"Earth to Isha, girl anong nangyari sayo at tulala ka dyan?" tanong sa akin ni Megumi na kanina pa kumakaway sa harapan ko.
"Napaisip lang ako dun sa kwento ni ma'am sa English about sa love story niyang nagumpisa sa kiss" sabi ko saka ako tumingin sa labas ng bintana at sakto pagtingin ko sa baba ay si Spencer agad ang nakita ko. Shocks! Bakit naman sa dinami dami ng makikita siya pa.
"Bakit namumula ka? Anong nakita mo?" tanong na naman ni Megumi saka akmang titingin sa bintana pero pinigilan ko't hinila palabas ng room tutal break time na. "Nababaliw ka na girl"
"Siguro nga" natatawa tawa kong sabi. Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla kaming hinarangan ng anim na babae na kung titignan at ia-analyze ko ang itsura nila ay masasabi kong mga mean girl ang mga ito.
"May kailangan ba kayo samin?" matapang na tanong ni Megumi.
"Sayo? Wala, pero sa malanding iyan, meron" duro pa ng tila lider nila sa akin.
"Anong kailangan ninyo sa akin?" tanong ko pero kaysa sagutin ay hinila na nila ako palayo kay Megumi na hawak hawak ng dalawa sa kanila. Dinala nila ako sa likod ng building saka pabatong binitawan sa gilid ng pader.
"Bakit mo nilalandi si Kenji Sandoval alam mo bang hindi kayo bagay? Mukha kang paa at mukha naman siyang anghel" kumento pa ng isa. Makamukhang paa naman itong mga ito akala mo kegaganda.
"Hindi ko nilalandi si Kenji, magkaibigan lang kami saka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sampalin na ako ng lider nila saka ako hinawakan ng dalawa sa kanila. Ang sakit. "Ano ba, bitawan ninyo ako"
"Tumahimik ka malandi ka, napaka kati mo! Anong gayuma ginamit mo para lapit lapitan ka ni Kenji ha?" binigyan niya muli ako ng isang sampal na ikinaputok ng labi ko dahil sa singsing niyang tumama. Inferness, ang hapdi. "Sa susunod na makikita pa kitang kasama--"
"Anong gagawin mo?" sabay sabay kaming napatingin sa lalaking dumating. Nakataas ang isa nitong kilay habang nakasimangot at nakapamulsa.
"S-Spencer.." wika nila sa pangalan ng lalaking dumating.
"Sumagot kayo, anong gagawin ninyo sa kanya?" halata sa tono niya ang galit na tila magsalita lang ang isa sa amin ay mangangagat na siya. Ginawa ko naman yatang aso si sir.
"W-wala. Tara na!" sagot nila saka sila nagtakbuhan palayo at naiwan kami ni sir Spencer.
"Sa susunod ayoko ng nakikitang kasama ka ng lalaking iyon" sabi niya. Wow! Isa rin ba siya sa mga mean girl at parehas silang pinapalayo ako kay Kenji.
"At sino ka para pagbawalan siyang makasama ako?" sulpot bigla ni Kenji sa kabilang gilid.
"Ako ang amo niya, nagpapasahod at nagpapa-aral sa kanya" sagot ni Spencer. A-akala ko ba, ayaw niyang may makaalam? "Eh, ikaw? Kaibigan ka lang niya, diba?"
"It's ka-ibigan not kaibigan" may ngising sagot ni Kenji. Seriously? Anong kalokohan ito.
"What a joke dude" sarkastiko siyang tumawa.
"Sino nagjo-joke, ikaw dude?" may himig pang-aasar na sagot ni Kenji. Nangangamoy away ito.
"Enough, para kayong mga bata" pagitna ko sa nonsense nilang usapan pero kaysa tumigil ang dalawa ay sabay pa silang lumapit sa akin at sabay na hinawakan ang braso ko. Ano, maganda na ako sa lagay kong ito?
"Tara na" sabay nilang sabi. Napansin kong lalong nalukot ang mukha ni sir Spencer samantalang nakangisi naman si Kenji.
Hay nako Kenji, ang lakas ng pang-asar mo.
"Wag ka ng umeksena dahil pag-aari ko na ang babaeng ito" may diing sabi ni sir Spencer. Pag-aari? Aba, hindi niya ako binili para sabihin niyang pag-aari niya ako.
"Talaga? Parang hindi naman" pwersahan akong hinila ni Kenji na hindi inasahan ni sir Spencer kaya nabitawan niya ako. B-bakit parang nalungkot ako noong nabitawan ako ni sir Spencer.
"Ano bang problema mo, bakit ba umeeksena ka sa amin" biglang kinwelyuhan ni sir Spencer si Kenji.
