It's been three months simula noong pumasok akong kasambahay ni sir Spencer at hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa ugali niyang asal hayop.
"Mabuti ho inay at natanggap ninyo agad ang padala ko ngayon di gaya noong mga nauna na kailangan ko pang pakiusapan ang amo kong uuwi ako diyan" may galak kong sabi saka ako umupo sa sofa habang hawak hawak ang cellphone kong ibinigay sa akin ni Megumi.
"Oo nga anak eh, pasensya na at mahina sa mga makabagong pagbabago ang nanay. Salamat nga pala sa padala anak ha, pati dito sa selpon na kasama" tugon niya na kahit hindi ko nakikita ay alam kong masaya. "Miss ka na namin anak" bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya.
"Miss ko na rin ho kayo" pilit kong iningiti ang mga labi ko upang hindi ako mahimigan ng kalungkutan.
"Hoy, nasaan na yung pinaplantya ko sayong damit?" rinig kong wika ng amo ko habang bumababa sa hagdanan.
"Inay, kailangan ko na ho magpaalam dahil may gagawin na ho ako, mag-ingat ho kayo dyan ha. Mahal na mahal ko ho kayo" mabilis kong sabi saka ko pinatay ang tawag at madaling tumayo upang kuhain ang damit na plinantya ko kanina. "Ito na ho sir" walang pasa pasalamat niyang kinuha ang damit sa akin saka muling bumalik sa kwarto.
Kung di ko lang talaga kailangan ng pera para kayla inay ay hindi ako magtitiis dito!
Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko saka ako nagtungo sa kwarto ni sir Spencer.
"Sir, kukuhain ko na ho yung pamalengke ko para ho makapamalengke na ako ngayon" bungad ko sa kanya na nagbibihis. Patpatin.
"Hindi ka ba marunong kumatok? Langya naman oh!" mabilis niyang tinapos ang pagsusuot niya ng pang itaas saka kumuha ng pera sa wallet. "Oh, umalis ka na" abot niya sa akin ng limang libo na pang gastos ko sa palengke.
Simpleng pambahay lang ang suot suot ko ng magtungo ako sa supermarket. Isa isa ko ng binili ang mga kailangan kong stocks sa kusina ng biglang may braso ng lalaki ang biglang yumakap sa akin mula sa likod.
"Bili mo rin ako ng stick-o" sabi niya ng maipatong na niya ang baba niya sa balikat ko.
"Kenji, yan ka na naman sa pagiging childish mo" tugon ko saka ko bahagyang hinampas ang braso niyang nakayakap sa akin.
Ito talaga lalaking ito! Sa tuwing nagtatagpo kami ay napakakulit niya pero tuwing may ibang tao ay akala mo kung sinong masungit. Weirdo diba.
"Stick-o lang eh" may himig pagtatampo niyang sabi matapos makatayo ng tuwid sa gilid ko. Kinurot ko ang magkabila niyang pisngi saka siya pinanggigilan. "Masakit" masungit na reklamo niya.
"Makulit ka kasi eh" patuloy ko lang na pinanggigilan ang pisngi niya. "Saka mas mayaman ka sakin Kenji kaya tigil tigilan mo ako dyan sa pabili pabili mo dahil nagtitipid ako"
Hindi niya alam ang sitwasyon ko, ang alam niya lang ay nagtitipid ako lagi. Bukod kay Megumi wala na akong pinagsabihan na isa akong maid ng beast na si sir Spencer katulad ng napag-usapan namin ni sir Spencer na ayaw niyang lalabas ang kaugnayan namin sa isa't isa.
"Yah I know, naglalambing lang naman ako" bigla niya akong nginitian sabay tanggal ng kamay ko sa pisngi niya. "Masakit ka talaga mangurot Lou"
Bukod sa kanya, wala ng tumatawag sa akin ng Lou. Well, siya naman kasi ang nagpauso nun eh.
