na ho ako lumabas kasama ang pinsan mo" paliwanag ko."Ow, matalino ka pala" sakrastiko niyang sabi. "Pero ok yan para may kasama si Megumi""Ikaw sir, anong section mo?" tanong ko. Siguro last section ano? Sakto ugali mo dun eh."Section 3" sagot niya saka pabagsak na umupo sa upuan. Akalain mo yun,
It's been three months simula noong pumasok akong kasambahay ni sir Spencer at hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa ugali niyang asal hayop."Mabuti ho inay at natanggap ninyo agad ang padala ko ngayon di gaya noong mga nauna na kailangan ko pang pakiusapan ang amo kong uuwi ako diyan" may galak kong sabi saka ako umupo sa sofa habang hawak hawak ang cellphone kong ibinigay sa akin ni Megumi."Oo nga anak eh, pasensya na at mahina sa mga makabagong pagbabago ang nanay. Salamat nga pala sa padala anak ha, pati dito sa selpon na kasama" tugon niya na kahit hindi ko nakikita ay alam kong masaya. "Miss ka na namin anak" bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya."Miss ko na rin ho kayo" pilit kong iningiti ang mga labi ko upang hindi ako mahimigan ng kalungkutan."Hoy, nasaan na yung pinaplantya ko sayong damit?" rinig kong wika ng amo ko habang bumababa sa hagdanan."Inay, kailan
"Pagkatapos mo maglaba, kung gusto mo, umalis ka muna. Maggala ka, gawin mo gusto mo" napatingin ako kay sir Spencer na nakatayo sa likuran ko habang nagbabanlaw ako ng mga damit.Umalis? Bago yun ah."W-wala po ba kayong ipagagawa? O iuutos man lang?" tanong ko. Nakakapanibago naman kasi na pinapaalis niya ako ng walang inuutos."May narinig ka bang may inutos ako?" umiling ako. "Edi wala" saka siya umalis.Ano yun? Nakakapanibago talaga.Gaya ng sinabi niya, umalis ako ng bahay niya pagkatapos ko maglaba. Pumunta akong parke at doon tumambay.Napaka-aliwalas ng lugar kahit di gaanong presyo dahil sa daming gusali sa paligid.Habang nagmamasid ako, napako ang paningin ko sa dalawang batang naghahabulan. Nakakamiss ang dalawa kong kapatid.Nagmasid masid lang ako doon. Napakasayang pagmasdan ng mga bata. Naglalar
"Kamusta na si Spens?" tanong sa akin ni Megumi habang sabay kaming kumakain sa cafeteria. Pinatigil na kasi niya ako magbaon dahil may mga mura naman daw na tinda dito at tama nga naman siya dahil marami rin ang murang bilihin, yun nga lang mas marami ang mahal. "Nakakainis kasi iyon, ayaw akong pumupunta sa bahay niya" Paano, ang ingay niya kaya ayaw siya ni sir sa bahay."Pabayaan mo, papayagan ka rin nun pag naglaon" sagot ko sa kanya."Eh kayo Isha? Kamusta kayo? Kayong dalawa lang sa bahay niya tapos lalaki at babae pa kayo--" di ko na pinatapos si Megumi magsalita at sinalpakan ko na ng tinapay na binili ko ang bibig niya."Alam mo naman ang ugali ng pinsan mo, saka duh! Di ko type ang pinsan mo" pinakita ko pa sa kanya na tila imposible talaga ang iniisip niya. Well, gwapo
“Bakit ang tahimik mo kaninang dinner? Di ka pa din ba okay kay Kenji?” tanong ko kay Spencer pagkapasok namin ng kwarto. Umuwi na sila Megan at Kenji, nakapaglinis na din ako ng kusina.“Hindi ko siya gusto pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gugustuhing maging kaibigan mo. He’s been a good friend to you, nakakairita lang talaga yung ugali niya,” sagot niya.“Eh bakit parang may iniisip ka kanina?” tanong ko.“Iniisip ko lang kasi kung sino ang magiging model na ihahandle mo,” sagot pa niya bago nahiga. “Paano kung lalaki iyon at magkagusto sayo?”“Spens, trabaho ang gagawin ko saka tingin mo ba magkakagusto iyon sa akin? Model ang pagsisilbihan ko, matataas ang standard ng mga iyon,” paliwanag ko sa kanya para mawala ang worries niya.“Dyan mo ba talaga gusto magtrabaho?” tanon
Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview.“Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto.“Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer.“Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.”Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy.
MATAPOS NG ILANG ARAW na pag-iisip, heto na ako’t pauwi na sa amin kasama si Spencer. Napag-usapan naming kakausapin namin si inay na mananatili ako sa Maynila kasama si Spencer ngunit hindi bilang katulong niya kundi bilang nobyang kinakasama. Sa katunayan, nasabihan ko na si inay sa tawag sa plano namin ni Spencer pero sabi ko ay uuwi pa din ako sa bahay para mas mapag-usapan namin. Habang nasa byahe kami ay tumitingin ako ng mga hiring sa internet. Madami na akong napasahan ng resume pero dahil wala pang nagreresponse ay minabuti kong maghanap hanap pa. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nila Lunar at Solar. “Ate!” sabay na tawag ng mga kapatid ko saka sakin yumakap pagkalapit. “Nasan ang inay?” tanong ko sa kanila. “Nasa loob siya ate, nagluluto pa po,” tugon naman ni Lunar. Sabay sabay kaming pumasok sa loob habang tahimik lang sa may likuran ko si Spencer. “Inay.” Nilapitan ko siya saka nagmano
Matapos ang araw na iyon, maingat ko ng pinagmasdan ang mga kilos ni Spencer. Mukha naman siyang normal na’t hindi aabot sa punto na iyon pero tuwing sinasabi niyang huwag ko siyang iwan ay nakakapangamba. Tuwing binabanggit niya kasi iyon ay tila sobra niyang lungkot.“Saan mo gusto magcollege?” tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa cellphone niya ngayong kumakain kami ng pananghalian.“College? H-hindi na ako magka-college,” sagot ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral para makapagtrabaho na’t makatulong kila inay.“Bakit? Edi hindi kita makakasama sa pag-aaral ko,” tugon niya ng nakakunot ang noo.“Kaya mo naman mag-aral ng wala ako, ano bang inaalala mo? Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko,” mahinahon kong sabi. Padabog siyang tumayo sa pagkakaupo niya saka tumingin sa akin ng masama.