"Diba dapat linya ko yan" matalim naman na tingin ang iginawad ni Kenji.
"Tumigil na nga kayo! Ano ba!" kinalas ko ang pagkakahawak sa akin ni Kenji at muli akong pumagitna sa kanila para mapaghiwalay sila pero kahit pa napaghiwalay ko na sila ay patuloy pa rin ang masasamang tinginan nila. "Pumasok na tayo, tapos na ang break time" dagdag ko pa saka ko hinila si Kenji.
Hanggang makauwi ako sa bahay ay iniisip ko pa rin ang naging asal ng amo ko.
"Sir, nandyan na pala kayo" bati ko kay sir Spencer na dinaanan lang ako na tila hindi niya nakita. "Sir, nakahanda na ho yung pagkain ninyo, kumain ho muna kayo" dagdag ko pa pero hindi niya ako pinansin kaya naisip kong dalhin na lang sa kwarto niya ang pagkain niya.
Matapos kong kumatok ay pumasok na ako dala dala ang tray na pinagpapatungan ng pagkain niya. "Dinala ko na lang ho yung pagkain ninyo"
"Ayokong kumain" matabang na sagot niya sa akin habang nakahiga't nakatakip ng unan ang mukha. Para siyang sila Lunar at Solar pagnagtatampo, nakatakip din ang unan sa mukha nila. Hay! Namiss ko bigla ang kambal.
Marahan kong inilapag ang dala kong tray sa side table niya sa kama saka ako umupo sa kama niya at sinubukang alisin ang unan sa mukha niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak na tila ayaw niyang ipakita sa akin ang mukha niya.
"Ano ba! Umalis ka na nga dito dun ka na sa ka-ibigan mo!" pasigaw niyang sabi. "Hindi kita kailangan dito, umalis ka na!" Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi sa sinabi niya pero kaysa sumagot ay pinili ko na lang na lumabas sa kwarto niya.
Wala pang ilang minuto noong lumabas ako ay biglang tumunog ang cellphone ko at laking tuwa ko na pangalan ni inay ang lumabas na tumatawag sa screen kaya agad ko itong sinagot.
"Hello inay?" masaya kong sagot na agad naman naglaho noong magsalita na ang kausap ko.
"Ineng si ate mo Lolita ito, kapatid ni ate mo Lorna, ang inay mo isinugod namin sa ospital, bigla na lang kasi siyang nahimatay.."
A-anong nangyari kay inay?
"Ineng si ate mo Lolita ito, ang inay mo isinugod namin sa ospital, bigla na lang kasi siyang nahimatay" sagot ni ate Lolita na kapatid ni ate Lorna. "Baka naman pwede kang umuwi dito, kailangan ka kasi namin dito""O-opo, uuwi ho ako ngayon din dyan" lumuluhang sabi ko saka tumakbo papasok sa kwarto ko. Inihanda ko na ang gamit ko sa pag-alis ko saka ko inasikaso ang lahat ng gawaing bahay pati ang pagkain na kakainin ng amo ko bukas. Bago ako umalis ng tuluyan ay nag-iwan na lang ako ng sulat na kailangan kong umalis pansamantala at ng contact dahil mukhang hindi makikipag-usap sa akin si sir Spencer."Kayo na lang muna bahala sa akin sa school Megumi, tatawag din ako kay donya Alicia para sabihing uuwi muna ako" sabi ko kay Megumi na kausap ko sa cellphone."Sige mag-iingat ka Isha, tawagan mo ko pagmay need ka ha? Kahit pera, papahiramin kita" sagot pa niya."Pakibantayan na lang muna ang pinsan mo par
Inaamin ko namang nung una ayoko talaga sa kanya pero nung nagtagal na ako sa bahay niya ay pakiramdam ko, hindi ko na kayang gumising ng hindi siya napagsisilbihan saka nung hinalikan niya ako? Pakiramdam ko, their something magical and I knew, it was love.Pero mali eh! Hindi pwede."Wag mo kong titigan Loukrisha" from the first time in forever, tinawag niya ako sa pangalan ko. "I'm asking you""Hindi kasi ako sure since amo kasi talaga kita" pinagdikit ko ang mga dulo ng daliri ko sa sobrang kakabahan ko.