Hanggang matapos ako mamili ay kasama ko si Kenji. Bukod kasi sa ayaw na daw niyang samahan ang mama niyang namimili din ay gusto niya daw sa akin makipagkwentuhan dahil naudlot ang kwentuhan namin nung nakaraan sa paghila sa akin ni Megumi papunta sa cafeteria. Hindi sila close ni Megumi, ayaw niya daw kasi sa maingay na babae kaya kadalasan sa akin lang siya nakikipag-usap dahil hindi naman daw ako mukhang babae. Hanep diba!
"Salamat sa pagsama, ingat ka pauwi" paalam ko bago ako sumakay ng jeep. Bakit ganun? Simula kanina noong magkasama kami ni Kenji, pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Sa gutom lang ba iyon o meron talaga?
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay naabutan kong nakapadikwatrong nakaupo si sir Spencer sa sofa habang simagot na simagot ang mukha.
"Magandang gabi ho" bati ko saka ko madaliang dinala ang mga pinamili ko sa kusina.
"Bakit ang tagal mo dumating, alam mo bang dalawang oras ka na dun sa supermarket? Hindi mo naisip na baka gutom na ako" may pagkairita niyang sabi. Sinundan pa talaga ako sa kusina, masermunan lang.
"Sir umalis naman ho kasi kayo kaya akala ko ok lang kahit hindi ko gaanong bilisan ang pamimili" sagot ko matapos humarap sa kanya.
"Pamimili? O pakikipaglandian dun kay stick-o boy?" Ngayon, alam ko na kung sino ang kaninang nararamdaman kong sumusunod. "Alam mo, hindi naman kita pinagbabawalang lumandi pero pag oras ng trabaho, oras ng trabaho!" giit pa niya. Napakagat ako ng ibabang labi ko upang makontrol na wag siyang sagutin ng pabalang pero mukhang hindi yata marunong makisama ang bibig ko at nagsalita pa rin.
"Para lang ho sa kaalaman ninyo, hindi ako malandi para makipaglandian kaya wag mo akong pagbintangan porke nagtagal ako sa supermarket at dagdag kaalaman pa ho sir! Hindi mo binabayaran ang buong oras ko, binabayaran ninyo lang ako sa pag gawa ko ng gawaing bahay at sa pagkakaalam ko, nagagawa ko ng tama ang trabaho ko kaya wag ninyong sabihin yang pag oras ng trabaho, oras ng trabaho dahil hindi kasama sa trabaho ko ang buong oras ko!" saka ako tumalikod sa kanya at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Totoo naman ang sinabi ko, ang pinagusap namin ni donya Alicia ay hindi ko kailangan magtrabaho whole day, hawak ko pa rin daw ang oras ko, kailangan ko lang daw gawin ang lahat ng gawaing bahay.
Hinang hina akong dumapa sa kama ko saka umiyak. First time ko sumagot ng galit kahit kanino dahil natural na sa akin ang magtimpi pero kasi sobra na siya.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maramdaman kong ok na ako. Lumabas ako ng kwarto ko saka ako nagtungo sa kusina para ayusin ang pinamili ko pero laking gulat ko na maayos na iyon. Luminga linga ako sa kusina pero wala akong nakitang lalaki.
Kailangan ko bang magsorry sa kanya kahit siya ang may kasalanan? Siguro oo ano? Kasi siya pa rin ang amo ko at hindi pa gaanong malaki ang ipon ko kung aalis ako.
Agadan akong nagluto ng hapunan at napagdesisyunan na magsorry kay sir.
Marahan akong pagtungo sa kwarto ni sir Spencer. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto niya at ng wala akong marinig na tugon mula sa loob ay pumasok na ako. "Sir.." tawag ko sa kanya saka ako lumapit sa kama niya kung saan siya padapang nakahiga. "S-sorry ho sa sinabi ko kanina" Tulog na ba ito at ayaw ng gumalaw?
Marahan kong hinaplos ang ulo niyang nakasubsob sa unan. "Pasensya na ho talaga kanina" saka ako umalis sa loob.