"Salamat Isha, sabi ko na nga ba't ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya" niyakap ako ni Megumi. Nandito kami ngayon sa mansyon nila mr. Cane kung saan nakaburol ang labi ni Carmen. Tahimik man si Spencer sa upuan niya ay hindi mapagkakaila ang kalungkutan niya kahit pa sabihing hindi na siya umiiyak. "Nga pala, hinanap ka ulit sakin ni Gil nung nagkita kami last time, hindi mo ba siya tinext?" dagdag niya matapos humiwalay."Hindi eh, nakalimutan ko. Bakit daw ba?" tanong ko."Ewan ko, may gusto yata yun sayo eh" kumento pa niya.Gustodaw.."Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi ni Spencer?"A-anonganongnangyari?Anonggusto
"Kay Spencer?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba."Di namin kayang pakalmahin si Spencer tuwing nagwawala siya kaya pinuntahan kita para tulungan kami, alam kong mahal ka niya kaya alam kong makikinig siya sayo" paliwanag niya. Pero paano kung hindi rin siya sa akin makinig? Natatakot ako.Hanggang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ko pansamantala ay naging tahimik lang ako."Mahalaga kay Spens si Carmen, di man babaeng iniibig pero bilang babaeng naging tunay na kaibigan sa kanya" napatingin ako kay Megumi matapos niyang magsalita sa hangin. "Isha, pasensya ka na talaga pero ikaw lang ang naisip kong makakatulong sa amin"Matapos niya ako maihatid sa kwartong gagamitin ko ay umalis na siya dahil hinahanap na daw siya sa kanila.Nagpagulong gulong ako sa malamb
Sabado ngayon at sakto namang pinasara ang grocery dahil may gagawin ang boss namin."Dito po ba nakatira si Miss Loukrisha Makabajo?" may paninigurong tanong sa akin ng lalaking nakamotor matapos niyang huminto sa tapat ng bahay namin."Yes po, ako po iyon," sagot ko saka siya bumaba sa motor niya't kinuha ang isang may kaliitang kahon sa compartment ng motor niya't iniabot ito sa akin."Pakipirmahan na lang po ito ma'am" marahan kong pinirmahan ang iniabot niyang papel saka siya nagpaalam at umalis.Ano ito? Mariin kong sinuri ang kahon na ibinigay sa akin saka ko ito binuksan.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya agad ko itong kinuha saka tinawag si inay. "INAY!!!""Anong nangyari? May sunog ba?!" may pagkahysterical na tanong ni inay matapos makalabas sa banyo kung saan siya naliligo. Nakatapis lang siya't may shampoo pa sa ulo na talaga
Mabilis lumipas ang mga araw. Mabilis akong nasanay sa trabaho ko sa grocery at talagang kasundo ko na ang mga kasamahan ko."Ate sino yun?" Tanong sa akin ni Solar matapos akong makitang nagpaalam sa kasabay ko umuwi."Katrabaho ni ate," sagot ko kay Lunar na nakadungaw sa mga katrabaho ko. Dito din sila nakatira kaya nagsasabay sabay na kaming umuwi."Wala ka doong crush?" Natawa ako sa tanong niya. Itong batang to talaga, saan kaya niya natutunan iyong crush crush na iyon."Wala Lunar, trabaho lang nasa isip ni ate," tugon ko saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay.Naupo muna ako sa plastik na silya para makapagpahinga. Halos buong araw kasi akong nakatayo sa grocery."Anak, nandyan ka na pala," bati ni inay matapos makapasok sa bahay. May bitbit bitbit siyang plastik na may lamang gulay. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko saka nagmano sa kanya.
Di ko na inintay mag-umaga matapos ang madramang pag-uusap namin. Mabilis akong nag-impake at agad na ding bumyahe pauwi sa amin.Nag-iwan na rin ako ng mensahe kay Megumi at Kenji na aalis na ako. Maging kay donya Alicia ay nagpaalam na ako't nagpasalamat at sa reply niya sa akin ay napagtanto kong alam na niyang ganito ang mangyayari. Mukhang nag-usap na sila ni Spencer bago pa man kami nag-usap.Bandang alasingko ng umaga ako nakarating sa amin. Hindi man sadya ay masaya akong makauwi sa bahay namin."Inay" kasabay ng pagkatok ko sa pintuan ay ang pagtawag ko kay inay."Isha anak, di ka nagpasabing uuwi ka" agad kong niyakap si inay saka ako humagulgol ng iyak. "A-anak, anong nangyari?""Nay, ang sakit nay" patuloy akong umiyak hanggang makapasok kami ng bahay at mapagod ako kakaiyak."Makikinig si inay, ano ang nangyari sayo?" tanong niya habang nakaupo't nakaakbay sa