"W-what? Kayo na?" nanlalaki ang mga mata ni Megumi matapos kong sabihin sa kanya na kami na ng pinsan niya. Nandito kami ngayon sa field ng school, nakaupo sa damuhan matapos namin kumain sa cafeteria. "Omg! That's a good news. Akalain mo yun, kahit pangit ugali niya, may papatol sa kanya""May sinasabi ka Megumi?" sabay kaming napalingon ni Megumi sa likuran. Nakatayo si Spencer doon habang kunot ang noo."Wala, wala. Bat ka nandito? Di mo naman kami nilalapitan sa school ah" kumento ni Megumi.Pumaupo si Spencer sa tabi namin sa bandang gitna. "Iba na ngayon""Kayo ha" tinusok tusok ni Megumi ang balikat ng pinsan niya."Hindi nakakatuwa Megumi. Tumigil ka nga" saway niya. Hindi pa din talaga nagbabago ang ugali niya."Hayaan mo siya, natutuwa lang siya" saway ko naman siya. Tumingin siya sa akin saka nagpout. Syet! Ang cute niya.
"Sabay kayo pumasok ng amo mo ah" kumento ni Kenji pag-upo ko sa pwesto ko. Nakapaharap siya sakin habang nakapangalumbaba."Nakita mo pala kami" tugon ko."Di ko naman sasabihin kung hindi, diba? Minsan talaga di ko alam kung bat nasa section 1 ka" binatukan ko siya. "Mapanakit ka""Ang epal mo kasi" sabi ko na ikinangisi niya."Umamin ka nga sakin, anong meron sa inyo ng amo mo?" bigla akong namula. "Ah, kayo na""H-hoy, wala pa akong sinasa--" di na niya ako pinatapos."Di mo naman kailangan sabihin, halata kaya" nakangisi niyang sabi. "Sabi ko na nga ba, may gusto sayo yun eh""Hoy, wala kang sinabi no" binelatan ko siya."Kita mo, isa ka ding epal eh" tumawa ako sa sinabi niya."Hi guys, anong pinagkwekwentuhan nyo?" masiglang bungad ni Megumi."Wala. Ang ingay mo" sagot
Simula noong sinabi niya sa harap ng mga kaibigan niya't ibang istudyante na girlfriend na niya ako. Marami ng mata ang laging nakatingin sa akin at lahat ito ay matatalim."Pabayaan mo lang sila, kaya ka naman ipagtanggol ng boyfriend mo" kumento ni Kenji na kumakain ng stick-o sa tabi ko. Nasa field kami ngayon dahil wala kaming pumasok ng guro para sa oras na ito."Hindi naman ako doon nag-aalala. Sa inyo ako ni Megumi nag-aalala, kayo lagi ang kasama ko baka anuhin nila kayo" napabuntong hininga ako. Inabutan niya ako ng isang stick-o."Sa amin ka pa talaga nag-alala, kaya namin sarili namin. Ikaw lang ang weak satin" tinignan ko siya ng masama. Nakatingin lang siya sa mga naglalaro sa field habang kumakain."Kaya ko ang sarili ko no" akma sana akong kukuha ng stick-o niya ng hampasin niya ang kamay ko."Binigyan ka na, mangunguha ka pa" tugon niya."Grabe, isa lang bi
"Kyaaaaah! What is the meaning this!" wala sa oras akong napadilat at tarantang napaupo dahil sa matinis na tili ng isang babae. Kinusot kusot ko ang mata ko't tinignan ang dalawang di pamilyar na tao sa harapan ko. Sino sila? Paano sila nakapasok sa bahay? "Oh my ghad! He's cheating on--""Shut up Carmen" putol ng may edad ng ginoo sa magandang babae na tila hindi makapaniwala sa nakita. Kunot pa din ang noo niyang nakatingin sa akin "Can I know your name miss? And what do you think you're doing?""I-I'm Laukrisha Makabajo--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magreklamo si Spencer na mukhang naalimpungatan sa amin."Bakit ba ang ingay? Lumabas nga kayo sa kwarto ko!" nakapikit na sabi niya saka dinampot at binato ang unan na nahawakan niya kung saan nandun ang may edad na ginoo. "Ikaw naman, mamaya ka na bumangon. Higa""Spencer" may himig pananaway na sabi ko habang tinatapik ang braso niyang
"Hindi ako makakasabay pag-uwi mamaya" tugon ni Spencer na dinayo pa ako sa klase ko bago matapos ang lunch break."Busy?" tanong ko saka bahagyang sumandal sa frame ng pintuan."Medyo" kibit balikat niyang sagot."Nang galing ka ba sa labas Spencer? Anong ginawa mo?" napansin ko ang bahagyang paglaki ng mata niya at agad na pag-iwas ng tingin. Anong ginawa mo?"I am, tumawag si lola may inutos lang" sagot niya. "Hinanap mo ba ako?""Hindi naman. Nakita lang kitang pumasok ulit ng main gate" saka ko siya nginitian. Tumango tango siya. "Sige na bumalik ka na sa klase nyo at matatapos na ang break""Kita na lang tayo sa bahay" hinalkan niya ako sa noo bago siya patakbong bumalik sa klase niya.Masyado akong nag-aalala. May inutos lang naman pala ang donya.Agad na natapos ang klase namin at agad akong umuwi para makapagluto