Sana lang bukas, ok na kami dahil di ko kaya kung tatanggalan niya ako ng trabaho. Di ko pa kaya sa ngayon.
"Pagkatapos mo maglaba, kung gusto mo, umalis ka muna. Maggala ka, gawin mo gusto mo" napatingin ako kay sir Spencer na nakatayo sa likuran ko habang nagbabanlaw ako ng mga damit.Umalis? Bago yun ah."W-wala po ba kayong ipagagawa? O iuutos man lang?" tanong ko. Nakakapanibago naman kasi na pinapaalis niya ako ng walang inuutos."May narinig ka bang may inutos ako?" umiling ako. "Edi wala" saka siya umalis.Ano yun? Nakakapanibago talaga.Gaya ng sinabi niya, umalis ako ng bahay niya pagkatapos ko maglaba. Pumunta akong parke at doon tumambay.Napaka-aliwalas ng lugar kahit di gaanong presyo dahil sa daming gusali sa paligid.Habang nagmamasid ako, napako ang paningin ko sa dalawang batang naghahabulan. Nakakamiss ang dalawa kong kapatid.Nagmasid masid lang ako doon. Napakasayang pagmasdan ng mga bata. Naglalar
"Kamusta na si Spens?" tanong sa akin ni Megumi habang sabay kaming kumakain sa cafeteria. Pinatigil na kasi niya ako magbaon dahil may mga mura naman daw na tinda dito at tama nga naman siya dahil marami rin ang murang bilihin, yun nga lang mas marami ang mahal. "Nakakainis kasi iyon, ayaw akong pumupunta sa bahay niya" Paano, ang ingay niya kaya ayaw siya ni sir sa bahay."Pabayaan mo, papayagan ka rin nun pag naglaon" sagot ko sa kanya."Eh kayo Isha? Kamusta kayo? Kayong dalawa lang sa bahay niya tapos lalaki at babae pa kayo--" di ko na pinatapos si Megumi magsalita at sinalpakan ko na ng tinapay na binili ko ang bibig niya."Alam mo naman ang ugali ng pinsan mo, saka duh! Di ko type ang pinsan mo" pinakita ko pa sa kanya na tila imposible talaga ang iniisip niya. Well, gwapo
"Earth to Isha, girl anong nangyari sayo at tulala ka dyan?" tanong sa akin ni Megumi na kanina pa kumakaway sa harapan ko."Napaisip lang ako dun sa kwento ni ma'am sa English about sa love story niyang nagumpisa sa kiss" sabi ko saka ako tumingin sa labas ng bintana at sakto pagtingin ko sa baba ay si Spencer agad ang nakita ko. Shocks! Bakit naman sa dinami dami ng makikita siya pa."Bakit namumula ka? Anong nakita mo?" tanong na naman ni Megumi saka akmang titingin sa bintana pero pinigilan ko't hinila palabas ng room tutal break time na. "Nababaliw ka na girl""Siguro nga" natatawa tawa kong sabi. Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla kaming hinarangan ng anim na babae na kung titignan at ia-analy
"Ineng si ate mo Lolita ito, ang inay mo isinugod namin sa ospital, bigla na lang kasi siyang nahimatay" sagot ni ate Lolita na kapatid ni ate Lorna. "Baka naman pwede kang umuwi dito, kailangan ka kasi namin dito""O-opo, uuwi ho ako ngayon din dyan" lumuluhang sabi ko saka tumakbo papasok sa kwarto ko. Inihanda ko na ang gamit ko sa pag-alis ko saka ko inasikaso ang lahat ng gawaing bahay pati ang pagkain na kakainin ng amo ko bukas. Bago ako umalis ng tuluyan ay nag-iwan na lang ako ng sulat na kailangan kong umalis pansamantala at ng contact dahil mukhang hindi makikipag-usap sa akin si sir Spencer."Kayo na lang muna bahala sa akin sa school Megumi, tatawag din ako kay donya Alicia para sabihing uuwi muna ako" sabi ko kay Megumi na kausap ko sa cellphone."Sige mag-iingat ka Isha, tawagan mo ko pagmay need ka ha? Kahit pera, papahiramin kita" sagot pa niya."Pakibantayan na lang muna ang pinsan mo par
Inaamin ko namang nung una ayoko talaga sa kanya pero nung nagtagal na ako sa bahay niya ay pakiramdam ko, hindi ko na kayang gumising ng hindi siya napagsisilbihan saka nung hinalikan niya ako? Pakiramdam ko, their something magical and I knew, it was love.Pero mali eh! Hindi pwede."Wag mo kong titigan Loukrisha" from the first time in forever, tinawag niya ako sa pangalan ko. "I'm asking you""Hindi kasi ako sure since amo kasi talaga kita" pinagdikit ko ang mga dulo ng daliri ko sa sobrang kakabahan ko.
"W-what? Kayo na?" nanlalaki ang mga mata ni Megumi matapos kong sabihin sa kanya na kami na ng pinsan niya. Nandito kami ngayon sa field ng school, nakaupo sa damuhan matapos namin kumain sa cafeteria. "Omg! That's a good news. Akalain mo yun, kahit pangit ugali niya, may papatol sa kanya""May sinasabi ka Megumi?" sabay kaming napalingon ni Megumi sa likuran. Nakatayo si Spencer doon habang kunot ang noo."Wala, wala. Bat ka nandito? Di mo naman kami nilalapitan sa school ah" kumento ni Megumi.Pumaupo si Spencer sa tabi namin sa bandang gitna. "Iba na ngayon""Kayo ha" tinusok tusok ni Megumi ang balikat ng pinsan niya."Hindi nakakatuwa Megumi. Tumigil ka nga" saway niya. Hindi pa din talaga nagbabago ang ugali niya."Hayaan mo siya, natutuwa lang siya" saway ko naman siya. Tumingin siya sa akin saka nagpout. Syet! Ang cute niya.
"Sabay kayo pumasok ng amo mo ah" kumento ni Kenji pag-upo ko sa pwesto ko. Nakapaharap siya sakin habang nakapangalumbaba."Nakita mo pala kami" tugon ko."Di ko naman sasabihin kung hindi, diba? Minsan talaga di ko alam kung bat nasa section 1 ka" binatukan ko siya. "Mapanakit ka""Ang epal mo kasi" sabi ko na ikinangisi niya."Umamin ka nga sakin, anong meron sa inyo ng amo mo?" bigla akong namula. "Ah, kayo na""H-hoy, wala pa akong sinasa--" di na niya ako pinatapos."Di mo naman kailangan sabihin, halata kaya" nakangisi niyang sabi. "Sabi ko na nga ba, may gusto sayo yun eh""Hoy, wala kang sinabi no" binelatan ko siya."Kita mo, isa ka ding epal eh" tumawa ako sa sinabi niya."Hi guys, anong pinagkwekwentuhan nyo?" masiglang bungad ni Megumi."Wala. Ang ingay mo" sagot
Simula noong sinabi niya sa harap ng mga kaibigan niya't ibang istudyante na girlfriend na niya ako. Marami ng mata ang laging nakatingin sa akin at lahat ito ay matatalim."Pabayaan mo lang sila, kaya ka naman ipagtanggol ng boyfriend mo" kumento ni Kenji na kumakain ng stick-o sa tabi ko. Nasa field kami ngayon dahil wala kaming pumasok ng guro para sa oras na ito."Hindi naman ako doon nag-aalala. Sa inyo ako ni Megumi nag-aalala, kayo lagi ang kasama ko baka anuhin nila kayo" napabuntong hininga ako. Inabutan niya ako ng isang stick-o."Sa amin ka pa talaga nag-alala, kaya namin sarili namin. Ikaw lang ang weak satin" tinignan ko siya ng masama. Nakatingin lang siya sa mga naglalaro sa field habang kumakain."Kaya ko ang sarili ko no" akma sana akong kukuha ng stick-o niya ng hampasin niya ang kamay ko."Binigyan ka na, mangunguha ka pa" tugon niya."Grabe, isa lang bi
“Bakit ang tahimik mo kaninang dinner? Di ka pa din ba okay kay Kenji?” tanong ko kay Spencer pagkapasok namin ng kwarto. Umuwi na sila Megan at Kenji, nakapaglinis na din ako ng kusina.“Hindi ko siya gusto pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gugustuhing maging kaibigan mo. He’s been a good friend to you, nakakairita lang talaga yung ugali niya,” sagot niya.“Eh bakit parang may iniisip ka kanina?” tanong ko.“Iniisip ko lang kasi kung sino ang magiging model na ihahandle mo,” sagot pa niya bago nahiga. “Paano kung lalaki iyon at magkagusto sayo?”“Spens, trabaho ang gagawin ko saka tingin mo ba magkakagusto iyon sa akin? Model ang pagsisilbihan ko, matataas ang standard ng mga iyon,” paliwanag ko sa kanya para mawala ang worries niya.“Dyan mo ba talaga gusto magtrabaho?” tanon
Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview.“Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto.“Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer.“Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.”Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy.