"Napatunganga ka" kumento ni Kenji sa akin ng mahinto ako sa pagsasalita't mapatulala sa kanya na nakabaligtad na nakaupo sa upuan at nakapaharap sa akin."May naalala lang" palusot ko saka siya nginitian."Pero napaisip ako doon sa sinabi ni Kenji. Pwedeng tama siya na hindi eh" napatingin kami kay Megumi na mukhang nag-iisip. "Oo, highschool lang si Spens at minor pero kahit noon pa, sinasama na siya ni lola sa ibang business trip niya dahil nakikitaan na daw niya ng potensyal si Spens sa larangan ng pagnenegosyo"Napatango tango ako. So, pwede pala."Pwede pala yun? May potensyal sa business field kahit di gaanong matalino" bored na kumento ni Kenji."Alam mo ikaw, kontrabida ka lagi" dinuro siya ni Megumi. Marahan naman ako sa kanilang natawa. Kailan kaya sila magkakasundo?Agad kami nanahimik ng pumasok na ang teacher namin. Umayos na si Kenji ng upo
“Bakit ang tahimik mo kaninang dinner? Di ka pa din ba okay kay Kenji?” tanong ko kay Spencer pagkapasok namin ng kwarto. Umuwi na sila Megan at Kenji, nakapaglinis na din ako ng kusina.“Hindi ko siya gusto pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gugustuhing maging kaibigan mo. He’s been a good friend to you, nakakairita lang talaga yung ugali niya,” sagot niya.“Eh bakit parang may iniisip ka kanina?” tanong ko.“Iniisip ko lang kasi kung sino ang magiging model na ihahandle mo,” sagot pa niya bago nahiga. “Paano kung lalaki iyon at magkagusto sayo?”“Spens, trabaho ang gagawin ko saka tingin mo ba magkakagusto iyon sa akin? Model ang pagsisilbihan ko, matataas ang standard ng mga iyon,” paliwanag ko sa kanya para mawala ang worries niya.“Dyan mo ba talaga gusto magtrabaho?” tanon
Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview.“Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto.“Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer.“Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.”Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy.
MATAPOS NG ILANG ARAW na pag-iisip, heto na ako’t pauwi na sa amin kasama si Spencer. Napag-usapan naming kakausapin namin si inay na mananatili ako sa Maynila kasama si Spencer ngunit hindi bilang katulong niya kundi bilang nobyang kinakasama. Sa katunayan, nasabihan ko na si inay sa tawag sa plano namin ni Spencer pero sabi ko ay uuwi pa din ako sa bahay para mas mapag-usapan namin. Habang nasa byahe kami ay tumitingin ako ng mga hiring sa internet. Madami na akong napasahan ng resume pero dahil wala pang nagreresponse ay minabuti kong maghanap hanap pa. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nila Lunar at Solar. “Ate!” sabay na tawag ng mga kapatid ko saka sakin yumakap pagkalapit. “Nasan ang inay?” tanong ko sa kanila. “Nasa loob siya ate, nagluluto pa po,” tugon naman ni Lunar. Sabay sabay kaming pumasok sa loob habang tahimik lang sa may likuran ko si Spencer. “Inay.” Nilapitan ko siya saka nagmano
Matapos ang araw na iyon, maingat ko ng pinagmasdan ang mga kilos ni Spencer. Mukha naman siyang normal na’t hindi aabot sa punto na iyon pero tuwing sinasabi niyang huwag ko siyang iwan ay nakakapangamba. Tuwing binabanggit niya kasi iyon ay tila sobra niyang lungkot.“Saan mo gusto magcollege?” tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa cellphone niya ngayong kumakain kami ng pananghalian.“College? H-hindi na ako magka-college,” sagot ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral para makapagtrabaho na’t makatulong kila inay.“Bakit? Edi hindi kita makakasama sa pag-aaral ko,” tugon niya ng nakakunot ang noo.“Kaya mo naman mag-aral ng wala ako, ano bang inaalala mo? Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko,” mahinahon kong sabi. Padabog siyang tumayo sa pagkakaupo niya saka tumingin sa akin ng masama.