MATAPOS NG ILANG ARAW na pag-iisip, heto na ako’t pauwi na sa amin kasama si Spencer. Napag-usapan naming kakausapin namin si inay na mananatili ako sa Maynila kasama si Spencer ngunit hindi bilang katulong niya kundi bilang nobyang kinakasama. Sa katunayan, nasabihan ko na si inay sa tawag sa plano namin ni Spencer pero sabi ko ay uuwi pa din ako sa bahay para mas mapag-usapan namin. Habang nasa byahe kami ay tumitingin ako ng mga hiring sa internet. Madami na akong napasahan ng resume pero dahil wala pang nagreresponse ay minabuti kong maghanap hanap pa. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nila Lunar at Solar. “Ate!” sabay na tawag ng mga kapatid ko saka sakin yumakap pagkalapit. “Nasan ang inay?” tanong ko sa kanila. “Nasa loob siya ate, nagluluto pa po,” tugon naman ni Lunar. Sabay sabay kaming pumasok sa loob habang tahimik lang sa may likuran ko si Spencer. “Inay.” Nilapitan ko siya saka nagmano
Matapos ang araw na iyon, maingat ko ng pinagmasdan ang mga kilos ni Spencer. Mukha naman siyang normal na’t hindi aabot sa punto na iyon pero tuwing sinasabi niyang huwag ko siyang iwan ay nakakapangamba. Tuwing binabanggit niya kasi iyon ay tila sobra niyang lungkot.“Saan mo gusto magcollege?” tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa cellphone niya ngayong kumakain kami ng pananghalian.“College? H-hindi na ako magka-college,” sagot ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral para makapagtrabaho na’t makatulong kila inay.“Bakit? Edi hindi kita makakasama sa pag-aaral ko,” tugon niya ng nakakunot ang noo.“Kaya mo naman mag-aral ng wala ako, ano bang inaalala mo? Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko,” mahinahon kong sabi. Padabog siyang tumayo sa pagkakaupo niya saka tumingin sa akin ng masama.
"Salamat Isha, sabi ko na nga ba't ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya" niyakap ako ni Megumi. Nandito kami ngayon sa mansyon nila mr. Cane kung saan nakaburol ang labi ni Carmen. Tahimik man si Spencer sa upuan niya ay hindi mapagkakaila ang kalungkutan niya kahit pa sabihing hindi na siya umiiyak. "Nga pala, hinanap ka ulit sakin ni Gil nung nagkita kami last time, hindi mo ba siya tinext?" dagdag niya matapos humiwalay."Hindi eh, nakalimutan ko. Bakit daw ba?" tanong ko."Ewan ko, may gusto yata yun sayo eh" kumento pa niya.Gustodaw.."Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi ni Spencer?"A-anonganongnangyari?Anonggusto
"Kay Spencer?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba."Di namin kayang pakalmahin si Spencer tuwing nagwawala siya kaya pinuntahan kita para tulungan kami, alam kong mahal ka niya kaya alam kong makikinig siya sayo" paliwanag niya. Pero paano kung hindi rin siya sa akin makinig? Natatakot ako.Hanggang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ko pansamantala ay naging tahimik lang ako."Mahalaga kay Spens si Carmen, di man babaeng iniibig pero bilang babaeng naging tunay na kaibigan sa kanya" napatingin ako kay Megumi matapos niyang magsalita sa hangin. "Isha, pasensya ka na talaga pero ikaw lang ang naisip kong makakatulong sa amin"Matapos niya ako maihatid sa kwartong gagamitin ko ay umalis na siya dahil hinahanap na daw siya sa kanila.Nagpagulong gulong ako sa malamb
Sabado ngayon at sakto namang pinasara ang grocery dahil may gagawin ang boss namin."Dito po ba nakatira si Miss Loukrisha Makabajo?" may paninigurong tanong sa akin ng lalaking nakamotor matapos niyang huminto sa tapat ng bahay namin."Yes po, ako po iyon," sagot ko saka siya bumaba sa motor niya't kinuha ang isang may kaliitang kahon sa compartment ng motor niya't iniabot ito sa akin."Pakipirmahan na lang po ito ma'am" marahan kong pinirmahan ang iniabot niyang papel saka siya nagpaalam at umalis.Ano ito? Mariin kong sinuri ang kahon na ibinigay sa akin saka ko ito binuksan.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya agad ko itong kinuha saka tinawag si inay. "INAY!!!""Anong nangyari? May sunog ba?!" may pagkahysterical na tanong ni inay matapos makalabas sa banyo kung saan siya naliligo. Nakatapis lang siya't may shampoo pa sa ulo na talaga
Mabilis lumipas ang mga araw. Mabilis akong nasanay sa trabaho ko sa grocery at talagang kasundo ko na ang mga kasamahan ko."Ate sino yun?" Tanong sa akin ni Solar matapos akong makitang nagpaalam sa kasabay ko umuwi."Katrabaho ni ate," sagot ko kay Lunar na nakadungaw sa mga katrabaho ko. Dito din sila nakatira kaya nagsasabay sabay na kaming umuwi."Wala ka doong crush?" Natawa ako sa tanong niya. Itong batang to talaga, saan kaya niya natutunan iyong crush crush na iyon."Wala Lunar, trabaho lang nasa isip ni ate," tugon ko saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay.Naupo muna ako sa plastik na silya para makapagpahinga. Halos buong araw kasi akong nakatayo sa grocery."Anak, nandyan ka na pala," bati ni inay matapos makapasok sa bahay. May bitbit bitbit siyang plastik na may lamang gulay. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko saka nagmano sa kanya.
Di ko na inintay mag-umaga matapos ang madramang pag-uusap namin. Mabilis akong nag-impake at agad na ding bumyahe pauwi sa amin.Nag-iwan na rin ako ng mensahe kay Megumi at Kenji na aalis na ako. Maging kay donya Alicia ay nagpaalam na ako't nagpasalamat at sa reply niya sa akin ay napagtanto kong alam na niyang ganito ang mangyayari. Mukhang nag-usap na sila ni Spencer bago pa man kami nag-usap.Bandang alasingko ng umaga ako nakarating sa amin. Hindi man sadya ay masaya akong makauwi sa bahay namin."Inay" kasabay ng pagkatok ko sa pintuan ay ang pagtawag ko kay inay."Isha anak, di ka nagpasabing uuwi ka" agad kong niyakap si inay saka ako humagulgol ng iyak. "A-anak, anong nangyari?""Nay, ang sakit nay" patuloy akong umiyak hanggang makapasok kami ng bahay at mapagod ako kakaiyak."Makikinig si inay, ano ang nangyari sayo?" tanong niya habang nakaupo't nakaakbay sa