"Salamat Isha, sabi ko na nga ba't ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya" niyakap ako ni Megumi. Nandito kami ngayon sa mansyon nila mr. Cane kung saan nakaburol ang labi ni Carmen. Tahimik man si Spencer sa upuan niya ay hindi mapagkakaila ang kalungkutan niya kahit pa sabihing hindi na siya umiiyak. "Nga pala, hinanap ka ulit sakin ni Gil nung nagkita kami last time, hindi mo ba siya tinext?" dagdag niya matapos humiwalay."Hindi eh, nakalimutan ko. Bakit daw ba?" tanong ko."Ewan ko, may gusto yata yun sayo eh" kumento pa niya.Gustodaw.."Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi ni Spencer?"A-anonganongnangyari?Anonggusto
"Kay Spencer?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba."Di namin kayang pakalmahin si Spencer tuwing nagwawala siya kaya pinuntahan kita para tulungan kami, alam kong mahal ka niya kaya alam kong makikinig siya sayo" paliwanag niya. Pero paano kung hindi rin siya sa akin makinig? Natatakot ako.Hanggang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ko pansamantala ay naging tahimik lang ako."Mahalaga kay Spens si Carmen, di man babaeng iniibig pero bilang babaeng naging tunay na kaibigan sa kanya" napatingin ako kay Megumi matapos niyang magsalita sa hangin. "Isha, pasensya ka na talaga pero ikaw lang ang naisip kong makakatulong sa amin"Matapos niya ako maihatid sa kwartong gagamitin ko ay umalis na siya dahil hinahanap na daw siya sa kanila.Nagpagulong gulong ako sa malamb
Sabado ngayon at sakto namang pinasara ang grocery dahil may gagawin ang boss namin."Dito po ba nakatira si Miss Loukrisha Makabajo?" may paninigurong tanong sa akin ng lalaking nakamotor matapos niyang huminto sa tapat ng bahay namin."Yes po, ako po iyon," sagot ko saka siya bumaba sa motor niya't kinuha ang isang may kaliitang kahon sa compartment ng motor niya't iniabot ito sa akin."Pakipirmahan na lang po ito ma'am" marahan kong pinirmahan ang iniabot niyang papel saka siya nagpaalam at umalis.Ano ito? Mariin kong sinuri ang kahon na ibinigay sa akin saka ko ito binuksan.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya agad ko itong kinuha saka tinawag si inay. "INAY!!!""Anong nangyari? May sunog ba?!" may pagkahysterical na tanong ni inay matapos makalabas sa banyo kung saan siya naliligo. Nakatapis lang siya't may shampoo pa sa ulo na talaga
Mabilis lumipas ang mga araw. Mabilis akong nasanay sa trabaho ko sa grocery at talagang kasundo ko na ang mga kasamahan ko."Ate sino yun?" Tanong sa akin ni Solar matapos akong makitang nagpaalam sa kasabay ko umuwi."Katrabaho ni ate," sagot ko kay Lunar na nakadungaw sa mga katrabaho ko. Dito din sila nakatira kaya nagsasabay sabay na kaming umuwi."Wala ka doong crush?" Natawa ako sa tanong niya. Itong batang to talaga, saan kaya niya natutunan iyong crush crush na iyon."Wala Lunar, trabaho lang nasa isip ni ate," tugon ko saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay.Naupo muna ako sa plastik na silya para makapagpahinga. Halos buong araw kasi akong nakatayo sa grocery."Anak, nandyan ka na pala," bati ni inay matapos makapasok sa bahay. May bitbit bitbit siyang plastik na may lamang gulay. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko saka nagmano sa kanya.
Di ko na inintay mag-umaga matapos ang madramang pag-uusap namin. Mabilis akong nag-impake at agad na ding bumyahe pauwi sa amin.Nag-iwan na rin ako ng mensahe kay Megumi at Kenji na aalis na ako. Maging kay donya Alicia ay nagpaalam na ako't nagpasalamat at sa reply niya sa akin ay napagtanto kong alam na niyang ganito ang mangyayari. Mukhang nag-usap na sila ni Spencer bago pa man kami nag-usap.Bandang alasingko ng umaga ako nakarating sa amin. Hindi man sadya ay masaya akong makauwi sa bahay namin."Inay" kasabay ng pagkatok ko sa pintuan ay ang pagtawag ko kay inay."Isha anak, di ka nagpasabing uuwi ka" agad kong niyakap si inay saka ako humagulgol ng iyak. "A-anak, anong nangyari?""Nay, ang sakit nay" patuloy akong umiyak hanggang makapasok kami ng bahay at mapagod ako kakaiyak."Makikinig si inay, ano ang nangyari sayo?" tanong niya habang nakaupo't nakaakbay sa